Tumulo ang mga luha ni Rizza mula sa kanyang mga mata nang makalabas na ang guwapong lalaki kasama ang mga tauhan nito na nasa harap niya ilang minuto lang ang nakalilipas. Paulit-ulit sa isipan niya ang sinabi nito sa kanya na papayagan siya nitong makauwi sa kanila ngunit kailangan niya na pumayag sa gusto nitong mangyari. Kailangan niya na bigyan ito ng magiging anak na magiging tagapagmana ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito kapalit ng kalayaan na nais niya. Sinabi pa nito sa kanya na kahit ano'ng gusto niya ay ibibigay nito pumayag lang siya sa nais nitong mangyari. Kahit isang milyon ay kaya nitong ibigay sa kanya basta pumayag lang siya.
Makaraan ang isang oras ay muling bumukas ang pinto. Pumasok si Drake doon kasama si Dan na assistant personal niya. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Tumungo siya nang makapasok ito. Tahimik lang siya. Hinihintay niya na magsalita ang isa sa kanila. Lumipas na ang isang oras ngunit hindi pa rin siya makaisip kung ano'ng gagawin niya. Gustong-gusto na niya na umuwi sa kanila.Drake let out a deep sigh before he speaks to her again. He could feel that she's scared, but she shouldn't feel that because she won't hurts her. To hurt her isn't his intention. He really wants her help too."Nakapag-isip ka na ba? Ano'ng naging desisyon mo? Pumapayag ka na ba sa gusto ko na mangyari? Ibibigay ko ang lahat ng gustuhin mo. Kahit ano'ng hingiin mo sa akin ay handa kong ibigay. Kahit isang milyon ay kaya kong ibigay sa 'yo. Kung may pagdududa ka sa sinasabi ko sa 'yo ay hindi mo kailangan na gawin 'yon. Bilyonaryo ako at kaya kong ibigay ang lahat ng gustuhin mo sa akin pumayag ka lang na bigyan ako ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya ko," seryosong tanong ni Drake kay Rizza kung nakapagisip-isip na ba siya ay may naging desisyon na sa nais nitong mangyari.Napakagat labi si Rizza at dahan-dahan niya na iniangat ang kanang ulo paharap muli sa kanila lalo na kay Drake na hinihintay ang isasagot niya."I want to hear your answer. Pumayag ka na sana sa nais ko na mangyari. You'll have your freedom naman kapag pumayag ka. Makakauwi ka sa bahay n'yo anytime pero kailangan mo na bumalik pa rin dito sa mansion ko para gawin ang napagkasunduan nating dalawa. Uulitin ko sa 'yo ha, 'pag pumayag ka na bigyan ako ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya namin ay pakakawalan ka namin. Bibigyan kita ng kalayaan na makauwi sa bahay n'yo ngunit kailangan mo pa rin na bumalik dito para mabigyan mo ako ng anak. Alam mo naman na siguro kung ano'ng ginagawa para magkaroon ng anak, 'di ba? Of course we'll have sex. Pumayag ka lang and everything will be alright. Kahit ano'ng hingiin mo ay ibibigay ko sa 'yo kahit kayamanan bilang kapalit sa pagpayag mo sa akin," sabi pa ni Drake sa kanya.Malinaw na malinaw kay Rizza ang mga sinasabi ni Drake sa kanya. Kahit hindi na nito ulitin 'yon ay alam na niya kung ano'ng nais at kailangan nito sa kanya. Huminga siya nang malalim at dahan-dahan na ibinuka ang bibig para magsalita sa harap nito na seryoso ang mga tingin sa kanya."Hindi pa po ako nakapagdesisyon hanggang ngayon. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Ang tanging gusto ko lang po na gawin ay ang umuwi na sa amin para makasama ko na ang pamilya ko. Maawa ka na po sa akin please. Sigurado po akong nag-aalala na sila para sa akin. Iisipin nila na may nangyari nang masama sa akin o kaya ay dinukot na ako ng mga masasamang kawatan! Pakawalan n'yo na po ako. Maghanap ka na lang po ng ibang babae na mapapayag mo na bigyan ka ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya mo. Hindi po ako ang babaeng 'yon. Pakinggan n'yo naman po ang sinasabi ko, sir. Pakawalan n'yo na po ako. Pinapangako ko po na kapag pinakawalan n'yo ako ay hindi po ako magsasabi ng tungkol sa ginawa n'yo. I'll keep this secret po. Maghanap na lang po kayo ng ibang babae," pakiusap ni Rizza sa harap nila lalo na kay Drake na napakunot-noo sa kanyang harapan.Nagkatinginan sina Drake at Dan matapos sabihin 'yon ni Rizza sa kanila. They heard it very clear. Hindi sang-ayon si Drake sa pakiusap na 'yon ni Rizza sa kanya. Kaagad niyang ibinuka ang bibig niya para magsalita, "Paumahin pero hindi na namin magagawa pa na maghanap ng ibang babae na mapapayag na tumulong sa akin sa nais kong mangyari na magkaroon ako ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya ko. Hindi maganda ang naging hakbang namin sa pagdukot sa 'yo. Kailanma'y hindi magandang gawain 'yon pero wala kaming ibang choice na mapadali ang pagkakaroon ng babaeng mapapayag sa gusto ko na mangyari. Kahit hindi tama ang mangdukot ay ginawa pa rin naman para lang sa kagustuhan ko na magkaroon ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya ko. Ayaw na namin na gawin pa ang ginawa namin na 'yon sa 'yo dahil hindi naman 'yon tama at baka mahuli pa kami ng mga pulis na gumagawa ng bagay na 'yon. Hindi naman talaga namin gawain ang pangdudukot ay baka kami ang mapagbintangan na gumagawa ng bagay na 'yon na kaliwa't kanan na nangyayari sa panahon ngayon natin. May mga grupo talagang gumagawa ng bagay na 'yon. Mga sindikato sila at hindi kami kagaya nila. Wala lang kaming ibang choice na madaling magkaroon ng babaeng mapapayag namin na bigyan ako ng anak kaya ginawa 'yon namin ng mga tauhan ko. Mababait naman kami, eh. Mukha lang na hindi pero pinapangako namin sa 'yo na kailanma'y hindi ka namin sasaktan. We'll treat you as a queen kapag pumayag ka na bigyan ako ng anak. Your child will become my heir. Magse-sex lang naman tayo, eh.""Ano'ng mangyayari sa akin kapag nabigyan kita ng anak, huh? Papatayin mo na ba ako? Tutal nakuha mo naman na ang gusto mo. Ano'ng gagawin mo sa akin halimbawang pumayag ako?" tanong ni Rizza sa guwapong si Drake na napabuntong-hininga muli bago sumagot sa kanya."Magiging malaya ka na sa buhay mo. Hindi mo na kailangan pa na manatili dito sa mansion ko kapag nabigyan mo na ako ng anak. Puwede mo nang gawin ang gusto mo sa buhay mo. Wala na akong pakialam pa. Hindi mo na rin kailangan na makipagkita sa akin. Sa akin ang magiging anak natin at malaya kang gawin ang gusto mo. 'Wag kang mag-alala bibigyan pa rin kita ng malaking halaga ng pera kapag naging matagumpay ang lahat. Malinaw na ba sa 'yo ang lahat? Pumayag ka na, please. You'll have everything in life. I'm a billionaire. Ibibigay ko 'yon sa 'yo kapalit ng pagpayag mo na bigyan ako ng anak. Napakasimple lang naman, 'di ba?" paliwanag muli ni Drake kay Rizza. Napangiwi si Rizza habang iniisip niya na kung papayag nga siya ay makikipag-sex siya guwapong binata na nasa harap niya para bigyan ito ng anak. Nandidiri siya habang iniisip 'yon."Ayaw ko. Hindi ako papayag sa gusto mo. Ayaw ko na makipag-sex sa 'yo! Pakawalan mo na ako please. I know that you're a billionaire. Marami kang pera sa bangko. Siguro hindi lang tatlo o apat ang bank account mo. Siguro maraming-marami dahil sa yaman ng pamilya mo na hindi basta-basta mauubos. Hindi naman ako naghahangad na maging mayaman at ibigay mo ang nais ko, eh. Hindi naman ako naghahangad ng marangyang buhay. Kuntento na ako sa buhay ko kahit mahirap lang kami pero masaya pa rin kami. Ang kailangan ko po ay kalayaan kaya pakawalan n'yo na ako. Maawa po kayo sa akin. Please release me, Mr. Billionaire. Magalang na ang pagkakasabi ko. Nagi-ingles na rin ako kaya sana ay pagbigyan n'yo na ang pakiusap ko na pakawalan n'yo na ako. Release Me, Mr. Billionaire. Give me the freedom I want," mahabang sagot ni Rizza kay Drake na napapasapo ng kanyang noo. Nakikiusap pa rin si Rizza na pakawalan siya nito.Drake bit his lips and looked at his personal assistant whose face is serious. Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at saka nagsalita, "I'm so sorry but we can't let you go home without saying that you would help me to have a child. Pasensiya na talaga. Hindi kita puwedeng pakawalan o pauwiin sa inyo hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ko. Pumayag ka na, please. Madali naman ang gagawin mo. Hindi ka naman mahihirapan, eh. You'll like it too."Rizza glared at him and said, "Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari! Pakawalan mo na kasi ako. Please. Please. Nagmamakaawa ako na pakawalan n'yo na ako. Pauwiin n'yo na ako sa amin. Utang na loob naman, pauwiin n'yo na ako!"Muling tinapunan ng seryosong tingin ni Drake si Rizza bago ito sumagot sa kanya."Pauuwiin ka nga namin kaagad kung papayag ka sa gusto ko. Paulit-ulit lang tayo sa mga sinasabi natin. I'm so sorry pero hindi ka makakauwi sa inyo. I'm sorry."Ramdam ni Rizza na wala talaga siyang magagawa kahit magmakaawa pa siya ng ilang beses na pakawalan siya. Seryoso ang kaharap niyang guwapong si Drake sa nais nitong mangyari. Kailangan niya na pumayag sa gusto nito kung gusto niya na makauwi na sa kanila at maging malaya muli ngunit may kasunduan 'yon."Iyon lang naman ang choice mo, eh. Kung gusto mo na makauwi na sa inyo at maging malaya muli ay pumayag ka na sa kagustuhan ng boss namin. Iyon lang naman ang kailangan mo na gawin. Hindi ka naman namin pahihirapan, eh. Hinding-hindi namin gagawin 'yon sa 'yo. Pumayag ka nang tulungan siya na magkaroon ng anak. Ibibigay niya ang kahit anong hingiin mo sa kanya. Damit, bahay, sasakyan o ilang halaga ng pera ay ibibigay niya sa 'yo basta pumayag ka lang sa kagustuhan niya na bigyan siya ng anak bilang kapalit. 'Wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo, please. Papayag ka lang naman, eh. Kung pumayag ka na ay makakauwi ka na sa inyo. Ihahatid ka pa namin pauwi sa inyo para masigurado na ligtas ka. Wala kang kailangan na ipangamba dahil protektado ka namin. Tawagan mo lang kami ay tutulungan ka namin kahit anong oras pa 'yan. Hindi ka namin niloloko sa mga sinasabi namin, okay? Hinding-hindi ka namin pakakawalan kung hindi ka papayag. Mahihirapan na kaming makahanap pa ng kagaya mo sa susu
Malinaw na sa kanilang dalawa ang gagawin nila. Pumayag na si Rizza sa gustong mangyari ni Drake na bigyan siya nito ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya niya. Kapalit ng pagpayag ni Rizza ay ang pagpapalaya sa kanya. Makakauwi na siya sa bahay nila. Makakasama na niya ang pamilya niya pero kailangan pa rin niya na bumalik sa mansion ni Drake. Hindi puwedeng hindi siya bumalik dahil may kasunduan silang dalawa.Naunang lumabas sa silid na 'yon si Drake at sumunod sina Dan kasama si Rizza. May mga nakasunod sa kanyang dalawang mga lalaki na tauhan ni Drake. Papunta sila sa dining room para kumain siya. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Nagugutom na siya. Kailangan na niyang kumain. Pagkalabas na pagkalabas nila sa silid na 'yon ay namangha si Rizza sa ganda ng mga nakikita niya. Maraming mga kumikinang na bagay sa loob ng mansion ni Drake. Napakalinis at napakabango sa loob. Kahit manalamin siya ng kanyang sarili ay kitang-kita niya ang mukha niya. Habang bumaba sila sa hagd
Hindi makapaniwala si Rizza na binilihan pa siya ni Drake na mga damit. Hindi lang cell phone ang ibinili nito para sa kanya. Kailangan pa rin niyang tanggapin 'yon kahit ayaw niya dahil binibigay ni Drake 'yon sa kanya."Ano?! Sa akin ang mga 'yan? Hindi mo na dapat ako binilhan ng mga damit. May mga damit naman akong sinusuot sa amin, eh. Marami rin ang damit ko sa bahay," reklamo ni Rizza kay Drake na ngumiti lang sa kanya."Wala namang problema 'yon. Marami o kaunti ang damit mo sa bahay n'yo ay bibigyan pa rin kita ng mga bago kahit ayaw mo. Gusto lang naman kitang bigyan ng bagong damit na maisusuot mo. Branded ang mga 'yan, Rizza. Tanggapin mo na 'yan, please," sabi ni Drake sa kanya. Napakagat labi tuloy siya. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot kay Drake. Nakatuon ang mga mata niya sa apat na paper bags na nasa harap niya. Pangalan pa lang ng paper bags ay alam na niyang branded ang mga damit na 'yon na binibigay ni Drake sa kanya."Tanggapin mo na ang mga 'yan,
Itinago kaagad ni Rizza ang mga bagong damit na binili ni Drake sa kanya. Branded ang lahat ng mga damit na 'yon. Mahal pa siguro 'yon sa cell phone na binili sa kanya. Bilyonaryo naman si Drake. Maraming pera si Drake at hindi basta-basta mauubos 'yon kahit gumastos ito ng ilang milyon. Natulog kaagad si Rizza sa kanyang maliit na kuwarto. Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Pagkabukas kaagad ng cell phone niya ay natanggap niya ang tawag ni Drake. Naka-save na ang cell phone number nito sa cell phone niya kaya na-recognize kaagad niya na si Drake ang tumatawag sa kanya. Sinagot kaagad niya ang tawag nito sa kanya."Good morning, Rizza. Kanina pa ako tumatawag sa 'yo mabuti ay sinagot mo na ang tawag ko sa 'yo," wika ni Drake sa kanya sa kabilang linya pagkasagot niya sa tawag nito.She clears her throat and speaks, "Good morning rin po sa 'yo. Kabubukas ko pa lang kasi nitong cell phone kaya ngayon ko lang natanggap ang tawag mo. Sorry po.""Okay lang naman 'yon, Rizza. Ang import
Pumunta si Rizza sa bahay ng best friend niya na si Kira pagkatapos niyang kumain ng breakfast. Alalang-alala pa rin si Kira pagkakita sa kanya pagkapasok niya sa bahay nito. Alam na ni Kira kanina pagkagising niya na umuwi na si Rizza sa bahay nito. Nakasalubong kasi niya kanina ang ina ng best friend niya na si Minerva kaya tinanong na niya kung nakauwi na siya. Sinabi naman kaagad ni Minerva kay Kira na nakauwi na si Rizza kagabi at wala namang nangyari ditong masama. Hindi naman sinabi ni Minerva ang lahat sa kanya kanina kaya gusto pa rin niyang malaman ang totoo sa best friend niya.Umupo muna sa upuan si Rizza bago nagsalita sa harap ng bessie niya na nakaupo rin paharap sa kanya. Silang dalawa lang ang magkausap. Wala doon ang mga magulang ni Kira."Saan ka ba galing kahapon, bessie? Ano ba ang nangyari, huh? Pinag-alala mo kami kahapon. Akala namin ay may nangyari nang masama sa 'yo. Hindi na rin ako makapakali kakahanap sa 'yo. Nakarating pa ako doon sa kabilang kalye baka k
Kinabukasan ay maaga muling gumising si Rizza para maghanda ng agahan nila. Hindi pa siya nagsasabi sa mga magulang niya na aalis siya mamaya. Tinawagan na niya kagabi si Drake at sinabi niyang sunduin siya mamaya bago sumapit ang lunch time. Pagkatapos niyang magluto ng agahan nila ay tinawag na niya ang mga magulang at kapatid niya para kumain na sila. Habang kumakain sila ay dahan-dahan na ibinuka ni Rizza ang bibig niya para magsalita. Tumigil muna siya sa pagkain niya ng agahan na niluto niya."May kailangan po akong sabihin sa inyo," mahinang sabi ni Rizza sa harap ng mga magulang niya. Napatigil rin ito sa pagkain. Nagkatinginan muna sina Minerva at Arturo sa isa't isa."Ano 'yon, Rizza? Ano'ng sasabihin mo sa amin ng papa mo? Importante ba 'yon na sasabihin mo sa amin?" tanong ni Minerva sa kanya. Tumango kaagad siya."Opo. Importante po 'yon, eh," sabi ni Rizza. Sabay na tumango ang mga magulang niya sa harap niya."Kung importante 'yon ay huwag mo nang patagalin pa. Sabihin
Tahimik lang si Rizza sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan patungo sa mansion ni Drake. Magkatabi silang nakaupo sa loob ni Diego na amoy na amoy niya ang mabangong pabango na gamit nito. Yakap-yakap naman ni Rizza ang dala niyang bag. Hindi naman 'yon gaano kalaki. Tama lang ang laki nito. Nang makarating sila sa mansion ni Drake at pinagbuksan kaagad siya ng pinto ng sasakyan ni Diego ay iginiya sa loob. Dumiretso kaagad sila sa dining room para kumain siya. Iniwan na muna niya ang bag niya sa may sala. Iyon kasi ang sabi ni Drake kay Diego na pakainin muna si Rizza pagkarating nito sa mansion niya."Nasaan pala ang Sir Drake n'yo?" mahinang tanong ni Rizza kay Diego pagkaupo niya sa harap ng malaking mesa kung saan marami na namang pagkain ang nakahain doon. "Wala po siya ngayon dito. Nasa kompanya niya po siya ngayon. Kasama niya si Dan na personal assistant niya. Mamaya pang gabi ang uwi nila. May inaasikaso kasi si Sir Drake doon ngayon kaya kailangan niyang pum
Gabi na nang dumating sina Drake at Dan sa mansion nito. Hinanap kaagad ni Drake si Rizza pagkarating nila kay Diego. Sinabi ni Diego na nandoon ito sa kuwarto kung saan siya ikinulong nang dukutin siya. Siguro ay natutulog muli ito. Pasado alas singko na ito nakakain ng meryinda dahil natulog pa ito buong maghapon. Sinabi rin ni Diego kay Drake ang ginawa nila kanina na nagikot-ikot sila sa loob ng mansion. Natutuwa naman si Drake na marinig ang ginawa nila kanina.Pagkabihis ni Drake sa silid niya ay lumabas siya para puntahan si Rizza. Kumatok kaagad siya sa pinto ng silid kung nasaan si Rizza. Akala niya ay tulog ito ngunit mabilis naman na binuksan nito ang pinto. Tumambad sa harap niya si Rizza na blangko ang expression ng mukha. Pumasok naman kaagad si Drake sa loob ng silid na 'yon."Hi, Rizza. Good evening," mahinang bati ni Drake kay Rizza na nakangiti sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ni Rizza pagkakita sa guwapong mukha ni Drake. Ngumiti naman si Rizza kay Drake bago siy