Share

Revenge Of The Hieress Ex-Wife
Revenge Of The Hieress Ex-Wife
Author: Maxpiennisensui

Chapter 1 - Mistress

"Wow! Mas lalong gumaganda ka pa sa ayos mong iyan, Ma’am Sandy. Talagang mai-inlove niyan ng husto si Sir Dimitri sa iyo kapag nakita ka na," puri ng kasamabay nilang si Eden na siyang ikinangiti naman ni Sandy. Makikita pa sa mukha ni Eden ang pagkamakha habang nakatitig sa amo niyang babae.

Umikot-ikot pa si Sandy na ani mo'y isang Disney Princess with her color beige above the knee dress na talagang mapapatingin ang kahit na sino kapag siya ay makita dahil mas lalong lumabas ang kaniyang kaputian, maging ang kaniyang mga binti na maganda ang hubog at tuwid na tuwid. Tila ba siya isang modelo,  kumikinang pa ang kaniyang kutis na talagang  alaga sa akin care. 

Excited na siya sa pagdating ni Dimitri kaya maaga pa lang ay nag-asikaso na siya upang paghandaan ang kanilang third year wedding anniversary. Hindi niya rin kasi ito nabati kanina dahil pagkagising ay wala na ito sa kan'yang tabi. 

Med'yo nakaramdam pa nga siya ng tampo, hindi man lang umano siya nito ginising upang batiin. In-imangine pa nga niya na ginising umano siya ni Dimitri sa pamamagitan ng mga halik at haplos sa kan'yang nito kaniyang katawan hanggang sa nauwi sila sa–

'Sheems! Ang halay mo, Sandy!' untag ng kaniyang isipan. 

Napailing-iling siya 't dama ang pag-iinit bigla sa kaniyang pisngi mula mahalay niyang imahinasyon. 

"Talaga, Eden? Mukhang binobola mo lang ako naman ako eh," natatawang tugon niya pa rito.

Mahaba ang kaniyang bagsak at itim na mga buhok. Natural na mapula ang kaniyang labi na may pagkahugis puso. Mapupungay ang tila nangungusap na mga mata dagdag pa ang kaniyang katawan na tila nililok sa pagka-perpekto kung kaya't sad’yang naghuhumiyaw ang kaniyang sex appeal. 

"Si Ma'am, talaga! Hindi kita binobola ‘no. Ako 'y nagsasabi lang naman ng totoo. Maganda ka naman talaga lalo na ang iyong kalooban. Ang suwerte ko kaya dahil naging amo kita, ma’am. Suwerte rin ni Sir Dim sa iyo,” saad pa ni Eden. Nag-init naman ang puso ni Sandy dahil gano'n pala ang nakikita sa kaniya ng kasamabay nila na itinuturing niya na ring kapatid. 

"Uhhmm... Sige na nga!" pareho naman silang nagtawanan. "Halika na sa kusina, Eden. Baka may nakalimutan pa tayong hindi nailagay sa mesa." 

Ngunit papasok pa nga lamang sila nito sa nang tumunog ang kaniyang cellphone mula sa isang mensahe. Agad niya iyong dinukot sa kaniyang bulsa upang basahin. Isip niya ay ang asawa na iyon, habang hawak pa ni Sandy ang cellphone ay hindi mawala-wala ang nakapaskil pa rin niyang matamis na ngiti sa kaniyang labi subalit nang mabasa na ang mensahe ay do’n na tila unti-unti ring nawala. Nanlamig siya ‘t biglang natuod sa kaniyang kinatatayuan.

From Corrine : "Girl, tingnan mo iyang mga pictures na ipinasa ko sa iyo. I knew it! Kaya nga sa una pa lang ay hindi na talaga ako pabor sa desisyon mong pagpapakasal eh. Your bastard husband is cheating on you, Sands.”

Kasabay no'n ay ang tatlong pictures na may kuhang na kasamang ang isang babae ang asawa. Mukhang bagong dating ito dahil palabas na sila ng airport. Ang isang kuha naman ay magkayakap pa ang dalawa at ang sumunod na kuha naman ay nakahawak naman si Dimitri sa baiwang ng babae habang nakangiti sa isa ‘t isa. Ngunit ang mas lalong hindi niya makayanan ay ang makumpirna ngang ni Sandy na may namamagitan sa dalawa dahil nakuhanan pa ang mga ito na naghahalikan in public place. 

Rumagasa na ang masaganang luha ni Sandy mula sa kaniyang mga mata. Selos na selos siya sa babaeng kasama ng asawa. 

'Mga walang hiya!' 

Sa kan'ya nga ay hindi man lang ito iyon ginawa ni Dimitri kapag sila ay nasa labas o kung mangyari man ay bilang pa sa kaniyang mga daliri kung kailan sila nagkasamang na hindi pa nga matatawag na Isang date!

"Ay, ano iyan, Ma’am Sandy? Tears of joy? Nariyan na ba si Sir Sim?’’ gulat at nagtatakang tanong ni Eden sa kanya nang makitang siya nitong umiiyak samantalang katatalikod palang niya sa amo habang sila ay nagtatawan. 

Hindi na nagsalita pa si Sandy at bigla na lamang tinalikuran ang wala pa ring ideya na si Eden. 

"Ma'am..." 

Narinig pa niyang tinawag siya nito subalit hindi niya na pinansin pa. Agad na tinawagan niya ang kaibigang si Corrine "Hello, sunduin mo 'ko rito.”

Napabuntong-hininga naman si Corrine nang marinig ang malungkot na boses ng matalik niyang kaibigan. “Of Course! I'm on the way for picking you up. Hindi mo na kailangan pang sabihan ako,” maarteng sabi pa ni Corrine habang nakairap ang mga mata habang kausap siya na ani mo ‘y magkaharap lang sila. 

Nagpapasalamat si Sandy dahil to the rescue agad ang kaibigan sa kanya. Naghintay lamang ng ilang sandali si Sandy at mayamaya nga ay dumating na rin si Corrine. Bumusina ito hud'yat para lumabas na siya ng gate.

"Eden, aalis ako. Ikaw na bahala sa mga iyan. Kumain ka na lang riyan o ang iba ay ipamihay mo, ayos lang," iyon lang ang tanging sinabi niya 't nagmamadali nang umalis. 

"Ano, ma'am?! Hala! Saan po kayo pupunta? Sayang naman po itong niluto natin,” sabi naman ni Eden habang hinahabol ng tingin si Sandy, may ginagawa siya kung kaya ‘t hindi niya ito maiwan. 

Bagsak ang mga balikat ni Eden nang hindi man lang talaga siya nilingon ng amo.

"Hay! Ano ba ang nangyayari sa kanila? Bakit ako iyong gulong-gulo at namo-mroblema sa relasyon ng iba? Pisti!" 

Samantala; pasado alas dies na nang makating si Dimitri sa bahay nila at naabutan pa nito si Eden na nagsasalitang mag-isa sa kusina habang abala sa kung anong ginagawa, hindi rin nito napansin ang kaniyang presensiya 

"Ang daming nagugutom sa pinas. Pero, itong amo ko naman ay nagsasayang ng pagkain. Magpapatulong magluto tapos hindi rin naman pala kakainin. Ginawa ko pa naman ang best ko kanina–"

"Sinong kausap mo, Eden?"

"Yaaaa kaa!" bulalas naman nitong si Eden sa pagkagulat nang biglaang pagsulpot ni Dimitri sa kaniyang likuran. "Naku, Sir Dimitri. Pasensiya na 't nagulat lang talaga sa ako sa yawa– Este, pagpading mo po," natataratang ani niya pa sabay yuko.

"Sino nga kasing kausap mo? Naririnig kita, wala ka naman kasama rito. Nasaan ang si Sandy?” Naguguluhan na naman si Eden sa paghahanap sa kanya nito kay Sandy. 

"Aba'y ewan ko sa iyo, Sir. Akala ko ba ay pinuntahan ka? Umalis siya kanina pa." Napakunot-noo naman si Dimitri dahil hindi niya naman ito nakausap. Sinilip niya rin ang cellphone kung may mensahe ito, ngunit, wala. 

"Walang sinabi?" muling tanong pa nito kay Eden na prente pa rin nakatayo sa harapan niya sabay iling naman nito dahil wala nga talaga itong alam. 

"Wala, Sir. Akala ko talaga ay magkasama kayo. Ang dami nga namin inihanda para sa inyong dalawa. 'Di ba po ay anniversary niyo raw? Akala ko nga ay tinawagan mo si Ma'am para i-date na lang sa labas, pinaligpit niya na kasi itong lahat.” Tukoy naman ni Eden sa mga niluto nilang isa-isa niyang inaayos. 

Saka na lamang nga naalala ni Dimitri kung anong petsa ngayon 'It's our third wedding anniversary.' 

Walang imik naman si Dimitri na tinalikuran ang nagtataka na namang si Eden. Napakamot pa ito sa kan'yang ulo dahil puros wala umano sa hulog ang kaniyang mga amo. 

Pasado alas dos na ng madaling araw dumating si Sandy at nagtataka si Dimitri dahil lasing ito. 

‘Kailan pa ‘to natutong maglasing?’

"Saan ka galing?" ang malamig malalim boritonong boses ni Dimitri ang sumalubong kay Sandy nang makapasok na ito ng bahay. Subalit ang dapat na pagsagot nito sa asawa ay siyang tanong naman ni Sandy pabalik kay Dimitri.

"I-ikaw? S-sheenong k-kashsaama mo k-kanina?" Kahit na umiikot ang paligid para kay Sandy ay pinilit niyang harapin ang asawa. Napailing-iling pa ito at kinumpas-kumpas pa ang isang kamay. "Aayy, m-malii– M-maali pala, "Nag-enjoy ka ba kasama ang kabit mo?" Napatakip pa siya ng isang palad sa kaniyang bibig na tila may mali sa kaniyang nasabi.

"H-have y-you done fucked countless times?" Dahan-dahan na lumapit si Sandy kay Dimitri kung kaya ‘t agad na nasamyo naman nito ang alak na nainom ng asawa. Nagtagis ang mga bagang ng ni Dimitri sa mga salitang lumalabas sa bibig ng asawa ngunit para kay Sandy, kahit na lasing siya ay alam niya ang kaniyang mga sinasabi sa harapan nito. Nagpagewang-gewang pa siya at muntik nang mabuwal, mabuti na lang ay maagap na nahawakan ni Dimitri ang kaniyang braso at hinapit ang kaniyang baiwang.

"Youre drunk. Stop imagining things–"

"Mas magaling ba siya sa 'kin, Dimitri? Huh? Tell me!" natigigal naman si Dimitri dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nasigawan siya ng babae ay ngayon niya din nakita ang nag-aalab na galit sa mga mata nito. Bakas iyon kahit na napapapikit ito ay hindi maikakaila ang nararamdaman nitong galit para sa kan'ya. 

"I said, stop!"

"Then, why don't you answer me?! Doon ay tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mga mata ni Sandy na kanina pa niya kinikimkim. Ni pag-iyak sa harap ni Corrine ay hindi niya ginawa dahil ayaw niyang makita siya nito na isa siyang mahina. Ngunit nang magkaharap na ang lalaki– Na dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay tuluyan na siyang sumabog. 

“I STILL LOVE HER!” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fyanggie
More updates!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status