Tama bang umiiwas si Zarah? What do you think? Btw, kindly support my other novel "CEO's Love Redemption" xixi ;)
HINDI inaasahan ni Zarah ang biglang pagbisita ng kaibigang si Lander sa clinic ng araw na yon. Kakagaling lang nito sa Amerika. Isang buwan nang huling nakita niya ito noong tinatakasan pa lamang nila si Luke sa mansiyon ng mga magulang. Pagkatapos non ay lumipad na ito papuntang Amerika dahil sa kompanyang pinamahala nito kaya minsan na lang silang nagkikita. At hindi rin sila nagkakaroon ng panahon na magtatawagan sa phone dahil pareho silang abala sa trabaho. "Lander!" masayang bulalas niya nang pumasok ito sa kanyang opisina. May dala itong bulaklak at siyempre hindi rin mawawala ang card nito tila ginawang libro sa daming tula. Tawa siya ng tawa habang binabasa paisa-isa ang bawat estanza. "Alam mo, next time wag mo na akong dalhan ng card kundi poetry book na lang ang dadalhin mo upang tuluy-tuloy ko ng basahin." Tatawa-tawang saad niya dito. Nauna pa kasi niyang basahin iyon kesa salubungin ito ng yakap. Ngumisi naman ito na tila aliw na aliw sa kanya. "Kumusta nama
HINDI ito ang unang beses na umattend ng party si Zarah. Nakailang party na rin ang kanyang na-attend noon sa Amerika pero tila kinakabahan pa rin siya. Marahil ay dahil sa tagal na ring hindi siya gumagala sa mga ganitong event kaya siguro hindi niya naiiwasan na kakabahan. Sinundo siya ni Lander sa bahay kaya hindi na siya nagdala ng sasakyan. Ipinagpasalamat niya rin na wala si Luke kaya walang asungot. Suot niya ngayon ang isa sa naging prestihiyosong gown na galing pang Dubai. Ito ay gawa pa mismo ng sikat na designer na si Michael Cinco. Ibat- ibang malalaking personalidad ang naging kliyente ng naturang designer. Kahit ilang mga sikat na artista ay dito nagpapagawa ng mga nagugustuhang design. Regalo ang gown na iyon noong isang beses na nagkakaroon sila ng doctors conference sa Dubai. At lahat ng mga representanteng babae ay nakakatanggap ng regalo at siya ang pinakamsuwerteng nakakatanggap ng limited edition na denisenyo mismo ng naturang designer. Mayroong kalapit na d
NAKAPAGPAALAM na sila ni Lander sa mga magulang nito. Palabas na sila ng hotel patungo sa parking lot. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bisig ni Lander. Kumukuha siya dito ng lakas upang makapaglakad ng maayos. Sumakit na kasi ang mga paa niya dahil sa suot niyang sandal na may apat na pulgadang takong. Hindi siya sanay magsuot ng ganon kaya naninibago ang kanyang mga paa. Tila nararamdaman naman iyon ni Lander. "Masakit ba ang mga paa mo?" tanong nito nang mapansin ang paika-ika niyang paglakad. "Oo, nakalimutan ko kasing magdala ng flat footwear", tugon niya na kadalasan naman niyang ginawa dati kapag umaattend siya ng ganoong event, ngayon lang niya nakaligtaang magdala. "Kaya mo pa ba? Bubuhatin na lang kita." Nag aalalang tanong nito. Medyo malayo pa ang kinaroroonan ng kotse ni Lander kaya sigurado siya pagdating doon mamaltos na naman ang paa niya. Hindi na nito hinintay ang kanyang response. Binuhat na siya nito kaya napakapit na lang din siya sa leeg ng binata dala ng
LUKE?!" bulalas ni Zarah. "Yes, it's me. Why are you so surprised? Did you expect na bumalik ang kapatid ko?" Antipatikong tanong nito. "Why did you come here?" tanong niya. "Lander just came from here, then why can't I?" "Hinatid ako ni Lander kaya siya naparito!" Matigas niyang sagot dito. "Were you just dropped off, or did you two do something sneaky in here? ha, Zarah?" galit nitong tanong. "What are you talking about? Wow huh! bilib din ako sa dumi ng utak mo, Luke. At ano naman ang pakialam mo? As far as I remember pag-aari ko ang clinic na to at karapatan ko kung sino ang papasukin ko o hindi!" nangagalit niyang sagot. "Does it mean kaya ka gustong dito tumira dito ay para magkakaroon ka ng oras na makakasama ang mga lalaki mo, ha, Zarah? Ilan ba sila? Mas importante ba sila kesa makasama mo ang anak mo? Ipinagpalit mo lang ba ang oras na sana ay para kay Leanne pero mas pinili mong ilaan sa ibang lalaki. Ganoon ba, ha?!" Umigkas ang kamay niya sa mukha ni Lu
I'M REALLY SORRY, Zarah, I'm so sorry! Hindi ko alam na ganon ang mga nangyayari. Akala ko ay okay lang sa'yo ang lahat at naiintindihan mo ako. Akala ko ay hindi ka sinasaktan ni Angela." Madamdaming nitong saad. "Dahil siya lang ang mahalaga sa'yo, Luke. Dahil siya lang ang nagpapasaya sa'yo at hindi mo na magawang lumingon sa'kin. Hindi mo man lang nagawa na ako'y kumustahin dahil siya lang ang nakita mo, siya lang ang lahat para sa'yo!" Nasasaktan niyang wika. "No, Zarah, You didn't know what happened after you left me." "Do I need to know it, Luke. Kailangan ko pa bang malaman kung gaano ka kasaya nang pagkawala ko? Kung paano kayo nagdiwang ni Angela? Ha?" Mapait niyang saad. "No! It's not that. It's not what you think really happened. Naging gago ako noon dahil saka ko lang narealized ang lahat na wala ka na. Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat ng yon." "May magagawa pa ba ang mga pagsisisi mo?" "Zarah, wala akong nagawa noon dahil masyado akong nag
LUKE LAGLAG ang mga balikat ni Luke na umuwi ng gabing iyon. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng itinuring niyang mabait at mahinhin na babaeng si Angela. Ang babaeng pinaglaanan niya ng kanyang pagmamahal sa mahabang panahon. Parang tinutusok ng maraming beses ang puso niya sa mga isinalaysay ni Zarah. Paano ito nagawa sa isang babaeng itinuring niyang may ginintuang puso? Is she just pretending to be innocent, but is actually a snake in disguise? Ang laki ng kasalanan na kanyang nagawa kay Zarah. Bakit niya ito nagawa sa babaeng kanyang tunay na minahal? "So, anong plano mo ngayon, Dude? Wala ka parin bang balak na sasabihin ang totoong nangyayari sa pamilya niya?" tanong ni Briggs. Nasa condo siya ngayon ng kanyang kaibigan dito siya dumeretso galing sa clinic ni Zarah. Wala siyang ibang makakausap maliban dito. Mapagkatiwalaan si Briggs at ito lang ang may alam sa lahat ng sekreto niya. "I don't know. Hindi pa rin niya ako matanggap, Dude." Mapait niyang sagot dito.
"WHAT DO YOU WANT FROM ME? Money? I can give all of it to you, pakawalan niyo lang ako!" Sinubukan niyang alukin ang tinawag na boss. "Magaling kang mag-alok lalaki. Sa tingin mo ba'y madadala mo kami? Mas malaki ang makukuha namin kung ipapatubos ka namin sa mayaman mong ama." Sabi pa at tumawa ang dalawa. Palagay niyang hindi talaga ito makikinig kahit sa anong iaalok niya kaya pinili niyang tumahimik at nag-isip ng ibang paraan. Hindi masyadong gumana ang utak niya dahil nanghihina pa ang kanyang katawan buhat nang malasing kagabi at wala pang kinain. "Okay, kung ayaw niyo sa alok ko kayo ang bahala pero sa ngayon baka naman pwede niyo naman akong pakakainin." Kalmadong wika niya. "Matindi ka rin, ano? Dinuraan mo pa ako kanina tapos ngayon hihingi ka ng pagkain. Baka nakalimutan mong bihag ka namin kaya wag kang masyadong demanding!" bulyaw ng lalaking sumuntok sa kanya. "Tama na yan, Bador. Dalhan mo yan ng pagkain. Kailangang dilat ang mata niyan mamaya habang kukunan
IPINA-UBAYA ni Luke kay Cardo ang lahat. Ang head ng isang pribadong criminal intillegence group na kinuha niya. Matagal niya ng kakilala si Cardo dahil naging kliyente niya ito. Ibinigay niya lahat dito ng mga nakalap niyang ebidensiya. Mabilis magtrabaho si Cardo dahil pagkalipas lang ng dalawang araw may resulta na kaagad ang ipinagawa niya. Doon niya nalaman na hindi pala basta-bastang grupo ng mga sindikato ang kinabibilangan ng mga taong kumidnap sa kanya. Mayroong mga malalaking grupo ng sindikato ang sumusuporta dito. At doon rin niya nalalaman na ang boss Aldo at ang lalaking sinamahan ng mommy ni Zarah ay iisa. Sa nalamang iyon mas lalo siyang naiintriga. Gusto niyang malaman kung saan ngayon ang ina ni Zarah. Huling beses niyang nakausap ang Ginang noong umutang pa ito ng pera sa kanya at kasama pa nito ang ipinakilalang pinsan na si Aldo kunwari ang gumagarantiya sa uutangin nito dahil may trabaho naman daw ito. Ang totoo hindi naman siya nag-eexpect ng bayad kasi i