Share

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)
Author: Jay Sea

Prologue

"Wala ka na po bang balak mag-asawa, sir? Thirty years old ka na po, sir," tanong ni Dan sa boss niya na si Drake habang nasa loob ito ng opisina niya na nasa mansion kung saan siya kasalukuyan na nakatira. Napakunot-noo si Drake matapos 'yon marinig kay Dan na personal assistant niya na pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay na gagawin niya. Hindi niya lang tinuturing na isang personal assistant si Dan kundi ay isang kaibigan na rin.

Ngumiwi pa siya at marahas na bumuntong-hininga bago sumagot kay Dan.

"Kung may balak pa sana ako na mag-asawa ay noon ko pa ginawa, 'di ba?" nakangusong sagot ni Drake kay Dan na mariing tumango. "Wala na sa isipan ko ang mag-asawa pa, Dan. Alam mo 'yan kaya huwag mo na akong tatanungin pa ng ganyan na tanong."

"E, paano po n'yan?" nakaawang ang mga labi na sagot ni Dan kay Drake.

"Ang alin ba, ha? Ano ba ang sasabihin mo?"

"Ang sasabihin ko po sa 'yo ay paano ang lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya mo po? Paano po 'yon lahat? Wala pong magmamana ng lahat ng mga 'yon kung hindi ka po mag-aasawa dahil hindi ka naman po magkakaroon ng anak. 'Wag mo pong masamain itong sinasabi ko, sir. Iniisip ko lang po kasi ang magiging future ng lahat ng mga mayroon kayo. Paano po ang lahat ng 'to? Ano po ang mangyayari sa lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya mo po at pati na rin po sa 'yo? Masasayang lang po ang lahat ng mga pinaghirapan n'yo kung walang magmamana ng lahat ng mayroon kayo, sir. Wala ka na ba talagang pag-asa na mag-asawa para magkaroon ng anak kahit five percent lang po? Nanghihinayang lang po kasi ako sa lahat ng mga ari-arian at kayamanan na mayroon po kayo. Sino po ang magpapatakbo ng inyong kompanya kapag wala ka na po?" sabi ni Dan kay Drake na nag-aalala para sa magiging kinabukasan kung hindi mag-aasawa at magkakaroon ng anak ang boss niya. Masasayang lang ang lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya nila. Masasayang ang lahat ng mga pinaghirapan nila. Mapupunta lang ang lahat ng 'yon sa wala.

Walang naging sagot si Drake kay Dan sa sinabi nito. Itinikom lang niya ang bibig niya at pinakinggan ang susunod na sasabihin nito sa kanya. "Alam ko naman po kung bakit ayaw mo na talagang mag-asawa dahil 'yon sa nangyari sa 'yo limang taon na ang nakalilipas. Para po sa 'yo ay nakakapangilabot na bangungot 'yon, sir. Nasaksihan ko po ang lahat ng paghihirap mo ng mga panahon na 'yon. Napakahirap po ng sitwasyon na 'yon, sir."

Naiintindihan ni Dan ang kanyang boss na si Drake kung bakit ayaw na nito ang mag-asawa dahil sa takot na baka saktan at iwan na naman siya ng babaeng pakakasalan niya.

Nakatakdang ikasal na sana si Drake sa babaeng pinakamamahal niya na si Sabrina ngunit nalaman niya na niloloko at ginagamit lang pala siya nito na hindi niya alam limang taon na ang nakalilipas. Lahat ay handang-handa na sa kanilang pag-iisang dibdib ngunit nauwi lang sa wala ang lahat. Napahiya pa ang kanyang mga magulang sa mga bisita dahil sa ginawang 'yon ni Sabrina. Dahil sa nangyari na 'yon ay inatake ang kanyang daddy sa puso na naging dahilan ng pagpanaw nito. Halu-halong galit, inis, at pagkapahiya ang naramdaman nito. Ang inaasahan sana na masayang kasalan ay nauwi sa isang malungkot na pangyayari sa buhay niya. Nasaktan si Drake nang sobra sa ginawang 'yon ni Sabrina. Nawalan pa siya ng babaeng minamahal. Nawalan pa siya ng pinakamamahal na ama.

Dalawang taon matapos 'yon ay sumunod na pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ina sa sakit na lung cancer. Hindi pa nga siya lubusang nakakarecover sa nangyari na 'yon ay nawalan na naman siya ng taong huling makakapitan niya. Bumalik ang sakit na naramdaman niya ng saktan at iwan siya ng babaeng pakakasalan sana niya. Sa nangyari na 'yon sa buhay niya ay pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya maghahanap pa ng babaeng makakasama niya sa buhay sa takot na baka saktan at iwan na lang siya. Ayaw na niyang maranasan pa ang sobrang sakit at lungkot na dinanas niya limang taon na ang nakalilipas.

Nakakuyom ang dalawang kamao ni Drake habang inaalala ang mga masasakit na alaalang 'yon. Galit na galit pa rin siya kay Sabrina sa ginawang 'yon sa kanya. Si Sabrina ang sinisisi niya kung bakit naging sunod-sunod ang kamalasan sa buhay niya.

"Sir, kahit hindi ka na po mag-asawa magkaroon ka lang ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan n'yo po ay magiging masaya na po ako. Iniisip ko lang po kasi ang lahat ng mga ari-arian at kayamanan na mayroon kayo kung wala po na magmamana kapag nawala ka po. Sasayangin mo po ba ang magandang lahi n'yo, sir?" mungkahi ni Dan sa boss niya na si Drake na seryoso na nakatingin sa kanya. Mababakas pa rin ang lungkot at sakit sa mga mata nito.

"Ano'ng gusto mo na gawin ko, ha?" matigas na tanong ni Drake sa personal assistant niya.

Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Dan bago sumagot sa boss niya. "Kailangan mo po na magkaroon ng tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya mo, sir. Mahirap na kung mawala ka po. Paano na ang lahat ng mga pinaghirapan ng mga magulang mo? Hindi naman sa gusto na namin na mamatay ka na kundi kailangan lang talaga natin na maging sigurado," paliwanag ni Dan sa kanya.

"Paano naman ako magkakaroon ng tagapagmana?" tanong ni Drake kay Dan.

"Madali lang naman po, sir. Kailangan mo po na magkaroon ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya mo po. Kailangan mo po na maghanap ng babae na magsisilang ng anak mo," sagot ni Dan sa kanya dahilan upang kumunot ang noo niya.

"Babae? Kailangan ko na maghanap ng babae na magsisilang ng magiging anak ko na magmamana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya namin, ha?" mapait na sagot ni Drake kay Dan na mabilis naman na tumango.

"Opo, sir. Kailangan mo po na maghanap ng babae na magsisilang ng magiging anak mo po. Kailangan mo po na gawin 'yon. Kailangan na kailangan po. Hindi po na hindi, eh," sabi ni Dan sa boss niya.

"Alam mo naman siguro ang nangyari sa akin noon, 'di ba? Alam mo naman na pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa o maghahanap ng babae na makakasama ko dahil baka maulit muli ang nangyari na 'yon sa 'kin na maituturing ko na napakasakit na bangungot sa buong buhay ko. Nawalan na nga ako ng mga magulang, nawalan pa ako ng babaeng minamahal," sagot ni Drake kay Dan na hindi maipinta ang mukha sa galit at inis habang naaalala ang mga nangyari noon.

"Hindi ko naman po nakalimutan 'yon, eh. Hindi mo naman po kailangan na maghanap ng babae na makakasama o mamahalin mo po, sir. Kailangan mo lang po maghanap ng babae na makaka-sex mo na pagpupunlaan mo ng 'yong binhi upang magkaroon ka ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya mo po. We need to search for that woman who could give you a child. Makikipag-sex ka lang naman sa babae na 'yon. Hindi mo naman kailangan na mahalin 'yon. Pag-isipan mo ang sinabi ko na 'yon, sir. I'll give you time to think about it. 'Pag pumayag ka sa mungkahi ko na 'yon, tutulungan kita na maghanap ng babae na 'yon," nakangising paliwanag ni Dan kay Drake na hindi muna nagsalita.

Makaraan ang ilang minuto ay saka lang ni Drake ibinuka ang kanyang mga labi para magsalita sa personal assistant niya na si Dan.

"I'll think about it, Dan. After two days malalaman mo ang naging desisyon ko. Maraming salamat sa mungkahi mo na 'yon," sagot ni Drake kay Dan.

"Sige, sir. I'll wait for your decision," sabi pa ni Dan kay Drake na mariing tumango sa kanya.

Naiwan mag-isa sa kanyang opisina si Drake habang pinag-isipan ang mungkahi na 'yon sa kanya ng personal assistant niya na si Dan. Wala pa ngang dalawang araw ay kinausap na niya ang kanyang personal assistant tungkol sa bagay na 'yon. Nakapagdesisyon na nga siya. Nakapagdesisyon na siya na maghahanap sila ng babae na mapapayag niya na makipag-sex sa kanya at bigyan siya ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya niya.

"Nakapag-desisyon na ako," mahinang sabi niya sa loob ng opisina niya kay Dan.

"Talaga po ba, sir?" nakangising tanong ni Dan kay Drake na mabilis naman na tumango.

"Oo. Nakapagdesisyon na ako kahit wala pa ngang dalawang araw," sagot ni Drake.

"Very good po, sir. E, ano po ang desisyon mo?" tanong ni Dan sa kanya.

Drake clears his throat before he speaks to his personal assistant. "Gagawin ko ang mungkahi mo na 'yon na maghahanap tayo ng babae na mapapayag natin na makipag-sex sa akin at bigyan ako ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya namin. Sabi mo nga ay hindi naman kailangan na mahalin ang babae na 'yon kaya gagawin ko 'yon para sa lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya namin. Makikipag-sex lang naman ako sa babae na 'yon. Kailangan ko na mabuntis ang babae na 'yon upang magkaroon ako ng anak na tagapagmana. She'll be with me day and night. All I have to do is to fuck that woman until I impregnate her, right?" nakangising sagot ni Drake kay Dan.

"Good to hear it from you, sir. Finally, you accepted the suggestion I told you to do," sabi ni Dan kay Drake na aabot hanggang tainga ang ngiti. "You'll fuck that woman day and night until you impregnate her and nine months later, she'll give birth to your heir."

Drake shook his head as he heard his personal assistant pronounced it. "Paano tayo maghahanap ng babae, ha? Do you have an idea?" tanong ni Drake kay Dan makalipas ang ilang minuto.

"Ako na po ang bahala sa paghahanap. 'Wag mo na po akong tulungan siguro, sir. Ayaw ko naman na gawin ka pang abala sa bagay na 'yon. Hayaan mo na ako na lang ang maghanap ng babae na magiging ina ng anak mo po, sir. Sabihin mo lang sa akin kung ano'ng klaseng babae ang gusto mo. Gusto mo ba ng babae na maganda, sexy, matalino, maputi, matangkad, payat, mataba, maitim, mababa o pangit? Ano po ba ang gusto mong babae na hanapin ko? Mamili ka lang sa mga sinabi ko, sir," sabi ni Dan kay Drake na bahagyang ngumiwi.

"Ikaw na ang bahala sa babae na mapipili mo, Dan. Babae ang kailangan natin," sabi ni Drake kay Dan.

"Kahit po ba maitim at pangit okay lang ba sa 'yo? Basta ba papayag sa gusto mo ay puwede na ba 'yon, sir?" tanong pa ni Dan sa boss niya.

Tumango si Drake. "Oo. Walang problema 'yon sa akin. Hindi naman ang hitsura ang habol ko, Dan. Ang hanap ko ay babae. Babae na may p*ke at matris. Saan ko naman ilalabas 'tong binhi ko kung hindi makakabuo ng magiging tagapagmana ko, ha? Babae na may p*ke at matris lang naman ang kailangan ko, hindi ang hitsura. Alam mo 'yan, Dan. We're searching for that girl," sagot ni Drake kay Dan na napahagalpak ng tawa.

"Damnit! Gusto ko ang sinabi mo, sir. I like it. Babae na may p*ke at matris lang naman pala ang hanap mo. O, sige, hahanapan na kita simula ngayon na araw na 'to. Wew!" tumatawa na sagot ni Dan kay Drake na natatawa rin sa kanya. "Iba ka rin talaga, sir. Idol na idol ko talaga ikaw."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status