Isinama na ni Drake si Rizza sa loob ng kuwarto niya matapos nilang kumain ng dinner sa baba. First time na makapasok ni Rizza sa kuwartong 'yon ni Drake na napakalaki. Ang bango sa loob ng kuwarto nito. Amoy panlalaki ang kuwarto nito. Syempre lalaki naman ang natutulog doon, hindi naman babae kaya amoy panlalaki. Malaki ang hinihigaan na kama ni Drake at kahit siguro tatlo ang humiga doon ay kasya. May couch diin sa kaliwang parte ng kuwarto nito. Kung gusto mong umupo doon ay puwede. "This is my bedroom, Rizza," mahinang wika ni Drake kay Rizza na tahimik pa rin simula pagpasok nila kanina. Tumango-tango naman si Rizza pagkasabi ni Drake sa kanya. Humarap ito sa kanya na may ngiti sa mga labi. Kitang-kita na naman niya ang matamis na ngiti at guwapong mukha nito. "I know that it's your first time to get inside my bedroom, right?" Rizza licked her lips and slowly opened her mouth to speak to him."Oo. Ito nga ang first time ko na pumasok sa kuwarto mo. Hindi naman ako pumasok pa di
Segundo lang ang itinagal bago humiwalay ang mga labi nila sa isa't isa. Hindi makapaniwala si Rizza na hinalikan siya ni Drake sa kanyang mga labi. It was her last kiss. Si Drake ang kanyang first kiss. Her lips are no longer virgin. Iniwan muna siya ni Drake para mag-shower ito sa loob ng shower room nito na nasa loob ng kuwarto nito. Hawak-hawak niya ang kanyang mga labi na kanina lang ay hinalikan ni Drake. Hindi lang 'yon ang mararanasan niya ngayon na kasama niya si Drake. Aware naman siya sa posibleng mangyari sa kanila lalo na nasa iisang kuwarto sila matutulog. Natatakot at kinakabahan lang talaga siya. Alam ni Rizza kung ano ang ginagawa ng dalawang tao kapag nagse-sex. Habang iniisip niya 'yon sa kanilang dalawa ni Drake ay nasusuka siya. Hindi siya makapaniwala na gagawin niya 'yon. Pinagpapawisan tuloy siya ng malamig. Malamig naman sa loob ng kuwarto ni Drake dahil naka air-condition. Kinuha niya ang dala niyang bag para tingnan kung may dala ba siyang pera ngunit nakita
Dahil sa ininom nilang wine ay mabilis na uminit ang mga katawan nilang dalawa. Napahiga na si Rizza sa malambot na kama ni Drake habang nakakubabaw ito sa kanya at patuloy pa rin siyang hinahalikan nito sa labi. Palalim nang palalim ang paghalik nito sa kanya hanggang sa tumugon na rin siya. Pakiramdam niya ay nagugustuhan na rin niya ang ginagawang paghalik na 'yon ni Drake sa kanya. Hinubad na ni Drake ang suot nitong kulay puting sando kaya tumambad muli sa kanyang harapan ang abs nito. Napamura si Rizza sa isip niya. Never pa siyang nakaranas ng ganito sa buong buhay niya kaya hindi mawala ang kaba't takot sa kanyang sistema. Alam niya na posibleng mangyari na ang inaasahan niyang mangyari na nais ni Drake na gawin nila.Muli siyang hinalikan ni Drake sa kanyang labi. Hindi siya puwedeng tumanggi sa halik nito kaya naman ay hinayaan na lang niya ito. Tumutugon na rin naman siya sa halik nito. Her heart is beating so fast.Nang maghiwalay muli ang mga labi nilang dalawa ay dahan-
Nagtaka si Rizza dahil matapos nilang gawin 'yon ay kinumutan na siya ni Drake. Hindi na siya hinalikan nito at pinagpatuloy ang ginagawa nila. Hindi na nito sinuot ang damit niya na nakakalat sa sahig sa loob ng kuwarto nito. Akala ni Rizza ay diretso na sila na gawin 'yon ngunit hindi naman nangyari 'yon. Tinapunan niya ng nagtatakang tanong si Drake at saka nagsalita, "Iyon lang ba ang gagawin natin? Akala ko ay may gagawin pa tayong iba doon."Umihip ng malamig na hangin si Drake at humarap nang bahagya sa kanya para sagutin ang tanong nito kung 'yon lang ba 'yon. "Oo. Iyon lang 'yon sa ngayon, Rizza. Alam ko naman na pumayag ka nang gawin natin 'yon pero naisip ko habang ginagawa natin 'yon kanina na hindi muna kita bibiglain sa bagay na alam ko na bago pa lang sa 'yo. Although hindi naman bago sa pandinig mo 'yon dahil alam mo kung ano 'yon ngunit gusto ko lang na mabigyan ka ng chance na maging handa doon. Gusto ko lang naman na maging pamilyar ang katawan mo sa bagay na 'yon
Pagkalabas niya mula sa kuwarto ni Drake ay sinalubong kaagad siya ni Diego na makakasama niya muli buong araw habang nasa kompanya si Drake kasama ang personal assistant nito na si Dan. Nakangising binati siya ni Diego ng magandang umaga. Ganoon rin naman ang ginawa niya dito. Binati niya rin ito. "Nasaan na ang boss mo?" mahinang tanong ni Rizza kay Diego. Ang tinutukoy nito ay si Drake na boss niya at wala nang iba pa.Kaagad naman na sumagot sa kanya si Diego sa tanong niya kung nasaan na si Drake. "Nakaalis na po sila ni Dan patungo sa opisina ng kompanya na pinapatakbo niya. Mag-iisang oras na siguro nang umalis sila. Sabi niya po sa akin ay pagkagising mo raw ay kumain ka na po ng breakfast. Nakahanda na po kanina ang breakfast n'yo doon sa baba," sagot ni Diego sa kanya dahilan upang mapatango-tango siya."Kakain na ako, huwag kang mag-alala, Diego. E, ikaw? Kumain ka na ba, huh?" tanong ni Rizza sa kanya."Opo. Kanina pa po ako kumain ng breakfast. Ikaw na lang po ang hindi
"May balak ka po bang sabihin kay Rizza ang totoong dahilan kung bakit wala kang girlfriend at ayaw mo nang magkaroon pa ng babae sa buhay mo? Sigurado po ako na magtatanong pa siya sa 'yo n'yan. Hindi naman natin hawak ang isip niya at hindi naman natin kayang kontrolin kung ano ang dapat na isipin niya lang. May sarili siyang pag-iisip. Alam niya ang tama at mali. Marunong rin siyang magduda o maghinala sa mga bagay na hindi malinaw sa kanya. Sasabihin mo po ba sa kanya ang totoo, sir?" tanong ni Dan sa kanya. Umiwas muna siya ng tingin dito. Minuto muna ang lumipas bago sumagot sa katanungan na 'yon ni Dan sa kanya.Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga."Sa tingin ko ay kailangan pa rin na malaman ni Rizza ang totoong dahilan kung bakit wala akong girlfriend at ayaw ko nang magkaroon pa ng babae sa buhay ko. Kailangan niyang malaman ang nangyari sa akin ilang taon na ang nakalilipas para maintindihan niya ang lahat sa buhay ko lalo na ang desisyon ko na magkaroon ng an
"Puwede ba akong magtanong muli sa 'yo?" mahinahong tanong ni Rizza kay Drake sumunod na gabi habang nasa loob sila ng kuwarto nito. Kakatapos pa lang nito na mag-shower. Dalawang oras na rin ang lumipas matapos nilang kumain ng dinner. "Ano 'yon? Ano'ng itatanong mo sa akin, huh?" tanong ni Drake sa kanya. May ideya na si Drake ng posibleng itanong muli ni Rizza sa kanya pero tinanong pa rin niya ito. Rizza took a very deep breath."Tinanong ko na 'yon sa 'yo. Siguro ay may ideya ka na kung ano'ng itatanong ko sa 'yo," sabi ni Rizza sa kanya. "Pero wala namang problema kung itatanong ko 'yon sa 'yo, 'di ba?" Drake bit his lips and sighed very deep."Wala namang problema 'yon kung itatanong mo sa akin 'yon, eh. Ano ba'ng itatanong mo sa akin, huh?" sagot ni Drake sa kanya."Bakit ba wala kang girlfriend, huh? Bakit ba ayaw mo na magka-girlfriend?" tanong ni Rizza sa kanya. "Tinanong ko na ang tanong na 'yan sa 'yo ngunit hindi mo naman sinagot 'yon, 'di ba? Sana ngayon ay sagutin mo
"Iyon nga ang sinasabi ko sa 'yo, eh, na imposible na hindi ka magkaroon dahil kahit anong oras ay puwede kang magkaroon ng girlfriend kaso nga lang dahil sa nangyaring 'yon sa 'yo five years ago nagdesisyon ka na huwag na maghanap pa ng babaeng iibigin mo na pakakasalan mo baka maulit muli ang nangyaring 'yon sa 'yo na ayaw mo nang maranasan pa. Naiintindihan na kita ngayon sa sinabi mong 'yon kahit papaano. Hindi ako makapaniwala na nangyari 'yon sa 'yo," mabilis naman na sagot ni Rizza kay Drake."Hindi ko naman gawa-gawa lang ang sinabi kong 'yon sa 'yo, Rizza. Totoong-too 'yon, eh. Sobrang sakit at pighati ang dinanas ko ng mga panahon na 'yon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala 'yon kapag naiisip ko. Pakiramdam ko nga ay para bang kahapon lang nangyari 'yon, eh. Ayaw ko na. Ayaw ko na maghanap pa ng babae na mamahalin ko. Ayaw ko nang maranasan pang muli 'yon. Nangako na ako sa sarili ko na 'yon. Nag-aalala naman para sa akin ang personal assistant ko na si Dan na kung h
Kanina pa tunog nang tunog ang cell phone ni Rizza ngunit hindi pa niya 'yon nasasagot. Kahit naliligo siya sa loob ng shower room ay naririnig pa rin niya 'yon. Kaya naman nang makatapos siya sa pagsa-shower ay kaagad siyang lumabas at sinagot ang caller sa kabilang linya na walang iba kundi ang best friend niya na si Kira. Napabuntong-hininga pa si Rizza bago niya pinindot ang answer button. She has no idea why her best friend is calling her."Oh, why are you calling me, bessie?" tanong niya sa best friend niya pagkasagot niya sa tawag nito. "Ba't ka pala napatawag sa akin ngayon? May problema ka ba, bessie?" She heard her best friend sighed deeply."Oo, bessie. May problema ako ngayon," sabi nga niya dahilan upang mangunot ang noo ni Rizza sa narinig na 'yon mula sa kanya. Hindi tuloy maiwasan na mag-alala ito sa kanya."Seryoso ka ba sa sinasabi mo, bessie? Iyon ba ang dahilan kung bakit ka napatawag sa akin ngayon dahil may problema ka?" paniniguradong tanong ni Rizza sa best fri
Sumunod na araw ay nabalitaan nila na dinakip ng mga kapulisan si Sabrina dahil nahuli itong gumagamit ng pinagbabawal na gamot kasama ang ilang mga kalalakihan sa isang apartment. Ayon pa sa report ng mga pulis ay matagal na palang sangkot si Sabrina sa paggamit ng bawal na gamot na 'yon. Ginagawa na nga nila itong negosyo kung saan ay malaking halaga ang kinikita nila sa illegal na pamamaraan. Ang kinakasama nitong matandang mayaman dati ang naging dahilan kaya napasok sa ganoon na senaryo si Sabrina. Wala na ang matandang mayaman na 'yon. Patay na ito. Anim na buwan na ang nakalilipas. May nakuha siyang pera sa matandang 'yon. Nilustay niya ang perang 'yon sa paggamit ng bawal na gamot. Kaya niya gustong makibalikan kay Drake dahil sa wala na naman siyang pera. Gusto niyang bigyan na naman siya nito ng pera para sa paggamit niya ng bawal na gamot na 'yon na hindi maganda at nakakasira sa buhay ng isang tao. "Kailanma'y hindi talaga naging tama ang paggamit ng bawal na gamot na 'yo
Kakatapos pa lang mag-shower ni Drake kinagabihan. Nauna na sa kanyang nag-shower si Rizza na girlfriend niya. Nakahiga na ito sa kama. Hinihintay na siya. A smile drew on his face as he sees her lying on the bed. Hindi na siya nagsuot pa ng kung anong damit. Bigla na lang niyang kinubabawan si Rizza na girlfriend niya at inulan ng mararahas na halik. Tumutugon naman sa kanya si Rizza hanggang sa maramdaman niya na wala na siyang suot na damit. Hubo't hubad na rin siya kagaya ni Drake na boyfriend niya. Napatawa na lang silang dalawa sa isa't isa matapos maghiwalay na naman ang mga labi nila. "Ano na naman ba 'tong ginagawa natin, sweetie?" tumatawang tanong ni Rizza kay Drake habang yakap-yakap nila ang isa't isa sa kama. Tumawa rin sa kanya ang boyfriend niya."Ayaw mo ba sa ginagawa natin na 'to, sweetie?" sabi ni Drake sa kanya na ang lapit ng labi sa kanya. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Rizza bago nagsalita sa kanya."Sino ba naman ang aayaw nito, 'di ba? Sino ba
Tumikhim muna si Diego bago nagsalita sa harap ni Drake na galit na galit na nakatingin sa kanya. Hindi naman siya natatakot kay Drake dahil alam naman niya sa sarili niya na may importanteng sasabihin siya dito at hindi naman masama ang intensiyon niya sa pagpunta niya sa mansion nito kahit alam niyang pinagbabawalan na siyang pumunta. "Alam ko na hindi na ako puwede pang pumunta sa mansion mo, Drake. Hindi ko naman 'yon nakakalimutan, eh. Pero may kailangan lang talaga akong sabihin sa 'yo na dapat na malaman n'yong dalawa ni Rizza. Alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa ni Rizza. Magkasintahan na kayo, 'di ba?" sabi ni Diego kay Drake na masamang nakatingin sa kanya. "Paano ako maniniwala sa isang kagaya mo, Diego?! Umalis ka na! Huwag ka nang babalik pa dahil kapag inulit mo pa 'to ay pasasabugin ko na ang bungo mo! Hindi ka talaga marunong umintindi kahit kailan!" singhal ni Drake kay Diego. Maging ang kanyang mga kamao ay nakakuyom.Hinayaan lang ni Diego na sabihan siya ng k
Kinagabihan ay kinausap si Rizza ng kanyang mga magulang tungkol sa inamin niya ditong pagsisinungaling niya. Hindi nila nagustuhan ang inamin ni Rizza na 'yon ngunit wala naman na silang magagawa pa. Nangyari na ang mga 'yon. Hindi naman naging masama ang resulta ng kasunduan na 'yon nilang dalawa. Kahit galit man silang mag-asawa sa ginawa ng dalawa ay nangyari na 'yon. Bago nila kausapin si Rizza ay silang dalawa na muna ang nag-usap."May sasabihin kami sa 'yo, Rizza," malumanay na sabi ni Minerva kay Rizza. Katabi niya ang kanyang asawa na si Arturo na seryoso ang mukha. Mariing tumango si Rizza sa harap ng mga magulang niya."Sige po. Sabihin n'yo na po kung ano'ng gusto n'yo na sabihin sa akin. Makikinig po ako sa inyo. Sana po ay mapatawad n'yo ako sa ginawa kong 'yon sa inyo na pagsisinungaling. Mapatawad n'yo po sana kaming dalawa ni Drake na boyfriend ko," mahinang sagot ni Rizza sa mga magulang niya. Nagkatinginan sina Minerva at Arturo pagkasabi niya. Nagpakawala ng malal
Mahigit tatlong oras ang itinagal ni Drake sa bahay nina Rizza. Kausap pa rin niya ang mga magulang nito. Sinasabi nila ang katotohanan na ngayon lang nila sasabihin sa mga magulang ni Rizza. Nagpaalam naman na si Drake bago umalis sa bahay nina Rizza. Hinalikan pa nga siya nito sa mga labi. Hinatid niya si Drake na boyfriend niya sa may harap ng tindahan ni Aling Tasing kung saan nakaparking ang sasakyan na van na pagmamay-ari ni Drake."Kailan ka babalik sa mansion, sweetie?" tanong ni Drake sa kanya matapos siyang halikan nito sa mga labi. Pinagtitinginan pa rin sila ng mga taong nandoon sa tindahan ni Aling Tasing ngunit wala naman silang pakialam dito."Bukas ako babalik sa mansion, sweetie. Baka mga hapon na ako makabalik bukas. Tatawag na lang ako sa 'yo kung anong oras ako makakabalik sa mansion," sagot ni Rizza sa boyfriend niya. Drake slowly nods his head and said, "Okay, sweetie. See you tomorrow. Maghihintay ako sa tawag mo. Susunduin muli kita bukas, ha? Ngayon na magkas
Nakita kaagad sila ng mga magulang ni Rizza nang dumating sila. Nagulat ito sa pagdating nila lalo na nang makita ang kasama ni Rizza na sina Drake at Dan. May dalawang tauhan pa sila na kasama na nakabuntot lang sa kanila. Pumasok naman kaagad sila sa bahay ni Rizza na kahit maliit lang ay malinis naman. Wala ang mga kapatid niya dahil nasa eskuwelahan ito. Hindi naman na pinatagal pa ni Rizza ang lahat kaya pinakilala na niya si Drake na boyfriend niya. Pinakilala niya rin kay Drake ang mga magulang niya. Nagbigay galang naman si Drake sa kanila para wala silang masabi na hindi maganda sa kanya. Binati pa nga niya ito. Nanlalaki ang mga mata ng mga magulang niya na sina Minerva at Arturo sa nalaman nila. "A-ano? Boyfriend mo siya?!" hindi makapaniwalang tanong ni Minerva kay Rizza na tumango naman sa kanya."Opo. Boyfriend ko po siya. Boyfriend ko po si Drake. Sinama ko po siya ngayon dito sa atin para ipakilala ko po siya sa inyo. Gusto na rin po kasi niya na ipakikilala ko siya s
Hindi naman nila inagahan ang kanilang paggising kinabukasan. Hindi naman sila maagang pupunta doon. Sabay silang dalawa na nag-shower. They had sex inside the shower room. Matapos nilang magbihis na dalawa ay lumabas na sila sa loob ng room ni Drake. Kakain na sila ng breakfast. Kanina pa nakahanda 'yon para sa kanilang dalawa. Magkahawak-kamay silang naglalakad pababa. Binati kaagad sila ng magandang umaga ni Dan pati ng mga kasambahay. Binati rin nila ang mga ito. "Nakahanda na ba ang sasakyan namin?" tanong ni Drake kay Dan habang kumakain sila. "Opo, sir. Handa na po ang sasakyan n'yo. Sasama pa po ba ako, sir?" sagot ni Dan sa kanya. Tinatanong niya kay Drake kung kasama pa ba siya. Nagkatinginan muna sina Drake at Rizza sa isa't isa.Drake sighed and said, "Oo. Sasama ka sa amin ni Rizza. Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Sasama ka sa amin doon."Dan shook his head quickly. Pinapasama siya ni Drake sa lugar nina Rizza kung saan sila pupunta. Ang unang akala kasi ni D
Kakatapos lang nina Drake at Rizza na mag-sex at kasalukuyan silang nagpapahinga. Magkayakap silang dalawa sa isa't isa. Bukas na bukas ay uuwi na muna si Rizza sa kanila. "Ano'ng oras ka bukas uuwi sa inyo, sweetie?" mahinang tanong ni Drake kay Rizza na girlfriend niya. She took a deep breath before she speaks to him."Hindi ko masabi kung ano'ng oras ako uuwi bukas sa amin, sweetie. Basta umaga ako uuwi sa amin. Bakit mo ba tinatanong ako kung ano'ng oras ako uuwi sa amin bukas?" malumanay na sagot ni Rizza kay Drake. Tinatanong niya rin ito kung bakit nagtatanong ito sa kanya kung anong oras siya uuwi sa kanila bukas.Drake sighed deeply and said, "Wala naman, sweetie. Inaalam ko lang naman kung anong oras ka uuwi bukas. Iyon lang naman, eh. Ihahatid kita bukas. Ako ang maghahatid sa 'yo, okay?"Mabilis naman na tumango si Rizza sa boyfriend niya na si Drake pagkasabi nito sa kanya. Wala namang problema kung ito ang maghatid sa kanya bukas. Nagsabi naman ito sa kanya na siya ang