Nakatulog si Sandy buong byahe at wala rin siyang narinig na kahit na ano. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay agad siyang nagtaka kung bakit hindi naman ang shop ang kinaroroonan nila kun 'di nasa tapat sila ng newly developed apartment. Napalingon siya kay Corrine na abala sa kalalaro sa cellophone nito na nagtataka rin na natunghay sa kanya. "May bago ba tayong kliyente?" tanong ni Sandy kay Corrine na agad naman na lumapad ang ngiti sa labi sabay itinaas ang susi. Wala siyang ideya na ikinuha siya ng bagong matitirhan ng kaibigan. Hindi gaano kalakihan ngunit may tatlong silid at isa ro'n ang masters bedroom na para sa kanya. "Naisip kong mas maganda kung dito ka, mas mapapanatag ako dahil ma safe ka rito. Hindi naman it9 kalayuan sa shop kaya hangga 't hindi pa granted ang divorce ninyo ay nag-aalala ako na baka king6ano na naman ang gaein sa iyong g*gong iyon! Naka-pangalan ito sa pangalan ko pansamantala at kapag malaya ka na sa lalaking iyon ay isasalin ko na
"Wow! Mas lalong gumaganda ka pa sa ayos mong iyan, Ma’am Sandy. Talagang mai-inlove niyan ng husto si Sir Dimitri sa iyo kapag nakita ka na," puri ng kasamabay nilang si Eden na siyang ikinangiti naman ni Sandy. Makikita pa sa mukha ni Eden ang pagkamakha habang nakatitig sa amo niyang babae.Umikot-ikot pa si Sandy na ani mo'y isang Disney Princess with her color beige above the knee dress na talagang mapapatingin ang kahit na sino kapag siya ay makita dahil mas lalong lumabas ang kaniyang kaputian, maging ang kaniyang mga binti na maganda ang hubog at tuwid na tuwid. Tila ba siya isang modelo, kumikinang pa ang kaniyang kutis na talagang alaga sa akin care. Excited na siya sa pagdating ni Dimitri kaya maaga pa lang ay nag-asikaso na siya upang paghandaan ang kanilang third year wedding anniversary. Hindi niya rin kasi ito nabati kanina dahil pagkagising ay wala na ito sa kan'yang tabi. Med'yo nakaramdam pa nga siya ng tampo, hindi man lang umano siya nito ginising upang batiin.
Tila nawala naman ang kalasingan ni Sandy nang marinig ang tatlong mga katagang iyon mula kay Dimitri na tila punyal namang sum*sak sa kaniyang dibdib. Sobrang sakit! Parang may bigla na lamang may bumara sa kaniyang lalamunan nang makuha ang kasagutan sa marami niyang tanong rito kanina. Sinampal siya nito ng katotonan! Hindi niya mawari ang katumbasa no'n para kay Sandy. Parang kulang pa ang libo-libong karayum na tila itinusok sa kaniyang puso na ngayon ay durog na durog na. Sapul na sapul! "Y-you s-till l-loved h-her?" nauutal pa na tanong niya ulit kasabay ang hilaw niyang pagtawa. Pilit niya na nilalabanan ang sariling emosyon ngunit ang totoo ay hinang-hina na siya katulad ng tatlong taong puntadasyo na sinikip niyang pagtibayin. Inakala niya pa ay nakuha na niya ng buo si Dimitri. Umasa siyang tulad sa kaniyang naramramdaman para sa lalaki ay gano'n na rin ito sa kanya subalit nagkakamali lamang pala siya, all this time! Hindi pa rin pala sapat. Pumiksi siya 't binawi a
"Daddy..." Patakbong bumama si Sandy sa mula sa mataas na hagdan nang makita ang kaniyang ama na prenteng nakaupo sa mahabang sofa sa sala. "Ariella, anak ko," maluha-luhang sambit ni Don Sibastino na ngayon ay nakatayo na 't hinihintay na makalapit ang anak na tatlong taon na nawalay sa kan'ya. Sinalubog ng kaniyang mga bisig ang ngayon ay umiiyak na si Sandy. Humihikbi na itong nakayakap sa ama na matagal na rin siyang nangulila. "Sshhh... Tanan na, anak, masaya akong nagbabalik ka. Miss na miss ka na ng daddy.""Patawad po. Patawarin mo ako, dad," lumuluhang sambit ni Sandy. "Hindi ako kailan man nagalit sa iyo kahit pa labag sa loob ko ang ginawa mong iyon, pero, 'wag mo rin isipin na hindi kita naiintindihan. Gayun pa man, siguro ay alam mo na ngayon sa sarili mo kung bakit hindi ako pabor sa desisyon mo noon?" mahabang saad ng Don habang hinahaplos ang mababang buhok ni Sandy. "Upo." Dalawang tango bilang tugon naman nito sa kaniyang ama. "May natutunan ka naman ba? Nagmah
“Girl, may chika ako sa ‘yo.”“Napaka-maretes mo talaga, Cori.” Pairap naman umupo si Corrine sa tapat niya dahil sa pagtawag na naman sa kan'ya ng kaibigan. “Badtrip naman ‘to eh. ‘Wag na nga lang!” maktol pa nito. “Hmmn… Sabihin mo na, kilala kita. Alam kong hindi mo kayang manahimik kapag tungkol sa tsismis,” pang-aasar ni Sandy sa naghahabang nguso na si Corrine habang kaniyang mga mata sa ay nasa ginagawa pa rin. “Tss. Sige na nga! Kainis ka, alam na alam mo talaga ‘ko eh,” natawa naman si Sandy. “Si Dimitri mo. Talagang gusto niyang mapa sa kan’ya ang mga designs at ang gusto pa niya ay tanging i-hire ka. Paano kaya kapag nalaman ng gag*ng iyon na ikaw ang hinanap niya? Exciting ‘di ba? Sampalin mo ng million times!” gigil na sabi pa ni Corrine na dahil sa ginawa ng lalaki sa kaibigan.“Darating din tayo riyan, talagang magpapakilala ako sa kanila,” diterminadong sabi naman ni Sandy. Sisiguraduhin niyang magmamakaawa sa kan’ya si Dimitri kapag dumating ang araw na iyon! Alam
Naghihintay na lamang si Sandy sa loob ng opisina habang naro’n pa si Corrine sa labas kausap sina Dimitri at ang babaeng kasama nito. Napapailing pa rin siya mga nangyayari, akalain mo ba naman na iyong singsing na siya mismo ang nag-designed para sa kanilang mag-asawa ay sa ibang babae pala nito ipasusuot. Muling nangilid na naman ang kanyang mga luha, aminado siyang nasasaktan siya nang makita ang dalawa na magkasama. Kung paano ngumiti si Dimitri sa babaeng at ibigay nang gano'n kadali ang nais nito ay tila naman pinipiga ang puso niya. Gusto na niyang mawala ang sakit, gusto na niyang makalimutan, hinihiling na lamang niya na isang panaginip na lang sana ang lahat. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa na nga no’n si Corrine na nakabusangot ang mukha. “Ka-imbyerna no’ng kabit ng asawa mo, ah! Ang arte, mas maganda ka pa ro’n!” “Nariyan pa ba sila?” tanong ni Sandy dahil itutuloy niya pa rin ang na-antalang plano kanina. “Wala na, pero, tinatanong no’ng damumo mong asawa kung b
Dahil sa matinding takot ni Sandy ay nawalan ito ng malay. Akala niya ay katapusan na talaga niya nang mga oras na iyon. Nakita niya ang isang kotse na nagpa-ikot-ikot sa ere matapos sumalpok ito sa isang eight wheeler truck. Sa lakas ng impact no’n ay tumilapon sa gawi ng kotse ni Sandy at pagdating na nga ni Jaimie ay nasa gano'ng ayos na ang kaniyang amo. “Young lady!” bulalas ni Jamie. Agad na pinakiramdaman ang pulso ni Sandy at nakahiga naman siya ng maluwag dahil humihinga pa naman ito bago sinuri kung may galos o sugat ba si Sandy. Nagpapasalamat naman siya dahil wala naman siyang nakitang sugat at halos rito ngunit naro'n rin ang pag-aalala kung bakit ito ang nasa lugar at walang ngang malay? Tiyak na mananagot ang kung sino man ang sumalbahe sa babae. May pinaamoy siya na kung ano kay Sandy kung kaya ‘t unti-unti naman itong nagkamalay. “Uhm.. Jaimie?” “Ako nga, mabuti at gising ka na. Ano ba ang nangyari sa iyo, young lady? Pinakaba mo naman ako.” Pagmulat ng mga mata
Chapter 7 Kinabahan man si Corrine ay hindi naman siya nagpahalata sa harap ni Dimitri, bagkos ay mas tinapangan niya pa ang expression sa kaniyang mukha. “How dare you, too. For hurting my best friend?! nais palakpakan ni Corrine ang sarili dahil hindi siya nautal nang sabihin iyon ngunit ang totoo ay nangangatog na ang kaniyang mga tuhod. Isang Dimitri Vinocencio ba naman itong tinatarayan niya. Pero sa isip-isip niya ay kailangan niyang iganti man lang ang kaibigan at ngayon ay nakapa-maiwang pa siya sa harapan ng lalaki. “It’s none of your business, Ms. Corrine. I need to see her. Nandito ako dahil nag-aalala ako sa kan'ya, kaya, please… Let me talk to my wife.” “Anong it's none of my business? She's my business, too. I'm warning you! Mr. Vinocencio. Hindi ko na hahayaan pa na saktan mo na naman ang kaibigan ko. Nasisiguro kong maayos siya rito dahil, siyempre, wala siya sa puder mo!” Tila mauubusan naman ng pasensiya si Dimitri sa kaibigan ng asawa niya. Ibang klase kasi it