"Miss Astria! Ano pong ginagawa mo diyan? Halika hatid na po kita sa loob, nag aantay na din po si ate Bebang sa pinto upang samahan ka po papunta sa iyong kwarto." Napatingala naman si Astrid dito, at nakitang hinihingal pa ang driver.
"Nako! Pasensya po." Agad na pag-hingi ng paumanhin ni Astrid dito. Ngumiti lamang ang driver sa kanya, at sinenyasan siyang sumunod. Pinagpagan niya ang sarili niya bago tumayo, mahigpit ang hawak sa handbag na dala niya. Pagkarating nga nila sa tapat ng pinto, may nag-aantay na babae sa kanila doon. May kaedaran na din ito, at napagtanto niyang baka ito ang sinasabing ate Bebang ng driver kanina. "Salamat Rigor sa paghatid kay Miss Astria sa pinto." Tumango naman ang driver na kasama niya, at nag-paalam na aalis na. Nung pababa na ito, saka naman siya tinawag ni Ate Bebang upang pumasok na sa loob, at agad na napamangha siya sa ganda ng loob ng mansion. "Base sa iyong kinikilos, batid ko po ay nakalimot ka na naman po Miss Astria?" Tumango naman si Astrid, habang iniiikot ang kanyang paningin sa loob. Narinig naman niya ang mahina na pagtawa nito ngunit hindi nalang niya pinansin at focus siya sa pag-fafamiliarize niya sa paligid na makikita nita araw-araw. Pansin din ni Astrid na mukhang sanay na sa kilos niya sa oras na mawalan siya ng memorya si Ate Bebang. "Halika hatid na po kita sa iyong kwarto, hahatiran na lang din po kita mamaya ng iyong makakain." Umakyat naman agad ito sa hagdan na katabi lang ng pinto, at agad na sumunod siya dito. Sa pag-akyat nila, nakita niyang may mga nakasabit na mga picture frame, at tinignan niya ng mabuti ito habang papaakyat sila. "Ayan po ang inyong mga magulang Miss Astria." Turo ni Ate Bebang sa unang picture frame na makikita nila. Tatlong picture frame ito na nakahilera, mula sa pinakababa ay couple picture ang unang makikita, na sa tingin ni Astrid ay magulang nito. Silang dalawa ay nakaupo na magkayakap dito, at nakatingin sa isa't-isa, mararamdaman mo ang pagmamahal na mayroon silang dalawa mula sa litratong ito. "Nandito po ba sila ate Bebang?" Tanong naman ni Astrid, mabilis na umiling si Ate Bebang. "Wala po, matagal na po nilang kasama ang Diyos." Napaawang naman ang bibig ni Astrid sa narinig nito. "Ano pong nangyari sa kanila?" Sunod na tanong niya. Mula sa likuran nakita niyang nag-aalangan ito na sagutin ang tanong niya. "Gusto ko po malaman, lalo na po wala po akong memorya sa nangyari." Narinig naman ito ni ate Bebang at napabuntong hininga na lang ito. "Naaksidente po kayong tatlo nung nasa byahe po kayo papuntang Baguio. Ikaw lamang ang nakaligtas, ngunit dahil sa pangyayaring yun nagkaroon ka ng short-term memory loss mo dahil sa natamo mong head injury." Bigla namang naramdaman si Astrid na biglang sumakit ang bandang likuran ng kanyang ulo. Naramdaman niya ang malakas na pagtibok-tibok nito, dahilan upang tumigil siya sa palapag na iyon. Tumingin naman si Ate Bebang sa kanya, nung maramdaman niyang hindi na sumunod ang dalaga sa kanya. "Miss Astria, ano pong nangyari?! Nako, ito dahilan bakit nag-aalangan po akong banggitin ang bagay na ito sayo!" Bababa sana si Ate Bebang kung nasaang palapag si Astrid, ngunit tinaas niya agad ang kanyang kamay para tumigil ito. "Wag na po ate Bebang, ayos na po ako." Tumingin siya dito, at ngumiti agad. "Sigurado ka po ba? Aalalayan na po kita," Pag-pipilit ni Ate Bebang pero mabilis na umiling si Astrid. Napabuntong-hininga naman si Ate Bebang at nakinig na dito, ngunit ngayon mas mabagal na ang kanyang pag-akyat. Inaaantay si Astrid na makatungtong sa susunod na palapag ng ligtas. Nang nasa gitna na sila ng hagdan, ang pangalawang picture frame naman ay family picture. Tatlo lamang sila dito ng nanay at tatay niya nakatayo sa likuran, habang si Astria ay nakaupo. Kaya napaisip si Astrid na only child lamang itong si Astria. 'Laking coincidence na pareho kaming only child. Sadya mo siguro ito no, Lord?' Tumingin naman ito sa sumunod na picture frame na nasa unang palapag ng hagdan pataas. Ito ay litrato ni Astria noong bata pa siya. Napatigil siya saglit sa harap nito, at tinignan ito ng mabuti. 'Ganda.' Ang tanging naisip niya ng makita ito. "Miss Astria, malaglag ka po diyan." Tawag ni Ate Bebang sa kanya, na agad naman siyang sumunod. "Pasensya na po kung tinawag po kita, alam ko naman pong ginagawa mo ang lahat upang makaalala. Baka po kasi malaglag ka sa hagdan." Pag-papaliwanag ni Ate Bebang. Ngumiti naman si Astrid at umiling. "Ayos lang po ate Bebang. Salamat po sa pag-aalala hindi ko rin po namalayan na natulala na pala ako." Habang nakita niyang tumingin si Ate Bebang, na ngayon ay kassbay niyang naglalakad patungo sa kwarto niya. "Nako wala yun. Kapag ako kasama mo, sisiguraduhin ko na uunahin ko po ang kaligtasan mo." Nanahimik na lang si Astrid, ngunit may ngiti pa din sa mukha nito Hindi pamilyar kay Astrid ang gantong pagtrato sa kanya, kaya hindi niya alam kung paano siya sasagot sa sinabi nito. Pagtapos ng kanilang pag-uusap, huminto si Ate Bebang sa harap ng pintong gawa sa kahoy. May intricate designs ito na nakacarve, na siyang nagpaganda dito. "Ito po ang kwarto mo miss Astria. Ang mga impormasyon na pwede mo pong basahin patungkol sa sarili mo ay makikita mo sa cabinet, nasa loob ito ng drawer." Tumango naman si Astrid, at pinasalamatan si Ate Bebang. Agad na pumasok ito sa loob, at sinarado ang pinto. Napaupo siya sa lapag, gawa ng nararamdaman pa rin niya ang pag-tibok ng malakas ng kanyang ulo. Kanina pa ito nanghihina, ngunit ginawa niya ang lahat upang hindi ito mapansin ni Ate Bebang, upang maiwasan nito na mag-alala ng mag-alala sa dalaga. Kahit pa ay ramdam pa din niya ang malakas na pag-tibok ng kanyang ulo, kinuha niya ang papel na nasa bungad lamang ng hand bag. Kailangan na niyang mabasa ito upang ang mga sulat na binanggit ni Ate Bebang na nasa drawer ay ang sunod niyang babasahin. Pinikit niya muna ng mabilis ang kanyang mata, at bahagya itong nanlalabo. "Kung kailan na kailangan kong mabasa na ang mga sulat, saka naman naging ganto ang aking lagay. Napaka-sakit.." Bulong niya sa kanyang sarili, napapangiwi sa sakit na kanyang nararamdaman. Habang hawak niya ang papel, pinilit niya ang kanyang sarili na tumayo. Ginamit niya ang pinto bilang suporta, at agad na tumungo sa higaan. "Itutulog ko na lang muna ito, baka sakali mawala ang sakit ng ulo ko." Humiga siya, at pinikit ang kanyang mga mata. Kahit na ayaw niya matulog pa, ipipilit niyang makatulog, at tulog ang tanging paraan upang mawala ang sakit ng ulo na kanyang nararamdaman. Tahimik na ipinag-dadasal na sana maging ayos na ang kanyang kalagayan.Maririnig ang mga matitinis na huni ng ibon, at sa loob ng mansion ng mga Santiago makikita naman si Ate Bebang na dali-daling umakyat papunta sa kwarto ng kanyang alaga. Malakas na kumatok ito, ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya nag-pasiya na siyang pumasok sa loob at may importanteng biglaang lakad si Astria. "Miss Astria, gising ka na po." Pag-tawag niya dito. "Miss Astria, kailangan mo na pong gumising." Ngayon naman mahina niyang niyugyog ito, at nakita niyang paunti-unti na siyang nagigising. Agad na kumunot ang kanyang mga kilay nang maramdaman na ni Astrid ang liwanag. "Gising ka na po, kailangan mo na pong kumilos at mag-ayos." Pag-mamadali ni Ate Bebang sa kanya, dahil antok pa si Astrid mahina itong sumagot ng '5 minutes pa po ate' na malinaw na narinig ni Ate Bebang. "Nako! Hindi po puwede Miss Astria! Kailangan mo na pong kumilos at bibisita dito ang mapapangasawa mo po at si Mr. Miller na tatay niya!" Agad naman napabalikwas si Astrid sa kanyang narinig.
"So, you both agree with the date?" Tanong ni Timothy sa dalawa, nakikita man ang pag-aalinlangam ni Astrid tumango pa din ito. Ang kanyang anak naman ay naka-krus lamang ang dalawang braso, at kahit hindi nakikita ang mukha nito gawa sa suot niyang maskara, ramdam na nito ang irita. "Do I have any choice? None." Supladong sagot niya sa kanyang tatay. Matapos ang humigit isang oras na pag-papaliwanag tungkol sa kung bakit kailangan agahan ang kasal nila, nag-tagumpay naman siya. Napabuntong-hininga na lang ang matanda, ang importante ay napapayag niya ang dalawa. Samantalang si Astrid naman ay tahimik lang sa harapan nila, malalim ang iniiisip. Napansin naman ito ng matanda, at sumimangot. Hindi naman niya kagustuhan ang paagahin ang kasal nila, naiiintindihan niya na mahirap na bagay ang pinasubo niya sa kanila. "Pasensya na kayong dalawa kung nabigla ko kayo, ngunit kailangan ko itong gawin." Pag-hihingi paumanhin nito sa dalawa. Tumingin si Astrid sa binata, hindi
"Ate Bebang! Ayos na po ba lahat? Wala na po ba ako ibang nakalimutan pa?" Sigaw ni Astrid mula sa loob ng kanyang kwarto, bumukas namang pinto nito. Pumasok naman si Ate Bebang na may dala-dalang tinapay na may egg, at may halong mayonnaise ang palaman. "Opo, binaba na din po ni Kuya Rigor ang lahat ng bagahe mo po." Sagot ni Ate Bebang, at inabutan si Astrid ng dala niyang tinapay, ngunit may ginagawa pa ang dalaga kay nilapit na lang niya sa bibig nito at kumagat agad si Astrid. Ngayon ay nag-mamadali na siyang ayusin ang kanyang sarili, nalimutan niya na ngayong araw na nga pala siya lilipat sa bahay ng mga Miller. Anong oras na siya nagising kanina, at ngayon ay binibilisan na ang kanyang kilos, baka mamaya ay biglang dumating na ang pinapunta ng mga Miller na mag-susundo sa kanya. "Kumain ka na po muna, baka dumating na lang po bigla ang sundo mo at wala ka pang kain." Saad ni Ate Bebang, habang pinapakain pa din si Astrid ng dala niyang mga tinapay. "Kumakain naman
๐๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฅ! ๐๐ข๐ด๐ข๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ?! ๐๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฅ ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ข๐ข๐ฃ๐ฐ๐ต ๐ด๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข?! ๐๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฅ ๐บ๐ถ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ๐จ! ๐๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ๐จ! ๐๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฅ, ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข?! ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ-๐ต๐ข๐จ๐ถ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข! ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐! ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐?! ๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐! "Hoy." Napamulat si Astrid sa gulat. Hindi niya namalayan nakatulog pala siya, tumingin naman siya sa taong gumising sa kanya. Nawindang siya nang may makita siyang color brown na mga mata na nakatingin sa kanya mula sa dalawang maliit na butas ng maskara. Hindi niya inaaasahan na siya pa pala ang una niyang makikita pagdating sa destinasyon nila. "Tristan?" Paninigurado niya, nang maki
Hinayaan na lang niya ang sarili niyang paa na mag-lakad kung saan man siya dadalhin nito, ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa pinto. Hahawakan na niya sana ang knob nung pinto, nang bigla itong bumukas. Nagulat si Astrid at napaupo sa sahig, ang bumungad sa kanya ay isang batang lalaki na mukhang nasa edad na 4-5. Nagulat din ito ng makita niya si Astrid, kaya napaupo din siya sa sahig. "Ouch!" Pag-iyak niya, habang hinihimas niya ang kanyang pwet. "Theo! Nasaan kang bata ka?!" Isang pamilyar na boses naman ang nag-tatawag sa bata, tuloy-tuloy ang pag-lakaa ng boses, kaya naman tumayo na agad ang bata. "Ate! Tago mo po ako!" Desperadong sabi niya, at tumango na lang si Astrid kahit na hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Pumunta ito sa likod ni Astrid, kumapit sa likod ng damit niya, at tinago ang sarili niya. Napaestatwa na lang si Astrid sa kinatatayuan niya, hindi na iniiisip kung ano man ang itsura niya pag nakita siya ng nag-hahanap sa batang ito. A
"Why do you look surprised? You should be used to seeing these kinds of things." Hindi naman pinansin ni Astrid ang sinabi ng binata. Tinignan niya lang ang paligid ng nadadaanan nila papunta sa ala-palasyong disenyo na tinuturong 'house' ng batang nakakapit sa kanya. Maraming iba't-ibang uri ng bulaklak ang namunga sa magkabilang gilid ng kanilang dinadaanan na stoned marble patterned na lapag. "Are you deaf? Or just ignoring me?" Pag-aagaw pansin muli ni Tristan dito, pero sa pangalawang pagkakataon wala ulit siya nakuhang sagot mula sa maliit na dalaga na nasa harapan niya. Tahimik na lang itong nakasunod sa dalawa. "Do you like our house ate? Isn't it very big, and looks like a big castle!" Masiglang pag-mamalaki ng bata, tahimik naman na tumango si Astrid, ang mga mata hindi mapakali sa magandang paligiran na nilalakaran nila. "Oh, I almost forgot po pala! I'm Theo, and there behind us is my Kuya Tristan! He's the one who designed our house to look like a castle." Nan
Tinanggal agad niya ang kanyang mga sapatos pagkapasok at, humiga na agad si Astrid sa kama, ramdam lahat ng pagod mula sa araw na ito. Tinignan naman ni Astrid ang kisame ng kwartong inihanda para sa kanya. Nasa tabi ng malaking cabinet ang kanyang mga gamit, at gaya ng sabi ni Tristan sa kanya kanina, lahat ito ay kumpleto. Walang ginalaw, kinuha o nawala dito Malaki ang kwarto, mas malaki pa ito kaysa sa kwarto ni Astria sa mansion ng mga Santiago. Ano pa nga bang aasahan niya, sobrang yaman ng pamilya ng kanyang mapapangasawa, at tama nga si Tristan. Kailangan na talaga niyang masanay sa gantong mga bagay, pero hindi pwedeng lumaki ang ulo. Bago pa siya makarating dito, biniro-biro pa siya ni Timothy na saka daw sila ni Tristan mag-sama sa iisang kwarto pag-napakasal na silang dalawa. Minsan talaga, hindi na niya alam kung masasabayan pa ba niya ang pagiging palabiro ng matanda, at minsan nakikita niya na hindi natutuwa si Tristan sa mga biro ng kanyang tatay. Hin
Napabalikwas si Astrid sa lakas ng kumakatok ng kanyang pinto, kahit pa na antok pa ito, bumangon na siya at lumapit sa pinto. Pagkabukas niya ay bumungad sa kanya ang isa sa mga katulong ng mga Miller. "Magandang umaga, Miss Astria. Andito po ako para tulungan ka na mag-ayos ng iyong sarili." Paliwanag nito, at itinaas ng bahagya ang suot niyang salamin. Kitang-kita nito ang napakatalas nitong tingin, na para bang kakainin niya si Astrid ng buhay. Ngumiti naman si Astrid, hindi naman labag sa loob niya pero hindi pa siya komportable na iba ang mag-aasikaso sa kanya. Kaya naman niya sarili niya. "Nako, wag na po! Kaya ko naman po sarili ko, anong okasyon po ba ang mayroon, nang mapaghandaan ko po ng maayos?" Saglit niyang tinignan ang orasan na nasa ibabaw lang ng pinto. Mag-10 palang ng umaga, ano kaya ang mayroon? Wala naman naalala si Astrid na may nabanggit si Timothy sa kanya kahapon na may ganap ngayong araw? "Hindi po maaari, utos po ito ni Sir Tristan. Pupunta
Tahimik na magkasama si Astrid at Tristan sa labas ng operating room. Wala ni isa sa kanilang nagtangkang umimik. Pinapanood ng mabuti ni Astrid ang cctv footage na sinend sa kanya ni Luigi kanina, hinahanap ang oras ng pangyayari, at ang suspek. Wala si Theo at Luigi dito, at inutusan niyang manatili na lang sila sa kwarto niya. Mamaya naman ay sabay sabay din silang aalis kasama ang kapatid ni Theo. Isang oras na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga doctor st nurse mula sa loob. "Uy! Si boss andito pala!" Malakas na ani ni Bandit, kasama niya ang kanyang kapatid na si Ban na naglalakad sa pwesto nila Astrid. "Bossing, kamusta panliligaw-uk!" Hindi natapos ang sinasabi ni Bandit nang sikuhin siya ng malakas ng kanyang kapatid. Galit na lumingon si Bandit sa kapatid niya habang hinihimas ang tagiliran niya. "Masakit yun! Bakit ba?!" Napahawak naman si Ban sa sentido niya, at napapikit sa pagiging bulag ng kapatid. "Paganyan-ganyan ka pa, di ka man lang
"Tan! You're here!" Agad na nangunit noo ni Astrid sa narinig na boses, alam na alam niya kung kaninong boses ang bumati sa asawa niya. "Gising na pala siya?" Bulong ni Astrid sa sarili at sumilip ulit. Tama nga ang naisip niyang si Astria yun sa loob ng kanyang katawan ang bumati sa asawa niya. Mukhang maayos na ang lagay nito, napakalusog ng katawan niya, na para bang hindi ito nawalan ng malay ng ilang linggo. Nakita niyang hinalikan pa nito si Tristan sa pisngi, ngunit ang mas nakapagpabugla sa kanya, ay hindi na pala nito suot ang maskara niya. "Wala siyang suot na maskara? Totoo ba tong nakikita ko??" Bulong niya sa sarili habang pinanood ang dalawa na pumasok na sa loob ng kwarto. "Ibig sabihin ba non, alam ni Tristan na si Astria talaga ang nasa katawan ko?" Napasandal siya sa pader. Kahit na ito ang binabanggit niya ngayonโmas tumatak sa kanya na ang asawa niya ay bumibisita sa ibang babae, at hindi siya na asawa niya na nasa kaparehong floor lang. Ginulo ni
Sa wakas, at nakadischarge na si Astrid. Nag-inat siya ng kanyang mga braso at katawan. Pagtapos naglakad siya papapasok ng cr upang linisan ang sarili at magpalit ng damit. Mamaya ay susunduin siya ni Theo, at ang nakatokang bantay nito. Sa loob ng apat na araw ng pagpapagaling ni Astrid, ni isang beses hindi na nagpakita o bumisita sa kanya si Tristan. Ang kapatid na maliit lamang nito ang pumupunta dito, para kamustahin ang lagay niya, sa tuwing bibisita ito kasama nito ang magkapatid na si Ban at Bandit, minsan naman si Luigi. Nagsasalit-salitan sila pag babantay sa batang kapatid ng kanilang boss. At dahil hindi alam ni Astrid kung nasaan, o anong ginagawa ng kanyang asawa, tinatanong niya sa mga taong sumasama kay Theo kung nasaan ang kanilang boss. Laging sagot na nakukuha niya sa mga ito ay: Nagkakamot ng ulo si Ban, at kung saan saan siya nag papalinga, "Si boss? Hindi ko po alam, madam.. Madalas rin namin siya hindi makita ng mga araw na ito." Sa tabi nama
Matapos lumabas ni Tristan, tahimik ang buong paligid sa loob ng kwarto. Ang kanina lamang na malakas na volume ng ipad ni Theo ay hindi na narinig ni Astrid. Blanko na lamang siyang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, bakit bigla na lang ito nagbago dahil sa isang text na nabasa niya. Hindi man niya alam kung ano ang nilalaman ng mensaheng iyon, ngunit halata naman na dahil doon nagbago bigla ang asawa niya. Pinagkukutkot na ni Astrid ang kuko ng bawat isang daliri niya, ang mga mata niya ay nakadikit lamang sa pintuan. Nananalangin na biglang pumasok ang lalaki sa loob, at sasabihan siya na biro lamang ang lahat ng sinabi niya kanina. At susuyuin siya dahil sa ginawang prank nito na hindi nakakatawa. Hindi siya mapakali, gusto niyang malaman kung ano ang naging rason sa biglang pagbabago bg asawa niya. Tungkol saan kaya ang mensaheng natanggap ng lalaki? Tungkol ba iyon sa babae? Sa mahal niyang tunay?
"Tris, kailan pala yung party?" Tanong ni Astrid dito, habang puno pa ang bibig niya ng pagkain na pinabili niya. Ang paborito niyang fries, at coke float. Habang si Tristan ay tinignan siya, at ang ekspresyon nito ay hindi mawari. Hindi niya inaaasahan na mayroon din palang ganitong side ang babae, ngayon lang niya nakita. "5 days from now." Tumango naman si Astrid, at masaya na kumain ulit, at sinubuan pa si Theo at busy ito sa paglalaro sa kanyang ipad. "Hey, careful. No one is going to eat your food." Pag-papaalala ni Tristan dito, at sobrang bilis nitong kinakain ang pagkain niya, na para bang may kung sinong aagaw nito. Nilunok naman ni Astrid ang kinakain, bago nagsalita. "Edi pwede na ako idischarge? Kailangan pa natin bumili ng gift, tas damit mo at damit ko diba?" Tumaas naman kilay ni Tristan, nag-taka sa tinanong nito. "Why would we need to buy a gift?" Kung siya lang ay tatanungin, wala itong balak na bilhan ng regalo ang bruha nitong pinsan. Lalo pa at pagtapos n
Ilang minuto na nagkakatok si Theo kasama ang nakakatanda nitong kapatid sa pinto ng cr, kung nasaan si Astrid.Habang si Astrid ay tahimik lang na nakaupo sa sahig, malalim ang iniisip.Marami siyang hindi maintindihan na bagay, na alam naman din niyang kailan man ay hindi masasagot ng sino man.Lalo sa araw na ito, na isang impormasyon na sigurong ay hindi niya dapat itinanongโna hindi na lang niya sana narinig ang sagot.Sa puntong yun, ginugusto na lang niya na mawala. Na kainin na lamang siya ng lupa, at wala naman siyang lugar para sa mundong ito.Para lang siyang ibinuhay dahil ang magiging kapalaran lang rin niya din naman ay mamamatay.Kaya lang naman siya nakaligtas sa dapat na kapalaran niya ay dahil isang milagro ang nangyari, na mapunta ang katawan niya sa babaeng minamahal ng kanyang napakasalan.Baka nga kung hindi man naalis ang kaluluwa niya sa dating katawan ay kahit kailan, ay kikitain na siya ng kamatayan. Kung dati nag-papasalamat pa siya na nabuhay siya muli, ng
"Welcome party?? Dapat bang kasama ako, hindi ko nga kilala mga pinsan mo." Napabuntong hininga si Tristan, wala naman talagang balak ito na pumuntaโkung hindi lang siya napilitan. "I honestly don't want to go either." Pagod na saad niya, tinaasan naman ng kilay ni Astrid ito. Habang pinakakain niya si Theo ng biscuit niya, dahil hawak-hawak niya ang kanyang ipad, pokus sa pinapanood niyang sprunki. "Ayaw mo pala eh, bakit ka pumayag?" "She forced me. And I need to know about some things." Pakiramdam ni Astrid hindi buo ang sinasabi sa kanya nito, bakit ayaw pa nitong banggitin sa kanya? Mukha ba siyang hindi makakaintindi? Pinagkrus ni Astrid ang mga braso niya, maingat sa kamay niyang may swero, at tumingin sa asawa niya. "And why do I get the feeling you're not telling me everything?" Naestatwa naman sa kinauupuan nito si Tristan. Kapag nag ingles na ang asawa niya, kailangan nitong sabihin ang totoo. Hindi madalas ito mag ingles, kaya pag nangyari na iyon kailangan
[Come on now, Cousin. The clock is moving. I need an answer.] Pagmamadali ni Julia kay Tristan. Sinuntok naman ng malakas ni Tristan ang camera na nasa harap niya. Nabarag ang camera, nahulog ang lens at buong camera malapit sa paanan ni Tristan. Sabay winagayway niya ang kamao niyang may dugo. "Yeah. I'll go. I'll make sure to destroy you" Biglang bumukas naman ang pinto, si Astrid ay hawak-hawak ang pihit ng pinto, at sa kabilang kamay nito ay hila-hila niya ang lalagyam ng iv drip. Sa tabi naman niya ay si Theo na nakahawak sa likod ng damit niya. Narinig nila ang malakas na pagsuntok kanina ni Tristan sa pader kung nasaan ang kanina lang na nakalagay na camera. Nanlaki agad ang mata ni Astrid nang makita niya ang duguan na kamay nito. [Oh, what a bummer. Why did you destroy the camera? Do you even know how much that costs?] Pagiinarte nito, at mahigpit na kumuyom ang kamay ni Tristan. "Hoy, wag mo nang ganyanin lalo kamay mo! Anong nangyari diyan?! Bakit puro dugo na y
Habang nag-tatawanan sila, biglang ni Tristan mula sa bulsa niya, nagvvibrate ang cellphone niya. Mabilis na kinuha ito ni Tristan para tignan ang dahilan ng pag-vibrate nito. Nang buksan niya, kumunot ang kilay niya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag. Tumingin naman si Astrid sa kanya at nakita ang ekspresyon nito. "Bakit?" Tanong niya dito. "I need to answer this call muna, it won't take long." Sagot naman ni Tristan dito, habang sinusuot niya ang maskara niya. Tumango naman si Astrid, at nagpatuloy na makipaglaro kay Theo. Naglakad na siya papunta ng pinto, at lumabas. Inangat niya ang kamay niya na hawak-hawak ang cellphone. Pumalatak siya, at sinagot ang tawag. [Cousin! Why did you take so long to answer my call?] "I'm at the hospital, why are you calling?" Narinig nito na umangal pa ang pinsan niya na napaka sungit talaga nito. [Is that how you talk to your cousin, that you haven't seen for almost 4 years?! You hurt my feelings, cousin.] Sabay umarteng um