"Uhmm..." ungot ni Sandy.Gumalaw siya at unti-unti niyang iminulat ang mga mata nang tila may nararamdaman siyang mabigat na nakadagan sa dalawang hita niya, iikot sana niya ang katawan para tumagilid nang may maramdaman din siyang nakayakap sa kanyang baiwang. Nagtaka siya at napakunot ang noo kung bakit? Lumingon siya sa kanyang kanan at gano'n na lamang ang gulat niya nang makita kung sino ang katabi sa kama kung kaya 'y walang pagdadalwang isip na kinuha niya ang isang unan ang pinaghahampas si Dimitri. "Hay*p ka, Dimitri! Gumising ka! Anong ginawa mo sa 'kin, buwisit ka!" galit na galit niyang sigaw!Dapat talaga ay hindi sila nagsama sa iisang silid, talagang wala na siyang tiwala sa lalaki. "Ah– Aray! Sands, aray ko– Ano ba!" naalimpungatan naman si Dimitri na masarap pa sana ang pagkakatulog. Panay ang sangga na nito ngayon sa mga hampas ni Sandy sa kanyang katawan ngunit tila humiwalay ang kaluluwa niya nang tumama ang malakas na hampas nito sa kanyang mukha. "Hindi la
"Aba, mukhang maganda ang gising ng apo ko ah!" pansin ng kanyang Lola, "Mas lalo pang gumuwapo, naku! Siguradong kapag magka-apo na ako ay maganda at guwapo," ani pa nito. Napatango-tango naman si Dimitri na ani mo 'y walang alam sa kagagawan ng dalawang matanda. "Oo naman, po! Sobrang ganda, nasisiguro kong malapit na," tugon niya naman kay napa-palakpak naman ang matanda sa kanyang sinabi. "Ganiyan nga, apo! Anong gusto mong ulam? Si Sandy, gising na ba? Sabihin mo lang para maluto na." "Hayaan na po muna natin siyang matulog, pinagod ko kasi kagabi, 'la." Sabay kindat pa sa matanda na ngayon ay tila kinikilig pa. Siguradong magkakaapo na nga siya! "Gano'n ba? Sige, hayaan mo na muna si Sandy. Ikaw? Ano ba ang gusto mo? Kape, ipatitimpla kita?""Uhmmn... Gusto ko iyong kagabi, masarap iyon eh," sabi niya. Natigilan naman ang Lola Carmina niya 't napatingin bigla sa ka-kutsaba niya. "Iyong kapag ininom, umiingit iyong pakiramdam mo. Gano'n, iyon ang gusto ko. Puwede ba, 'la?" "H
Araw ng linggo ngayon kaya naisipan na munang dumaan ni Sandy sa simbahan. Sobrang bigat na sa dibdib ang kanyang mga pinagdadaanan. Na tirik na muna siya ng kanila at taimtim na nanalangin, ipinapasa Diyos niya na kung ano man ang pakakahantungan nilang mag-asawa. Mahal ni si Dimitri, mahal na mahal. Pero desidido na siya na tuluyan na talagang makipag-hiwalay rito dahil sa ngayon ay ito ang mainam niyang gawin. Kailangan niya na munang hilumin ang kanyang sarili at iyon ay kasama sa pagbitaw niya kay Dimitri. Bumuga siya nang hangin sa kanyang dibdib bago nang pasyang lumabas ng simbahan. Wala siyang dalang kotse dahil sinundo naman siya ni Dimitri kagabi kaya heto siya ngayon, mag-isang uuwi pero naisipan na muna niyang maglakad-lakad dahil gusto na rin naman Muna niyang huminga at mapag-isa. Napadpad siya sa isang park kaya napili niyang umupo ro'n habang pinapanood ang mga taong naro'n, ang iba ay mga magka-kabarkada at masayang nagtatawanan, may mga bata rin na naglalaro kas
"Si Tatay Mario, po? Tatay lang Po ang tawag ko sa kan'ya pero hindi ko po talaga siya totoong tatay, kinupkop niya lang po ako no'ng baby pa lang ako," saad ni Mayumi. Nakadama naman ng lungkot si Sandy para sa bata. Bakit ba may mga magulang na kayang iwan ang kanilang mga anak? Kapag siya ay nabiyayaan ng anak ay hinding-hindi niya hayaan na mawalay ito sa kanya. Sayang nga lanf at hindi man lang siya sila nagkaro'n no'n ni Dimitri. "Gano'n ba? Mabuti at may nakakasama ka kahit papaano, may nag-alaga pa rin sa iyo. Kaya bless ka pa rin," ani niya at isinanit ang takas na buhok ni Mayumi sa tainga nito. "Gusto mo bang kumain ng ice cream?" "Talaga po? Lilibre mo po ba ako, Ate G Ganda?" Nanginginig ang mga mata ng batang si Mayumi dahil bigla itong nasabik na makakain ng ice cream. "Oo naman, halika bibili tayo!" Tumayo na si Sandy ang iginala ang kanyang mga mata sa paligid kung may mabibilhan ba sila at saktong mero'n nga sa 'di kalayuan. "Ayon, nando'n si Kuya. Tara?
Habang naglalakad sila ni Mayumi papasok sa makitid na daanan ay pinagtitinginan sila ng mga tao lalong-lalo na sa kanya. Kahit kinakabahan dahil sa sinabi ng lalaki kanina ay nagpatuloy pa rin si Sandy. Huminto sila sa isang maliit at tagpi-tagping Bahay umano nina Mayumi kaya muli ay nakadama na naman siya ng awa. "Ate, ito po ang bahay namin. Tara na, po!" Hila sa kanya ni Mayumi papasok. "'Tay, nandito na po ako," tawag nito sa Tatay niya. "Kumusta? Napaubos mo na ang mga dalawa mo?" dinig ni Sandy sa tinig ng lalak. Naiwan naman siya sa kanyang kinatatayuan dahil pinuntahan ng bata ang kanyang Tatay. "Opo 'tay! Inubos nga agad eh!" masayang ani pa ni Mayumi na hindi pa muna sinasabi na may kasama siya. "Mabuti naman, kunin mo na iyong pinangato ko sa iyo, bumili ka na ng gusto mong laruan anak. Tig magkano nga iyon ulit? Singkuwenta pesos?" Hindi man nanghihingi si Mayumi kay Tatay Mario ay alam niyang gusto ng anak ang laruan na ikinukuwento nito sa kanya. Mabagal na rin kas
"Handa ko po kayong tulungan, Mang Mario. Maari po ba?" alok naman agad ni Sandy, "may sinabi po ba iyong babaeng nag-iwan sa kan'ya noon? May balak pa raw po ba siyang balikan ang bata?" "Oo, kaya umaasa ako. Pero sana ay bumalik na siya, nararamdaman ko na ineng na hindi na ako magtatagal pa. Iyon na lamang ang tanging dalangin ko sa totoo lang. Gusto ko rin naman na mabuhay ng masaya si Mayumi at makapag-aral bagay na hindi ko maibigay sa kanya. Parang sinasakal naman ang puso ni Sandy sa sinabi ni Mang Mario. Ramdam niya ang pagmamahal sa bata, hindi niya mapigilan ang mapa-luha sa situwasyon ng mga ito. "Mang Mario, ako na pong bahala. Ipapa-ayos ko po itong bahay ninyo para mas maging kumportable kayo, ipapa-check up rin kita para malaman natin ang kung ano man ang karamdaman po ninyo." Ngunit umiling naman ito sa kanya. "Sigurado ka ba?" "Oo naman, po. Para kay Mayumi kaya kasa ay pumayag ka na po. Papapasukin Po natin siya sa paaralan, matalinong po si Mayumi. Mat
Pumintig ang puso ni Sandy, siguro ay bigla siyang nakaramdam ng pagkasabik na magka-anak kaya gano'n. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ng babae at nagpaalam na talaga siyang umuwi. Bigla niyang naalala si Lola Lustina, ang matandang dahilan kung bakit siya naipakasal kay Dimitri. 'Kumusta na kaya si Lola? Hindi bale, dadalawin ko na lang siya sa susunod na araw.' Uuwi na muna siya para kunin ang kotse saka babalik upang magtungo sa shop. Sa kabilang dako naman ay nag-uusap ang dalawang matanda na sina Lola Lustina at Carmina. "Kumusta ka na, Lustina? Aba 'y kung hindi pa kita dalawawin ay hindi mo rin akong maisip na puntan ah?" "Ayos lang ako Carmina, ano naman ang gagawin ko sa inyo? Hindi na tayo gaya ng dati ano ka ba naman? Hindi pa ba nananakit iyang mga buto mo?" aning tugon naman ni Lola Lustina na kahit nariyan ang kaibigan ay patuloy pa rin ito sa ginagawang gantsilyo. "Siyempre may maintenance na rin, may sad'ya ako sa iyo kaya ako 'y dumalaw." "Ah, ano
"Finally! Mabuti at nagising ka na," sambit ni Darius. Bigla naman nagtaka si Sandy kung bakit nasa harapan niya ito. “Huh? Bakit nandito ka?” naguguluhan na tanong pa niya dahil mag-isa lamang siya kanina habang bumabyahe pauwi. Malalim na bumuntong-hininga si Darius ngunit naro’n pa rin ang pag-aalala para sa kan'ya. Nang magising si Sandy ay nasa ospital na ito. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid bago muling balingan si Darius na mataman pa rin na nakatitig sa kanya. Nang tuluyan na nagising ang kanyang diwa ay namilog ang kanyang mga mata dahil kasama niya talaga ngayon ang guwapong lalaking ito na President ng Dream Scape kaya naman mabilis niyang naipikit muli ang mga mata dahil baka nananaginip lamang siya. Ngunit nang muling magmulat. Ang guwapong mukha pa rin ni Darius ang bumungad sa kan'ya na ngayon ay nakalapit na nga sa kanya na may makalaglag panty na ngiti sa labi nito. Halos hawig ito kay Dimitri, ang pinagkaiba lang ay madalas itong ngumiti hindi
"Stop, smiling at me! You're creepy!" Napa-awang ang bibig ni Kai sa sinabing iyon sa kanya ni Darius. Para sa kan'ya kasi ay iyon na ang pinaka-magandang ngiti niya tapos sasabihin lang nito 'mukha siyang creepy!' "Luuh! Hindi ka marunong matumingin ng maganda, nasa harapan mo na nga!" Irap niya sa lalaki. Ang sama ng ugali! "Manang Naida, I want to talk to you in private," sabi ni Darius sa matanda. Gusto niyang malaman kung bakit narito ang babae at kung saan niya ito nakita, ni hindi pa nga nakapagbihis ang babae. "Eh, hijo. Tinulungan niya kasi ako kanina sa mga dala kong pinamili sa palengke nang mapigtas ang isang supot ro'n at nagkalat ang mga laman at hindi niya nagdala isip. Nasabi niya rin na naghahanap siya ng trabaho kaya naro'n siya sa palengke subalit wala umano siyang nakuha. Eh, naawa naman at 'di ba kailangan nating magdagdag ng kasambahay? Siya na iyon, mukhang mabait masipag naman siya," mahabang saad ni Manang Naida. "bakit? May problema ba sa kanya? Pans
Namo-mroblema naman ngayon si Kai kung saan ba siya tutuloy? Ang malas naman kasi niya eh kung bakit ba kasi siya hinahabol ng mga panget na iyon, eh, wala naman siyang pera! Hindi rin naman siya mayaman! "Aysstt! Buwisit na buhay 'to oh! Saan ko naman kaya hahanapin iyong sinasabi ni Ate? Do'n ay magkakapera raw ako, hindi ko naman alam kung paanong pumunta sa address na binigay niya. Kung hindi ba naman tanga!" salita niyang mag-isa. "Sayang din iyong kanina, kung isinama na lang kasi niya 'ko eh! Puwede naman akong mamasukan kahit katulong lang, suplado niya porket guwapo!" Ni singkong duling nga ay wala siya. Paano siya nito ngayon kakain? "Nagugutom na 'ko!" sambit niya nang bigla kumalam ang sikmura niya. Dinukot niya ang papel na nasa kanyang bulsa upang basahin ang unang tanong hahanapin niya at kung sino pa ang mga kasunod sa listahan. "Saka ko na nga muna kayo hahanapin, baka mahuli pa ako ng mga panget na iyon. Sayang naman itong ganda ko!" Naglakad-lakad Kai Hanggang m
Napatiim bagang ako dahil sa mga sinabi ni Daniella nasagi ang ego ko dun ah, sapul na sapul.Pinulot ko ang Resignation letter niya at bago pa man siya makalampas sa akin ay nahawakan ko na siya isang braso."San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap!" Madiin sambit ko, mataas ang pride ko at inaamin ko na hindi ako nag papatalo kahit kanino o sino.. Pero pag dating sa babaeng to ay tila ba nawawalan ako ng sasabihin."Ano?? Tapos na ang sadya ko dito Mr. Montegre.. Wala naman na tayong dapat pag usapan pa.." Pag tataray nito sabay piksi upang bawiin ang braso sakin pero hindi ko siya pinakawalan bagkus ay humugot ako ng malalim na hininga bago nag salita ng kalmado.." Ok i am sorry if i make you feel that way..hindi ko sinasadya " Pag papakumbaba ko, nagulat pa ako ng makita ang pamumula ng Mga mata niya she is fighting her tears.."Bitiwan mo ako...wag ka ng mag panggap, alam ko naman kung anong klase kang tao wag ka ng mag kunwari na may konsensya" Wika niya na halos pumiyok n
Dahil balak na ngang mag resign ni Daniella sa Hotel na pinag tatrabahuhan niya ay agad niya rin na tinanggap ang inaalok ni Lucas..Nang mga mga sandaling iyon ay napagtanto niya na Pag mamayari pala ni Mr. Montegre ang Hotel na yun dahil narin sa Pangalan nito.."Lets grab some coffee, and talk about your salary" Nakangiting wika ni Lucas kay daniella pero dahil hindi pa naman niya masyading kilala ang lalaki ay pinag isipan muna niya ang isasagot..Nahalata naman agad iyon ni lucas dahil batid niyang pinag aaralan ni daniella ang kabuuan niya.."Ms. FORTALLA, wag kang mag alala mapag kamatiwalaan ako, nais ko lamang na makatulong sayo, alam ko naman ang pinag dadaanan mo ngayon.." Senserong wika ni lucas sa nag dadalwang isip pang su Dalaga..Isang buntong hininga nalang ang naitugon ni daniella sa lalaki bago mag salita.."Sige Mr. Salvador, sasama ako sayo, pag kamatiwalaan dahil alam kong may utang ma loob din ako sayo." Wika ni daniella sabay matipid na ngumiti.Napa palatak na
THIRD PERSON POVKagaya nung una siyang hagkan ng lalaki ay hindi agad nakahuma ang dalaga.Tila ba hindi niya alam kung anong dapat gawin, hindi siya makagalaw at makapanlaban dahil sa bigat nito na nakadagan sa ibabaw niya.Nakakadama man ng takot ay hindi iyon ipinakita ni Daniella kay steve.. "Ano nasarapan ka na ba sa halik ko? At hindi ka na nakakilos?" Nakangising wika nito sa kanya ng ilayo nito ang mukha sa mukha niya.. "Nasarapan? Nakakasuka ang isang katulad mo Mr. Montegre" May pangiinsulto na ngiti ang iginawad niya sa lalaki na agad namang sumimangot.. "Talaga sigurong sinusubukan mo ako Ms. Daniella.." Mahinang wika nito, at pinagapang ang isa nitong kamay sa hita niya.. Napalunok si Daniella dahil sa gigawang iyong ng lalaki.. "Bakit? Ano bang gusto mo? Mag sumigaw ako? sa palagay ko naman ay walamg makakarinig sakin kahit mag wala ako dito.." Tugon pa ni daniella na pinapanayuan na ng balahibo sa buong katawan.. Dahil sa ginagawang pag himas ni steve sa hita niya
DANIELLA POVI clear my throat before to knock on the royal room's door." Good evening po, house keeping" Medyo malakas na wika niya inihanda niya ang matamis na ngiti sa kali mang may mg bukas na ng pinto..Pero wala namang nag bukas.. Kaya medyo nainis ako, muli akong kumatok."House keeping.." Muling wika ko."the door open, just get inside" Mula iyon sa loob ng kwarto, lalaki ang nag salita napakalalim ng boses nito na tila ba pamilyar sa kanya."Ok po, papasok na po ako" Paalam niya muna bago pihitin ang gintong seradura.Ng makapasok siya ay napasinghap siya sa ganda at laki ng kwarto first time makapasok at makakapag linis doon.Inilibot ko ang aking mata sa buong paligid.."wow.. Ang ganda naman at ang lawak" Mahinang bulalak ko, pero maya maya ay napakunot noo ako ng may mapansin.Wala namang kahit anong kalat sa loob.Parang wala pa namang gumagamit nga gamit doon.. Ang kama ganun parin ang ayus malinis..Asan na ba ang naka check in dito?Nahawakan ko ang handle ng dala ko
"Bakit mo nagawa iyon?" tanong ni Sandy nang sila na lamang dalawa ni Dimitri ang natira sa private room nito. Nag-aalangan naman na umupo si Dimitri sa tabi ni Sandy nang sumenyas itong maupo sa tabi niya. Napa-kamot pa ng ulo niya ang lalaki at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng asawa. "Ano na? Sumagot ka, Dimitri. Sabihin mo, sinad'ya mo ba talagang magpakalunod? Magpapakamatay ka ba dapat?" Umiling naman si Dimitri na ngayon ay kita-kita ang lungkot at pagsisisi sa mga mata. "Hindi, hindi ko gusto ang nangyari, Sands. I'm really sorry, please... Babe, takot na takot ako na akala ko ay mawawala ka na sa 'kin." Kinuha niya ang dalawang kamay ni Sandy at hinalik-halikan niya ang mga iyon habang idinikit sa kanyang mukha. Namumula ang mga mata ni Dimitri na pinipigilan ang kanyang mga luha. Napabuntong-hininga naman si Sandy dahil maging siya ay inakalang katapusan na niya. "Ikaw lang ba!" Bawi ni Sandy sa mga kamay na inirapan si Dimitri, gusto niyang malaman nitong hindi
Hindi ma-ipinta ang mukha ni Dimitri habang nakatingin kina Sandy at Clay habang kinukuhanan ng eksena. Iyon ang unang scene para sa pagtatambalan nilang dalawa at unang araw rin ng shooting nila kung saan ang tagpo ay sa isang kubo sa taniman ng mga bulaklak. Dahil sa pagkatakot sa palaka ng karakter na ginaganapan ni Sandy ay patakbo itong lalapit sa karakter ni Clay at yayakap rito nang mahigpit at kakandong nang paharap rito. Magkakaroon ng pagdadaite ng mga katawan at mahigpit na pagyakap ni Sandy sa lalaki sanhi ng ipinapakitang takot. Ngunit bago pa iyon magawa ng dalaga ay pinuputol na agad iyon ng director. Matalim na pinukol ng tingin ni Sandy ang lalaki dahil ito lang naman ang nag-utos na putulin iyong! Wala siyang pakialam kung ito ang producer ng pelikula nila. Ang nais niya ay umarte at magtrabaho ngunit tila ipinararamdam yata nito sa kaniya ang tensyon. Kung hindi siya nagkakamali ng hinala ay ayaw ni Dimitri sa tagpong yayakapin niya at kakandong siya nang paharap ka
Isang munting dila ang naramdaman ni Sandy na halos bumasa sa buo niyang mukha. Iyon ang gumising sa kaniya nang umagang iyon. Tuluyan na siyang napamulat ng mga mata nang makailang beses pa siyang tahulan ng alagang aso. Naihilamos niya sa sariling mukha ang dalawang palad at kaagad na naupo sa kama dahil kung hindi niya iyon gagawin ay lalo lamang siya nito kukulitin. “Ano bang problema mo?” baling niya sa tutang nasa tabi niya na walang tigil sa pagkawag ang buntot at tila nakangiting nakatingin sa kaniya. Tila naintindihan naman siya nito at nagpa-cute pa sa kaniya habang nagpapagulong-gulong sa ibabaw ng kama niya. "Gutom ka na ba kaya nanggigising ka na?” tanong pa ulit niya. Wala siyang pakialam kung hindi man ito sumagot o kung naiintindihan ba siya nito o hindi. Ang totoo, hindi naman talaga niya ito balak isama sa pagbabakasyon niya rito sa Adelfa’s Garden dito sa Quezon. Ang nangyari kasi, aksidente niya itong nabangga noong nagmamaneho siya paparito at ayon sa mga naka