Makalipas ang dalawang lingo mula nang makalabas na si Dimitri sa hospital ay ngayon lang ulit sila nagkaharap ni Sandy.Tinitigan ni Dimitri ang kasunduan na nakapaloob sa divorce agreement at ilang cards sa kanyang mga kamay. Napa-angat ang tingin niya kay Sandy habang nakasalubong ang mga kilay!“Sigurado ka?” asik niya ‘t nagpipigil ng galit. Napataas kilay naman si Sandy “Oo, sa tingin mo ba ay may oras pa akong magbiro? Pirmahan mo na iyan para maasikaso na ‘t matapos na agad.Pinakatitigan ni Dimitri ang asawa. Sa tatlong taon nilang kasal. Ginawa nito ang lahat para maging karapat-dapat bilang asawa niya ‘t dalhin ang apilyedo ng Vinocencio. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay ibang-iba na ito sa nakilala niyang si Sandy. Napapatanong na lang siya sa kanyang sarili kung dahil ba sa kasamaan niyang nagawa rito kung kaya ‘t bigla na lamang ang pagbabagi nito?Kung dati ay wala kang makikita rito kung ‘di ang maganda at maamo nitong mukha? Ngayon ay halata ang magkainip at ani m
‘Mukhang hindi naman talaga siya nagpunta!’ Imposible kasing 20 minutes na lang naman ang sinabi niyang maghintay ito ay hindi pa nito magagawa!Sumakay na siya ng kotse at habang nakaupo ay huminga siya ng malalim dahil mukhang mabibigo na naman siyang magawa ang pag-apply ng pagdi-divorce nilang dalawa. Muli niya itong tinawagan upang sabihin na papunta na talaga siya. “Dimitri, hindi ka naman talaga napunta sa Civil Affairs Bureau, ‘di ba?Muli ay naiinis na naman si Dimitri “Ako? Ano tingin mo sa akin? Katulad mong walang isang salita?” Si Sandy na nga umano ang nahuli ng dating ay siya pa ang paghihinalaan nito!Ngunit sigurado si Sandy na hindi talaga ito pumunta, "Kung gayon ay padalhan mo ako ng larawan ng pinto ng Civil Affairs Bureau katunayan na nariyan ka nga–”Ngunit nabitin ang sasabihin ni Sandy nang pinatayan na siya ni Dimitri ng tawag.Sa inis ay pinaghahampas ni Sandy ang kanyang manibela. “Ahhh! Ang yabang niya talaga!”Nakatanggap siya ng mensahe kay Corrine na
"Magkano ba ang halaga ng kotseng ‘to?" tanong ni Corrine nang makababa na siya sa kotse at tinitigan ang sports car na nakaipit sa ilalim ng puwetan ng Volkswagen nilang dala. “Hindi ko alam, for sure ay mahal iyan. Akala ko, alam mo.”“Gosh, girl! Ang mahal nito. Nagpa-panic ako, pero hindi ako tanga!" ani niya dahil tiyak na malaking pera ang kailangan para sa pagpapa-ayos nito. Bumaba na rin si Sandy para matingnan kung alin nga ba ang may sira. “Nasaan ba?”Nagka-panabay silang bumaba ng isang lalaki na may ari ng sport car. Matangkad ito at maputi, naka-shades ito kung kaya ‘’t hindi tanging ang kalahati lang ng mukha nito ang nakikita nila lalo na ang natural na mapula nitong labi at matangos na ilong. Nang magtapat na sila ay iniluwa nito ang chewing gum at nginitian silang dalawa at muling bumaling ang mga mata kay Sandy. “Hi beautiful, parang pamilyar ang mukha mo sa akin, nagkakilala na ba tayo minsan?” Nakangiting tanong nito kay Sandy. Sa sinabing iyon ng lalaki ay sak
Napangiti si Corrine pagkapasok ng elevator hanggang sa pintuan ng opisina ng CEO, narinig nito ang boses na nagmumula sa loob, "Nandito ba si Ms. Ariela?” tanong pa na boses ng isang lalaki at sila na nga ang hinihintay. Nang bumukas ang pinto ay sabay silang nagulat nang makita nilang si Darius ang bumungad sa kanila. "Mr. Altamonte, magandang hapon po. Ako si Ariela, ang owner ng Ariela's Jewelry,” magalang na bati nito kay Darius. “At siya naman si Sandy, magpakilala naman na kayo ‘di ba? Siya ang assistant ko.”"Assistant ka niya?” aliw na tanong nito kay Sandy. “Kuya, Nalulugi na ba ang kumpanya mo para hayaan mo pang magtrabaho ang asawa mo?” natatawang tanong nito kay kay Dimitri na naro'n din pala. Sinundan ng tingin ni Sandy kung saan nakatututok ang mga mata ni Darius at nakita nga niya sa loob ang asawa na prenteng nakaupo sa sofa malapit sa pintuan.Kahit na silhouette lang ito, nakikilala pa rin ito ni Sandy sa isang sulyap na si Dimitri nga iyo at hindi niya maiwasan
Nakatulog si Sandy buong byahe at wala rin siyang narinig na kahit na ano. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay agad siyang nagtaka kung bakit hindi naman ang shop ang kinaroroonan nila kun 'di nasa tapat sila ng newly developed apartment. Napalingon siya kay Corrine na abala sa kalalaro sa cellophone nito na nagtataka rin na natunghay sa kanya. "May bago ba tayong kliyente?" tanong ni Sandy kay Corrine na agad naman na lumapad ang ngiti sa labi sabay itinaas ang susi. Wala siyang ideya na ikinuha siya ng bagong matitirhan ng kaibigan. Hindi gaano kalakihan ngunit may tatlong silid at isa ro'n ang masters bedroom na para sa kanya. "Naisip kong mas maganda kung dito ka, mas mapapanatag ako dahil ma safe ka rito. Hindi naman it9 kalayuan sa shop kaya hangga 't hindi pa granted ang divorce ninyo ay nag-aalala ako na baka king6ano na naman ang gaein sa iyong g*gong iyon! Naka-pangalan ito sa pangalan ko pansamantala at kapag malaya ka na sa lalaking iyon ay isasalin ko na
"Wow! Mas lalong gumaganda ka pa sa ayos mong iyan, Ma’am Sandy. Talagang mai-inlove niyan ng husto si Sir Dimitri sa iyo kapag nakita ka na," puri ng kasamabay nilang si Eden na siyang ikinangiti naman ni Sandy. Makikita pa sa mukha ni Eden ang pagkamakha habang nakatitig sa amo niyang babae.Umikot-ikot pa si Sandy na ani mo'y isang Disney Princess with her color beige above the knee dress na talagang mapapatingin ang kahit na sino kapag siya ay makita dahil mas lalong lumabas ang kaniyang kaputian, maging ang kaniyang mga binti na maganda ang hubog at tuwid na tuwid. Tila ba siya isang modelo, kumikinang pa ang kaniyang kutis na talagang alaga sa akin care. Excited na siya sa pagdating ni Dimitri kaya maaga pa lang ay nag-asikaso na siya upang paghandaan ang kanilang third year wedding anniversary. Hindi niya rin kasi ito nabati kanina dahil pagkagising ay wala na ito sa kan'yang tabi. Med'yo nakaramdam pa nga siya ng tampo, hindi man lang umano siya nito ginising upang batiin.
Tila nawala naman ang kalasingan ni Sandy nang marinig ang tatlong mga katagang iyon mula kay Dimitri na tila punyal namang sum*sak sa kaniyang dibdib. Sobrang sakit! Parang may bigla na lamang may bumara sa kaniyang lalamunan nang makuha ang kasagutan sa marami niyang tanong rito kanina. Sinampal siya nito ng katotonan! Hindi niya mawari ang katumbasa no'n para kay Sandy. Parang kulang pa ang libo-libong karayum na tila itinusok sa kaniyang puso na ngayon ay durog na durog na. Sapul na sapul! "Y-you s-till l-loved h-her?" nauutal pa na tanong niya ulit kasabay ang hilaw niyang pagtawa. Pilit niya na nilalabanan ang sariling emosyon ngunit ang totoo ay hinang-hina na siya katulad ng tatlong taong puntadasyo na sinikip niyang pagtibayin. Inakala niya pa ay nakuha na niya ng buo si Dimitri. Umasa siyang tulad sa kaniyang naramramdaman para sa lalaki ay gano'n na rin ito sa kanya subalit nagkakamali lamang pala siya, all this time! Hindi pa rin pala sapat. Pumiksi siya 't binawi a
"Daddy..." Patakbong bumama si Sandy sa mula sa mataas na hagdan nang makita ang kaniyang ama na prenteng nakaupo sa mahabang sofa sa sala. "Ariella, anak ko," maluha-luhang sambit ni Don Sibastino na ngayon ay nakatayo na 't hinihintay na makalapit ang anak na tatlong taon na nawalay sa kan'ya. Sinalubog ng kaniyang mga bisig ang ngayon ay umiiyak na si Sandy. Humihikbi na itong nakayakap sa ama na matagal na rin siyang nangulila. "Sshhh... Tanan na, anak, masaya akong nagbabalik ka. Miss na miss ka na ng daddy.""Patawad po. Patawarin mo ako, dad," lumuluhang sambit ni Sandy. "Hindi ako kailan man nagalit sa iyo kahit pa labag sa loob ko ang ginawa mong iyon, pero, 'wag mo rin isipin na hindi kita naiintindihan. Gayun pa man, siguro ay alam mo na ngayon sa sarili mo kung bakit hindi ako pabor sa desisyon mo noon?" mahabang saad ng Don habang hinahaplos ang mababang buhok ni Sandy. "Upo." Dalawang tango bilang tugon naman nito sa kaniyang ama. "May natutunan ka naman ba? Nagmah