Share

Chapter 45 "How foolish you are!"

MAPUTING kisame ang nakita ni Zarah sa kanyang pagmulat. Ramdam niya ang pamimigat ng kanyang katawan. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng kamang kanyang hinigaan. Nakita niya ang tila isang litrong likido na nakabalot sa puting plastic, dextrose yon. So ibig sabihin nasa hospital siya. Sino kaya ang nagdala sa kanya dito? Naalala niya ang mga nangyayari sa mansion lalo na ang pag-iwan ni Luke sa kanya sa kabila ng kanyang pagmamakaawa rito. Naikuyom niya ang kamay nang maalala ang buong eksena. Paano kaya siya napunta dito sa hospital?

Bigla siyang napakislot nang may gumalaw sa bandang paanan.

"Kumusta na ang iyong pakiramdam?" Isang baritonong tinig ang kanyang narinig.

Bago paman niya tanungin kung sino iyon lumapit na ito sa kanyang tabi.

"Lander?" Gulat siya.

Ngumiti ito na may halong pag-aalala.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Zarah? May gusto ka bang kainin o inumin? Sabihin mo lang para mabibili agad natin," nag-aalalang tanong nito.

"T-tubig, please?" tugon niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status