Sino ang para kay Zarah? Luke or Lander? comment down.
KAGAGALING pa lang ni Zarah sa school ng kanyang anak na si Leanne. Siya ang naghahatid dito ngayong araw dahil nangungulit itong siya muna ang maghahatid dahil meron daw itong ipapakilala na mga bagong friends nito. Kaya kahit abala siya sa clinic talagang pinabigyan niya ang anak. Ayaw niyang magtatampo na naman ito kaya hindi muna siya tumanggap ng pasyente ngayong araw at pinapa-appoint niya na lang sa sekretarya para bukas. Masyadong maaga pa para umuwi kaya naisipan niyang daanan ang kaibigang si Mitch sa pinagtatrabahuan nitong hospital. Ilang linggo na rin kasi ang lumipas mula nang ito'y ikinasal ay hindi pa sila nagkikita ulit. Pagdating niya doon agad siyang tumungo sa kinaroroonan ng consultation room nito. Nasa hallway siya nģayon at binaybay ang daan papuntang elevator dahil nasa third floor ang clinic ni Mitch. Habang binabagtas niya ang daan hindi maiiwasang siya'y mapapalingon sa mga pasyenteng naroroon. Kahit pribado ang naturang hospital na yon ay hindi
PAUWI na si Zarah at ang kanyang na si Leanne pagkagaling niya kay Mitch dumeretso siya agad sa school ng bata upang sunduin ito. Ilang oras na ang lumipas ngunit nananatiling laman ng kanyang isip ang mga sinasabi ng kanyang kaibigan na si Mitch. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa isip niya ang mga nangyayari from the past. Alam niyang hindi nagsisinungaling si Mitch. Sa tagal niyang naging kaklase iyon noon at naging kaibigan alam niya kung kailan ito nagsisinungaling. Mahahalata niya iyon sa mukha pa lang. Kaya sa sinabi nito kanina naniniwala siyang pawang katotohanan ang lahat ng iyon. How could Angela do this? Kung tutuusin ay napakasuwerte nito dahil palagi itong pinipili ni Luke over everything kahit pa pagdating sa kanya mas pinipili pa rin ito ng binata. Sa parte naman ni Luke, gusto niyang maawa dito. Alam niya kung gaano nito kamahal si Angela. Ni hindi nito magawang siya'y pansinin dahil masyado itong bulag sa pagmamahal sa nobya. Gusto niyang ibu
"BAKIT hindi mo sinabi sakin, Kiray? Bakit inilihim mo sakin ang pagkikita ng mag-ama?" Tanong ni Zarah kay Kiray nang gabing iyon. Nakatulog na ang kanyang anak sa kuwarto nito. Sinisiguro niya munang nakakatulog na ito bago niya pinuntahan si Kiray sa kuwarto. Si Kiray lang ang maari niyang tanungin tungkol sa lahat ng mga nangyayari na lingid sa kanyang kaalaman. "Ate, Zarah, I'm sorry po. Wala po akong balak na paglihiman kayo Ate, kaya naghintay lamang ako ng tamang tiyempo upang ika'y kausapin. Kaso masyado po kayong busy sa clinic at palaging pagod kaya nag-aalangan po ako na kausapin ka at sabihin sa'yo ang lahat." Paliwanag nito. "Kailan lang ba ito nangyari?" tanong niya ulit. "Magdadalawang linggo na po, Ate." "Matagal na pala, pero wala ka pa ring sinabi sa akin, Kiray," Tila may pagtatampong wika niya dito. "Pasensiya na po talaga, Ate. Nawala na rin po kasi sa isip ko." Nagtatampo man ay pinili niya paring tanggapin ang paghingi nito ng paumanhin. Hindi nama
ILANG MINUTO lang ang lumipas dumating agad si Luke. Pakiramdam niya tila nasa malapit lang ito nakatira dahil sa bilis nitong nakarating. "A-ra?" Akmang yayakapin siya ng binata pagkabukas niya ng pintuan pero mabilis siyang napaatras. Kaya biglang napalis ang ngiti nito sa mga labi dahil sa kanyang inasta. "Please, Luke, palagi mo sanang tatandaan na andito ka para sa "anak" mo lang. Kaya please stop acting na okay tayo." Prangka niyang saad. Ayaw niyang isipin nito na porke't close na ito ng anak ay magfe-feelingan na rin itong okay silang dalawa. "I-I'm sorry, I.. I was just carried away dahil pinahintulutan mo na akong makapasok dito sa pamamahay niyo, Zarah." Halata ang pagkakadismaya sa tinig nito kahit pinilit nitong maging pormal sa pagsasalita. Tango lang ang itinugon niya. Wala rin siyang balak na bigyan pa iyon ng pansin gayong si Leanne lang naman ang dahilan kung bakit siya pumayag. "Where is my daughter?" mayamaya ay tanong ni Luke. "She's in her room and
"DADDY can you sleep here tonight?" Pakiusap ni Leanne sa ama habang nakahawak ang kamay nito sa damit ni Luke dahil ayaw nitong umuwi ang ama. Napatingin si Luke sa kanya na tila nagpapasaklolo. Binalaan niya kasi ito kanina sa kusina na hindi ito puwedeng matulog doon nang magtangka itong magtanong sa kanya kung may bakante pa bang kuwarto. Agad kasi niyang nakuha ang ibig nitong ipaabot kaya inunahan niya na kaagad. Kahit pa na sinabi nitong hindi maiiwan ang anak sa ganoong sitwasyon dahil hindi mabuti ang pakiramdam ng bata pero nagmamatigas pa rin siya. Kaya sa huli ay hindi na ito namimilit. Pero ngayon parang nahihirapan na naman siyang magdesisyon dahil hindi niya kayang salungatin ang kagustuhan ng kanyang anak. Ayaw niyang mabinat ang bata dahil siguradong malulungkot ito kapag hindi mapagbigyan sa hiling. Tila wala na talaga siyang maidadahilan pa sa anak. Nakikita niyang determindo na talaga ang bata sa kanyang kagustuhan. Kahit pa sinabi niyang may trabaho pa si
KINABUKASAN ay maagang nagising si Zarah. Pagkatapos niyang maligo at mag ayos sa sarili ay lumabas na siya at tinungo agad ang kuwarto ng anak niyang si Leanne. Natutulog pa ito pagdating niya at nawala na rin ng tuluyan ang lagnat nito. Bumaba siya sa kusina upang magluto. Baka gugutumin na ang anak niya pagkagising kaya kailangang makapagluto siya ng maaga. Abala siya sa pagluluto kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Luke sa kusina. "Good morning! Anong niluluto mo?" Tanong nito sa kanyang likuran na bahagya niyang ikinagulat. Masyadong ukupado ang isip niya sa pagluluto kaya hindi niya agad ito napansin. "Nagluto ako ng almusal baka kasi maagang gutumin si Leanne hindi pa naman masyadong karamihan ang kanyang nakain kahapon." tugon niya. "O ba't napaaga ang gising mo? hindi mo ba nagugustuhan ang kuwarto mo? Pasensiya niya hindi naman kasi ganon kaganda at kalakihan ang silid na yon ikukumpara sa kuwarto mo sa mansiyon." Sabi niya na may kakaibang himig. "No, I
LUMIPAS ang mga araw nananatiling ganoon pa rin ang set-up sa pagitan ni Luke at ng kanilang anak na si Leanne. Habang tumatagal mas lalong napalapit ng husto ang mag-ama sa isat-isa. Ginagawa ni Luke ang lahat upang makakabawi sa lahat ng pagkukulang nito kay Leanne. At ilang beses rin itong nagtangkang siya'y kausapin. Ngunit maagap siyang umiwas dito. Iniiwasan niyang magkaka-iinitan na naman sila ng ulo. At sa tingin niya ay hindi nakakahealthy yon kaya mas mabuti na lang sigurong umiwas at magiging civil na lang sa isat-isa kapag nasa harapan ng anak. Ngunit sa mga susunod na araw ay akala niyang maging ganon parin sila na walang pagbabago ang trato nila sa bawat isa pero nararamdaman niyang tila bumabawi si Luke. Wala man silang imikan ngunit idinaan naman nito sa mga kilos. Pagkagaling ni Luke sa trabaho sa bahay agad ito dumeretso. Binuhos nito ang mga natitirang oras sa pagbobonding ng anak. Tumulong pa ito sa mga gawaing bahay. Lalo na sa pagluluto at paglalaba. Pag
HINDI inaasahan ni Zarah ang biglang pagbisita ng kaibigang si Lander sa clinic ng araw na yon. Kakagaling lang nito sa Amerika. Isang buwan nang huling nakita niya ito noong tinatakasan pa lamang nila si Luke sa mansiyon ng mga magulang. Pagkatapos non ay lumipad na ito papuntang Amerika dahil sa kompanyang pinamahala nito kaya minsan na lang silang nagkikita. At hindi rin sila nagkakaroon ng panahon na magtatawagan sa phone dahil pareho silang abala sa trabaho. "Lander!" masayang bulalas niya nang pumasok ito sa kanyang opisina. May dala itong bulaklak at siyempre hindi rin mawawala ang card nito tila ginawang libro sa daming tula. Tawa siya ng tawa habang binabasa paisa-isa ang bawat estanza. "Alam mo, next time wag mo na akong dalhan ng card kundi poetry book na lang ang dadalhin mo upang tuluy-tuloy ko ng basahin." Tatawa-tawang saad niya dito. Nauna pa kasi niyang basahin iyon kesa salubungin ito ng yakap. Ngumisi naman ito na tila aliw na aliw sa kanya. "Kumusta nama