Walang nakuhang sagot pabalik si Timothy mula sa kanyang anak.
Minsan talaga hindi na niya maintindihan kung paano niya ba pakikitunguhan ng maayos ang anak niya. "You won't even greet your own father?" Nakarinig siya ng malalim na pag-hinga nito. "You do know that I'm busy, and made that clear before you left to go to your appointment." Pag-susungit nito, mahinang natawa naman ang kanyang tatay. "Tapos tatawa ka lang diyan pagtapos mo akong istorbuhin sa ginagawa ko. Ano ba yang sasabihin mo?" Nakangiting umiiling si Timothy. "Sungit mo kahit kailan. Alam kong lalo mo din akong susungitan pag-narinig mo ang sasabihin ko." Tumahimik naman ito sa kanyang narinig. Inaaantay na ituloy ng kanyang tatay kung ano man ang mahalagang balita na sasabihin nito. Ngunit masama na agad ang kutob na nararamdaman nito sa kung ano man ang balitang yun. "Go on. Tell me." Pag-udyok niya. "Naka maskara ka na naman ba? I can't even comprehend properly what you're saying, it's muffling your voice." Napa-ikot naman ang mata ng binata. "Ayun pa talaga pinansin mo? Sabihin mo na!" Iritang sambit nito, at nakarinig naman to ng malakas na halakhak. "Sorry, matanda na eh." Napasinghal naman ng malalim si Tristan, dahil hindi maituloy-tuloy ng tatay niya ang kanyang sasabihin. "Alam kong magagalit ka, pero wala ka naman na magagawa kaya ipapaalam ko na lang sayo." Tumigil saglit ito, at napaubo ng mahina. "Excuse me. Sorry about that. Anyway you are going to be married to the Santiago's daughter-" Agad na ito naputol at sumabat ang pinakamamahal niyang anak. "What?! Why didn't you ask me about that first, dad?! And isn't she the rumored daughter that had issues?" Kumunot naman kilay nito sa narinig niya. "And since when did you care about rumors, aber? Wala ka naman na magagawa, I already met with their daughter, and she agreed." Malakas na 'What?!' ang narinig niya, kaya saglit niyang nilayo ang cellphone sa tenga niya. Kahit na medyo malayo na ito sa kanya, naririnig pa rin niya ang kanyang anak na nag-sasalita ng walang tigil. Buti na lang din talaga na pinaghandaan niya ito mentally, kung hindi baka nasabayan na niya ito sa kakadakdak. "Kahit mag-reklamo ka pa diyan, everything is already set, the last thing was to only inform you. Besides, she doesn't seem like what you heard from the rumors." Pagpapaliwanag ni Timothy. "Well, except for the fact that she has short-term memory loss.. But still a great lady to be with." Mahinang sinabi niya ang una, ngunit hindi ito pinalampas ng kanyang anak. "Great, you're having me married to someone that's forgetful." Napahinga na lang ng malalim si Timothy, bago muli mag-salita. "Alam kong galit ka na ginawa ko ito ng walang permiso mo, o hindi ko man lang pinaalam agad sayo. I'm sorry. Malapit na ang araw na ikaw na ang mag-mamana ng business natin, kailangan mo ng mag-susuporta sayo." Umubo ulit si Timothy, kaya agad niyang nilayo ang cellphone sa kanya. Tinodo na lang niya ang volume nito para kahit sa kalayuan marinig niya ang sinasabi nito. "I understand where you're going with that pops, but you know better than anyone else that I do not even have the slightest interest in marriage, or even in a woman." Ngumiti naman si Timothy. "Busy na nga ako sa business ng pamilya natin kahit hindi mo pa pinamamana sakin ito, tas dadagdagan mo pa?" Napailing naman ito. "Paano ka nakakasigurong na magiging istorbo ang babaeng ipapakasal ko sayo, Tristan. I made sure na pumili ng babaeng makakasundo, at makakatulong sayo." Tahimik naman na nakikinig si Tristan sa kanyang tatay, na ipinasalamat ni Timothy. "That's why I met up with her personally. She's honestly great, very capable even. Adding the fact, na minsan she can be very forgetful. But nonetheless she makes a way so that her forgetfulness won't be a hindrance to her, or for the people around her." Pag-papaliwanag niya. Nanatili naman na nanahimik si Tristan sa kabilang banda. "You need someone beside you, Tristan. That's what I only wish for you, and I hope that you can come to understand that what I did was for you. But that does not change the fact that what I did was still wrong, so I am very sorry son." Pag-hihingi niya ng paumanhin dito. "It's fine if after this you won't talk to me, or won't even forgive me. But please do come with me when I'll meet up again with her, so that you can personally judge for yourself if she's okay or not. I'll make changes if she's not." Nanghihinang sambit na nito habang nag-sasalita. Ipinagdadasal na lamang ni Timothy na hindi ito mapansin ng kanyang anak, at tanungin siya. "Whatever, let's just talk about that later when you come home. I still have a lot to do, see you later pops." Napabuntong hininga naman ito nang marinig ang sagot ng anak. "Sure, sorry for disturbing you when your working son." Kinapa niya ang kanyang dibdib, at naramdaman ang mabilis na pag-tibok nito. Dahilan ng hirap sa kanyang pag-hinga. "It's fine, you didn't disturb me even. Get some rest when you get home, you're getting old. You need lots of rest, okay?" Pagpapaalala niya. Napangiti si Timothy, natutuwa na kahit ganoon ang ginawa niya, lagi pa rin itong nagpapaalala dito na mag-pahinga, lalo na at nagkakaedad na siya. "Of course, thank you son. See you later." Agad naman na pinatay na ng binata ang tawag, kaya binitawan na rin ni Timothy ang cellphone at napahawak ng mahigpit sa dibdib niya. "Hirap naman ng nagkakaedad na." Mahinang sambit niya sa sarili at napapikit ang kanyang mata. Pinapakiramdaman lamang ang sarili. "Nandito na po tayo, sir." Napamulat naman siya agad, at nakitang nakarating na nga sila sa villa. "Thank you for escorting me back, Berto. Do get some rest, and eat after." Pag-papasalamat nito sa kanyang driver, na ikinagalak naman ng driver. "Wala ho iyon, sir. Ikaw din po magpahinga, hatid na ho kita sa pinto." Sambit nito ng makalabas na siya ng kotse, at binuksan ang pinto kung saan nakaupo si Timothy. Ngumiti si Timothy dito at bumaba na ng kotse. Nakaramdam siya ng maikling hilo kaya muntikan na siya malaglag nang mag-simula na siya mag-lakad, mabuti na lang din at nakasuporta si Berto sa likod nito. "Ayos lang ho kayo, sir?!" Puno ng pag aaalala na tanong niya, tumango naman si Timothy at nag-patuloy na mag-lakad papasok ng pinto ng nakasuporta pa din si Berto sa kanyang likuran. _________________ Matapos ang ilang oras na byahe nakarating na din si Astrid sa bahay ng nangangalang Astria, na siyang nagsasabuhay na. "Mansion pala ito... Gaano bang kayaman ang pamilya nito..." Bulong niya sa sarili niya ng makita na mansion pala ang tinitirhan nito. Matapos huminto ng kotse sa harap nito, dali-daling pinasalamatan ni Astrid ang driver hindi na inantay na pagbuksan siya nito ng pinto, at lumabas na mula sa loob ng kotse. Umupo agad siya sa hagdan ng mansion, at hinalungkat muli ang handbag na dala niya. Matapos niyang halos baliktarin na ang loob nito, may nahulog nga na papel mula sa loob nito. "Meron ngang papel, thank you Lord!" Masayang sigaw nito at agad na hinablot ang papel."Miss Astria! Ano pong ginagawa mo diyan? Halika hatid na po kita sa loob, nag aantay na din po si ate Bebang sa pinto upang samahan ka po papunta sa iyong kwarto." Napatingala naman si Astrid dito, at nakitang hinihingal pa ang driver. "Nako! Pasensya po." Agad na pag-hingi ng paumanhin ni Astrid dito. Ngumiti lamang ang driver sa kanya, at sinenyasan siyang sumunod. Pinagpagan niya ang sarili niya bago tumayo, mahigpit ang hawak sa handbag na dala niya. Pagkarating nga nila sa tapat ng pinto, may nag-aantay na babae sa kanila doon. May kaedaran na din ito, at napagtanto niyang baka ito ang sinasabing ate Bebang ng driver kanina. "Salamat Rigor sa paghatid kay Miss Astria sa pinto." Tumango naman ang driver na kasama niya, at nag-paalam na aalis na. Nung pababa na ito, saka naman siya tinawag ni Ate Bebang upang pumasok na sa loob, at agad na napamangha siya sa ganda ng loob ng mansion. "Base sa iyong kinikilos, batid ko po ay nakalimot ka na naman po Miss Astria?" Tumango nam
Maririnig ang mga matitinis na huni ng ibon, at sa loob ng mansion ng mga Santiago makikita naman si Ate Bebang na dali-daling umakyat papunta sa kwarto ng kanyang alaga. Malakas na kumatok ito, ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya nag-pasiya na siyang pumasok sa loob at may importanteng biglaang lakad si Astria. "Miss Astria, gising ka na po." Pag-tawag niya dito. "Miss Astria, kailangan mo na pong gumising." Ngayon naman mahina niyang niyugyog ito, at nakita niyang paunti-unti na siyang nagigising. Agad na kumunot ang kanyang mga kilay nang maramdaman na ni Astrid ang liwanag. "Gising ka na po, kailangan mo na pong kumilos at mag-ayos." Pag-mamadali ni Ate Bebang sa kanya, dahil antok pa si Astrid mahina itong sumagot ng '5 minutes pa po ate' na malinaw na narinig ni Ate Bebang. "Nako! Hindi po puwede Miss Astria! Kailangan mo na pong kumilos at bibisita dito ang mapapangasawa mo po at si Mr. Miller na tatay niya!" Agad naman napabalikwas si Astrid sa kanyang narinig.
"So, you both agree with the date?" Tanong ni Timothy sa dalawa, nakikita man ang pag-aalinlangam ni Astrid tumango pa din ito. Ang kanyang anak naman ay naka-krus lamang ang dalawang braso, at kahit hindi nakikita ang mukha nito gawa sa suot niyang maskara, ramdam na nito ang irita. "Do I have any choice? None." Supladong sagot niya sa kanyang tatay. Matapos ang humigit isang oras na pag-papaliwanag tungkol sa kung bakit kailangan agahan ang kasal nila, nag-tagumpay naman siya. Napabuntong-hininga na lang ang matanda, ang importante ay napapayag niya ang dalawa. Samantalang si Astrid naman ay tahimik lang sa harapan nila, malalim ang iniiisip. Napansin naman ito ng matanda, at sumimangot. Hindi naman niya kagustuhan ang paagahin ang kasal nila, naiiintindihan niya na mahirap na bagay ang pinasubo niya sa kanila. "Pasensya na kayong dalawa kung nabigla ko kayo, ngunit kailangan ko itong gawin." Pag-hihingi paumanhin nito sa dalawa. Tumingin si Astrid sa binata, hindi
"Ate Bebang! Ayos na po ba lahat? Wala na po ba ako ibang nakalimutan pa?" Sigaw ni Astrid mula sa loob ng kanyang kwarto, bumukas namang pinto nito. Pumasok naman si Ate Bebang na may dala-dalang tinapay na may egg, at may halong mayonnaise ang palaman. "Opo, binaba na din po ni Kuya Rigor ang lahat ng bagahe mo po." Sagot ni Ate Bebang, at inabutan si Astrid ng dala niyang tinapay, ngunit may ginagawa pa ang dalaga kay nilapit na lang niya sa bibig nito at kumagat agad si Astrid. Ngayon ay nag-mamadali na siyang ayusin ang kanyang sarili, nalimutan niya na ngayong araw na nga pala siya lilipat sa bahay ng mga Miller. Anong oras na siya nagising kanina, at ngayon ay binibilisan na ang kanyang kilos, baka mamaya ay biglang dumating na ang pinapunta ng mga Miller na mag-susundo sa kanya. "Kumain ka na po muna, baka dumating na lang po bigla ang sundo mo at wala ka pang kain." Saad ni Ate Bebang, habang pinapakain pa din si Astrid ng dala niyang mga tinapay. "Kumakain naman
๐๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฅ! ๐๐ข๐ด๐ข๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ?! ๐๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฅ ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ข๐ข๐ฃ๐ฐ๐ต ๐ด๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข?! ๐๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฅ ๐บ๐ถ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ๐จ! ๐๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ๐จ! ๐๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฅ, ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข?! ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ-๐ต๐ข๐จ๐ถ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข! ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐! ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐?! ๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐! "Hoy." Napamulat si Astrid sa gulat. Hindi niya namalayan nakatulog pala siya, tumingin naman siya sa taong gumising sa kanya. Nawindang siya nang may makita siyang color brown na mga mata na nakatingin sa kanya mula sa dalawang maliit na butas ng maskara. Hindi niya inaaasahan na siya pa pala ang una niyang makikita pagdating sa destinasyon nila. "Tristan?" Paninigurado niya, nang maki
Hinayaan na lang niya ang sarili niyang paa na mag-lakad kung saan man siya dadalhin nito, ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa pinto. Hahawakan na niya sana ang knob nung pinto, nang bigla itong bumukas. Nagulat si Astrid at napaupo sa sahig, ang bumungad sa kanya ay isang batang lalaki na mukhang nasa edad na 4-5. Nagulat din ito ng makita niya si Astrid, kaya napaupo din siya sa sahig. "Ouch!" Pag-iyak niya, habang hinihimas niya ang kanyang pwet. "Theo! Nasaan kang bata ka?!" Isang pamilyar na boses naman ang nag-tatawag sa bata, tuloy-tuloy ang pag-lakaa ng boses, kaya naman tumayo na agad ang bata. "Ate! Tago mo po ako!" Desperadong sabi niya, at tumango na lang si Astrid kahit na hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Pumunta ito sa likod ni Astrid, kumapit sa likod ng damit niya, at tinago ang sarili niya. Napaestatwa na lang si Astrid sa kinatatayuan niya, hindi na iniiisip kung ano man ang itsura niya pag nakita siya ng nag-hahanap sa batang ito. A
"Why do you look surprised? You should be used to seeing these kinds of things." Hindi naman pinansin ni Astrid ang sinabi ng binata. Tinignan niya lang ang paligid ng nadadaanan nila papunta sa ala-palasyong disenyo na tinuturong 'house' ng batang nakakapit sa kanya. Maraming iba't-ibang uri ng bulaklak ang namunga sa magkabilang gilid ng kanilang dinadaanan na stoned marble patterned na lapag. "Are you deaf? Or just ignoring me?" Pag-aagaw pansin muli ni Tristan dito, pero sa pangalawang pagkakataon wala ulit siya nakuhang sagot mula sa maliit na dalaga na nasa harapan niya. Tahimik na lang itong nakasunod sa dalawa. "Do you like our house ate? Isn't it very big, and looks like a big castle!" Masiglang pag-mamalaki ng bata, tahimik naman na tumango si Astrid, ang mga mata hindi mapakali sa magandang paligiran na nilalakaran nila. "Oh, I almost forgot po pala! I'm Theo, and there behind us is my Kuya Tristan! He's the one who designed our house to look like a castle." Nan
Tinanggal agad niya ang kanyang mga sapatos pagkapasok at, humiga na agad si Astrid sa kama, ramdam lahat ng pagod mula sa araw na ito. Tinignan naman ni Astrid ang kisame ng kwartong inihanda para sa kanya. Nasa tabi ng malaking cabinet ang kanyang mga gamit, at gaya ng sabi ni Tristan sa kanya kanina, lahat ito ay kumpleto. Walang ginalaw, kinuha o nawala dito Malaki ang kwarto, mas malaki pa ito kaysa sa kwarto ni Astria sa mansion ng mga Santiago. Ano pa nga bang aasahan niya, sobrang yaman ng pamilya ng kanyang mapapangasawa, at tama nga si Tristan. Kailangan na talaga niyang masanay sa gantong mga bagay, pero hindi pwedeng lumaki ang ulo. Bago pa siya makarating dito, biniro-biro pa siya ni Timothy na saka daw sila ni Tristan mag-sama sa iisang kwarto pag-napakasal na silang dalawa. Minsan talaga, hindi na niya alam kung masasabayan pa ba niya ang pagiging palabiro ng matanda, at minsan nakikita niya na hindi natutuwa si Tristan sa mga biro ng kanyang tatay. Hin
Tahimik na magkasama si Astrid at Tristan sa labas ng operating room. Wala ni isa sa kanilang nagtangkang umimik. Pinapanood ng mabuti ni Astrid ang cctv footage na sinend sa kanya ni Luigi kanina, hinahanap ang oras ng pangyayari, at ang suspek. Wala si Theo at Luigi dito, at inutusan niyang manatili na lang sila sa kwarto niya. Mamaya naman ay sabay sabay din silang aalis kasama ang kapatid ni Theo. Isang oras na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga doctor st nurse mula sa loob. "Uy! Si boss andito pala!" Malakas na ani ni Bandit, kasama niya ang kanyang kapatid na si Ban na naglalakad sa pwesto nila Astrid. "Bossing, kamusta panliligaw-uk!" Hindi natapos ang sinasabi ni Bandit nang sikuhin siya ng malakas ng kanyang kapatid. Galit na lumingon si Bandit sa kapatid niya habang hinihimas ang tagiliran niya. "Masakit yun! Bakit ba?!" Napahawak naman si Ban sa sentido niya, at napapikit sa pagiging bulag ng kapatid. "Paganyan-ganyan ka pa, di ka man lang
"Tan! You're here!" Agad na nangunit noo ni Astrid sa narinig na boses, alam na alam niya kung kaninong boses ang bumati sa asawa niya. "Gising na pala siya?" Bulong ni Astrid sa sarili at sumilip ulit. Tama nga ang naisip niyang si Astria yun sa loob ng kanyang katawan ang bumati sa asawa niya. Mukhang maayos na ang lagay nito, napakalusog ng katawan niya, na para bang hindi ito nawalan ng malay ng ilang linggo. Nakita niyang hinalikan pa nito si Tristan sa pisngi, ngunit ang mas nakapagpabugla sa kanya, ay hindi na pala nito suot ang maskara niya. "Wala siyang suot na maskara? Totoo ba tong nakikita ko??" Bulong niya sa sarili habang pinanood ang dalawa na pumasok na sa loob ng kwarto. "Ibig sabihin ba non, alam ni Tristan na si Astria talaga ang nasa katawan ko?" Napasandal siya sa pader. Kahit na ito ang binabanggit niya ngayonโmas tumatak sa kanya na ang asawa niya ay bumibisita sa ibang babae, at hindi siya na asawa niya na nasa kaparehong floor lang. Ginulo ni
Sa wakas, at nakadischarge na si Astrid. Nag-inat siya ng kanyang mga braso at katawan. Pagtapos naglakad siya papapasok ng cr upang linisan ang sarili at magpalit ng damit. Mamaya ay susunduin siya ni Theo, at ang nakatokang bantay nito. Sa loob ng apat na araw ng pagpapagaling ni Astrid, ni isang beses hindi na nagpakita o bumisita sa kanya si Tristan. Ang kapatid na maliit lamang nito ang pumupunta dito, para kamustahin ang lagay niya, sa tuwing bibisita ito kasama nito ang magkapatid na si Ban at Bandit, minsan naman si Luigi. Nagsasalit-salitan sila pag babantay sa batang kapatid ng kanilang boss. At dahil hindi alam ni Astrid kung nasaan, o anong ginagawa ng kanyang asawa, tinatanong niya sa mga taong sumasama kay Theo kung nasaan ang kanilang boss. Laging sagot na nakukuha niya sa mga ito ay: Nagkakamot ng ulo si Ban, at kung saan saan siya nag papalinga, "Si boss? Hindi ko po alam, madam.. Madalas rin namin siya hindi makita ng mga araw na ito." Sa tabi nama
Matapos lumabas ni Tristan, tahimik ang buong paligid sa loob ng kwarto. Ang kanina lamang na malakas na volume ng ipad ni Theo ay hindi na narinig ni Astrid. Blanko na lamang siyang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, bakit bigla na lang ito nagbago dahil sa isang text na nabasa niya. Hindi man niya alam kung ano ang nilalaman ng mensaheng iyon, ngunit halata naman na dahil doon nagbago bigla ang asawa niya. Pinagkukutkot na ni Astrid ang kuko ng bawat isang daliri niya, ang mga mata niya ay nakadikit lamang sa pintuan. Nananalangin na biglang pumasok ang lalaki sa loob, at sasabihan siya na biro lamang ang lahat ng sinabi niya kanina. At susuyuin siya dahil sa ginawang prank nito na hindi nakakatawa. Hindi siya mapakali, gusto niyang malaman kung ano ang naging rason sa biglang pagbabago bg asawa niya. Tungkol saan kaya ang mensaheng natanggap ng lalaki? Tungkol ba iyon sa babae? Sa mahal niyang tunay?
"Tris, kailan pala yung party?" Tanong ni Astrid dito, habang puno pa ang bibig niya ng pagkain na pinabili niya. Ang paborito niyang fries, at coke float. Habang si Tristan ay tinignan siya, at ang ekspresyon nito ay hindi mawari. Hindi niya inaaasahan na mayroon din palang ganitong side ang babae, ngayon lang niya nakita. "5 days from now." Tumango naman si Astrid, at masaya na kumain ulit, at sinubuan pa si Theo at busy ito sa paglalaro sa kanyang ipad. "Hey, careful. No one is going to eat your food." Pag-papaalala ni Tristan dito, at sobrang bilis nitong kinakain ang pagkain niya, na para bang may kung sinong aagaw nito. Nilunok naman ni Astrid ang kinakain, bago nagsalita. "Edi pwede na ako idischarge? Kailangan pa natin bumili ng gift, tas damit mo at damit ko diba?" Tumaas naman kilay ni Tristan, nag-taka sa tinanong nito. "Why would we need to buy a gift?" Kung siya lang ay tatanungin, wala itong balak na bilhan ng regalo ang bruha nitong pinsan. Lalo pa at pagtapos n
Ilang minuto na nagkakatok si Theo kasama ang nakakatanda nitong kapatid sa pinto ng cr, kung nasaan si Astrid.Habang si Astrid ay tahimik lang na nakaupo sa sahig, malalim ang iniisip.Marami siyang hindi maintindihan na bagay, na alam naman din niyang kailan man ay hindi masasagot ng sino man.Lalo sa araw na ito, na isang impormasyon na sigurong ay hindi niya dapat itinanongโna hindi na lang niya sana narinig ang sagot.Sa puntong yun, ginugusto na lang niya na mawala. Na kainin na lamang siya ng lupa, at wala naman siyang lugar para sa mundong ito.Para lang siyang ibinuhay dahil ang magiging kapalaran lang rin niya din naman ay mamamatay.Kaya lang naman siya nakaligtas sa dapat na kapalaran niya ay dahil isang milagro ang nangyari, na mapunta ang katawan niya sa babaeng minamahal ng kanyang napakasalan.Baka nga kung hindi man naalis ang kaluluwa niya sa dating katawan ay kahit kailan, ay kikitain na siya ng kamatayan. Kung dati nag-papasalamat pa siya na nabuhay siya muli, ng
"Welcome party?? Dapat bang kasama ako, hindi ko nga kilala mga pinsan mo." Napabuntong hininga si Tristan, wala naman talagang balak ito na pumuntaโkung hindi lang siya napilitan. "I honestly don't want to go either." Pagod na saad niya, tinaasan naman ng kilay ni Astrid ito. Habang pinakakain niya si Theo ng biscuit niya, dahil hawak-hawak niya ang kanyang ipad, pokus sa pinapanood niyang sprunki. "Ayaw mo pala eh, bakit ka pumayag?" "She forced me. And I need to know about some things." Pakiramdam ni Astrid hindi buo ang sinasabi sa kanya nito, bakit ayaw pa nitong banggitin sa kanya? Mukha ba siyang hindi makakaintindi? Pinagkrus ni Astrid ang mga braso niya, maingat sa kamay niyang may swero, at tumingin sa asawa niya. "And why do I get the feeling you're not telling me everything?" Naestatwa naman sa kinauupuan nito si Tristan. Kapag nag ingles na ang asawa niya, kailangan nitong sabihin ang totoo. Hindi madalas ito mag ingles, kaya pag nangyari na iyon kailangan
[Come on now, Cousin. The clock is moving. I need an answer.] Pagmamadali ni Julia kay Tristan. Sinuntok naman ng malakas ni Tristan ang camera na nasa harap niya. Nabarag ang camera, nahulog ang lens at buong camera malapit sa paanan ni Tristan. Sabay winagayway niya ang kamao niyang may dugo. "Yeah. I'll go. I'll make sure to destroy you" Biglang bumukas naman ang pinto, si Astrid ay hawak-hawak ang pihit ng pinto, at sa kabilang kamay nito ay hila-hila niya ang lalagyam ng iv drip. Sa tabi naman niya ay si Theo na nakahawak sa likod ng damit niya. Narinig nila ang malakas na pagsuntok kanina ni Tristan sa pader kung nasaan ang kanina lang na nakalagay na camera. Nanlaki agad ang mata ni Astrid nang makita niya ang duguan na kamay nito. [Oh, what a bummer. Why did you destroy the camera? Do you even know how much that costs?] Pagiinarte nito, at mahigpit na kumuyom ang kamay ni Tristan. "Hoy, wag mo nang ganyanin lalo kamay mo! Anong nangyari diyan?! Bakit puro dugo na y
Habang nag-tatawanan sila, biglang ni Tristan mula sa bulsa niya, nagvvibrate ang cellphone niya. Mabilis na kinuha ito ni Tristan para tignan ang dahilan ng pag-vibrate nito. Nang buksan niya, kumunot ang kilay niya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag. Tumingin naman si Astrid sa kanya at nakita ang ekspresyon nito. "Bakit?" Tanong niya dito. "I need to answer this call muna, it won't take long." Sagot naman ni Tristan dito, habang sinusuot niya ang maskara niya. Tumango naman si Astrid, at nagpatuloy na makipaglaro kay Theo. Naglakad na siya papunta ng pinto, at lumabas. Inangat niya ang kamay niya na hawak-hawak ang cellphone. Pumalatak siya, at sinagot ang tawag. [Cousin! Why did you take so long to answer my call?] "I'm at the hospital, why are you calling?" Narinig nito na umangal pa ang pinsan niya na napaka sungit talaga nito. [Is that how you talk to your cousin, that you haven't seen for almost 4 years?! You hurt my feelings, cousin.] Sabay umarteng um