Dahil sa matinding takot ni Sandy ay nawalan ito ng malay. Akala niya ay katapusan na talaga niya nang mga oras na iyon. Nakita niya ang isang kotse na nagpa-ikot-ikot sa ere matapos sumalpok ito sa isang eight wheeler truck.
Sa lakas ng impact no’n ay tumilapon sa gawi ng kotse ni Sandy at pagdating na nga ni Jaimie ay nasa gano'ng ayos na ang kaniyang amo.
“Young lady!” bulalas ni Jamie. Agad na pinakiramdaman ang pulso ni Sandy at nakahiga naman siya ng maluwag dahil humihinga pa naman ito bago sinuri kung may galos o sugat ba si Sandy. Nagpapasalamat naman siya dahil wala naman siyang nakitang sugat at halos rito ngunit naro'n rin ang pag-aalala kung bakit ito ang nasa lugar at walang ngang malay? Tiyak na mananagot ang kung sino man ang sumalbahe sa babae.
May pinaamoy siya na kung ano kay Sandy kung kaya ‘t unti-unti naman itong nagkamalay. “Uhm.. Jaimie?”
“Ako nga, mabuti at gising ka na. Ano ba ang nangyari sa iyo, young lady? Pinakaba mo naman ako.”
Pagmulat ng mga mata ni Sandy ay ang mukha ni Jaime na agad ang nabungaran niya. Sandali siyang natigilan at inalala ang mga nangyari, kung bakit siya naro'n. Bigla naman siyang napabalikwas at pinakiramdaman ang kaniyang sarili. “God! Buhay pa ba ‘ko? Jaimie, nakikita mo ‘ko?”
“Huh? O-opo, naman. Anong ba ang nangyayari sa iyo?” nagtatakang tanong pa muli ni Jamie sa ikinikilos ni Sandy.
“Iyong kotse? Nasa’n na? Nakita kong tatamaan ako no’n kanina, sa akin iyon papunta–”
“Young lady, buhay ka pa at hindi ka natamaan. Ayon oh. Naro'n ang kotseng na-aksidente kanina. Suwerte mo nga ‘t hindi ka nasapul.” Nakahinga naman siya ng maayos sa nalaman.
“Salamat naman, kumusta naman iyong sakay no’n? Nabuhay naman siguro ‘di ba?”
“Hmmn… Hindi ko alam, basta isinugod naman agad ang biktima sa pinaka-malapit na ospital. Sa susunod ay mag-iingat na po kayo, paano kung sa susunod ay hindi ka na suwertihin? Malulungkot ang Don.” Inalalayan na siya ni Jaime palabas ng kaniyang kotse upang ilipat sa kotseng dala ni Jaime.
“Sakay na, ipapasundo ko na lamang ang sasakyan mo rito. Kailangan mo na siguro munang magpahinga,” payo ni Jaimie sa kan'ya at hindi naman na siya umangal.
“Jamie, sabihan mo si Corrine na tuloy ang lakad natin mamaya 6 pm. Sa ngayon ay ipapahinga ko na muna ang katawan ko. Gusto kong matulog, ihatid mo ako sa condo ko, hindi ako puwedeng makita ni daddy na ganito dahil mag-alala iyon,” ani niya.
“Tsk. Ang bilis talaga ng balita, nasa internet na ang nangyari at naro’n ka. Ginawan ko na nang paraan, sana ay hindi malaman ni Don Sibastino. Paniguradong hindi ka na muna papayagan no’n umalis ng mansyon ‘pag nagkataon.
Iyon ang inaalala ni Sandy. Nangako siya sa daddy niya na hindi na siya gagawa ng bagay na ikapapahamak o ikakasakit niya ngunit hindi naman siya nasaktan. Nagkataon lang naman na naro’n siya sa lugar.
“Salamat, Jaimie. Mamaya sunduin mo ‘ko rito at sasama ka sa ‘min, okay?”
“Okay, pagmahinga ka na po muna. Darating ako sa saktong oras.” Iyon lang at umalis na rin si Jaimie. Saktong pagkahiga naman ni Sandy sa kaniyang malambot na kama ay tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay napataas ang kan'yang kilay dahil si Dimitri iyon.
Ayaw na sana niyang sagutin subalit baka tungkol iyon sa annulment, baka nagawa na rin nitong pirmahan ang papel.
“Hello–”
“Sandy? Are you okay? Nasaan ka? Nasaktan ka ba?” Nagtatakang napatingin pa si Sandy sa screen ng kaniyang cellphone baka nagkamali lamang siya kanina kung sino ang caller ngunit si Dimitri nga iyon.
“Huh? Anong klaseng tanong iyan, Dimitri?”
“I saw the live broadcast of a car accident earlier and your car was in there. You made me worried, nasa’n ka? Pupuntahan kita,” bakas nga ang pag-aalala talaga sa tinig nito. Tila may humaplos naman sa puso ni Sandy. Talaga bang inaalala siya nito?
“Ah, iyon ba? Walang nangyari sa akin awa ng Diyos. Bakit? Akala mo ba ay mababalo ka na?”
Hindi naman nagustuhan ni Dimitri ang narinig mula sa asawa. Totoo ang naramdaman niyang pag-aalala rito kanina, tila ba natauhan siya sa pag-aakalang may nangyaring masama kay Sandy pero ito naman ang sasabihin ng babae sa kan'ya.
“What?! Of course not! Where are you? Pupuntahan kita, let's talk,” pagpupumilit pa nito sa kan'ya subalit sobrang hunihila na talaga siya ng sobrang antok kung kaya ‘t hindi niya na pinagtuunan pa ng pansinesi Dimitri at basta na lamang niya ipinikit ang namimigay niya mga talukap.
“Sandy! Hey! Bakit hindi ka na nagsasalita? Hello?” ngunit wala nang narinig pa si Dimitri kung kaya ‘t labis naman na ang kaba niyang nadamay. Baka nga may masamang nangyari sa asawa at ayaw lang ipaalam sa kanya.
“F*ck!” napamura siya nang tuluyan nang naputol ang tawag. Sinubukan niya itong tawagang muli subalit nakapatay na ang cellphone ni Sandy dahil lowbat na kasi iyon na mas lalong nakapag-fraustrate kay Dimitri.
“Jules, help me to find my wife! Hindi na niya sinasagot. I mean hindi ko na siya ma-contact!”
Sinubukan naman nilang i-locate si Sandy ngunit hindi nila mahanap kung nasaan at talagang hindi nila mahahabap dahil naka-secure ang lahat kay Sandy maging ang cellphone nito.
“I'm sorry, sir. Hindi po talaga ma-locate kung saan ito naro’n kahit pa ang cellphone niya. Iyong kotse na ginamit ni ma’am Sandy ay naiwan naman do’n sa gilid ng daan pero mayamaya ay may kumuha na rin po no’n. Maging ang plate no. ay sinubukan din nilang alaminin baka sakaling malaman kung saan tinutukoy si ma’am ngunit hindi talaga sila ma-trace iyon.”
Napasapo naman ng kaniyang noo si Dimitri. Bakit hindi niya malalaman kung nasa’n naro'n ang asawa?
‘May tinatagao ka ba sa akin, Sandy?’
O baka may nagtatago sa kan’ya? Maharas na napatayo si Dimitri. Isa lang ang kaniyang kilala ngayon na mapagtatanungan. Ang kaibigan nito kung saan niya ito kanina nakita kung kaya ‘t babalikan niya iyon.
Nalaman naman ni Corrine ang nangyari sa kaibigan dahil tulad nga ng bilin ni Sandy ay sinabi ni Jaime iyon. “Siguro ka bang okay lang ang bff ko, Jaimie? Puntahan ko na kaya?”
“‘Wag na, nais na lamang niya na matulog at magpahinga. Pinapasabi niya rin na tuloy raw ang lakad mamaya.”
Napabuntong-hininga na lamang si Corrine. May tiwala naman siya sa sinasabi ni Jaimie ngunit hindi pa rin niyang maiwasan ang hindi mag-alala. Kumusta kaya ay nilakad ng kaibigan kanina?
“Ma’am, excuse me po. May naghahanap ko sa inyo sa labas. Si Sir pogi,” singit naman ni Joan. Nangunot ang noo ni Corrine kung sinong pogi at isa pa, sarado na nga rin sila?”
“Sino ba iyon, Joan? Ako ba talaga ang hinahanap?”
“Opo, labasin mo na lang ma’am.” Wala naman na siyang choice kun ‘di ang labasin kung sino nga ba iyon? Ngunit namilog ang kaniyang mga mata nang makita si Dimitri na nakatayo sa labas ng shop niya. Hindi pa naman siya tuluyang nakalabas kung kaya ‘y bigla siyang bumalik papasok ng opisina.
“Joan! Sinabi mo ba na narito ako?”
“Yes, ma’am. Bakit po? Napakagat-labi si Corrine dahil baka kung ano ang sad’ya ng lalaki sa kanya.
“Jamie, paano ba? Ano sasabihin ko?”
“Hayaan mo lang, sabihin mo na lang wala kang alam kung nasaan si Young lady.” Bumuga na muna ng hangin mula sa kaniyang dibdib si Corrine at umaktong natural.
“Oh, hi! Hinanap mo raw ako Mr. Vinocencio?”
“Yes, I came here to ask you where Sandy is? Puwede ko bang malaman?” Napatakip naman ng bibig kunwari si Corrine at umaktong hindi ayos.
“Isa nga rin iyan sa problem ko, Mr. Vinocencio. Wala rin akong alam kung nasa’n siya ngayonn eh! Nag-aalala rin ako, nitong nakaraan lang din kasi kami nagkita Ng kaibigan kong iyon kaya hindi pa kami gaano nakapag-usap na dalawa.”
Bagsak naman ang balikat ni Dimitri. Talagang marami siyang hindi alam sa kanyang asawa.
“Gano'n ba? But if you see here or come back here ay sabihan mo ako agad, please? You can call me.”
Dahil sa curiousity ay hindi mapigilan ni Corrine na itanong kay Dimitri kung bakit nito gustong makausap si Sandy? “Puwede ko bang malaman kung bakit mo siya hinahanap?
“I'm just worried. Gusto ko lang makitang okay talaga siya.” Napataas naman ang kilay ni Corrine. Tama ba ang narinig niya? Worried ito sa kaibigan niya.
“Ahmm… May I know why you're so worried about my friend, Mr. Vinocencio? Ang alam ko ay may girlfriend ka at binilhan mo pa ng couple ring worth fifty millions,” hindi mapigilang tanong ni Corrine dahil kung mag-alala ito sa kaibigan niya ay tila ba hindi nito tinatago bilang asawa si Sandy.
Gusto niyang malaman ang isasagot nito at nakahanda ang palad niyang masampal ito ngayon!
“Yeah, but– She's my–"
Biglang tumabingi Ang mukha ni Dimitri. Malakas ang pinakawalang sampal ni Corrine subalit maging ito ay nagulat din sa kaniyang nagawa.
'Sh!t! Bakit nauna kang nanampal, self! Wala pa nga siyang sinabi!' nag-aalalang sermon niya sa sarili.
Matamil ang mga matang binalingan siya ng tingin ni Dimitri "How dare you to slap me?!
'Ughh! You're dead na talaga, Corrine!'
Chapter 7 Kinabahan man si Corrine ay hindi naman siya nagpahalata sa harap ni Dimitri, bagkos ay mas tinapangan niya pa ang expression sa kaniyang mukha. “How dare you, too. For hurting my best friend?! nais palakpakan ni Corrine ang sarili dahil hindi siya nautal nang sabihin iyon ngunit ang totoo ay nangangatog na ang kaniyang mga tuhod. Isang Dimitri Vinocencio ba naman itong tinatarayan niya. Pero sa isip-isip niya ay kailangan niyang iganti man lang ang kaibigan at ngayon ay nakapa-maiwang pa siya sa harapan ng lalaki. “It’s none of your business, Ms. Corrine. I need to see her. Nandito ako dahil nag-aalala ako sa kan'ya, kaya, please… Let me talk to my wife.” “Anong it's none of my business? She's my business, too. I'm warning you! Mr. Vinocencio. Hindi ko na hahayaan pa na saktan mo na naman ang kaibigan ko. Nasisiguro kong maayos siya rito dahil, siyempre, wala siya sa puder mo!” Tila mauubusan naman ng pasensiya si Dimitri sa kaibigan ng asawa niya. Ibang klase kasi it
Nasa VIP room na ang grupo nina Sandy at Corrine. Dito na lamang nila balak uminom at sumang-ayon naman ang mga kasamahan nila. Nakaupo si Sandy sa couch habang nakapikit ang mga mata. Muli ay nasa balintataw niya na naman ang tagpong iyon ni Dimitri at Lindsay. Ang pagyakap at halik nito sa lalaki, nasabi niya sa sariling desidido na siyang hiwalayan ang asawa ngunit ang sakit pa rin pala na makitang may iba nga itong mahal. Ang gusto lang naman niya ay magsaya at makalimot man lang sana ngayong gabi, pero hindi pa ibinalato sa kanya. Sa dinami-rami ng bar ay dito pa sila nagkita-kita. Alam ni Corrine na nasasaktan na naman ang kanyang kaibigan kung kaya ‘t tinabihan niya ito. “Are you, okay?”Saglit naman na idinilat ni Sandy ang kaniyang mga mata na namimigat dahil sa tama ng nainom niya. Hindi naman kasi siya sanay uminom kaya kahit na low alcohol lang naman ang in-order niya ay may tama pa rin siya. “Yes, I'm fine. Don't worry, unimon lang kayo at ipapahinga ko lang ‘to,” ani
Nalilito si Sandy sa mga pinagsasabi ni Dimitri. Paanong mahal siya nito gayong si Lindsay nga ang mahal nito magpa-hanggang sa ngayon?“Anong pakulo mo? Tingin mo ay paniniwalaan pa kita? Dimitri, inamin mo sa ‘kin na mahal mo ang babaeng iyon!” Hinihingal niyang sumbat. Ang galing nitong paglaruan ang damdamin niya. Ibang klase talaga!“Anong ba ang nangyari sa iyo? Na-untog ka ba? Bakit biglang ako na ngayon ang mahal mo? Pinili mo siya, ‘di ba? Wedding anniversary natin no'ng ipamukha mo sa ‘kin na mas pinipili mo siya kaya ano ‘to?! Napailing-iling naman si Dimitri dahil sa ayaw na siya paniwalaan pa ni Sandy. Gusto niya nang ayusin ang pagsasama nila, gusto niya nang bumawi at umaasa siyang hindi pa huli ang lahat. Alam niyang mahal pa siya ng asawa. Nakita niya iyon sa mga ngiti nito kanina habang lalapitan niya sana ito sa loob kanina. “Please, wife. Umuwi na tayo sa bahay. Do’n tayo mag-usap. Let me drive the car, alam kong pagod ka na,” nang hihina si Sandy. Hindi niya na
Biglang nagbalik ang kuryente, dahil do’n ay natuhan naman si Sandy. Tila napapasong Itinulak niya ito palayo sa kanya at walang salita 't tumakbo pa-akyat ng hagdan patungong silid. Tinanaw na lamang ni Dimitri si Sandy, hindi na niya nagawa pang pigilan ang asawa. Napaupo na lamang siya sa sofa at napa-sabunot sa kanyang ulo habang nakayuko. Marami pala talaga siyang hindi alam sa babae. Hindi naman mapakali si Sandy sa loob ng silid nilang mag-asawa. Pabalik-balik siya habang hawak ang kanyang labi. Tumugon siya sa halik ni Dimitri, nagustuhan niya ba?‘No! Hindi ko ginusto iyon!’ Paano niya ngayon haharapin ang lalaki? Paano sila mag-uusap?“Buwisit kasing brown out na iyan eh!” naiinis na sambit niya. Kung hindi kasi dahil do’n ay hindi niya tatawagin si Dimitri. ‘Baka isipin niyang okay na kami dahil nagpahalik ako.’“Hayyst! Nakakainis naman!” mayamaya ay nagulat siya sa sunod-sunod na katok sa pinto. Bumuga muna siya ng hangin at ikinalma ang sarili na parang walang nangy
Nang magising na si Sandy ay ka-agad na siyang naligo. Masarap din ang kaniyang naging tulog at na-miss niya rin naman na matulog sa kanilang kuwarto ni Dimitri. May mga damit naman siya rito kaya nagbihis na muna siya ng simpleng pambahay lang. May pag-uusapan pa sila ni Dimitri kaya bumaba na siya para hintayin na ito. Wala pa naman siyang natatanggap na mensahe mula kay Corrine at marahil ay tulog pa ito. Balak na sana niyang magtimpla ng kape subalit pababa pa lang siya nang manuot sa kaniyang ilong ang nakakagutom na amoy na ng mga nilulutong pagkain na nagmumula sa kusina. Naisip niya na baka si Eden na iyon kaya nagmadali na siyang tumungo ro’n na may nakapaskil na malapad na ngiti sa kanyang labi. “Good morning!” masiglang bati na nga niya ngunit agad siyang natigilan nang makita ang malapad na likod ng taong nakatalikod habang abala sa kung anong ginagawa. Napangiti naman si Dimitri nang marinig ang masiglang boses ni Sandy. Maaga talaga siya nagising para ipagluto ang as
Chapter 12Lutang na kung lutang pero iyon talaga ang pakiramdam ni Sandy. Oo, narinig niya, seryoso? Natutulala na rin siya dahil pino-proseso niya pa ang mga sinabi ni Dimitri sa kanya. Gusto nito na ayusin ang pagsasama nila. Iyon ang tanging naintindihan niya sa mga nasabi nito.“Handa akong ligawan ka ulit, okay lang kahit hindi ka pa sumagot ngayon but let me, Sands. I wanted to prove to you how I realized now that I really loved you. I was a coward! Mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin.”“M-mahal m-mo a-ako? Paanong nangyari iyon, Dimitri? Nakaraan mo iyan din ang sinasabi mo, eh.” Hindi pa rin siya kumbinsido. “Pero iyan ang totoo, mahal kita.”“Paano naman iyong sa babae mo?! Akala mo nakakalimuan ko iyong sinabi mong ‘I still love her’ huh, Dimitri!” panggagaya niya pa sa sinabi nito sa kanya. “Yeah, I know, mahirap na maniwala ka sa akin. Pero mahal talaga kita, Sands. Sabihin mo lang kahit anong gusto mo at gagawin ko. ‘Wag mo lang akong hiwalayan.” Lumapit na nga
“Jaime! Bakit hindi ko 'to alam? Bakit hindi mo sinabi sa akin na umalis si dad?” dismayadong tanong ni Sandy. Umalis kasi ang kanyang ama at hindi man lang nagpaalam sa kanya, wala rin umano itong pasabi kung kailan ito magbabalik. “Pasensiya na, young lady. Pero ayaw niya raw po kayong abalahin. ‘Wag ka rin daw mag-alala dahil hindi naman daw siya magtatagal.”“Paanong hindi ako nag-aalala? Matanda na si daddy. O, baka may inililihim kayo sa ‘kin? Sabihin na ninyo!” Agad naman na napailing si Jaime. “Wala, parang hindi mo naman kilala ang Don. Hindi ba ‘t sa kanya ka nagmana? Ilang taon kang nawala, hindi ka rin naman napigilan,” sabi pa ni Jaime dahil totoo namang may pinagmanahan siya. “Sabihin mo na lang sa akin kung saang bansa siya nagpunta?” tanong niya pa habang masama ang tingin kay Jaime ngunit muli na naman itong napailing.“Hindi namin alam.”“Jaime naman! Alamin mo na, please…” dahil hindi talaga siya mapalagay. Gusto niyang marinig ang boses nito upang mapanatag na
“Of course! I want to see you, babe. I'm worried, kagabi pa kita tinatawag pero hindi mo naman sinasagot,” may himig na tampong pagkasabi niya rito. Nagkatinginan naman ang tatlong empleyado at napapatanong kung si Lindsay na nga ba ang tinutukoy ng boss nila. “Siya na kaya iyon? Hindi sila bagay.”“Agree! Mukhang ma-arte at maldita. Kanina nga nabangga lang siya ni Ema ay tinalakan na niya ng bongga!” “Anong magagawa natin kung siya nga? Kita ninyo, nasa kanya na nga iyong bulaklak oh!” “Kuhh! Magtigil na nga kayo kung ayaw ninyong matanggal sa mga trabaho!” muling saway na naman ng isa nilang kasamahan.Tinataw na lamang nila ang boss at ang babae habang papalayo. “Those flower is not for you,” agad na sabi ni Dimitri kay Lindsay at nagulat pa ito nang kuhanin iyon ni Dimitri sa pagkakahawak niya.“What?! “Follow me! Let's talk at my office.” mababang boses na pagkasabi ni Dimitri. Ngayong narito naman na si Lindsay ay mumibuti na ni Dimitri na ipagtapat sa babae ang lahat. Na