PAUBOS na ang stocks nila sa kusina kaya pagkagaling ni Zarah sa hospital dumaan muna siya sa grocery store sa loob ng Mall. Namimili rin siya ng mga personal na mga gamit. Pati na ang mga toiletries at iba pang gamit panglinis. Hindi rin niya pinalagpas na dumaan sa pasta section. Ibat-ibang klaseng pasta ang kaniyang pinamili. Simula noong sa bahay na umuwi si Lander mabilis na siyang nauubusan ng stocks ng pasta kaya bumili siya ng mas marami ngayon. Mula ground floor pumunta muna siya sa second hanggang third floor na kung saan naroon ang section ng mga damit. Pinaiwan niya lang muna sa baggage counter ang mga nabiling grocery goods. Sa elevator na siya sumakay upang mas mapadali. Pasara na sana ang elevator ngunit biglang may humabol. Ginamit ang kamay nito upang matigil ang pagkasara at bumukas ulit. Siya lang mag-isa ang sumakay doon kaya malaya niyang napagmasdan ang lalaking pumasok. Bigla siyang natigilan nang makilala ang lalaking iyon. Huli na kung babawiin niya pa ang
"WHAT! Nakita ka ni Luke?" gulat si Lander pagkatapos isalaysay ni Zarah ang aksidenting pagkikita nila ni Luke sa loob ng Mall. "At saka yong stalker mo parang sinusundan rin ako. Buti na lang nailigaw ko siya ulit." dagdag niya pa. "What stalker?" kunot-noo nitong tanong. "Yong kotseng bumuntot satin kahapon pati ako sinusundan na rin. Sino kayang may-ari ng kotse na yon?" "I don't think na kailangan mo pang problemahin yon, Zarah. Pinaimbistigahan ko na yon hinintay ko na lang ang resulta." "Ganon ba, mabuti naman kung ganon. Kasi hindi talaga ko mapalagay sa isiping tila pinagmamanmanan ang mga kilos natin." "Huwag mo ng masyadong isipin yan. Ako ng bahala niyan. Magfucos ka na lang kay, Leanne. Teka... ano ba talaga ang plano mo?" usisa pa rin ni Lander. Palagi kasi nitong iginiit na bamalik na siya sa pinas. "I've already made my decision, Lander. And you're right siguro kailangan na naming harapin ang katotohanan. Dahil alam kong hindi habang-buhay na maitatago k
"ATE ZARAH, may delivery po sa labas, para daw po yon sa'yo," sabi ni Kiray. "Kanino daw galing, Kiray?" "Hindi ko po alam, Ate, hindi ko pa kasi ni-recieve. Ikaw daw po kasi ang hinanap." Nagtataka naman siya. Ngayon lang yata nangyari na may delivery boy na namimili kung sino ang magre-recieve. Sa huli ay pinuntahan niya na lang ito upang alamin. "Excuse me, ikaw ba ang--" Hindi na niya natapos ang tanong nang bigla itong pumihit paharap sa kanya. "L-luke?" Bulalas niya. Hindi siya makapaniwala na si Luke ang kaharap niya ngayon. "Paano ka nakapunta dito? Anong kailangan mo?" Sunud-sunod niyang tanong. "Pwede ba tayong mag-usap, Zarah?" "Wala naman siguro tayong dapat pang pag-usapan, Luke," wika niya. "Kahit sandali lang, please?" pakiusap nito. "Para saan pa ba ang pag-uusapan natin ha? Sa pagkakaalala ko wala akong naging atraso sa'yo. At nababayaran ko na rin ang na-iscam ni mommy sa'yo. So sa tingin ko hindi na natin kailangan pang mag-usap." "No, hi
"WELCOME TO PHILIPPINES, anak Leanne." Masayang pagbati ni Zarah sa anak na si Leanne. Kakarating lang nila mula sa halos labing pitong oras na pagbibiyahe. Mabuti na lang at naka- business class ang cabin na pina reserve sa kanila ni Lander kaya kahit papaano ay mas mahaba ang pagkakaidlip nila. Dito na sila dumeretso sa bahay na pinapagawa niya kay Lander. It didn't belong to a subdivision dahil mas gusto niyang may sarili at malalawak na bakuran kaya mas pinili niyang bumili ng lupa bago niya pinapatayuan ng bahay. Umabot ng halos dalawang libo metro kuwardrado ang sukat ng lupa kaya naman hindi maitatangging medyo may kalakihan rin ang bahay na naipatayo niya kay Lander. At ang maganda ay mayroon ding building na naipatayo si Lander sa dulong parte ng lupa niya. Tinupad talaga ng binata ang sinabi nitong magpapatayo ng gusali para gawing klinika. Two-storey building ang naipagawa nito at kompleto na rin sa mga pasilidad. Napapangiti siya sa nakikitang bunga sa lahat ng mga
MAAGANG pumasok si Zarah sa kanyang clinic ngayong araw. Tumawag kasi si Neneng kagabi na hindi ito makakapasok ngayon dahil masama raw ang pakiramdam nito. Nagduduwal ito at walang ganang kumain. Actually, napansin niya na yon kahapon na parang pagod ito palagi. Minsan nahuhuli niya itong naghihikab at natutulog sa mesa. Pero hindi niya pinagalitan dahil malinis naman ang buong clinic niya at naka-organized lahat ng mga gamit. Sinisiguro nitong tapos na ang trabaho bago matulog. Gusto niya sanang check-up-in si Neneng dahil may palagay siyang buntis ito. Lahat kasi ng mga ipinapakita nitong sintomas ay napagdaanan niya rin dati, noong ipinagbuntis pa lamang niya si Leanne. Unang trimester niya sa pagbubuntis ay masasabi niyang napakahirap. Ngunit pilit niyang kinaya dahil ayaw niyang maabala pa ng husto si Lander ng mga panahong iyon. Pinayagan niya ang tatlong araw na pagle-leave ni Neneng upang makapagpahinga ito ng maayos. Inayos niya ngayon ang mga upuan ng mga pasyente a
ANG AKALA ni Zarah ay hindi na siya muling gambalain pa ni Luke. Ngunit nagkakamali siya. Laking gulat niya na lang nang maging panauhin niya naman ito ngayong dakong hapon. Laking pasasalamat niya na wala sa bahay ang kanyang anak na si Leanne dahil maaga itong sinundo ni Lander at isinama sa mansiyon. Dahil araw ng Sabado ngayon at walang pasok kaya nagrerequest ang mag-asawang Guevarra na ipapasundo ang kanilang apo. Ang totoo ay plano niyang pagbigyan ang paanyaya ng mag-asawa na doon magdidinner sa mansiyon ngunit naparito na naman si Luke kaya tila mauudlot ang kanyang planong pagpunta ng mas maaga. Kakabihis niya lang at nakapag-ayos na ng sarili. Pagkalabas niya ng kanyang bahay hindi niya inaasahan na naroon na pala si Luke nakaabang sa kanya sa labas ng gate. Ayaw niyang masira ang hapon niya kaya mas pinili niyang wag na lang itong pansinin. Binuksan niya ang malaking gate upang makakadaan ang kanyang kotse. Pero sa halip na ilalabas niya ang kanyang kotse ay b
"SINONG AMA?" Sabat ng isang baritonong boses ang narinig ni Zarah at ni Senyora Letecia. Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na yon. "Luke?!" Magkapanabay nilang sambit ng Ginang. Parehong nagitla sa hindi inaasahang panauhin. Biglang sumikdo ang kanyang dibdib sa nararamdamang kaba. Nandito si Luke. Mabilis siyang napalingon sa kinaroroonan ni Leanne. Ngunit wala na roon ang kanyang anak. Palinga-linga siya sa paligid at walang Leanne na kanyang makita. Saan kaya yon? Kailangan niya itong mahanap dahil baka makita ito ni Luke. Hindi kaya itinago ito ni Lander? Baka kasi napansin nito ang pagdating Luke kaya itinago kaagad ang bata. Bahagyang guminhawa ang kanyang pakiramdam. Kung ganon, mabuti na lang at mapagmatyag si Lander. "Sinong ama ang sinasabi mo, Zarah, at sino ang hinahanap mo, Zarah?" muling tanong ni Luke nang mapansin ang kanyang paglinga sa paligid na halatang may hinahanap. "W-wala.. wala akong hinahanap, Luke. At sino naman ang haha
"MOMMY where have you been? Kanina ka pa namin hinanap ni Daddy," salubong agad ni Leanne sa kanya pagkababa niya sa hagdan. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. "Oh baby! hinanap ka rin ni mommy. Saan ka ba nagpunta ha?" kabado pa ring tanong niya. Tumingin naman si Leanne kay Lander na tila naghihingi dito ng permiso. Nagtataka naman siya sa dalawang nagkatinginan. "Because Daddy Lander showed me his secret room." "Secret room? Ano yon? Bakit secret?" naguguluhang tanong niya. "Eh, secret nga, kaya hindi pwedeng sabihin." Ungot naman ng kanyang anak. Hindi na lamang siya nag-uusisa pa, mas mabuti na lang din yon na dinala ni Lander ang kanyang anak sa secret room na yon dahil kung hindi baka naabutan na ito ni Luke. Hinarap niya si Lander at senenyasan itong ilapit ang tenga nito sa kanya. Hindi maaaring maririnig ng anak ang sasabihin niya kaya nais niyang ibulong na lang sa binata. Nakuha naman nito ang kanyang nais ipaabot kaya mabilis itong tumalima pagkatapo