Tumikhim muna si Diego bago nagsalita sa harap ni Drake na galit na galit na nakatingin sa kanya. Hindi naman siya natatakot kay Drake dahil alam naman niya sa sarili niya na may importanteng sasabihin siya dito at hindi naman masama ang intensiyon niya sa pagpunta niya sa mansion nito kahit alam niyang pinagbabawalan na siyang pumunta. "Alam ko na hindi na ako puwede pang pumunta sa mansion mo, Drake. Hindi ko naman 'yon nakakalimutan, eh. Pero may kailangan lang talaga akong sabihin sa 'yo na dapat na malaman n'yong dalawa ni Rizza. Alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa ni Rizza. Magkasintahan na kayo, 'di ba?" sabi ni Diego kay Drake na masamang nakatingin sa kanya. "Paano ako maniniwala sa isang kagaya mo, Diego?! Umalis ka na! Huwag ka nang babalik pa dahil kapag inulit mo pa 'to ay pasasabugin ko na ang bungo mo! Hindi ka talaga marunong umintindi kahit kailan!" singhal ni Drake kay Diego. Maging ang kanyang mga kamao ay nakakuyom.Hinayaan lang ni Diego na sabihan siya ng k
Kakatapos pa lang mag-shower ni Drake kinagabihan. Nauna na sa kanyang nag-shower si Rizza na girlfriend niya. Nakahiga na ito sa kama. Hinihintay na siya. A smile drew on his face as he sees her lying on the bed. Hindi na siya nagsuot pa ng kung anong damit. Bigla na lang niyang kinubabawan si Rizza na girlfriend niya at inulan ng mararahas na halik. Tumutugon naman sa kanya si Rizza hanggang sa maramdaman niya na wala na siyang suot na damit. Hubo't hubad na rin siya kagaya ni Drake na boyfriend niya. Napatawa na lang silang dalawa sa isa't isa matapos maghiwalay na naman ang mga labi nila. "Ano na naman ba 'tong ginagawa natin, sweetie?" tumatawang tanong ni Rizza kay Drake habang yakap-yakap nila ang isa't isa sa kama. Tumawa rin sa kanya ang boyfriend niya."Ayaw mo ba sa ginagawa natin na 'to, sweetie?" sabi ni Drake sa kanya na ang lapit ng labi sa kanya. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Rizza bago nagsalita sa kanya."Sino ba naman ang aayaw nito, 'di ba? Sino ba
Sumunod na araw ay nabalitaan nila na dinakip ng mga kapulisan si Sabrina dahil nahuli itong gumagamit ng pinagbabawal na gamot kasama ang ilang mga kalalakihan sa isang apartment. Ayon pa sa report ng mga pulis ay matagal na palang sangkot si Sabrina sa paggamit ng bawal na gamot na 'yon. Ginagawa na nga nila itong negosyo kung saan ay malaking halaga ang kinikita nila sa illegal na pamamaraan. Ang kinakasama nitong matandang mayaman dati ang naging dahilan kaya napasok sa ganoon na senaryo si Sabrina. Wala na ang matandang mayaman na 'yon. Patay na ito. Anim na buwan na ang nakalilipas. May nakuha siyang pera sa matandang 'yon. Nilustay niya ang perang 'yon sa paggamit ng bawal na gamot. Kaya niya gustong makibalikan kay Drake dahil sa wala na naman siyang pera. Gusto niyang bigyan na naman siya nito ng pera para sa paggamit niya ng bawal na gamot na 'yon na hindi maganda at nakakasira sa buhay ng isang tao. "Kailanma'y hindi talaga naging tama ang paggamit ng bawal na gamot na 'yo
Kanina pa tunog nang tunog ang cell phone ni Rizza ngunit hindi pa niya 'yon nasasagot. Kahit naliligo siya sa loob ng shower room ay naririnig pa rin niya 'yon. Kaya naman nang makatapos siya sa pagsa-shower ay kaagad siyang lumabas at sinagot ang caller sa kabilang linya na walang iba kundi ang best friend niya na si Kira. Napabuntong-hininga pa si Rizza bago niya pinindot ang answer button. She has no idea why her best friend is calling her."Oh, why are you calling me, bessie?" tanong niya sa best friend niya pagkasagot niya sa tawag nito. "Ba't ka pala napatawag sa akin ngayon? May problema ka ba, bessie?" She heard her best friend sighed deeply."Oo, bessie. May problema ako ngayon," sabi nga niya dahilan upang mangunot ang noo ni Rizza sa narinig na 'yon mula sa kanya. Hindi tuloy maiwasan na mag-alala ito sa kanya."Seryoso ka ba sa sinasabi mo, bessie? Iyon ba ang dahilan kung bakit ka napatawag sa akin ngayon dahil may problema ka?" paniniguradong tanong ni Rizza sa best fri
"Wala ka na po bang balak mag-asawa, sir? Thirty years old ka na po, sir," tanong ni Dan sa boss niya na si Drake habang nasa loob ito ng opisina niya na nasa mansion kung saan siya kasalukuyan na nakatira. Napakunot-noo si Drake matapos 'yon marinig kay Dan na personal assistant niya na pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay na gagawin niya. Hindi niya lang tinuturing na isang personal assistant si Dan kundi ay isang kaibigan na rin. Ngumiwi pa siya at marahas na bumuntong-hininga bago sumagot kay Dan. "Kung may balak pa sana ako na mag-asawa ay noon ko pa ginawa, 'di ba?" nakangusong sagot ni Drake kay Dan na mariing tumango. "Wala na sa isipan ko ang mag-asawa pa, Dan. Alam mo 'yan kaya huwag mo na akong tatanungin pa ng ganyan na tanong." "E, paano po n'yan?" nakaawang ang mga labi na sagot ni Dan kay Drake."Ang alin ba, ha? Ano ba ang sasabihin mo?" "Ang sasabihin ko po sa 'yo ay paano ang lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya mo po? Paano po 'yon lahat? Wala pong
"Rizza! Rizza! Nasaan ka ba?!" sigaw ng ina ni Rizza na si Minerva habang abala siya sa paglalaba sa poso na nasa harap ng bahay nila. Huminto muna si Rizza sa pagkukusot ng mga damit na nilalabhan niya upang puntahan ang kanyang ina na tinatawag siya. Patakbong tumungo siya sa loob ng kanilang bahay upang puntahan ang kanyang ina na tumatawag sa kanya."Nandito na po ako! Ma, bakit mo po ako tinatawag?" pasigaw rin na tanong ni Rizza sa kanyang ina habang patakbong lumalapit siya dito. Nasa kusina ang kanyang ina na nakapamaywang na mukhang may importante na ipag-uutos sa kanya."Tinatawag kita dahil may importante ako na ipag-uutos sa 'yo. Tatawagin ba kita kung wala, ha?" sagot ng ina niya sa kanya na pinandilatan siya.Napabuntong-hininga tuloy si Rizza pagkasabi ng kanyang ina ngunit nagsalita pa rin siya dito. "E, ano po ang importante na ipag-uutos mo po sa akin?" mahinang tanong ni Rizza."Ibili mo muna ako ng paminta at toyo sa tindahan ni Aling Tasing ngayon. Itigil mo muna a
Nagising si Rizza na nasa loob ng isang hindi pamilyar na silid. Siya'y nakahiga doon na walang takip sa bibig at hindi rin nakatali ang kanyang mga kamay. Amoy na amoy niya ang mabangong pabango sa loob ng silid na 'yon na hindi pa niya na amoy sa buong buhay niya. Amoy pang mayaman ang silid na 'yon kung saan niya natagpuan ang sarili na nakahiga sa malambot na kama. "Nasaan ako? Ano'ng nangyari sa akin? Bakit ako nandito?" natatakot na tanong niya sa kanyang sarili at pilit inaalala ang mga nangyari kanina. Naalala niya na may huminto na puting van sa harap niya kanina at hinawakan siya ng dalawang lalaki at tinakpan ng panyo ang ilong niya dahilan upang mawalan siya ng malay. Napagtanto niya na dinukot siya ng mga lalaki na 'yon at dinala sa silid na 'yon kung nasaan siya ngayon nagising. Napamura tuloy siya nang malulutong na mura.Mabilis na bumangon siya at tumungo sa may pinto. Malakas na kinalampag niya 'yon. "Tulong! Tulungan n'yo ako! Nasaan ako?! Tulungan n'yo ako! Maawa k
Tumulo ang mga luha ni Rizza mula sa kanyang mga mata nang makalabas na ang guwapong lalaki kasama ang mga tauhan nito na nasa harap niya ilang minuto lang ang nakalilipas. Paulit-ulit sa isipan niya ang sinabi nito sa kanya na papayagan siya nitong makauwi sa kanila ngunit kailangan niya na pumayag sa gusto nitong mangyari. Kailangan niya na bigyan ito ng magiging anak na magiging tagapagmana ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito kapalit ng kalayaan na nais niya. Sinabi pa nito sa kanya na kahit ano'ng gusto niya ay ibibigay nito pumayag lang siya sa nais nitong mangyari. Kahit isang milyon ay kaya nitong ibigay sa kanya basta pumayag lang siya.Makaraan ang isang oras ay muling bumukas ang pinto. Pumasok si Drake doon kasama si Dan na assistant personal niya. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Tumungo siya nang makapasok ito. Tahimik lang siya. Hinihintay niya na magsalita ang isa sa kanila. Lumipas na ang isang oras ngunit hindi pa rin siya makaisip kung ano'ng