Chapter 7
Kinabahan man si Corrine ay hindi naman siya nagpahalata sa harap ni Dimitri, bagkos ay mas tinapangan niya pa ang expression sa kaniyang mukha.
“How dare you, too. For hurting my best friend?! nais palakpakan ni Corrine ang sarili dahil hindi siya nautal nang sabihin iyon ngunit ang totoo ay nangangatog na ang kaniyang mga tuhod.
Isang Dimitri Vinocencio ba naman itong tinatarayan niya. Pero sa isip-isip niya ay kailangan niyang iganti man lang ang kaibigan at ngayon ay nakapa-maiwang pa siya sa harapan ng lalaki.
“It’s none of your business, Ms. Corrine. I need to see her. Nandito ako dahil nag-aalala ako sa kan'ya, kaya, please… Let me talk to my wife.”
“Anong it's none of my business? She's my business, too. I'm warning you! Mr. Vinocencio. Hindi ko na hahayaan pa na saktan mo na naman ang kaibigan ko. Nasisiguro kong maayos siya rito dahil, siyempre, wala siya sa puder mo!”
Tila mauubusan naman ng pasensiya si Dimitri sa kaibigan ng asawa niya. Ibang klase kasi ito sa pagka-bongangera, mabuti at hindi naman ganito si Sandy.
“Look–”
“Saan?” pilosopong sagot naman agad ni Corrine. Sinasad'ya niya talagang buwisitin si Dimitri para makaalis na ito.
Napabuntong-hininga na lamang si Dimitri sa pagpipigil. Kahit papaano ay iniisip niya pa rin na kaibigan ito ng asawa niya. Wala nga talaga siyang makukuha na sagot rito kaya nagpasya na lamang siyang umalis.
Napa-palakpak naman si Corrine dahil nagawa niyang paalisin at pikunin ang isang Dimitri. Excited na siyang ipaalam iyon mamaya kay Sandy.
5:30 nang magising na si Sandy. Naging maayos naman na ang kaniyang pakiramdam. Kinuha niya ang cellphone ngunit pagtingin niya room ay namilog pa ang kaniyang mga mata saenakita, 167 missed calls lang naman ang naro'n galing kay Dimitri.
‘Baliw ba siya?’
Nang buksan niya ang nofications ko ay halos galing ang lahat nang iyon kay Dimitri. Napapailing na lamang siya dahil tila ba si Dimitri naman ang naghahabol sa kanya.
Saktong alas sais nang dumating siya sa bahay ni Corrine. Nagulat pa siya dahil naro'n din ang mga tauhan nila at mga bihis na. Talaga nagtransform ang mga ito na ani mo ‘y mga socialites. “Good evening! Wow naman! Ang gaganda ninyo, Infairness!” bati niya sa mga ito.
“Good evening, ma’am Sandy. Mas lalo ka naman, po, ma’am. Sobrang saya ng night out nating ‘to!” tilian pa ng mga ito.
“Nasa’n si Corrine?”
“Nariyan po sa loob, ma’am.”
“Sige, excuse muna at puntahan ko na muna siya. See you, guys!”
“Girrrlll! You're here na! Dali na at aayusan na kita. Kailangan ay kabog sila sa beauty mo ro’n!” Habang inaayosan nga siya ni Corrine ay napakuwento na nga ito ng nangyari kanina sa shop at kung paano raw nito ginalit si Dimitri.
“Ano?! Hindi makapaniwalang ani niya. “Sira ka talaga! Mabuti at hindi ka naman pinatulan.”
“Ay, subukan niya ako! Hindi ko siya uurungan! Tatakbohan ko lang!” sabay nagtawanan sila.
“Akalo mo lang, kunwari ang tapang ko girl ah. Pero, sh!t na malagkit. Nangangatog na iyong mga tuhod ko! Buwisit na Joan, hindi man lang ako tawagin na kunwari may urgent!” Halos humagalpak katatawa si Sandy sa kuwento ni Corrine kaya pala ang daming tawag at messages sa kan’ya ni Dimitri. Malamang ay umuusok na ang ilong nito sa galit.
Nang makarating na sila isang sikat na bar sa Makati ay agad na silang pumasok ay kumuha sila ng VIP room. Walo silang lahat, limang babae, dalawang lalaki at isang gay, si Sheena na talagang sexy ang outfit. Bagay rin ang hair extension nitong ikinabit at parang natural lang niyang buhok talaga kaya mukha itong babae.
Sandy ware is a bodycon black cocktail dress that really fits in her curves. She looks hot and elegant at hindi alintana ang mga mata ng mga kalalakihan na ngayon ay nasa kan'ya dahil sa lutang na lutang ang kanyang huhkaputian. She put a light make up dahil hindi naman siya sanay ro’n pero ang labi niya ay talaga mas kinulayan ni Corrine ng matingkad na pula. Napapaindak na si Sandy sa magandang saliw ng musika hanggang sa nagkayayaan na nga sila sa gitna ng dance floor at doon ay masayang nakisabay sa mga nagkakasiyahan.
Habang si Dimitri naman ay madilim pa rin ang awra dahil hindi pa rin siya sinasagot ni Sandy kahit nakailang subok na siyang tawagan ito. Kadarating niya lang sa bahay nilang mag-asawa nang magchat ang isa sa kaibigan niya at may pinadala sa kanyang photo.
Garrett : Hey, dude! Is she your wife, Sandy? Damn! She's so hot and sexy. How can you let your girl go out like this? All the eyes of men here are looking at your gorgeous wife, dude!”
Dimitri : “F*ck y*u, ashole! Stop praising my wife and get out of your sight! Just sent me that f*cking location now!”
Garrett : “Oh! You better to find where we are. Don't worry, babantayan ko naman siya habang wala ka pa. Puwede bang isayaw ko muna?”
Dimitri : “Don't you dare to touch her, or, else. I will break your neck! Damn you, Garrett!”
Garrett : HAHAHA! Come and punch me.”
Asar na asar na si Dimitri sa kaibigan. Bakit naro'n si Sandy at bakit gano'n ang kasuotan nito?
Agad na pinahanap ni Dimitri ang location ng bar na iyon at nalaman nga niyang sa makati kaya nagmadali na nga siyang puntahan ito ro’n! Talagang masasapak niya talaga si Garrett kapag hinawakan nito ang asawa niya!
Habang masayang nagsasayawan sina Sandy ay hindi na mabilang kung ilang lalaki na ang lumapit sa kan'ya para lang makilala at ayain siyang makasayaw o makausap umano. Buti na lang ay binabakuran naman siya ng mga kasama kaya hindi naman makalapit talaga ang mga iyon ay nagtatangis ang bagang na nilapitan talaga siya. Agad kasi umi-eksena si Sheena, sinasayawan niya ang mga lalaking lumalapit kay Sandy.
Sa isang banda naman ay naro'n din pala si Lindsay kasama ang mga kaibigan nito. Napapansin nga ng grupo nila na tila may pinagkakaguluhan sa dance floor lalo na ang mga lalaki.
“Ano? Nakilala mo ba?” tanong ng lalaki sa kasama nito galing na sa dance floor. Naririnig iyon ni Lindsay dahil nasa tabi lang nila banda ang dalawang lalaki na nag-uusap.
“Hindi nga, ang hirap makalapit. Bantay sarado ng mga kasama. Pero, pare ang ganda niya talaga. Ngayon lang ako nakakita ng gano’n ka ganda kahit na marami namang magaganda dito ay kakaiba ang isang iyon. Ang sexy pa, jackpot ang magiging boyfriend no’n!”
“Bakit? Wala bang kasamang boyfriend?”
“Parang wala, sila lang magkakaibigan. Iyong dalawang lalaki ro’n parang hindi niya naman boyfriend ang isa ro'n. Basta, pare, ang ganda niya talaga.”
Hindi na nakatiis si Lindsay kaya nagtanong na siya sa dalawang lalaki. Nagpa-cute pa siya sa mga ito para mabaling sa kan'ya ang atensyon “Ahmm… Boys, excuse me. Anong mayro’n at napapansin ko ngang nagpupuntahan kayo ro’n?”
“Wala, may babaeng ubod ng ganda kasi ro’n kaya marami ang gustong makilala siya, ang kaso ay hindi malapitan ng matagal. Epal kasi iyong mga kasama, lalo na iyong bakla.
Napataas naman ang kilay ni Lindsay dahil parang hindi niya nagustuhan na may mas hihigit pa sa kanya ro’n, eh, mas kilala na siya sa bar na iyon kaya niyaya niya ang dalawang kaibigan na sumayaw para makilala ang tinutukoy ng dalawang lalaki.
Nakapasok naman na si Dimitri sa loob at kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata ang asawa. Nagtatagis ang kanyang mga bagang dahil sa dami na ng mga lasing do’n ay baka mabastos pa si Sandy lalo na sa suot nito. Una niyang nakita ang grupo nina Garrett, hinahanap niya si Sandy kung kasama nito ro’n ngunit wala kaya nagpasya siyang lapitan ito.
“Where is my wife?” Hinaklit niya agad ang kuwelyo ng lalaki ngunit nginisihan lamang siya nito.
“Dude, relax! Hindi ko siya kasama, okay? Hindi ko siya hinawakan, tinitigan ko lang naman–”
“Hindi ako nakikipag-biruan sa iyo, Garrett!” Naitaas naman ni Garrett ang dalawang kamay na ani mo ‘y sumusuko sa isang krimen.
“Okay, okay, chill. Ayon sila sa gitna, oh.” Turo pa nito kay Dimitri. Doon ay makita nga niya si Sandy na masayang-masaya. Sumasayaw ito at ang lambot ng nalakang nitong gumiling, ngiting-ngiti ito habang kausap ang mga kasama at nagtatawan.
Padaskol niyang binitawan si Garrett upang puntahan na ang asawa at i-uwi.
“Oh my, girl, look who’s coming! Shock’s! Bakit ang hot naman ng asawa mo? Galit ba iyan? We ‘re dead na ba?” kinakabahan namang sambit ni Corrine kay Sandy. Na-excite naman si Sandy dahil baka nga sinundan siya rito Dimitri. Med’yo tipsy na siya kung kaya ‘t malapad niyang nginitian si Dimitri. Kahit ngayong gabi lang ay makikipag-bati siya rito at sabay silang magsasaya.
Nagtama na nga ang paningin nilang dalawa, lalong gumaguwapo ang kaniyang asawa habang tumatama ang pat*y sinding ilaw mula sa dancing lights. Hindi maputol-putol ang titig na iyon ni Dimitri kay Sandy, ni ayaw niyang ikurap ang kanyang mga mata dahil baka pagdilat niya ay mawala na naman ito. Ang ganda nga talaga ngayon ni Sandy sa ayos nito, naghuhumiyaw ang hubog ng katawan sa simpleng kasuotan na iyon at bumagay nga sa asawa. Gusto niya itong ipagdamot at gusto niyang tusukin isa-isa ang mga mata ng kalalakihan na nakatingin sa asawa niya. His wife is for his eyes only!
Malapit na siya kay Sandy nang biglang may yumakap sa kan'ya at hinalikan siya sa nito labi.
“Babe! I can't believe that you came to see me,” masayang sambit pa ni Lindsay.
“Ang nakapaskil na ngiti sa labi ni Sandy ay napalitan nang pagka-dismaya. Pakiramdam niya ay napahiya siya lalo na kay Dimitri. Samantalang kitang-kita naman ni Dimitri kung paano nawala ang matamis na ngiting iyon ni Sandy na alam niyang para sa kan'ya lang kanina. Napalitan iyon nang sakit, kitang-kita niya kung paano na naman ito nasaktan at unti-unti nang lumayo kasabay na ang mga kasama nito. Matalim naman siyang tinitigan ni Corrine na ngayon ay galit na galit na rin.
Gusto niya mang habulin sina Sandy ay hindi siya makaalis. Tila naging tuod siya habang yakap siya ni Lindsay.
Napapamura siya sa kaniyang isipan kung bakit hindi man la
ng nasabi ni Garrett na narito rin pala si Lindsay. Paano niya na kukunin muli ang loob ng asawa?
Nasa VIP room na ang grupo nina Sandy at Corrine. Dito na lamang nila balak uminom at sumang-ayon naman ang mga kasamahan nila. Nakaupo si Sandy sa couch habang nakapikit ang mga mata. Muli ay nasa balintataw niya na naman ang tagpong iyon ni Dimitri at Lindsay. Ang pagyakap at halik nito sa lalaki, nasabi niya sa sariling desidido na siyang hiwalayan ang asawa ngunit ang sakit pa rin pala na makitang may iba nga itong mahal. Ang gusto lang naman niya ay magsaya at makalimot man lang sana ngayong gabi, pero hindi pa ibinalato sa kanya. Sa dinami-rami ng bar ay dito pa sila nagkita-kita. Alam ni Corrine na nasasaktan na naman ang kanyang kaibigan kung kaya ‘t tinabihan niya ito. “Are you, okay?”Saglit naman na idinilat ni Sandy ang kaniyang mga mata na namimigat dahil sa tama ng nainom niya. Hindi naman kasi siya sanay uminom kaya kahit na low alcohol lang naman ang in-order niya ay may tama pa rin siya. “Yes, I'm fine. Don't worry, unimon lang kayo at ipapahinga ko lang ‘to,” ani
Nalilito si Sandy sa mga pinagsasabi ni Dimitri. Paanong mahal siya nito gayong si Lindsay nga ang mahal nito magpa-hanggang sa ngayon?“Anong pakulo mo? Tingin mo ay paniniwalaan pa kita? Dimitri, inamin mo sa ‘kin na mahal mo ang babaeng iyon!” Hinihingal niyang sumbat. Ang galing nitong paglaruan ang damdamin niya. Ibang klase talaga!“Anong ba ang nangyari sa iyo? Na-untog ka ba? Bakit biglang ako na ngayon ang mahal mo? Pinili mo siya, ‘di ba? Wedding anniversary natin no'ng ipamukha mo sa ‘kin na mas pinipili mo siya kaya ano ‘to?! Napailing-iling naman si Dimitri dahil sa ayaw na siya paniwalaan pa ni Sandy. Gusto niya nang ayusin ang pagsasama nila, gusto niya nang bumawi at umaasa siyang hindi pa huli ang lahat. Alam niyang mahal pa siya ng asawa. Nakita niya iyon sa mga ngiti nito kanina habang lalapitan niya sana ito sa loob kanina. “Please, wife. Umuwi na tayo sa bahay. Do’n tayo mag-usap. Let me drive the car, alam kong pagod ka na,” nang hihina si Sandy. Hindi niya na
Biglang nagbalik ang kuryente, dahil do’n ay natuhan naman si Sandy. Tila napapasong Itinulak niya ito palayo sa kanya at walang salita 't tumakbo pa-akyat ng hagdan patungong silid. Tinanaw na lamang ni Dimitri si Sandy, hindi na niya nagawa pang pigilan ang asawa. Napaupo na lamang siya sa sofa at napa-sabunot sa kanyang ulo habang nakayuko. Marami pala talaga siyang hindi alam sa babae. Hindi naman mapakali si Sandy sa loob ng silid nilang mag-asawa. Pabalik-balik siya habang hawak ang kanyang labi. Tumugon siya sa halik ni Dimitri, nagustuhan niya ba?‘No! Hindi ko ginusto iyon!’ Paano niya ngayon haharapin ang lalaki? Paano sila mag-uusap?“Buwisit kasing brown out na iyan eh!” naiinis na sambit niya. Kung hindi kasi dahil do’n ay hindi niya tatawagin si Dimitri. ‘Baka isipin niyang okay na kami dahil nagpahalik ako.’“Hayyst! Nakakainis naman!” mayamaya ay nagulat siya sa sunod-sunod na katok sa pinto. Bumuga muna siya ng hangin at ikinalma ang sarili na parang walang nangy
Nang magising na si Sandy ay ka-agad na siyang naligo. Masarap din ang kaniyang naging tulog at na-miss niya rin naman na matulog sa kanilang kuwarto ni Dimitri. May mga damit naman siya rito kaya nagbihis na muna siya ng simpleng pambahay lang. May pag-uusapan pa sila ni Dimitri kaya bumaba na siya para hintayin na ito. Wala pa naman siyang natatanggap na mensahe mula kay Corrine at marahil ay tulog pa ito. Balak na sana niyang magtimpla ng kape subalit pababa pa lang siya nang manuot sa kaniyang ilong ang nakakagutom na amoy na ng mga nilulutong pagkain na nagmumula sa kusina. Naisip niya na baka si Eden na iyon kaya nagmadali na siyang tumungo ro’n na may nakapaskil na malapad na ngiti sa kanyang labi. “Good morning!” masiglang bati na nga niya ngunit agad siyang natigilan nang makita ang malapad na likod ng taong nakatalikod habang abala sa kung anong ginagawa. Napangiti naman si Dimitri nang marinig ang masiglang boses ni Sandy. Maaga talaga siya nagising para ipagluto ang as
Chapter 12Lutang na kung lutang pero iyon talaga ang pakiramdam ni Sandy. Oo, narinig niya, seryoso? Natutulala na rin siya dahil pino-proseso niya pa ang mga sinabi ni Dimitri sa kanya. Gusto nito na ayusin ang pagsasama nila. Iyon ang tanging naintindihan niya sa mga nasabi nito.“Handa akong ligawan ka ulit, okay lang kahit hindi ka pa sumagot ngayon but let me, Sands. I wanted to prove to you how I realized now that I really loved you. I was a coward! Mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin.”“M-mahal m-mo a-ako? Paanong nangyari iyon, Dimitri? Nakaraan mo iyan din ang sinasabi mo, eh.” Hindi pa rin siya kumbinsido. “Pero iyan ang totoo, mahal kita.”“Paano naman iyong sa babae mo?! Akala mo nakakalimuan ko iyong sinabi mong ‘I still love her’ huh, Dimitri!” panggagaya niya pa sa sinabi nito sa kanya. “Yeah, I know, mahirap na maniwala ka sa akin. Pero mahal talaga kita, Sands. Sabihin mo lang kahit anong gusto mo at gagawin ko. ‘Wag mo lang akong hiwalayan.” Lumapit na nga
“Jaime! Bakit hindi ko 'to alam? Bakit hindi mo sinabi sa akin na umalis si dad?” dismayadong tanong ni Sandy. Umalis kasi ang kanyang ama at hindi man lang nagpaalam sa kanya, wala rin umano itong pasabi kung kailan ito magbabalik. “Pasensiya na, young lady. Pero ayaw niya raw po kayong abalahin. ‘Wag ka rin daw mag-alala dahil hindi naman daw siya magtatagal.”“Paanong hindi ako nag-aalala? Matanda na si daddy. O, baka may inililihim kayo sa ‘kin? Sabihin na ninyo!” Agad naman na napailing si Jaime. “Wala, parang hindi mo naman kilala ang Don. Hindi ba ‘t sa kanya ka nagmana? Ilang taon kang nawala, hindi ka rin naman napigilan,” sabi pa ni Jaime dahil totoo namang may pinagmanahan siya. “Sabihin mo na lang sa akin kung saang bansa siya nagpunta?” tanong niya pa habang masama ang tingin kay Jaime ngunit muli na naman itong napailing.“Hindi namin alam.”“Jaime naman! Alamin mo na, please…” dahil hindi talaga siya mapalagay. Gusto niyang marinig ang boses nito upang mapanatag na
“Of course! I want to see you, babe. I'm worried, kagabi pa kita tinatawag pero hindi mo naman sinasagot,” may himig na tampong pagkasabi niya rito. Nagkatinginan naman ang tatlong empleyado at napapatanong kung si Lindsay na nga ba ang tinutukoy ng boss nila. “Siya na kaya iyon? Hindi sila bagay.”“Agree! Mukhang ma-arte at maldita. Kanina nga nabangga lang siya ni Ema ay tinalakan na niya ng bongga!” “Anong magagawa natin kung siya nga? Kita ninyo, nasa kanya na nga iyong bulaklak oh!” “Kuhh! Magtigil na nga kayo kung ayaw ninyong matanggal sa mga trabaho!” muling saway na naman ng isa nilang kasamahan.Tinataw na lamang nila ang boss at ang babae habang papalayo. “Those flower is not for you,” agad na sabi ni Dimitri kay Lindsay at nagulat pa ito nang kuhanin iyon ni Dimitri sa pagkakahawak niya.“What?! “Follow me! Let's talk at my office.” mababang boses na pagkasabi ni Dimitri. Ngayong narito naman na si Lindsay ay mumibuti na ni Dimitri na ipagtapat sa babae ang lahat. Na
Agad nang tumalikod na si Lindsay para lumabas ng opisina ni Dimitri. Pabalibag na isinara pa nito ang pinto bago pa muna ito tuluyang nakalabas. Bigla ay nangamba si Dimitri sa huling sinabi nito sa kanyang pagbabanta ngunit sa isip-isip niya ay nadala lamang siguro ng galit nito si Lindsay at hindi naman ito gagawa ng bagay na alam nitong mali at pagsisisihan sa huli. May dinukot siya sa kan'yang bulsa at napangiti nang buksan niya iyon. Nasa kanya lang naman ang couple ring na nabili niya ro’n sa shop ng kaibigan ni Sandy. Hindi niya ito naibigay kay Lindsay sa mismong araw na iyon na ipinagpasalamat niya, paniguradong mas lalo lamang niya masasaktan si Sandy kaya ibibigay niya ito sa asawa. Silang dalawa ang magsusuot nito, pero, saka na.Kapag sinagot na siyang muli nito sa kanyang panliligaw. “Ano kamo?! nabibiglang sambit naman ni Corrine sa nalaman mula sa kaibigan. “G*ga ka! Ang rupok mo! I hate you!” inis na tinalikuran nito si Sandy na naghahaba ang nguso sa paninermo