Share

Chapter 1

"Rizza! Rizza! Nasaan ka ba?!" sigaw ng ina ni Rizza na si Minerva habang abala siya sa paglalaba sa poso na nasa harap ng bahay nila. Huminto muna si Rizza sa pagkukusot ng mga damit na nilalabhan niya upang puntahan ang kanyang ina na tinatawag siya. Patakbong tumungo siya sa loob ng kanilang bahay upang puntahan ang kanyang ina na tumatawag sa kanya.

"Nandito na po ako! Ma, bakit mo po ako tinatawag?" pasigaw rin na tanong ni Rizza sa kanyang ina habang patakbong lumalapit siya dito. Nasa kusina ang kanyang ina na nakapamaywang na mukhang may importante na ipag-uutos sa kanya.

"Tinatawag kita dahil may importante ako na ipag-uutos sa 'yo. Tatawagin ba kita kung wala, ha?" sagot ng ina niya sa kanya na pinandilatan siya.

Napabuntong-hininga tuloy si Rizza pagkasabi ng kanyang ina ngunit nagsalita pa rin siya dito. "E, ano po ang importante na ipag-uutos mo po sa akin?" mahinang tanong ni Rizza.

"Ibili mo muna ako ng paminta at toyo sa tindahan ni Aling Tasing ngayon. Itigil mo muna ang paglalaba mo. Ilang minuto lang naman 'yon at pagkatapos puwede mo na ipagpatuloy ang paglalaba mo. Kailangan ko kasing simulan na lutuin ang paborito n'yong adobo. Hindi ko naman puwede na iwan dito sa kusina kaya ikaw na muna ang bumili," sagot ni Minerva sa anak niya na si Rizza

Masunurin na anak si Rizza kaya mabilis naman na tumango siya sa kanyang ina na si Minerva. "Sige po. Ako na lang po ang bibili ng paminta at toyo sa tindahan ni Aling Tasing. Mamaya ko na lang po ipagpapatuloy ang aking paglalaba kapag nakabili na po ako. Nasaan po ang pera na pambili?" payag ni Rizza sa kanyang ina.

Napapakamot sa ulo si Minerva dahil nandoon pala sa kuwarto nila ng asawa niya ang kanyang wallet na may laman na mga barya. Akala niya ay nasa bulsa niya 'yon ngunit wala naman pala.

"Nandoon pala sa kuwarto namin ng papa mo ang wallet ko na may laman na barya. Kunin mo na lang doon ngayon bago ka bumili. Alam mo naman siguro kung saan 'yon nakalagay, 'di ba?" sagot ni Minerva na naiinis sa kanyang sarili.

Kaagad naman na tumango si Rizza sa kanyang ina. "Sige po. Kukunin ko na lang po doon ngayon. Iyon lang po ba ang ipabibili mo, mama?" sabi ni Rizza.

"Oo. Iyon lang naman, eh. Wala naman na tayong pera para bumili pa ng soft drinks na iinumin kapag kakain na tayo ng tanghalian mamaya," nakangiwing sagot ni Minerva sa anak niya.

"Okay po," sagot ni Rizza. "Kukunin ko na po ang wallet n'yo doon sa kuwarto n'yo ni papa para bumili ng pinabibili mo."

"Sige. Bilisan mo lang ang pagbili mo. 'Wag kang magtatagal sa tindahan ni Aling Tasing," paalala ni Minerva kay Rizza.

"Oo naman po. Bibilisan ko lang po ang pagbili ko dahil kailangan ko pa na ipagpatuloy ang paglalaba ko," sabi ni Rizza at tumalikod na siya sa kanyang ina para kunin sa kuwarto nito ang wallet na may laman na mga barya na ipambibili niya ng paminta at toyo.

Pagkakuha ni Rizza ng wallet ng ina niya ay mabilis naman na siya na lumabas sa bahay nila para pumunta sa tindahan ni Aling Tasing para bumili. Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya ang best friend niya na si Kira na kaagad na niyakap siya. Niyakap rin naman ni Rizza ang best friend niya.

"Saan ka pupunta, bessie? Mukhang nagmamadali ka, 'no? Emergency ba 'yan, ha?" nakangising tanong ni Kira sa kanya matapos nilang magyakapan na dalawa.

"Pupunta lang ako doon sa tindahan ni Aling Tasing para bumili ng paminta at toyo na pinabibili ni mama. Magluluto na kasi siya kaya nagmamadali na ako, eh. E, ikaw naman? Saan ka ba pupunta?" mabilis na sagot niya kay Kira.

"Pupunta ako sa bahay nina Tita Olga dahil may pinapakuha si mama sa kanila, eh," sagot ni Kira.

"Ganoon ba?"

"Oo. Nagmamadali rin naman ako dahil baka hindi ko na maabutan sina Tita Olga doon ngayon. May pupuntahan kasi 'yon ngayong araw na 'to, eh," nakangusong sagot ni Kira.

"O, sige. Magkita na lang tayo mamayang hapon. Punta ka sa bahay namin," sabi ni Rizza sa best friend niya.

"Okay. Pupunta ako mamayang hapon sa bahay n'yo. Marami akong chika na sasabihin sa 'yo na sigurado akong magugustuhan mo," sabi pa ni Kira na nakangisi.

"Hindi na ako makapaghintay sa chika mo na 'yan, bessie," sagot ni Rizza.

"Ako rin naman, eh. Hindi rin naman ako makapaghintay na ikuwento 'yon sa 'yo. Bessie, mag-iingat ka pala kapag lalabas ka," sabi ni Kira kay Rizza.

"O, bakit naman? Palagi naman akong nag-iingat, eh. Hindi mo na kailangan na paalalahanin ako. Ikaw ang kailangan na mag-ingat," tumatawang sagot ni Rizza sa best friend niya.

"Nag-iingat naman ako, 'no? Mag-iingat talaga tayo dahil may mga nawawalang babae ngayon na pinaniniwalaan raw na kinuha ng mga nakaputing-van," sabi ni Kira kay Rizza.

"Ano?! Sigurado ka ba sa sinasabi mo, ha?" hindi naniniwala na sagot ni Rizza sa best friend niya.

"Oo, bessie. Siguradong-sigurado ako sa sinasabi ko. Two days ago ay may kinuha raw na babae malapit doon sa tindahan ni Aling Tasing. May nakakita raw na mga tambay. Sinakay ang babae na 'yon sa kulay puting van. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nalalaman kung nasaan na ang babaeng 'yon. Kaya mag-iingat ka at lalo na pupuntahan ka ngayon doon sa labas sa tindahan ni Aling Tasing," kuwento ni Kira kay Rizza na unti-unting naniniwala sa sinasabi nito. Nakaramdam tuloy siya ng takot sa sinabing 'yon ng best friend niya na si Kira.

"'Wag kang mag-alala dahil mag-iingat naman ako. Ikaw rin naman, eh. Mag-iingat tayong lahat," sabi ni Rizza. Tumango si Kira sa kanya at niyakap siyang muli. Nagyakapan muna ulit sila bago naghiwalay sa daan.

May mga nag-iinuman na mga lalaki doon sa labas ng tindahan ni Aling Tasing nang dumating si Rizza. Wala naman na masyado na bumibili doon kaya bumili na siya. Habang naghihintay siya na ibigay sa kanya ang binibili niya biglang nagsalita si Bebot na isang tambay na isa sa mga lalaki na umiinom doon sa labas ng tindahan ni Aling Tasing.

"Nandito ka pala, Rizza! Ano'ng ginagawa mo dito?" nakangising tanong ni Bebot sa kanya na mabilis naman niya na liningon.

Tinaasan niya ito ng kilay at saka nagsalita, "E, ano pa ba ang ginagawa dito sa tindahan ni Aling Tasing? Syempre may binibili," pamimilosopong sagot ni Rizza kay Bebot na tinawanan lang siya. Kilala si Rizza ng mga tambay sa lugar nila kaya hindi siya nito inaaway o sinasaktan. Tawanan rin ang mga lalaki pagkasabi niya.

"Tinatanong lang naman kita, eh," nakangiwing sagot ni Bebot sa kanya.

"Walang kuwenta ang tanong mo, Bebot!" singhal niya dito at nagtawanan muli ang mga lalaki na kainuman ni Bebot. "Wala ka talagang kuwenta kahit kailan."

"Ano'ng walang kuwenta ang pinagsasabi mo, ha? May kuwenta 'yon. Ikaw lang naman ang nagsasabi. Rizza, nabalitaan mo na ba—"

"Nabalitaan ba ang ano, ha?! Ang maganda ba ako, ha?!" singhal niya kay Bebot. Malakas na tawanan muli ang kumawala sa mga bibig ng mga kalalakihan na umiinom sa labas ng tindahan ni Aling Tasing.

"Hindi! Maganda ka naman talaga, eh. Bagay ka nga sa akin, Rizza," sagot ni Bebot na may kasamang pang-aasar sa kanya.

"Tang*na mo, Bebot! Tumigil ka nga d'yan sa mga pinagsasabi mo! Ano bang ibig mong sabihin, ha?! Naiinis na naman ako sa 'yo! Kapag hindi mo sinabi kung ano 'yon, sasapakin na talaga kita," pagbabanta ni Rizza kay Bebot.

"Ang sasabihin ko sa 'yo ay tungkol doon sa mga nawawalang mga babae. Nabalitaan mo na ba ang mga 'yon, ha? Nitong nakaraang dalawang araw ay may kinuha na babae dito na taga-doon sa kabilang barangay. Mismong malapit dito sa tindahan ni Aling Tasing. Mag-iingat ka palagi at lalo na sa panahon ngayon, Rizza. Totoo ang mga balita na 'yon. Mga sindikato ang nasa likod ng pagkakawala ng mga babae ngayon. Mag-iingat ka talaga, Rizza. 'Wag ka nang lalabas tuwing gabi at lalo na kung mag-isa ka. Ayaw namin na makuha ka ng mga sindikato na 'yon," kuwento ni Bebot kay Rizza na may pag-aalala.

"Salamat sa pag-aalala mo, Bebot. 'Wag kang mag-alala dahil hindi ako natatakot sa kanila! Kaya ko silang labanan! Tandaan n'yo 'yan. Babae ako pero kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko sa mga 'yan," matapang na sagot ni Rizza kay Bebot.

"Sinasabihan ka lang naman namin, eh. Wala namang masama doon," sabi ni Bebot.

"Alam ko naman 'yon. Hindi ako tanga, 'no? Bahala nga kayo sa mga buhay n'yo! Uuwi na ako," singhal niya.

"Wait, gusto mo ba na ihatid kita sa inyo pauwi para masigurado ko na ligtas ka?" pagpepresenta ni Bebot na ihatid si Rizza sa bahay nila upang masigurado na ligtas siya. Mabilis na tinanggihan 'yon ni Rizza.

"Hindi mo na kailangan na gawin 'yon. Makakauwi ako ng ligtas sa amin, 'no? Isipin n'yo ang mga kinabukasan n'yo, hindi ako! Bahala kayo sa mga buhay n'yo!" sabi ni Rizza sabay talikod sa kanila. Tinarayan niya pa ito. Tinatawag ni Bebot ang pangalan niya ngunit hindi na 'yon niya pinapansin. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad pauwi sa kanila.

Pakanta-kantang naglalakad si Rizza sa gilid ng kalsada na para bang walang problema na iniisip. Malapit na siya pumasok sa eskinita na patungo sa bahay nila nang biglang may huminto na kulay puting van sa harap niya. Nakaramdam kaagad siya ng takot. May mga lalaki na nakabonnet ang lumabas mula sa puting van na 'yon. Tatakbo sana siya para umiwas ngunit nahawakan na siya ng dalawang lalaki. Sinubukan niya na sumigaw at magpumiglas ngunit wala naman na siyang nagawa pa. May hawak na panyo ang isang lalaki at mabilis na tinakip sa ilong niya upang mawalan siya ng malay.

Kaagad na binuhat si Rizza ng dalawang lalaki at ipinasok sa loob ng puting van na 'yon. Nang maipasok siya nito ay pinaharurot na ng nagmamaneho ang puting van papunta sa lugar kung saan siya dadalhin nito. Walang kahit sino man sa lugar nila ang nanakita sa kanya na dinukot siya ng mga lalaking naka-bonnet. Tawanan ang mga lalaki sa loob ng puting van habang nakahiga siya na walang malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status