Puwede na kaya silang magtabi? Ano sa tingin niyo?
KINABUKASAN ay maagang nagising si Zarah. Pagkatapos niyang maligo at mag ayos sa sarili ay lumabas na siya at tinungo agad ang kuwarto ng anak niyang si Leanne. Natutulog pa ito pagdating niya at nawala na rin ng tuluyan ang lagnat nito. Bumaba siya sa kusina upang magluto. Baka gugutumin na ang anak niya pagkagising kaya kailangang makapagluto siya ng maaga. Abala siya sa pagluluto kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Luke sa kusina. "Good morning! Anong niluluto mo?" Tanong nito sa kanyang likuran na bahagya niyang ikinagulat. Masyadong ukupado ang isip niya sa pagluluto kaya hindi niya agad ito napansin. "Nagluto ako ng almusal baka kasi maagang gutumin si Leanne hindi pa naman masyadong karamihan ang kanyang nakain kahapon." tugon niya. "O ba't napaaga ang gising mo? hindi mo ba nagugustuhan ang kuwarto mo? Pasensiya niya hindi naman kasi ganon kaganda at kalakihan ang silid na yon ikukumpara sa kuwarto mo sa mansiyon." Sabi niya na may kakaibang himig. "No, I
LUMIPAS ang mga araw nananatiling ganoon pa rin ang set-up sa pagitan ni Luke at ng kanilang anak na si Leanne. Habang tumatagal mas lalong napalapit ng husto ang mag-ama sa isat-isa. Ginagawa ni Luke ang lahat upang makakabawi sa lahat ng pagkukulang nito kay Leanne. At ilang beses rin itong nagtangkang siya'y kausapin. Ngunit maagap siyang umiwas dito. Iniiwasan niyang magkaka-iinitan na naman sila ng ulo. At sa tingin niya ay hindi nakakahealthy yon kaya mas mabuti na lang sigurong umiwas at magiging civil na lang sa isat-isa kapag nasa harapan ng anak. Ngunit sa mga susunod na araw ay akala niyang maging ganon parin sila na walang pagbabago ang trato nila sa bawat isa pero nararamdaman niyang tila bumabawi si Luke. Wala man silang imikan ngunit idinaan naman nito sa mga kilos. Pagkagaling ni Luke sa trabaho sa bahay agad ito dumeretso. Binuhos nito ang mga natitirang oras sa pagbobonding ng anak. Tumulong pa ito sa mga gawaing bahay. Lalo na sa pagluluto at paglalaba. Pag
HINDI inaasahan ni Zarah ang biglang pagbisita ng kaibigang si Lander sa clinic ng araw na yon. Kakagaling lang nito sa Amerika. Isang buwan nang huling nakita niya ito noong tinatakasan pa lamang nila si Luke sa mansiyon ng mga magulang. Pagkatapos non ay lumipad na ito papuntang Amerika dahil sa kompanyang pinamahala nito kaya minsan na lang silang nagkikita. At hindi rin sila nagkakaroon ng panahon na magtatawagan sa phone dahil pareho silang abala sa trabaho. "Lander!" masayang bulalas niya nang pumasok ito sa kanyang opisina. May dala itong bulaklak at siyempre hindi rin mawawala ang card nito tila ginawang libro sa daming tula. Tawa siya ng tawa habang binabasa paisa-isa ang bawat estanza. "Alam mo, next time wag mo na akong dalhan ng card kundi poetry book na lang ang dadalhin mo upang tuluy-tuloy ko ng basahin." Tatawa-tawang saad niya dito. Nauna pa kasi niyang basahin iyon kesa salubungin ito ng yakap. Ngumisi naman ito na tila aliw na aliw sa kanya. "Kumusta nam
HINDI ito ang unang beses na umattend ng party si Zarah. Nakailang party na rin ang kanyang na-attend noon sa Amerika pero tila kinakabahan pa rin siya. Marahil ay dahil sa tagal na ring hindi siya gumagala sa mga ganitong event kaya siguro hindi niya naiiwasan na kakabahan. Sinundo siya ni Lander sa bahay kaya hindi na siya nagdala ng sasakyan. Ipinagpasalamat niya rin na wala si Luke kaya walang asungot. Suot niya ngayon ang isa sa naging prestihiyosong gown na galing pang Dubai. Ito ay gawa pa mismo ng sikat na designer na si Michael Cinco. Ibat- ibang malalaking personalidad ang naging kliyente ng naturang designer. Kahit ilang mga sikat na artista ay dito nagpapagawa ng mga nagugustuhang design. Regalo ang gown na iyon noong isang beses na nagkakaroon sila ng doctors conference sa Dubai. At lahat ng mga representanteng babae ay nakakatanggap ng regalo at siya ang pinakamsuwerteng nakakatanggap ng limited edition na denisenyo mismo ng naturang designer. Mayroong kalapit na d
"LET ME GO!" nagpupumiglas na tili ni Zarah sa pagitan ng mga halik ni Luke. Naroong bayuhin niya ang dibdib nito, sabunutan ito, at kalmutin ang likod ng binata, ngunit hindi ito nagpaawat. Tumigil na rin siya nang mapagod sa pagpupumiglas at pananakit dito. And besides, she was hooked by his kisses and caresses. Hindi na niya ito magawang tanggihan hinayaan na lamang niya ito habang patuloy niyang nararamdaman ang mga halik nitong sa katagalan ay nagiging masuyo. Ang mga haplos nito ay unti- unti na ring naging maingat. Hindi niya mawari kung gaano kalakas ang boltahe ng kuryenteng nararamdaman na nagsimulang gumapang sa kanyang buong katawan. Namalayan na lamang niyang nakayakap na rin ang mga kamay niya rito. Ang kaninang nanunulak ay naging mapanghila na ngayon. At ang mga labi niya ay unti- unti nang gumagalaw upang tugunin ang mga halik ng lalaking kanyang kayakap. Saglit itong tumigil sa paghalik sa kanya at tiningnan siya nang may halong pananabik sa mga mata. Saka siya
IN a tiny house. Zarah is sitting by the window when there's a knock on the door. She opens it to find Luke standing there. She was surprised and annoyed. "Ano na naman ang kailangan mo, Luke Guevarra?" Kaswal niyang tanong dito. "Kailangan natin mag-usap, Zarah. Can I come in?" pormal nitong tugon. She was hesitates at first but then step aside. "Fine. Pasok." Luke enters, looking around the tiny space before focusing back on Zarah. "I know you hate me for what I have done before, but I'm here to make you an offer," he said with a firm voice. She was crossing her arms. Taas- noong hinarap ito. "Anong offer? Wala akong panahon para sa mga drama mo," matabang niyang tugon. Luke taking a deep breath. "Gusto kong mag-offer ng pera, expensive things, everything you might need. In return, gusto kong tumira ka sa bahay ko," walang kagatol- gatol nitong sabi. Zarah got shocked and angry. "Ano?! Sa tingin mo, mabibili mo ako ng pera at mga bagay? You rejected me before, Luke,
MALAKI ang mga ngiting namutawi sa mga labi ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Pagdungaw pa lang kasi niya sa bintana ng kuwarto niya ay isang napakaguwapong lalaking tumambad sa kanyang mga mata. "Luke," paulit- uli niyang usal habang pinagmamasdan ito. "Kailan mo pa kaya mapapansin ang beauty ko? Bakit ba at ang kayhirap mong abutin? Pero, hindi. Hindi ako susuko hanggang sa ibigin mo rin ako. Hintayin mo ako mahal ko." Humarap siya sa kanyang full-length mirror at ngumiti nang buong kaytamis nang makita ang sariling repleksiyon sa malaking salamin. "Ano ba ang ayaw mo sakin, Luke?" tanong niya na wari'y kinakausap ang sarili sa harap ng salamin. "Maganda naman ako," wika niya pa. Matitingkad ang kaputian ng kanyang balat at balingkinitan ang kanyang katawan. Medyo singkit ang kanyang mga mata dahil may lahing chinese ang kaninunuan nila sa mother side. Bagay sa mukha niya ang tangos ng kanyang ilong. Hindi rin puwedeng hindi mapansin ang lips niyang sexy ang hugis. La
INAYOS niyang muli ang sarili at nilapitan si Luke sa dulo ng garden. Walang pasubaling tinanong niya ito. "Sa tingin mo, Luke, maganda na ba ako?" tanong niya agad nang makalapit dito. Pinupungay- pungay niya pa ang kanyang mga mata habang tumingin sa binata. At taas- noo pa niyang ipinagmalaki ang kanyang ayos para e- surprise ito sa bago niyang look. Sumulyap lang ito sa kanya bago muling itinuon ang mga mata sa halamang tinatanggalan nito ng mga tuyong dahon. "Hindi po bagay sa inyo ang damit ni Carmelita." matipid nitong sagot. Napalunok naman siya. Ang tinutukoy nitong Carmelita ay ang isa sa mga katulong nila. Nagtaka siya kung paano nito nahulaan na hiniram niya kay Carmelita ang suot niyang damit. Marahil ay dahil noon lamang siya nito nakitang nakasuot ng mahaba at maluwang na duster. May maliliit pa yong butas sa gilid na tila kinagat ng mga daga. Nakapusod ng goma ang kanyang shoulder- length na buhok. Wala siyang suot ne simpleng alahas. Hindi rin siya nagwisik ma