Home / Romance / Revenge Of The Hieress Ex-Wife / Chapter 2 - Young Lady

Share

Chapter 2 - Young Lady

Tila nawala naman ang kalasingan ni Sandy nang marinig ang tatlong mga katagang iyon mula kay Dimitri na tila punyal namang sum*sak sa kaniyang dibdib.

Sobrang sakit!

Parang may bigla na lamang may bumara sa kaniyang lalamunan nang makuha ang kasagutan sa marami niyang tanong rito kanina. Sinampal siya nito ng katotonan! Hindi niya mawari ang katumbasa no'n para kay Sandy. Parang kulang pa ang libo-libong karayum na tila itinusok sa kaniyang puso na ngayon ay durog na durog na.

Sapul na sapul!

"Y-you s-till l-loved h-her?" nauutal pa na tanong niya ulit kasabay ang hilaw niyang pagtawa. Pilit niya na nilalabanan ang sariling emosyon ngunit ang totoo ay hinang-hina na siya katulad ng tatlong taong puntadasyo na sinikip niyang pagtibayin. Inakala niya pa ay nakuha na niya ng buo si Dimitri. Umasa siyang tulad sa kaniyang naramramdaman para sa lalaki ay gano'n na rin ito sa kanya subalit nagkakamali lamang pala siya, all this time!

Hindi pa rin pala sapat.

Pumiksi siya 't binawi ang braso niyang hawak ni Dimitri. Tinulak niya ito papalayo sa kanya. Marami siyang gustong sabihin pero hindi na sapat ang kaniyang lakas. Nanlalabot man ang kaniyang mga tuhod ay pinilit niya na ihakbang ang mga paa palayo sa lalaki. Ni hindi nga rin siya nito pinigilan.

Namumuhi siyang makita ang pagmumukha ng ni Dimitri!

Habang papalayo siya rito ay narinig pa niyang tumunog ang cellphone nito at maging ang pagsagot nito sa kung sino mang tumawag. "What?! Are you okay? 'Wag kang aalis diyan, pupuntahan kita."

Muli ay natawa siya ng pamakla. Kung ano kalamig at kaseryoso ang boses nito kaninang tanungin siya kung saan niya nangaling ay siyang lambing naman at batid ang pag-aalala sa boses ni Dimitri sa kausap nito. Kasunod na lamang no'n ay narinig na ni Sandy ang tunog ng sasakyan ng lalaki hud'yat na papaalis na ito.

'Tama na ang tatlong taon mo sa pagiging tanga, Sandy.'

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Pumasok siya sa silid nilang mag-asawa, kinuha ang maleta at isinilid niya ang kaniyang mga importanteng gamit at ilang pirasong damit na galing mismo sa sarili niyang pera, maliban do'n ay wala na.

Akmang lalabas na siya ng silid kanilang silid nang matigilan siyang muli sa pinto. Bumaba ang tingin niya sa kamay at napatitig siya sa daliring suot roon ang kanilang wedding ring. Wala pagdadalawang isip na inalis niya iyon sa kaniyang palasing-singan at pabagsak na iniwan sa taas ng side table.

Pababa na siya sa hagdan nang nagawi naman ang kaniyang mga mata sa pader kung saan nakasabit ang kanilang wedding picture. Kung pagmamasdan iyon ng kung sino ay masasabing parfect couple nga silang dalawa.

Bakit nga ba siya nahumaling sa walang pusong asawa niya?

Napa-ismid siya 't binaklas iyon sa pader at walang pakundangang binasag, binuhos niya ro'n ang galit bago tuluyang nilisan ang bahay nilang mag-asawa na nunka na niyang babalikan pa!

Malalaki ang kaniyang mga hakbang palabas patungong gate. At dahil nga madaling araw na 't alam niyang mahimbing na ang tulog ni Corrine ay hindi na niya ito ginambala pa. Nang iwan niya kasi ang kaibigan kanina sa bahay nito ay mas nalasing pa sa kaniya. Tanging ang driver na lamang ang naghatid sa kan'ya kung kaya siya 'y nakauwi.

Napabuga siya ng hangin mula sa naninikip niyang dibdib. Kinuha ang cellphone sa loob ng kaniyang bag upang tawagan ang taong tatlong taon na silang hindi nagkikita.

Naka-save pa naman ang number nito kaya magbabaka-sakali siyang ma-contact niya nga ito sa ganitong oras. Nang marinig niyang nag-ring pa nga iyon ay labis ang kaniyang tuwa.

"Yes!" sambit niya 't nabuhayan ng loob. "Please... Pick up the phone."

"H-hello?" halatang nagising lamang iyon base sa malat na boses nito sa kabilang linya.

"It's, me," tipid na sambit niya. Narinig niya naman ang pagkalabog ng kung ano kaya nag-alala naman siya bigla.

"Holly sh*t! Y-young L-lady?" Napailing na lamang si Sandy dahil wala pa rin pinagbago 'tong tao na ito.

"Hmmn... Ako nga. Sunduin mo na 'ko ngayon. I'll send you my location."

"Yes, young lady. Masusunod po." Agad na niyang pinatay ang tawag at naghintay.

Wala pang bente minutos nang makarating na nga ang sundo niya. Nagmamadaling lumabas ito ng kotse upang kunin ang dala niyang maleta. Akmang bubuksan na niya ang pinto ay ma-agap naman na niyang inunahan ito kaya agad na rin siyang pumasok. "Thank you, Jamie."

Bago sila umalis ay nilingon niya pa ang bahay nilang mag-asawa. Saka niya na lamang naalala ang kasambahay na si Eden. Nakadama siya ng lungkot dahil hindi man lang siya rito nakapag-paalam, naging mabait pa naman ito sa kan'ya kaya kahit papano ay napalapit na rin siya sa dalaga.

"Saan po kita ihahatid, young lady?" na-agaw naman ang atensyon niya nitong si Jamie. Ang personal assistant niya. Kahit hindi sila nagkikitang dalawa sa lumipas na tatlong taon ay sinasahuran niya ito at pinagkatiwalaan sa maraming bagay.

Dalhin mo 'ko kay, dad," tipid lamang na sagot niya. Tinanguan naman siya ni Jamie at buong biyahe na siyang tahimik. Sa isip ni Jamie ay tila may milagro yatang naganap dahil sa wakas ay naisipang nang umuwi ng kaniyang amo sa loob ng ng tatlong taon. Gayun pa man ay masaya siya kung babalik na nga ito.

Nang makarating na nga sila sa mansyon ay nagulat pa ang mga security guards nila nang mapag-sino ang bumaba lulan ng kotse. Aligaga naman ang mga itong yumukod sa kanya subalit sinenyasan niya ang mga ito na ayos lang. "Maligayang pagbabalik, young lady."

"Salamat," pagkasabi no'n ay tumalikod na siya sa mga ito dahil antok na antok na talaga siya at gusto na niyang magpahinga. Kasama nito si Jamie dala ang kaniyang maleta.

"Jamie, bumalik ka rito bukas kahit mga tanghali na. May ipagagawa ako sa iyo," sabi niya nang makapasok na sila ng mansyon.

"Sige po, darating ako."

"Salamat, magpahinga ka rin. O, kung gusto mo ay dito ka na matulog. Pumili ka na lang sa mga mga silid. Akyat na 'ko, sobrang antok na talaga 'ko eh." Humikab na siya nang magpaalam na.

Nang malaman ng kaniyang ama na si Don Sibastino na umuwi na si Sandy ay tila fiesta ang ganap sa mansyon kinaumagahan. Lahat ng paborito kasi nito ay ipinahanda 't pinaluto ng ama.

Nasasabik man na makitang muli ang anak ay hinintay niya na lamang kung anong oras itong magigising. Ayaw niyang istorbohin ang tulog nito dahil baka umano bigla na naman itong umalis.

Kung mangyari ay ilang taon na naman kaya umano ang kan'yang paghihintay?

Maxpiennisensui

Hello, support me😍😍😍 Leave a comment, guys! Thanks...

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status