"WELCOME TO PHILIPPINES, anak Leanne." Masayang pagbati ni Zarah sa anak na si Leanne. Kakarating lang nila mula sa halos labing pitong oras na pagbibiyahe. Mabuti na lang at naka- business class ang cabin na pina reserve sa kanila ni Lander kaya kahit papaano ay mas mahaba ang pagkakaidlip nila. Dito na sila dumeretso sa bahay na pinapagawa niya kay Lander. It didn't belong to a subdivision dahil mas gusto niyang may sarili at malalawak na bakuran kaya mas pinili niyang bumili ng lupa bago niya pinapatayuan ng bahay. Umabot ng halos dalawang libo metro kuwardrado ang sukat ng lupa kaya naman hindi maitatangging medyo may kalakihan rin ang bahay na naipatayo niya kay Lander. At ang maganda ay mayroon ding building na naipatayo si Lander sa dulong parte ng lupa niya. Tinupad talaga ng binata ang sinabi nitong magpapatayo ng gusali para gawing klinika. Two-storey building ang naipagawa nito at kompleto na rin sa mga pasilidad. Napapangiti siya sa nakikitang bunga sa lahat ng mga
MAAGANG pumasok si Zarah sa kanyang clinic ngayong araw. Tumawag kasi si Neneng kagabi na hindi ito makakapasok ngayon dahil masama raw ang pakiramdam nito. Nagduduwal ito at walang ganang kumain. Actually, napansin niya na yon kahapon na parang pagod ito palagi. Minsan nahuhuli niya itong naghihikab at natutulog sa mesa. Pero hindi niya pinagalitan dahil malinis naman ang buong clinic niya at naka-organized lahat ng mga gamit. Sinisiguro nitong tapos na ang trabaho bago matulog. Gusto niya sanang check-up-in si Neneng dahil may palagay siyang buntis ito. Lahat kasi ng mga ipinapakita nitong sintomas ay napagdaanan niya rin dati, noong ipinagbuntis pa lamang niya si Leanne. Unang trimester niya sa pagbubuntis ay masasabi niyang napakahirap. Ngunit pilit niyang kinaya dahil ayaw niyang maabala pa ng husto si Lander ng mga panahong iyon. Pinayagan niya ang tatlong araw na pagle-leave ni Neneng upang makapagpahinga ito ng maayos. Inayos niya ngayon ang mga upuan ng mga pasyente a
ANG AKALA ni Zarah ay hindi na siya muling gambalain pa ni Luke. Ngunit nagkakamali siya. Laking gulat niya na lang nang maging panauhin niya naman ito ngayong dakong hapon. Laking pasasalamat niya na wala sa bahay ang kanyang anak na si Leanne dahil maaga itong sinundo ni Lander at isinama sa mansiyon. Dahil araw ng Sabado ngayon at walang pasok kaya nagrerequest ang mag-asawang Guevarra na ipapasundo ang kanilang apo. Ang totoo ay plano niyang pagbigyan ang paanyaya ng mag-asawa na doon magdidinner sa mansiyon ngunit naparito na naman si Luke kaya tila mauudlot ang kanyang planong pagpunta ng mas maaga. Kakabihis niya lang at nakapag-ayos na ng sarili. Pagkalabas niya ng kanyang bahay hindi niya inaasahan na naroon na pala si Luke nakaabang sa kanya sa labas ng gate. Ayaw niyang masira ang hapon niya kaya mas pinili niyang wag na lang itong pansinin. Binuksan niya ang malaking gate upang makakadaan ang kanyang kotse. Pero sa halip na ilalabas niya ang kanyang kotse ay b
"SINONG AMA?" Sabat ng isang baritonong boses ang narinig ni Zarah at ni Senyora Letecia. Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na yon. "Luke?!" Magkapanabay nilang sambit ng Ginang. Parehong nagitla sa hindi inaasahang panauhin. Biglang sumikdo ang kanyang dibdib sa nararamdamang kaba. Nandito si Luke. Mabilis siyang napalingon sa kinaroroonan ni Leanne. Ngunit wala na roon ang kanyang anak. Palinga-linga siya sa paligid at walang Leanne na kanyang makita. Saan kaya yon? Kailangan niya itong mahanap dahil baka makita ito ni Luke. Hindi kaya itinago ito ni Lander? Baka kasi napansin nito ang pagdating Luke kaya itinago kaagad ang bata. Bahagyang guminhawa ang kanyang pakiramdam. Kung ganon, mabuti na lang at mapagmatyag si Lander. "Sinong ama ang sinasabi mo, Zarah, at sino ang hinahanap mo, Zarah?" muling tanong ni Luke nang mapansin ang kanyang paglinga sa paligid na halatang may hinahanap. "W-wala.. wala akong hinahanap, Luke. At sino naman ang haha
"MOMMY where have you been? Kanina ka pa namin hinanap ni Daddy," salubong agad ni Leanne sa kanya pagkababa niya sa hagdan. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. "Oh baby! hinanap ka rin ni mommy. Saan ka ba nagpunta ha?" kabado pa ring tanong niya. Tumingin naman si Leanne kay Lander na tila naghihingi dito ng permiso. Nagtataka naman siya sa dalawang nagkatinginan. "Because Daddy Lander showed me his secret room." "Secret room? Ano yon? Bakit secret?" naguguluhang tanong niya. "Eh, secret nga, kaya hindi pwedeng sabihin." Ungot naman ng kanyang anak. Hindi na lamang siya nag-uusisa pa, mas mabuti na lang din yon na dinala ni Lander ang kanyang anak sa secret room na yon dahil kung hindi baka naabutan na ito ni Luke. Hinarap niya si Lander at senenyasan itong ilapit ang tenga nito sa kanya. Hindi maaaring maririnig ng anak ang sasabihin niya kaya nais niyang ibulong na lang sa binata. Nakuha naman nito ang kanyang nais ipaabot kaya mabilis itong tumalima pagkatapo
KAGAGALING pa lang ni Zarah sa school ng kanyang anak na si Leanne. Siya ang naghahatid dito ngayong araw dahil nangungulit itong siya muna ang maghahatid dahil meron daw itong ipapakilala na mga bagong friends nito. Kaya kahit abala siya sa clinic talagang pinabigyan niya ang anak. Ayaw niyang magtatampo na naman ito kaya hindi muna siya tumanggap ng pasyente ngayong araw at pinapa-appoint niya na lang sa sekretarya para bukas. Masyadong maaga pa para umuwi kaya naisipan niyang daanan ang kaibigang si Mitch sa pinagtatrabahuan nitong hospital. Ilang linggo na rin kasi ang lumipas mula nang ito'y ikinasal ay hindi pa sila nagkikita ulit. Pagdating niya doon agad siyang tumungo sa kinaroroonan ng consultation room nito. Nasa hallway siya nģayon at binaybay ang daan papuntang elevator dahil nasa third floor ang clinic ni Mitch. Habang binabagtas niya ang daan hindi maiiwasang siya'y mapapalingon sa mga pasyenteng naroroon. Kahit pribado ang naturang hospital na yon ay hindi
PAUWI na si Zarah at ang kanyang na si Leanne pagkagaling niya kay Mitch dumeretso siya agad sa school ng bata upang sunduin ito. Ilang oras na ang lumipas ngunit nananatiling laman ng kanyang isip ang mga sinasabi ng kanyang kaibigan na si Mitch. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa isip niya ang mga nangyayari from the past. Alam niyang hindi nagsisinungaling si Mitch. Sa tagal niyang naging kaklase iyon noon at naging kaibigan alam niya kung kailan ito nagsisinungaling. Mahahalata niya iyon sa mukha pa lang. Kaya sa sinabi nito kanina naniniwala siyang pawang katotohanan ang lahat ng iyon. How could Angela do this? Kung tutuusin ay napakasuwerte nito dahil palagi itong pinipili ni Luke over everything kahit pa pagdating sa kanya mas pinipili pa rin ito ng binata. Sa parte naman ni Luke, gusto niyang maawa dito. Alam niya kung gaano nito kamahal si Angela. Ni hindi nito magawang siya'y pansinin dahil masyado itong bulag sa pagmamahal sa nobya. Gusto niyang ibu
"BAKIT hindi mo sinabi sakin, Kiray? Bakit inilihim mo sakin ang pagkikita ng mag-ama?" Tanong ni Zarah kay Kiray nang gabing iyon. Nakatulog na ang kanyang anak sa kuwarto nito. Sinisiguro niya munang nakakatulog na ito bago niya pinuntahan si Kiray sa kuwarto. Si Kiray lang ang maari niyang tanungin tungkol sa lahat ng mga nangyayari na lingid sa kanyang kaalaman. "Ate, Zarah, I'm sorry po. Wala po akong balak na paglihiman kayo Ate, kaya naghintay lamang ako ng tamang tiyempo upang ika'y kausapin. Kaso masyado po kayong busy sa clinic at palaging pagod kaya nag-aalangan po ako na kausapin ka at sabihin sa'yo ang lahat." Paliwanag nito. "Kailan lang ba ito nangyari?" tanong niya ulit. "Magdadalawang linggo na po, Ate." "Matagal na pala, pero wala ka pa ring sinabi sa akin, Kiray," Tila may pagtatampong wika niya dito. "Pasensiya na po talaga, Ate. Nawala na rin po kasi sa isip ko." Nagtatampo man ay pinili niya paring tanggapin ang paghingi nito ng paumanhin. Hindi nama