Share

Chapter 2

Nagising si Rizza na nasa loob ng isang hindi pamilyar na silid. Siya'y nakahiga doon na walang takip sa bibig at hindi rin nakatali ang kanyang mga kamay. Amoy na amoy niya ang mabangong pabango sa loob ng silid na 'yon na hindi pa niya na amoy sa buong buhay niya. Amoy pang mayaman ang silid na 'yon kung saan niya natagpuan ang sarili na nakahiga sa malambot na kama.

"Nasaan ako? Ano'ng nangyari sa akin? Bakit ako nandito?" natatakot na tanong niya sa kanyang sarili at pilit inaalala ang mga nangyari kanina. Naalala niya na may huminto na puting van sa harap niya kanina at hinawakan siya ng dalawang lalaki at tinakpan ng panyo ang ilong niya dahilan upang mawalan siya ng malay. Napagtanto niya na dinukot siya ng mga lalaki na 'yon at dinala sa silid na 'yon kung nasaan siya ngayon nagising. Napamura tuloy siya nang malulutong na mura.

Mabilis na bumangon siya at tumungo sa may pinto. Malakas na kinalampag niya 'yon. "Tulong! Tulungan n'yo ako! Nasaan ako?! Tulungan n'yo ako! Maawa kayo sa akin! Please lang po. Wala po kayong makukuha sa akin. Kung kidnap for ransom ang habol n'yo sa akin ay wala kayong mapapala sa akin dahil mahirap lang po ako! Wala akong pera! Palabasin n'yo na po ako kung naririnig n'yo po ako! Maawa po kayo sa akin!" umiiyak na sigaw ni Rizza sa loob ng silid na 'yon. Siya'y nagmamakaawa na palabasin sa silid na 'yon para pakawalan.

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring nagbubukas sa kanyang tao mula sa silid na 'yon. Iyak lang siya nang iyak habang iniisip niya ang pamilya niya na sigurado na nag-aalala na sa kanya. Naisip pa niya na ito nga ang sinasabi ng best friend niya na si Kira at ni Bebot na mag-iingat siya dahil baka dukutin rin siya kagaya ng mga babae na nawawala na dinukot rin kagaya niya. Nangyari na nga 'yon sa kanya na kanina lang ay naririnig niya mula sa mga taong importante siya.

Makaraan ang isang oras ay bumukas ang pinto ng silid kung nasaan siya. Pumasok ang dalawang lalaki na hindi niya kilala dahilan upang matakot siya. Umupo muli siya sa kama at hinintay ang posible nitong gawin sa kanya. Tumayo lang ang dalawang lalaki habang nakatingin sa kanya. Sumunod na pumasok ay ang isang lalaki na guwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan na nakausot ng kukay itim na leather jacket. Sa kanya kaagad dumako ang tingin nito. May kasama itong lalaki na personal assistant nito na walang iba kundi si Dan na unang nagsalita.

"Ito na po ang nahanap namin na babae, sir. Sigurado po na magugustuhan mo po siya. Mukhang bata pa po," nakangising wika ni Dan sa boss niya na si Drake. Panibagong takot na naman ang nararamdaman ni Rizza matapos marinig 'yon.

Tiningnan ni Drake si Rizza nang seryosong tingin. Sinuri niya ang dalaga mula ulo hanggang paa. Narealize niya na maganda ang pangangatawan ni Rizza at hindi naman ito masasabi na pangit. Maganda rin naman si Rizza. Mukhang mahirap nga lang dahil sa suot nitong damit na may punit at naka-tsinelas na mumurahin. Iniiwas ni Rizza ang mata sa guwapong lalaki dahil natatakot siya na baka may gawin itong masama sa kanya.

"Nagustuhan mo po ba ang babae na nahanap namin, sir?" tanong pa ni Dan kay Drake nang hindi pa rin ito nagsasalita. Pingmamasdan lang nito si Rizza na para bang may hinahanap na kung ano.

Inilipat ni Drake ang kanyang mga mata mula kay Rizza patungo sa personal assistant niya na si Dan bago ito nagsalita. "Babae ang hinahanap natin, 'di ba?" seryosong sabi ni Drake.

"Opo, sir. Babae nga po 'yan, eh. Ayaw mo po ba sa kanya?" tanong ni Dan kay Drake.

"Hindi ko kailangan na magsabi ng ayaw ko o gusto, Dan. Basta ang kailangan ko ay babae na may p*ke at matris. Iyon lang naman ang kailangan ko, 'di ba? Hindi ako mapili," seryosong sagot ni Drake kay Dan na tumango-tango sa kanya.

"Ibig mo pong sabihin ay walang problema ang babae na 'yan?" tanong pa ni Dan sa boss niya na nakataas ang isang kilay na mukhang naiinis sa kanya.

Tumango si Drake kay Dan para matigil na ang pagtatanong nito kung nagustuhan niya ang nahanap nilang babae. "Kailangan natin na mapapayag siya sa nais natin na mangyari," wika ni Drake kay Dan.

Narinig 'yon ni Rizza kaya hindi niya napigilan na hindi magsalita. "Ano'ng kailangan n'yo sa akin?! Ano'ng sinasabi n'yo na kailangan ko na mapapayag n'yo na gawin ang nais n'yo, ha?!" singhal niya dito.

Nagsalita si Dan, "Relax lang. Wala kaming gagawin na masama sa 'yo. Hindi ka rin namin papatayin. Kailangan mo lang kami tulungan at lalo na ang boss namin." Muli si Rizza na tumingin sa guwapong lalaki na nakatingin rin sa kanya na para bang gusto na siyang hubaran.

"Tulungan?! Ano'ng klaseng tulong, ha?! Kayo ba ang mga sindikato na dumudukot ng mga babae, ha?! Kayo ba 'yon, ha?! Mga wala kayong mga puso para gawin 'yon sa aming mga babae! Masasama kayo!" sigaw ni Rizza sa kanila. Nagkatinginan sina Drake at Dan sa sinabi ni Rizza sa kanila.

Drake clears his throat before he speaks to her. He wants to make things clear to her. "Hindi kami ang mga sindikato na tinutukoy mo na dumudukot ng mga babae! Hindi kami 'yon! Nagkakamali ka ng inaakala mo. Hindi mo alam na ikaw lang ang kaisa-isang babae na dinukot namin at wala nang iba pa. Hindi naman namin gagawin 'to kung hindi namin kailangan ng—"

"Kailangan n'yo ng ano?!" bulyaw ni Rizza kay Drake. Lumapit si Drake sa kanya at inilapit ang bibig sa tainga niya.

"Kailangan ko ang kagaya mo. Kailangan kita," bulong ni Drake sa tainga ni Rizza dahilan upang makaramdam siya ng kakaibang kiliti mula sa boses nito. Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa tainga at leeg niya. Bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Kailangan saan, ha?!" matapang na singhal niya kay Drake na lumayo nang kaunti sa kanya. Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Drake bago muling nagsalita sa kanya.

"Kailangan ko ang p*ke at matris mo..." mahinang usal ni Drake sa kay Rizza dahilan upang mangunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng guwapong lalaki sa harap niya.

"Ano?! Hindi ko maintindihan! Ano'ng gagawin n'yo doon, ha?! Ido-donate n'yo?! Iyon na ba ang bagong modos ng mga sindikato, ha?!" singhal nga niya at nagtawanan ang mga tauhan ni Drake pati siya sa sinabi na 'yon ni Rizza.

"Uulitin ko ha, hindi kami sindikato. Hindi kami sindikato na inaakala mo. Kailangan ko na magkaroon ng anak na magmamana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya ko kaya kailangan ko ikaw. Kailangan ko ang p*ke at matris mo! Paano ba magkaroon ng anak, ha? 'Di ba kailangan 'yon? Hindi ka naman namin sasaktan, eh. Hindi ka rin namin papatayin. Hindi ka rin naman namin pababayaan. Protektado ka namin. Protektado ko ikaw basta gawin mo lang ang gusto ko. Tulungan mo ako na magkaroon ng anak. Bibigyan rin kita ng pera kahit ilan ang hingiin mo. Bibigyan kita ng kalayaan na bumalik sa pamilya mo pero babalik ka pa rin dito sa akin at lalo na kung wala pa tayong nabubuo na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya ko. Maliwanag ba 'yon sa 'yo? Iyon lang naman ang gagawin mo. Pasalamat ka dahil kami ang dumukot sa 'yo dahil kung hindi baka pinatay ka na o kaya ay ibinenta sa mga banyaga upang gawin nilang mga kawawa. Dito sa akin ay kailanma'y hindi ka magiging kawawa. Gusto mo na maging buhay reyna? Gagawin ko sa 'yo 'yon. Basta papayag ka sa gusto ko na mangyari na bigyan mo ako ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya ko," paliwanag ni Drake kay Rizza.

Naiintindihan naman 'yon ni Rizza kaso nga lang hindi niya alam sa sarili niya kung kaya niyang gawin ang nais nito. Ramdam niya na nagsasabi naman sa kanya ng totoo ang guwapong lalaki.

"Paano kung hindi ako pumapayag, ha? Ano'ng gagawin mo sa akin?" tanong ni Rizza kay Drake.

"Hindi ka makakaalis sa lugar na 'to. You still have a choice. Sinabi ko na 'yon sa 'yo. Depende na lang sa 'yo kung papayag ka. Kung papayag ka sa gusto ko ay papayagan kita na makauwi sa pamilya mo ngunit kailangan mo pa rin na bumalik dito sa akin upang gawin ang nais ko. Magiging malaya ka sa gusto mo na gawin. Lahat ng hilingin mo sa akin ay ibibigay ko. Kung kailangan mo ng pera ay ibibigay ko sa 'yo kahit isang milyon pa 'yan basta pumayag ka lang sa nais ko na mangyari na bigyan ako ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan namin ng pamilya ko. Maliwanag ang sinasabi ko sa 'yo. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa 'yo. Babalikan kita sa silid na 'to makaraan ang ilang oras para malaman ang magiging desisyon mo," sabi pa ni Drake kay Rizza.

Nanahimik si Rizza pagkasabi ni Drake sa kanya. Hindi siya nagsalita ng kung anu-ano pa hanggang sa lumabas na nga ito sa silid na 'yon kasunod ang mga lalaki na tauhan niya. Kasama na rin niya ang personal assistant niya na si Dan na lumabas. Ni-lock nila ang pinto ng silid kung saan nandoon si Rizza upang hindi ito makatakas mula sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status