Share

Chapter 4

"Iyon lang naman ang choice mo, eh. Kung gusto mo na makauwi na sa inyo at maging malaya muli ay pumayag ka na sa kagustuhan ng boss namin. Iyon lang naman ang kailangan mo na gawin. Hindi ka naman namin pahihirapan, eh. Hinding-hindi namin gagawin 'yon sa 'yo. Pumayag ka nang tulungan siya na magkaroon ng anak. Ibibigay niya ang kahit anong hingiin mo sa kanya. Damit, bahay, sasakyan o ilang halaga ng pera ay ibibigay niya sa 'yo basta pumayag ka lang sa kagustuhan niya na bigyan siya ng anak bilang kapalit. 'Wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo, please. Papayag ka lang naman, eh. Kung pumayag ka na ay makakauwi ka na sa inyo. Ihahatid ka pa namin pauwi sa inyo para masigurado na ligtas ka. Wala kang kailangan na ipangamba dahil protektado ka namin. Tawagan mo lang kami ay tutulungan ka namin kahit anong oras pa 'yan. Hindi ka namin niloloko sa mga sinasabi namin, okay? Hinding-hindi ka namin pakakawalan kung hindi ka papayag. Mahihirapan na kaming makahanap pa ng kagaya mo sa susunod. Nandito ka na rin naman, eh. Tulungan mo na lang ang boss namin dahil tutulungan ka rin niya. Pumayag ka na, please," sabi ni Dan sa kanya na personal assistant ni Drake. Kinukumbinsi niya si Rizza na pumayag na. Dumako ang tingin ni Rizza dito na nakanguso. Masama niyang tinapunan ito.

"Pasensiyahan na lang tayo. Hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ko na mangyari ay hindi ka makakauwi sa inyo. Kung pumayag ka na mismo ngayon ay pauuwiin ka na namin pero siguraduhin mo na babalik ka pa rin dito sa akin. Hindi puwedeng hindi dahil may magiging kasunduan tayo 'pag pumayag ka na. 'Wag mo na kasing pahirapan pa ang sarili mo. Kung ayaw mo nang mahirapan pa ay magsabi ka na sa akin na pumapayag ka na. Napakadali lang naman," sabi pa ni Drake sa kanya. Napalabi lang siya. Walang naging sagot si Rizza. Tahimik lang siya na nagisip-isip sa sasabihin niya. Kailangan na may sabihin siya. Hindi puwedeng wala. Nakikita niya na matatagalan siya sa silid na 'yon kung hindi siya papayag. Walang balak ang guwapong binata na nasa harap niya na pakawalan siya hangga't hindi siya pumapayag sa nais nitong mangyari. Mahihirapan lang siya. Gustong-gusto na talaga niyang umuwi. Iyon lang ang tanging paraan para makauwi na siya sa kanila ang pumayag sa nais nitong mangyari na tulungan niya itong magkaroon ng anak na magiging tagapagmana ng kanilang mga ari-arian at kayamanan. Iyon lang ang choice niya. Kung tatanggihan niya ang nais nitong mangyari ay baka hindi na siya makauwi sa kanila. Ayaw naman niyang mangyari na hindi na makita ang mga taong mahal niya. Ayaw naman niya na pag-alalahanin pa ang mga ito sa kanya. May choice pa rin siya kahit ayaw niyang gawin 'yon ay kailangan niyang gawin para sa mga taong mahal niya na ayaw niyang hindi na makita pa at mag-alala sa kanya. Baka may mangyari pang hindi maganda dito lalo na sa mga magulang niya kapag tumagal pa na hindi siya umuuwi sa kanila. Ayaw niya na may mangyaring masama sa pamilya niya dahil lang sa desisyon niya na hindi naman makakatulong kahit na nga ayaw niya 'yon. Kailangan niyang gamitin ang kanyang isip. Kailangan niyang magdesisyon na sa tingin niya ay tamang gawin kahit labag 'yon sa buong kalooban niya. Hindi niya magagawang manatili nang matagal sa loob ng silid na 'yon.

Ipinikit ni Rizza ang kanyang mga mata at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago sumagot kay Drake.

Nakapag-isip-isip na rin naman siya.

"Pumapayag na ako sa kagustuhan mo na bigyan ka ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya n'yo. Pumapayag na ako kahit labag 'yon sa kalooban ko. Wala naman akong ibang pagpipilian, eh. Pumapayag na ako sa nais mong mangyari basta pakawalan mo lang ako at pauwiin na sa amin," mahinang usal ni Rizza sa harap ni Drake at ng mga tauhan nito. Pumapayag na nga siya sa nais na mangyari nito.

Natuwa naman sina Drake at Dan sa narinig nilang 'yon mula kay Rizza na pumapayag na nga ako ito ngunit kailangan nila na pakawalan na ito para makabalik sa pamilya nito bilang kasunduan. Nagkatinginan sina Drake at Dan.

''Talaga ba? Pumapayag ka na sa gusto kong magyari na bigyan mo ako ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya ko, huh? Sigurado ka na ba sa pagpayag mo?" pangungumpirmang tanong ni Drake sa kanya. Mabilis na tumango si Rizza sa kanya.

"Oo. Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. Wala naman akong ibang choice kundi ang pumayag sa gusto mo kahit labag 'yon sa buong kalooban ko. Gusto ko na talaga na makauwi sa amin. Pauwiin mo na ako please. Gusto ko nang makita ang mga magulang at kapatid ko pati na rin ang kaibigan ko," sabi pa ni Rizza kay Drake na tumango-tango.

"Makikita mo na silang muli dahil pumayag ka na sa gusto ko na mangyari. Maraming salamat sa pagpayag mo sa akin na tulungan ako na magkaroon ng anak na magiging tagapagmana ng pamilya ko. 'Wag kang mag-alala dahil ipapahatid kita sa inyo pero bago 'yon kailangan na siguraduhin mo na babalik ka pa rin dito sa akin. Hindi puwedeng hindi. Ngayon na pumayag ka na nga sa akin ay gagawin mo ang mga sinabi ko bilang kapalit. Maliwanag ba 'yon sa 'yo?" sagot ni Drake sa kanya.

Rizza gave him a quick nod and said, "Oo. Babalik ako dito sa mansion. 'Wag kang mag-alala basta pauwiin mo na ako sa amin ngayon."

Ngumiti si Drake sa kanya habang nakaawang ang mga labi niya. "Very good. Ngayon na pumapayag ka na sa gusto kong magyari na bigyan mo ako ng anak ay maliwanag na sa 'yo ang lahat ng mga sinabi ko. Hindi ko na uulitin muli sa 'yo 'yon. Puwede ko bang malaman ang pangalan mo? Hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo. Kanina pa tayong nag-uusap, eh."

"Rizza Jane Castro ang pangalan ko," mahinang pakilala ni Rizza sa pangalan niya sa harap ni Drake na hindi rin niya alam ang pangalan. Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay para makipagkilala rin sa kanya.

"I'm happy to know your name, Rizza Jane. By the way, my name is Drake Andrew Montero," pakilala naman ni Drake sa kanyang sarili kay Rizza na napipilitan na tumango sa kanya. Hindi si Rizza nakipagkamayan sa guwapong si Drake. Napahiya ito sa kanya ngunit wala naman 'yong problema.

"Rizza na lang ang tawag mo sa akin. 'Wag mo nang tawagin ang buo kong pangalan," pakiusap ni Rizza kay Drake.

"Ah, okay. Rizza na lang ang tawag ko sa 'yo. Hindi na kita tatawagin sa buo mong pangalan. Maraming salamat talaga sa pagpayag mo sa akin na tulungan ako," nakangising sagot ni Drake kay Rizza na tumango lang sa kanya.

"Makakauwi na ba ako ngayong araw na 'to?" tanong ni Rizza kay Drake. Sinipat muna ni Drake ang kanyang wristwatch bago nagsalita sa kanya.

"Oo. Makakauwi ka na ngayon. Maaga pa naman. Hindi pa naman gumagabi, eh. Babalik ka pa rin sa akin. Do you have a cell phone?" ani Drake sa kanya.

"May cell phone ako pero malapit na 'yon na masira. Bakit mo ako tinatanong?" mahinang usal ni Rizza kay Drake.

"Gusto ko lang malaman dahil hihingiin ko ang cell phone number mo para may communication tayong dalawa sa isa't isa," sagot ni Drake sa kanya.

Inilapit ni Dan ang kanyang bibig sa tainga ni Drake at bumulong sa boss niya na tumango kaagad sa kanya. Drake clears his throat before he speaks to her. Ibinulong ni Dan sa kanya na bilhan na lang ng bagong cell phone si Rizza para bago ang magamit nito. Bibilhan rin naman nila ng bagong sim card ito.

"Huwag mo na palang ibigay sa akin ang cell phone number mo. Bibilhan ka na lang namin ng bagong cell phone na may kasamang bagong sim card," sabi ni Drake sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

"A-ano?! Ibibili mo ako ng bagong cell phone na may kasamang sim card?" tanong ni Rizza sa kanya.

"Oo. Bibilhan ka namin ng bago. 'Di ba sabi mo ay malapit nang masira ang gamit mong cell phone?" sagot ni Drake sa kanya.

"Oo. Malapit na masira ang cell phone ko pero hindi mo na kailangan na bilhan ako ng bago lalo na ang sim card," protesta ni Rizza kay Drake.

"Huwag ka nang magprotesta pa, Rizza. Kasama na 'yon sa kasunduan na mayroon tayong dalawa, okay? Gusto ko na may gagamitin kang bagong cell phone para mas madali ang communication nating dalawa. Ilalagay ko ang cell phone number ko sa contact sa bibilhin namin na bagong cell phone mo at kukunin ko ang number mo. Wala ka nang kailangan pang isipin. Makakauwi ka na, remember? Makikita mo na muli ang pamilya mo at kung sino pa ang gusto mo na makita," paliwanag ni Drake sa kanya. Hindi na si Rizza nagprotesta pa kay Drake. Hinayaan na lang niya ito. Hindi naman niya kailangan na gumastos. Si Drake naman ang gagastos para bilhan siya ng bagong cell phone na may kasama na ring bagong sim card.

Bago lumabas si Drake sa silid na 'yon ay nagsalita ito, "Nagugutom ka na ba? Kung nagugutom ka na ay bumaba ka na para makakain ka sa baba. Maraming pagkain doon. Magpakabusog ka, okay? Dan, ikaw na ang bahala sa kanya. Samahan mo na siyang kumain. Sigurado akong nagugutom na siya. Babalik na muna ako sa opisina ko." Walang sagot si Rizza sa kanya. Nakatingin lang siya dito. Sinusunod lang niya ang mga nais ni Drake.

"E, paano po ang pinabibili n'yo na cell phone niya, sir?" tanong ni Dan kay Drake.

"Si Diego na ang bahala d'yan. Hindi mo na kailangan pa na problemahin 'yan. Gawin mo na lang ang sinasabi ko sa 'yo na gagawin mo. Sasamahan mo si Rizza sa dining room para makakain na siya," seryosong sagot ni Drake kay Dan na personal assistant niya.

Dan shook his head and said, "Sige po, sir."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status