Hinayaan na lang niya ang sarili niyang paa na mag-lakad kung saan man siya dadalhin nito, ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa pinto. Hahawakan na niya sana ang knob nung pinto, nang bigla itong bumukas. Nagulat si Astrid at napaupo sa sahig, ang bumungad sa kanya ay isang batang lalaki na mukhang nasa edad na 4-5. Nagulat din ito ng makita niya si Astrid, kaya napaupo din siya sa sahig. "Ouch!" Pag-iyak niya, habang hinihimas niya ang kanyang pwet. "Theo! Nasaan kang bata ka?!" Isang pamilyar na boses naman ang nag-tatawag sa bata, tuloy-tuloy ang pag-lakaa ng boses, kaya naman tumayo na agad ang bata. "Ate! Tago mo po ako!" Desperadong sabi niya, at tumango na lang si Astrid kahit na hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Pumunta ito sa likod ni Astrid, kumapit sa likod ng damit niya, at tinago ang sarili niya. Napaestatwa na lang si Astrid sa kinatatayuan niya, hindi na iniiisip kung ano man ang itsura niya pag nakita siya ng nag-hahanap sa batang ito. A
"Why do you look surprised? You should be used to seeing these kinds of things." Hindi naman pinansin ni Astrid ang sinabi ng binata. Tinignan niya lang ang paligid ng nadadaanan nila papunta sa ala-palasyong disenyo na tinuturong 'house' ng batang nakakapit sa kanya. Maraming iba't-ibang uri ng bulaklak ang namunga sa magkabilang gilid ng kanilang dinadaanan na stoned marble patterned na lapag. "Are you deaf? Or just ignoring me?" Pag-aagaw pansin muli ni Tristan dito, pero sa pangalawang pagkakataon wala ulit siya nakuhang sagot mula sa maliit na dalaga na nasa harapan niya. Tahimik na lang itong nakasunod sa dalawa. "Do you like our house ate? Isn't it very big, and looks like a big castle!" Masiglang pag-mamalaki ng bata, tahimik naman na tumango si Astrid, ang mga mata hindi mapakali sa magandang paligiran na nilalakaran nila. "Oh, I almost forgot po pala! I'm Theo, and there behind us is my Kuya Tristan! He's the one who designed our house to look like a castle." Nan
Tinanggal agad niya ang kanyang mga sapatos pagkapasok at, humiga na agad si Astrid sa kama, ramdam lahat ng pagod mula sa araw na ito. Tinignan naman ni Astrid ang kisame ng kwartong inihanda para sa kanya. Nasa tabi ng malaking cabinet ang kanyang mga gamit, at gaya ng sabi ni Tristan sa kanya kanina, lahat ito ay kumpleto. Walang ginalaw, kinuha o nawala dito Malaki ang kwarto, mas malaki pa ito kaysa sa kwarto ni Astria sa mansion ng mga Santiago. Ano pa nga bang aasahan niya, sobrang yaman ng pamilya ng kanyang mapapangasawa, at tama nga si Tristan. Kailangan na talaga niyang masanay sa gantong mga bagay, pero hindi pwedeng lumaki ang ulo. Bago pa siya makarating dito, biniro-biro pa siya ni Timothy na saka daw sila ni Tristan mag-sama sa iisang kwarto pag-napakasal na silang dalawa. Minsan talaga, hindi na niya alam kung masasabayan pa ba niya ang pagiging palabiro ng matanda, at minsan nakikita niya na hindi natutuwa si Tristan sa mga biro ng kanyang tatay. Hin
Napabalikwas si Astrid sa lakas ng kumakatok ng kanyang pinto, kahit pa na antok pa ito, bumangon na siya at lumapit sa pinto. Pagkabukas niya ay bumungad sa kanya ang isa sa mga katulong ng mga Miller. "Magandang umaga, Miss Astria. Andito po ako para tulungan ka na mag-ayos ng iyong sarili." Paliwanag nito, at itinaas ng bahagya ang suot niyang salamin. Kitang-kita nito ang napakatalas nitong tingin, na para bang kakainin niya si Astrid ng buhay. Ngumiti naman si Astrid, hindi naman labag sa loob niya pero hindi pa siya komportable na iba ang mag-aasikaso sa kanya. Kaya naman niya sarili niya. "Nako, wag na po! Kaya ko naman po sarili ko, anong okasyon po ba ang mayroon, nang mapaghandaan ko po ng maayos?" Saglit niyang tinignan ang orasan na nasa ibabaw lang ng pinto. Mag-10 palang ng umaga, ano kaya ang mayroon? Wala naman naalala si Astrid na may nabanggit si Timothy sa kanya kahapon na may ganap ngayong araw? "Hindi po maaari, utos po ito ni Sir Tristan. Pupunta
"Since you both haven't announced the date of your marriage, can we assume that you want it to be a private, and lowkey occasion where no press or reporters are involved?" Huling tanong na nito para sa kanila. Parehong tumango sila. "Yes, we would love to have a peaceful wedding where we are not bombarded with people taking pictures of us with flashing camera lights that can be blinded to the eyes." Kinurot ni Astrid ang kamay nito nang marinig na niya ang irita sa boses ng lalaki, kaya bago ito mag simula muli mag-salita, huminga muna ito ng malalim bago tinuloy ang sasabihin niya. "And yes, we want it to be private, only our friends and family are invited. I want my wife to be comfortable, and not think of anything else but me, on our wedding day." "And that's a wrap! Thanks for your time Miss Astria, and Sir Tristan. Can't wait to work with both of you again!" Masayang sabi ng lalaki sa kanilang dalawa. Ngumiti naman si Astrid dito, at kumaway sa kanila ng palabas na sil
Pagtapos ang pag-uusap nilang yun, mas naging maayos na ang pakikitungo ni Tristan kay Astrid. Mas naging komportable na ito sa dalaga, ngunit pag nasa harap na sila ng mga katulong, at empleyado ay pinapaalala ni Tristan na dapat maging professional sila sa harap ng mga ito. Pag sila lang din namang dalawa, o pag kasama ang maliit na kapatid nito, bumabalik ito sa pagiging mapaglaro at mga palihim na panlalandi nito kay Astrid. Ngunit hindi pa rin nito pinakikita ang mukha niya, at lagi pa rin nakasuot ng maskara. Hindi na lang niya tinanong dito kung bakit, naiintindihan naman niya kung hindi pa okay sa binata na ipakita sa kanya ang tanging tinatago niya. "Honey." Tawag ni Tristan sa dalaga nang mapansin niyang tulala ito. "Honey ka diyan." Nandidiring sagot nito ng marinig niya ang call sign ng lalaki para sa kanya. "Is it corny? May iba ka pa bang gusto na call sign natin?" Agad na umiling ito at nag-tangka iiwan si Tristan sa silid, ngunit kumapit agad ito sa bew
Pagpasok ni Astrid sa loob ng kwarto na binanggit ni Tristan sa kanya, agad niyang binagsak ang buong katawan niya sa malaking kama. Masaya siyang napasinghal ng maramdaman niya ang malambot na kama sa kanyang katawan. 'Sa wakas, makakapagpahinga na rin!' Nakangiti nitong inisip, at pinikit ang mga mata. Grabe ang pagod niya sa araw na ito. Ganito din bq nararanasan ng ibang mayayaman na nagpakasal? Andaming events na nangyari sa isang buong araw, na hindi niya inakalang magkkasya pala. Tinignan niya ang orasan na nasa itaas ng pintuan, saktong 12:00 am na. Nag-unat ng katawan si Astrid bago inayos ang sarili sa kama upang makatulog na, bago siya makapasok dito nag-linie muna siya ng kanyang katawan, at inisuot ang nakahandang damit para sa kanya. "Bakit ba napaka nipis ng tela ng binigay nila? Ganto ba dapat ang mga pantulog ng mga mayayaman? Tsaka bakit see-through ito?!" Pag-aalala ni Astrid nang makita niya ang mga damit na inihanda para sa kanya. Ngunit hindi na
Tahimik na tumingin ito sa mga mata nito, at tinignan ang buong mukha nito. 'Napakagwapo nga.' Tanging naisip nito, at hinawakan ang pisngi ni Tristan. Pagtapos ng ilang segundo, saka siya natauhan na nakatanggal na pala ang maskara niya. Agad na umurong palayo si Astrid. Ngunit hinigit din siya pabalik ni Tristan, na napatili ito sa lakas ng pwersa na gamit nito. "Yung maskara mo! Bakit nakatanggal na yan!?" Nag-kibit balikat namsn si Tristan, at painosenteng tumingin kay Astrid. "Why? But I can't sleep with my mask on, honey. It will give me a hard time to breathe." Paliwanag naman ni Tristan dito, at inilapit lalo ang katawan nilang dalawa. Ngayon, mas ramdam na ni Astrid ang mainit na matipunong dibdib nito sa kanya. Sigurado siya na nararamdaman din nito ang dibdib niya, lalo pa wala itong suot na bra. Hindi na niya alam ang gagawin niya, na para bang nakuhanan siya ng abilidad ng pag-hinga sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. "P-pero kailangan mong suotin yan.
Tahimik na magkasama si Astrid at Tristan sa labas ng operating room. Wala ni isa sa kanilang nagtangkang umimik. Pinapanood ng mabuti ni Astrid ang cctv footage na sinend sa kanya ni Luigi kanina, hinahanap ang oras ng pangyayari, at ang suspek. Wala si Theo at Luigi dito, at inutusan niyang manatili na lang sila sa kwarto niya. Mamaya naman ay sabay sabay din silang aalis kasama ang kapatid ni Theo. Isang oras na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga doctor st nurse mula sa loob. "Uy! Si boss andito pala!" Malakas na ani ni Bandit, kasama niya ang kanyang kapatid na si Ban na naglalakad sa pwesto nila Astrid. "Bossing, kamusta panliligaw-uk!" Hindi natapos ang sinasabi ni Bandit nang sikuhin siya ng malakas ng kanyang kapatid. Galit na lumingon si Bandit sa kapatid niya habang hinihimas ang tagiliran niya. "Masakit yun! Bakit ba?!" Napahawak naman si Ban sa sentido niya, at napapikit sa pagiging bulag ng kapatid. "Paganyan-ganyan ka pa, di ka man lang
"Tan! You're here!" Agad na nangunit noo ni Astrid sa narinig na boses, alam na alam niya kung kaninong boses ang bumati sa asawa niya. "Gising na pala siya?" Bulong ni Astrid sa sarili at sumilip ulit. Tama nga ang naisip niyang si Astria yun sa loob ng kanyang katawan ang bumati sa asawa niya. Mukhang maayos na ang lagay nito, napakalusog ng katawan niya, na para bang hindi ito nawalan ng malay ng ilang linggo. Nakita niyang hinalikan pa nito si Tristan sa pisngi, ngunit ang mas nakapagpabugla sa kanya, ay hindi na pala nito suot ang maskara niya. "Wala siyang suot na maskara? Totoo ba tong nakikita ko??" Bulong niya sa sarili habang pinanood ang dalawa na pumasok na sa loob ng kwarto. "Ibig sabihin ba non, alam ni Tristan na si Astria talaga ang nasa katawan ko?" Napasandal siya sa pader. Kahit na ito ang binabanggit niya ngayonโmas tumatak sa kanya na ang asawa niya ay bumibisita sa ibang babae, at hindi siya na asawa niya na nasa kaparehong floor lang. Ginulo ni
Sa wakas, at nakadischarge na si Astrid. Nag-inat siya ng kanyang mga braso at katawan. Pagtapos naglakad siya papapasok ng cr upang linisan ang sarili at magpalit ng damit. Mamaya ay susunduin siya ni Theo, at ang nakatokang bantay nito. Sa loob ng apat na araw ng pagpapagaling ni Astrid, ni isang beses hindi na nagpakita o bumisita sa kanya si Tristan. Ang kapatid na maliit lamang nito ang pumupunta dito, para kamustahin ang lagay niya, sa tuwing bibisita ito kasama nito ang magkapatid na si Ban at Bandit, minsan naman si Luigi. Nagsasalit-salitan sila pag babantay sa batang kapatid ng kanilang boss. At dahil hindi alam ni Astrid kung nasaan, o anong ginagawa ng kanyang asawa, tinatanong niya sa mga taong sumasama kay Theo kung nasaan ang kanilang boss. Laging sagot na nakukuha niya sa mga ito ay: Nagkakamot ng ulo si Ban, at kung saan saan siya nag papalinga, "Si boss? Hindi ko po alam, madam.. Madalas rin namin siya hindi makita ng mga araw na ito." Sa tabi nama
Matapos lumabas ni Tristan, tahimik ang buong paligid sa loob ng kwarto. Ang kanina lamang na malakas na volume ng ipad ni Theo ay hindi na narinig ni Astrid. Blanko na lamang siyang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, bakit bigla na lang ito nagbago dahil sa isang text na nabasa niya. Hindi man niya alam kung ano ang nilalaman ng mensaheng iyon, ngunit halata naman na dahil doon nagbago bigla ang asawa niya. Pinagkukutkot na ni Astrid ang kuko ng bawat isang daliri niya, ang mga mata niya ay nakadikit lamang sa pintuan. Nananalangin na biglang pumasok ang lalaki sa loob, at sasabihan siya na biro lamang ang lahat ng sinabi niya kanina. At susuyuin siya dahil sa ginawang prank nito na hindi nakakatawa. Hindi siya mapakali, gusto niyang malaman kung ano ang naging rason sa biglang pagbabago bg asawa niya. Tungkol saan kaya ang mensaheng natanggap ng lalaki? Tungkol ba iyon sa babae? Sa mahal niyang tunay?
"Tris, kailan pala yung party?" Tanong ni Astrid dito, habang puno pa ang bibig niya ng pagkain na pinabili niya. Ang paborito niyang fries, at coke float. Habang si Tristan ay tinignan siya, at ang ekspresyon nito ay hindi mawari. Hindi niya inaaasahan na mayroon din palang ganitong side ang babae, ngayon lang niya nakita. "5 days from now." Tumango naman si Astrid, at masaya na kumain ulit, at sinubuan pa si Theo at busy ito sa paglalaro sa kanyang ipad. "Hey, careful. No one is going to eat your food." Pag-papaalala ni Tristan dito, at sobrang bilis nitong kinakain ang pagkain niya, na para bang may kung sinong aagaw nito. Nilunok naman ni Astrid ang kinakain, bago nagsalita. "Edi pwede na ako idischarge? Kailangan pa natin bumili ng gift, tas damit mo at damit ko diba?" Tumaas naman kilay ni Tristan, nag-taka sa tinanong nito. "Why would we need to buy a gift?" Kung siya lang ay tatanungin, wala itong balak na bilhan ng regalo ang bruha nitong pinsan. Lalo pa at pagtapos n
Ilang minuto na nagkakatok si Theo kasama ang nakakatanda nitong kapatid sa pinto ng cr, kung nasaan si Astrid.Habang si Astrid ay tahimik lang na nakaupo sa sahig, malalim ang iniisip.Marami siyang hindi maintindihan na bagay, na alam naman din niyang kailan man ay hindi masasagot ng sino man.Lalo sa araw na ito, na isang impormasyon na sigurong ay hindi niya dapat itinanongโna hindi na lang niya sana narinig ang sagot.Sa puntong yun, ginugusto na lang niya na mawala. Na kainin na lamang siya ng lupa, at wala naman siyang lugar para sa mundong ito.Para lang siyang ibinuhay dahil ang magiging kapalaran lang rin niya din naman ay mamamatay.Kaya lang naman siya nakaligtas sa dapat na kapalaran niya ay dahil isang milagro ang nangyari, na mapunta ang katawan niya sa babaeng minamahal ng kanyang napakasalan.Baka nga kung hindi man naalis ang kaluluwa niya sa dating katawan ay kahit kailan, ay kikitain na siya ng kamatayan. Kung dati nag-papasalamat pa siya na nabuhay siya muli, ng
"Welcome party?? Dapat bang kasama ako, hindi ko nga kilala mga pinsan mo." Napabuntong hininga si Tristan, wala naman talagang balak ito na pumuntaโkung hindi lang siya napilitan. "I honestly don't want to go either." Pagod na saad niya, tinaasan naman ng kilay ni Astrid ito. Habang pinakakain niya si Theo ng biscuit niya, dahil hawak-hawak niya ang kanyang ipad, pokus sa pinapanood niyang sprunki. "Ayaw mo pala eh, bakit ka pumayag?" "She forced me. And I need to know about some things." Pakiramdam ni Astrid hindi buo ang sinasabi sa kanya nito, bakit ayaw pa nitong banggitin sa kanya? Mukha ba siyang hindi makakaintindi? Pinagkrus ni Astrid ang mga braso niya, maingat sa kamay niyang may swero, at tumingin sa asawa niya. "And why do I get the feeling you're not telling me everything?" Naestatwa naman sa kinauupuan nito si Tristan. Kapag nag ingles na ang asawa niya, kailangan nitong sabihin ang totoo. Hindi madalas ito mag ingles, kaya pag nangyari na iyon kailangan
[Come on now, Cousin. The clock is moving. I need an answer.] Pagmamadali ni Julia kay Tristan. Sinuntok naman ng malakas ni Tristan ang camera na nasa harap niya. Nabarag ang camera, nahulog ang lens at buong camera malapit sa paanan ni Tristan. Sabay winagayway niya ang kamao niyang may dugo. "Yeah. I'll go. I'll make sure to destroy you" Biglang bumukas naman ang pinto, si Astrid ay hawak-hawak ang pihit ng pinto, at sa kabilang kamay nito ay hila-hila niya ang lalagyam ng iv drip. Sa tabi naman niya ay si Theo na nakahawak sa likod ng damit niya. Narinig nila ang malakas na pagsuntok kanina ni Tristan sa pader kung nasaan ang kanina lang na nakalagay na camera. Nanlaki agad ang mata ni Astrid nang makita niya ang duguan na kamay nito. [Oh, what a bummer. Why did you destroy the camera? Do you even know how much that costs?] Pagiinarte nito, at mahigpit na kumuyom ang kamay ni Tristan. "Hoy, wag mo nang ganyanin lalo kamay mo! Anong nangyari diyan?! Bakit puro dugo na y
Habang nag-tatawanan sila, biglang ni Tristan mula sa bulsa niya, nagvvibrate ang cellphone niya. Mabilis na kinuha ito ni Tristan para tignan ang dahilan ng pag-vibrate nito. Nang buksan niya, kumunot ang kilay niya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag. Tumingin naman si Astrid sa kanya at nakita ang ekspresyon nito. "Bakit?" Tanong niya dito. "I need to answer this call muna, it won't take long." Sagot naman ni Tristan dito, habang sinusuot niya ang maskara niya. Tumango naman si Astrid, at nagpatuloy na makipaglaro kay Theo. Naglakad na siya papunta ng pinto, at lumabas. Inangat niya ang kamay niya na hawak-hawak ang cellphone. Pumalatak siya, at sinagot ang tawag. [Cousin! Why did you take so long to answer my call?] "I'm at the hospital, why are you calling?" Narinig nito na umangal pa ang pinsan niya na napaka sungit talaga nito. [Is that how you talk to your cousin, that you haven't seen for almost 4 years?! You hurt my feelings, cousin.] Sabay umarteng um