“Damn! Babalian ko ng leeg kung sino mang lalaki iyon!” nag-aalburutong parang bulkan na si Dimitri lalo pa ‘t pinatayan siya ng cellphone ni Sandy. Marahas na napa-sabunot na lamang siya sa kanyang ulo!“Jules!” tawag niya sa secretary na abala sa ginagawa sa harap ng laptop nito. Agad naman nito iniwan ang ginagawa upang puntahan na ang boss na halatang banas na naman. “Yes, boss?” “I want you to know who that bastard invites my wife! Get his name so I will ruin his business, asap!” Nabigla naman si Jules sa narinig. Ano na naman umano ang trip ng boss niya?“Seryoso? A-abot ka na talaga gano'n, sir?” Sinamaan naman siya ng tingin ni Dimitri sa pangingi-alam pa umano niya.“Just do it and don't ask!” asik pa ni Dimitri rito kaya wala namang nagawa si Jules kun ‘di sundin ang nais nito.“Tss. Nakaraan lang, iba ang kasama– Ngayon ay parang baliw kahahabol sa asawa!” sabi niya habang pabalik na sa puwesto. “What did you say?” tanong naman ni Dimitri dahil sa naririnig niya ang mahi
Inabot na nang gabi subalit hindi pa rin malaman ni Dimitri kung saan naro’n sina Sandy. Parang gusto na nga niyang magpunta sa prisinto para lang ipahanap na ito. ‘G*go! Anong akala mo kay Sandy? Bata?’ kontra ng kaniyang isipan. Maraming beses niya na rin itong tinawagan subalit hindi talaga siya sinasagot ni Sandy. Natatawa na lamang siya kung bakit ba hinahayaan niyang ganituhin siya ng asawa! Hindi pa sila tuluyang hiwalay kaya may karapatan pa rin siya kay rito. At sa oras na makita niya na ito ay ikukulong niya talaga ito at parurusahan sa pagpapahirap sa kanya! Siya na nga ang nagpapakumbaba ay mas lalo naman yata umano siyang inaabuso! ‘Do I deserve this? I am changing now. Bakit ba kasi ayaw niya akong paniwalaan?’ Naiinis na talaga siya kaya nakaisip siya ng susunod na gagawin. Siya na itong nagtitino kaya dapat maging matino na rin umano si Sandy sa kan'ya. Nagdial siya sa kanyang cellphone upang tawagan ang isang malapit na kaibigan. Si Sean Ford, may private islan
~Sandy’s Pov~Mabigat ang mga talukap subalit pinilit ko itong idilat pa unti-unti. Maging ang aking katawan ay parang may nakadagan na sampong tao sa bigat ng aking pakiram, hindi pamilyar sa akin ang silid na kinaroroonan ko ngayon. Napansin ko agad ang open window na ang kurtina nito ay sumayaw sa pag-ihip ng sariwang hangin. Presko ang hangin. Pero sandali? Nasaan na nga ba ako? Bigla ay pinilit kong isipin ang nangyari at kung nasaan ako sa sa huli kong pagkatatanda ay–Nasa Bahay ako ni Corrine, nagpaalam na ako uuwi, gas station and then– “Oh my, God!” Biglang npumasok sa isip ako ang buong pangyayari do’n sa gas station. “I'm kidnapped, but why?” tanong ko sa aking sarili. Bigla ang binalot na ako nang kaba. Hindi pala ako safe sa lugar na ito, I need to escape in here!Tumayo ako ‘t akmang lalabas na ng kuwartong ito nang biglang bumukas ang pinto nang dahan-dahan. Sa takot ko ay kumuha ako agad ng matigas na bagay na ipangpupukpok ko sa ulo ng kung sino mang masamang taong
Nasa isang bar si Lindsay at mag-isa lamang ito sa loob ng VIP room habang may hinihintay. Umiinom na rin siya paunti-unti pantanggal inip, nagbabaka-sakali lang naman siya kung sisiputin siya ng taong iyon dahil matagal na rin naman no'ng huli silang magkita. Nabaliaan niya lang naman na nakabalik na ito kung kaya ‘t naisipan niyang imbitahin upang magkausap sila. Mayamaya ay dumating na nga ang kaniyang hinihintay. Tumayo siya ‘t sinalubong ito nang mahigpit na yakap. “Welcome back!” “What do you want?” walang ganang tanong nito sa kanya. Kung hindi lamang nagpumilit itong si Lindsay ay wala naman siyang balak na makipagkita talaga! “Oh, so rude naman! Don't you miss me, lover boy?” mapang-akit na bulong pa nito sa tainga niya. Ito ang ayaw niya, dahil alam niya sa kanyang sarili na may epekto pa rin talaga sa kanya ang babae mula pa no’n. Subalit hindi siya ang gusto nito kaya wala siyang nagawa kun ‘di ang ilayo ang sarili. Umiiwas siya at nagpakalayo dahil masiyadong na siyan
Kanina pa pasilip-silip si Sandy sa labas o ‘di kaya ay pupunta sa may dalampasigan upang tanawin kung may paparating na ba ngunit wala man lang siyang nakitang bangka kahit isa na patungo sa kinaroroonan nilang isla. “Nakakainis naman!” bulalas niya sa sobrang inis. Samantalang si Dimitri naman ay lihim na nagbubunyi habang prenteng nakaupo sa balkonahe. Kanina pa kasi hindi mapakali ang babae, alam niyang bagot na bagot na ito. “Dimitri, wala ka man lang ba narinig sa usapan nila habang dinadala nila tayo rito?” tanong nito sa kanya. Pinagbuti naman ni Dimitri ang pagpapanggap, nagulat pa nga siya kanina nang makita niya ang pag-aalala ni Sandy sa kanya. Ang akala niya pa naman ay bubulyawan na siya nito at iisipin na kagagawan na nga niya ang pagpapadukot rito subalit, hindi, dahil inakala pa pala ni Sandy na magkasama silang nadukot. Totoong hindi siya nakapag-salita kanina dahil sa pagkamangha. Nasisiguro niyang mahal pa talaga siya ni Sandy, kita niya iyon kung paano ito mag-
Kanina pa pinipilit na matulog ni Sandy subalit hindi naman na siya dalawin ng antok. Sa totoo lang ay natutukso siyang maligo sa dagat pero wala naman siyang isusuot na panligo. “Tss… Ano ba naman kasing buhay ‘to!” Banas siyang bumangon! Lalabas na lamang siya para malibang, lilibutin na nga lang niya ang buong bahay kung ano pa ba ang naririto na puwede niyang pagka-aabalahan.Hinanap ng kanyang mga mata si Dimitri subalit nagtataka siyang wala ito roon. Isip niya ay marahil nainip na rin ito dahil wala namang makausap. Lumabas niya at nagpalinga-linga hanggang sa nakita niya nga si Dimitri na nasa dalampasigan, may kung anong ginawa. “Anong ginagawa niya?” Dahil sa kyuryusidad ay nagpasya na siyang lapitan ito na hindi naman namalayan ni Dimitri ang kanyang paglapit kung kaya ‘t hindi maiwanan na mapatitig si Sandy sa nangingintab na katawan ni Dimitri dahil sa pawis. Hindi naman niya naitatanggi na maganda talaga ang katawan ng asawa dahil alaga din naman nito ang katawan at
"Ayan, idampi-dampi mo lang kung ayaw mo ibabad sa malamig," Sabi ni Sandy habang hawak pa rin naman niya ang yelo na binalot niya lamang sa tela. Hindi nagsasalita si Dimitri at pinagsasawa niyang matitigan ng mas malapit si Sandy. "Ako na ang hahawak." Sabay hawak naman ni Dimitri sa kamay niyang hawak ang yelo ngunit parehong hindi na rin naman sila nakakilos. Napatingin naman si Sandy kay Dimitri nang ilang sigundo hanggang sa nakailang na rin siya 't nagbaba na ng tingin maging ang kanyang kamay ay binawi na niya sa pagkakahawak sa yelo. "K-kumain ka na, ayan na iyong ginawa kong sandwich," alok na niya kay Dimitri. "Wow! Mukhang masarap nga iyan ah. Tikman ko nga!" Agad ba kinagatan na iyon ni Dimitri. "Hmmn... Masarap nga! Kumain ka na rin," alok na rin sa kan'ya nito. Mabilis lamang na naubos ang dalawang sandwich nito samantalang iyong sa kan'ya ay nakakalahati pa nga lang niya. "Salamat, nabusog ako. Sana palaging ganito 'no?" Napataas naman ang kilay ni Sandy. "Ang al
Habang nagsisimula nang kumain si Sandy ay mataman lang din na nakatitig sa kanya si Dimitri. Nakailang subo na siya ngunit pansin na nga nitong hindi pa rin kumakain itong isa kaya sinita na niya ito at naiilang na rin si Sandy sa kanina pang paninitig nito sa kanya. “Wala ka bang balak kumain? Ano tititigan mo na lang ako riyan? Aba ‘y mabubusog ka talaga niyan, Dimitri!” “Ah, pasensiya na. Kanina ko pa kasi ina-abangan ang sasabihin mo tungkol sa pagkain na inihanda ko para sa atin. Masarap ba?” Nang hindi pa agad sumagot si Sandy ay napabuntong-hininga na lamang si Dimitri. “‘Wag mo nang kainin iyan, Sandy. Baka masira pa iyong tiyan mo–” Akmang kukunin na nito ang pagkain ni Sandy ang pigilan siya nito ay ilayo ang pagkain sa kanya. “Hey! Akin ‘to!” “Akin na, hindi naman masarap kaya baka mamaya niyan masira pa iyong tiyan mo. Akin na, kukuha na lang ako ng delata.” “Ano, ka ba! May sinabi ba akong hindi masarap?” tanong naman ni Sandy. “W-wala, pero hindi mo rin naman sin