Share

Chapter 48 "at the park"

PAGKATAPOS ng kanilang hapunan giniya ni Kiray si Leanne sa playroom. Habang nasa balcony naman sila ngayon ni Lander nag-uusap.

"So, how's, Leanne?" tanong ni Lander.

Napakibit-balikat siya habang iniisip ang sitwasyon nila ngayon ng anak.

"She's starting to seek my tine and attention, Lander." maikling sagot niya.

"Alam mo, Zarah, malaki na ang anak mo. She's no longer a baby na kung padedein mo lang at pakainin ay pwede ng iwan. May sarili na siyang pag-iisip na hindi dumedepende sa mga sinabi mo."

"Yon na nga ang problema ko ngayon, Lander. Masyado na akong abala sa trabaho. Nakokonsensiya na ako sa anak ko."

"Then, why don't you consider my suggestion? Hindi sa lahat ng panahon maitatago mo pa rin si Leanne sa kanyang ama, Zarah." pagpapaintindi ni Lander sa kanya. May punto naman ito ngunit ang tanong handa na nga ba siyang bumalik sa lugar na kung saan siya minasang nagdusa? O handa na nga ba siyang harapin ang mga posibling mangyari?

"Pag-iisipan ko pa yan, Lander. Nahihirapan akong magdesisyon ngayon."

"Iisipin mo lang na para sa anak mo to, sa ikabubuti niya. Ikaw lang ang meron siya ngayon, Zarah, kaya sana naman huwag mong ipagkait iyon. She lacks of everything-- your time and maybe even your love."

"That's not true, Lander, you know how much I love my daughter. I've worked hard so I could give her everything she deserves. Para sa kanya lahat ng naging pagsasakrapisyo ko."

"But remember, all the things you’ve given her still won’t be enough." Alam mo yan kahit sa sarili mo pa yan, Zarah, hindi sapat ang karangyaan upang makamit mo ang totoong kasiyahan. Kundi ang iyong panahon at atensiyon ang pangunahing pangangailangan ng bata."

Pangangaral ni Lander sa kanya. Tinamaan talaga siya doon. Dahil galing na rin siya sa ganoong sitwasyon. True happiness isn’t just about money and material things; it’s about the love that her parents didn’t give her back then.

"Gugustuhin mo bang mararanasan ni Leanne ang mga pinagdaanan mo noon, Zarah?" dagdag nitong tanong na nakapagpatigil sa kanya.

"Lander?" tanging naibulalas niya.

"Don't forget to reach out me, whatever decisions you make to choose, okay?."

Marahan siyang tumango.

"By the way, He is in the country now," mayamaya'y sabi nito. Tungkol kay Luke ang ibig nitong sabihin.

"What do you mean?" Tila kinakabahan siya

"My brother is here." muling saad nito.

"What? but...but how? And why?" kandautal niyang tanong sa hindi maiwasang matataranta.

"Relax, Zarah. Don't panic. Let the your bravery show and make sure to act on it this time."

"Pero!"

"Calm down, okay

Tanggap niya sa sarili na malaki ang ipinagbabago sa sar kanya kesa noon. Yes, she was now strong. Pero pagdating kay Leanne tila naco-coward siya. Or maybe she's afraid na baka kunin ng ama ang kanyang anak.

Wala siyang balita tungkol kay Luke dahil iyon ang mga bagay na pilit niyang pinagkakaiwasan. Ayaw niyang pag-uusapan ang tungkol doon at alam ni Lander yon. So, maybe this would be the first time na pag uusapan nila ang lalaking iyon after so many years.

"Hindi niya alam na nandito ka, Zarah. And of course he doesn't know about your daughter so relax, okay?"

Masyado siyang apektado sa narinig. Siguro nagulat lang siya kasi hindi niya ini-expect na magpupunta roon si Luke knowing na si Lander na ang humawak sa negosyo dito sa Amerika.

"So, anong ginawa niya dito kung ganon?" tanong niya kinalaunan nang medyo naikalma na ang sarili.

"I don't know. But according to my investigator may nag-imbita raw ditong kliyente." kalmadong sagot nito na parang hindi naman apektado. Siguro masyado lang siyang exaggerated para mag-react agad ng ganon.

"Wala kang dapat ikatakot, napakalaki ng Amerika, Zarah, malay mo sa malayong panig pala ang punta non."

Tama nga naman, napakalaki ng Amerika para makita sila ng lalaking iyon. Wala siyang dapat na ikabahala.

Dumaan pa ang mga araw long break vacation na sa school ng kanyang anak. Kaya madalas rin ay nasa bahay lang siya kapag tapos na siyang mag-rounds sa mga pasyente sa hospital.

Gusto niyang bumawi ng oras para makakabonding ang kanyang anak kaya hindi na muna siya tumanggap ng mga out-patient. Itinigil niya muna ang pagsa-sideleline upang makasama ang anak.

"Mommy, I miss playing at the park. Can we go to the park tomorrow, Mom?" tanong ng kanyang anak sa kanyang tabi. Nakahiga na silang dalawa sa kama upang matulog. Naisip niyang dito muna sa kuwarto ng anak matulog. Dahil minsan na lamang niyang nakatabi ito dahil sa nature ng kanyang trabaho. Minsan kasi lumalabas sya tuwing gabi lalo na kapag tinatawagan siya na may emergency. Kaya minsan lang niya nakatabi ang anak dahil ayaw niyang maistorbo ito.

"Wala akong trabaho bukas, sige sasamahan ka ni Mommy, okay?"

"Yeeyy... Can I also bring my bicycle, Mom?"

"Of course, ikaw ang bahala, my love."

Tuwang-tuwa naman ito. Kahit sa kalagitnaan ng pagtulog nakangiti pa rin ang kanyang anak.

HALOS hindi magkandaugaga ang kanyang anak na si Leanne sa pagmamadali nitong makababa sa sasakyan. Tinulungan pa nito si Kiray sa pagpababa ng bisekleta sa likorang bahagi. Hindi naman kalakihan ang bisekleta nito kaya ito sa nagkasya. Nagkukumahog pa itong sumakay agad.

"Kiray please keep your eyes on Leanne. Huwag kayong masyadong lumayo dito." Paalala niya sa kasamang dalagita. Isinama niya talaga ito dahil masyadong makulit ang kanyang anak baka hindi niya kakayaning magtatakbo para habulin ang kanyang anak. Daig pa nito ang isang manok na ikinulong, kapag nakalabas ang iingay."

Hinahayaan niya muna ang dalawa habang siya naupo sa isang wooden bench na nasa lilim ng malaking puno. Pinagmasdan niya ang paligid. Iilan pa lamang ang mga tao na nagpupunta doon.

Bahagyang napapikit ang kanyang mata habang nilangahap ang simoy ng hangin. Sagana sa puno ng kahoy ang naturang lugar. Dagdag pa ang maberdeng bermuda grass na nakabalot sa buong ground.

"Excuse me ma'am, are you Zarah Buenaflor?"

Isang binatilyo ang lumapit sa kanya at may bitbit itong isang piraso na bulaklak.

"Yes speaking?" she asked with a frown from her forehead.

"Here! Someone give you this." Nilahad nito sa kanya ang dalang bulaklak. Nagulat pa siya nang mapagtantong parehong bulaklak iyon sa i-dinilever sa bahay. A white tulip flower.

Wala sa loob na tinanggap niya yon. Paalis na sana ang binatilyo pero tinawag niya ulit ito.

"Where did this flower come from?" agad niyang tanong.

"I didn't konw what his name but he was right there." sabi nito at itinuro ang direksiyon ng isang sasakyan na medyo may kalayuan sa kanila.

Agad naman niyang sinundan ng tingin ang direksiyon na yon ngunit papaalis na ang naturang sasakyan kaya hindi na lang siya lumapit. Nais sana niyang makilala kung itong misteryosong tao laging nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
chalk83
thanks sa pabunos Ms.a
goodnovel comment avatar
Funbun
nagkamali ako ng release, bunos chapter na lang to.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status