Nagulat ba kayo sa confession ng anak ni Zarah? Such a twist. Just because Zarah still controlled by her own fear.
"BAKIT hindi mo sinabi sakin, Kiray? Bakit inilihim mo sakin ang pagkikita ng mag-ama?" Tanong ni Zarah kay Kiray nang gabing iyon. Nakatulog na ang kanyang anak sa kuwarto nito. Sinisiguro niya munang nakakatulog na ito bago niya pinuntahan si Kiray sa kuwarto. Si Kiray lang ang maari niyang tanungin tungkol sa lahat ng mga nangyayari na lingid sa kanyang kaalaman. "Ate, Zarah, I'm sorry po. Wala po akong balak na paglihiman kayo Ate, kaya naghintay lamang ako ng tamang tiyempo upang ika'y kausapin. Kaso masyado po kayong busy sa clinic at palaging pagod kaya nag-aalangan po ako na kausapin ka at sabihin sa'yo ang lahat." Paliwanag nito. "Kailan lang ba ito nangyari?" tanong niya ulit. "Magdadalawang linggo na po, Ate." "Matagal na pala, pero wala ka pa ring sinabi sa akin, Kiray," Tila may pagtatampong wika niya dito. "Pasensiya na po talaga, Ate. Nawala na rin po kasi sa isip ko." Nagtatampo man ay pinili niya paring tanggapin ang paghingi nito ng paumanhin. Hindi nama
ILANG MINUTO lang ang lumipas dumating agad si Luke. Pakiramdam niya tila nasa malapit lang ito nakatira dahil sa bilis nitong nakarating. "A-ra?" Akmang yayakapin siya ng binata pagkabukas niya ng pintuan pero mabilis siyang napaatras. Kaya biglang napalis ang ngiti nito sa mga labi dahil sa kanyang inasta. "Please, Luke, palagi mo sanang tatandaan na andito ka para sa "anak" mo lang. Kaya please stop acting na okay tayo." Prangka niyang saad. Ayaw niyang isipin nito na porke't close na ito ng anak ay magfe-feelingan na rin itong okay silang dalawa. "I-I'm sorry, I.. I was just carried away dahil pinahintulutan mo na akong makapasok dito sa pamamahay niyo, Zarah." Halata ang pagkakadismaya sa tinig nito kahit pinilit nitong maging pormal sa pagsasalita. Tango lang ang itinugon niya. Wala rin siyang balak na bigyan pa iyon ng pansin gayong si Leanne lang naman ang dahilan kung bakit siya pumayag. "Where is my daughter?" mayamaya ay tanong ni Luke. "She's in her room and
"DADDY can you sleep here tonight?" Pakiusap ni Leanne sa ama habang nakahawak ang kamay nito sa damit ni Luke dahil ayaw nitong umuwi ang ama. Napatingin si Luke sa kanya na tila nagpapasaklolo. Binalaan niya kasi ito kanina sa kusina na hindi ito puwedeng matulog doon nang magtangka itong magtanong sa kanya kung may bakante pa bang kuwarto. Agad kasi niyang nakuha ang ibig nitong ipaabot kaya inunahan niya na kaagad. Kahit pa na sinabi nitong hindi maiiwan ang anak sa ganoong sitwasyon dahil hindi mabuti ang pakiramdam ng bata pero nagmamatigas pa rin siya. Kaya sa huli ay hindi na ito namimilit. Pero ngayon parang nahihirapan na naman siyang magdesisyon dahil hindi niya kayang salungatin ang kagustuhan ng kanyang anak. Ayaw niyang mabinat ang bata dahil siguradong malulungkot ito kapag hindi mapagbigyan sa hiling. Tila wala na talaga siyang maidadahilan pa sa anak. Nakikita niyang determindo na talaga ang bata sa kanyang kagustuhan. Kahit pa sinabi niyang may trabaho pa si
KINABUKASAN ay maagang nagising si Zarah. Pagkatapos niyang maligo at mag ayos sa sarili ay lumabas na siya at tinungo agad ang kuwarto ng anak niyang si Leanne. Natutulog pa ito pagdating niya at nawala na rin ng tuluyan ang lagnat nito. Bumaba siya sa kusina upang magluto. Baka gugutumin na ang anak niya pagkagising kaya kailangang makapagluto siya ng maaga. Abala siya sa pagluluto kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Luke sa kusina. "Good morning! Anong niluluto mo?" Tanong nito sa kanyang likuran na bahagya niyang ikinagulat. Masyadong ukupado ang isip niya sa pagluluto kaya hindi niya agad ito napansin. "Nagluto ako ng almusal baka kasi maagang gutumin si Leanne hindi pa naman masyadong karamihan ang kanyang nakain kahapon." tugon niya. "O ba't napaaga ang gising mo? hindi mo ba nagugustuhan ang kuwarto mo? Pasensiya niya hindi naman kasi ganon kaganda at kalakihan ang silid na yon ikukumpara sa kuwarto mo sa mansiyon." Sabi niya na may kakaibang himig. "No, I
LUMIPAS ang mga araw nananatiling ganoon pa rin ang set-up sa pagitan ni Luke at ng kanilang anak na si Leanne. Habang tumatagal mas lalong napalapit ng husto ang mag-ama sa isat-isa. Ginagawa ni Luke ang lahat upang makakabawi sa lahat ng pagkukulang nito kay Leanne. At ilang beses rin itong nagtangkang siya'y kausapin. Ngunit maagap siyang umiwas dito. Iniiwasan niyang magkaka-iinitan na naman sila ng ulo. At sa tingin niya ay hindi nakakahealthy yon kaya mas mabuti na lang sigurong umiwas at magiging civil na lang sa isat-isa kapag nasa harapan ng anak. Ngunit sa mga susunod na araw ay akala niyang maging ganon parin sila na walang pagbabago ang trato nila sa bawat isa pero nararamdaman niyang tila bumabawi si Luke. Wala man silang imikan ngunit idinaan naman nito sa mga kilos. Pagkagaling ni Luke sa trabaho sa bahay agad ito dumeretso. Binuhos nito ang mga natitirang oras sa pagbobonding ng anak. Tumulong pa ito sa mga gawaing bahay. Lalo na sa pagluluto at paglalaba. Pag
HINDI inaasahan ni Zarah ang biglang pagbisita ng kaibigang si Lander sa clinic ng araw na yon. Kakagaling lang nito sa Amerika. Isang buwan nang huling nakita niya ito noong tinatakasan pa lamang nila si Luke sa mansiyon ng mga magulang. Pagkatapos non ay lumipad na ito papuntang Amerika dahil sa kompanyang pinamahala nito kaya minsan na lang silang nagkikita. At hindi rin sila nagkakaroon ng panahon na magtatawagan sa phone dahil pareho silang abala sa trabaho. "Lander!" masayang bulalas niya nang pumasok ito sa kanyang opisina. May dala itong bulaklak at siyempre hindi rin mawawala ang card nito tila ginawang libro sa daming tula. Tawa siya ng tawa habang binabasa paisa-isa ang bawat estanza. "Alam mo, next time wag mo na akong dalhan ng card kundi poetry book na lang ang dadalhin mo upang tuluy-tuloy ko ng basahin." Tatawa-tawang saad niya dito. Nauna pa kasi niyang basahin iyon kesa salubungin ito ng yakap. Ngumisi naman ito na tila aliw na aliw sa kanya. "Kumusta nama
HINDI ito ang unang beses na umattend ng party si Zarah. Nakailang party na rin ang kanyang na-attend noon sa Amerika pero tila kinakabahan pa rin siya. Marahil ay dahil sa tagal na ring hindi siya gumagala sa mga ganitong event kaya siguro hindi niya naiiwasan na kakabahan. Sinundo siya ni Lander sa bahay kaya hindi na siya nagdala ng sasakyan. Ipinagpasalamat niya rin na wala si Luke kaya walang asungot. Suot niya ngayon ang isa sa naging prestihiyosong gown na galing pang Dubai. Ito ay gawa pa mismo ng sikat na designer na si Michael Cinco. Ibat- ibang malalaking personalidad ang naging kliyente ng naturang designer. Kahit ilang mga sikat na artista ay dito nagpapagawa ng mga nagugustuhang design. Regalo ang gown na iyon noong isang beses na nagkakaroon sila ng doctors conference sa Dubai. At lahat ng mga representanteng babae ay nakakatanggap ng regalo at siya ang pinakamsuwerteng nakakatanggap ng limited edition na denisenyo mismo ng naturang designer. Mayroong kalapit na d
NAKAPAGPAALAM na sila ni Lander sa mga magulang nito. Palabas na sila ng hotel patungo sa parking lot. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bisig ni Lander. Kumukuha siya dito ng lakas upang makapaglakad ng maayos. Sumakit na kasi ang mga paa niya dahil sa suot niyang sandal na may apat na pulgadang takong. Hindi siya sanay magsuot ng ganon kaya naninibago ang kanyang mga paa. Tila nararamdaman naman iyon ni Lander. "Masakit ba ang mga paa mo?" tanong nito nang mapansin ang paika-ika niyang paglakad. "Oo, nakalimutan ko kasing magdala ng flat footwear", tugon niya na kadalasan naman niyang ginawa dati kapag umaattend siya ng ganoong event, ngayon lang niya nakaligtaang magdala. "Kaya mo pa ba? Bubuhatin na lang kita." Nag aalalang tanong nito. Medyo malayo pa ang kinaroroonan ng kotse ni Lander kaya sigurado siya pagdating doon mamaltos na naman ang paa niya. Hindi na nito hinintay ang kanyang response. Binuhat na siya nito kaya napakapit na lang din siya sa leeg ng binata dala ng
IS iT POSSIBLE for me to be discharged right away, Doc? Gusto kong sa bahay na lang ipagpapatuloy ang medication o di kaya sa clinic mo na lang, please? Pakiusap ni Luke sa personal niyang doctor na si Doc Zarah. Tatlong araw na itong namamalagi sa hospital at mismong si Zarah ang naging doctor nito. Pagkatapos ng madugong engkuwentro sa loob ng isla. Sa hospital na muling natagpuan ni Zarah ang binata pagkatapos siyang tawagan ni Briggs. Wala siyang ideya sa mga pangyayari. Gulong-gulo ang isip niya noong araw na yon dahil hindi niya inaasahan ang mga kaguluhang kinasasangkutan ng binata. Inooperahan niya sa balikat si Luke. May tama kasi ito ng bala sa parteng yon. Dagdag pa at nabagsakan pa ito ng lumang kisame sa naturang laboratoryo. Mabuti na lang at hindi naman napuruhan ang ulo ng binata, yon nga lang nawalan na kaagad ng malay. Marami ang naging katanungan sa isip niya kaya pinilit niya si Briggs na sabihin sa kanya ang mga nangyayari kay Luke from the past. Ayaw sana
LUKE "Hello, Cardo?" sagot ni Luke sa tawag ni Cardo. Madaling araw na nang magising siya sa sobrang ingay ng kanyang cellphone. Tulog pa si Zarah sa tabi niya. "Boss, may goodnews at badnews po." "What is it?" "Boss natagpuan na namin si Mrs. Buenaflor pero nakakatakas ang pinakapinuno ng grupo." "What?!" gulat siya sa narinig. Noong isang araw lang binalita ni Cardo sa kanya na nahuli na nga sana raw ang itinuring na pinakapinuno ng grupo na si Sergeant Edgardo Abanselo na kilala sa tawag na Boss Ed ngunit agad rin daw itong nakatakas at maging si Aldo na kaalyado nito ay nakatakas rin. Dating kasama ni Cardo sa Militarya si Edgardo Abanselo. At ito ang nagtraydor sa kaibigan upang iligwak si Cardo sa puwesto. Kaya naisipan ng huli na magreretiro ng maaga kesa patulan ang kahambogan ng dating kaibigan. Kasing-edad lamang ito ni Cardo at magkasabay ang dalawa nang pumasok sa PMA. Ngunit dahi sa galing ni Cardo kaya ito ang mas naunang umangat sa puwesto. Pero lingid sa
MASAKIT ang katawan ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Napahimbing ang tulog niya kaya hindi niya namalayan ang oras. Lumabas na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napahinga siya ng malalim. Muling sumasariwa sa kanyang isip ang mainit na tagpong kanilang pinagsasaluhan ni Luke kagabi. Kinapa niya ang katabing lugar na hinigaan ng binata. Wala na ito sa kanyang tabi, tila maaga itong umalis. Bigla siyang nakakaramdam ng lungkot sa naisip. Hindi man lang nito hinintay ang kanyang paggising. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bigla na lang itong nawala na hindi man lang nagpaalam. 'Kainis!' maktol niya. 'Kailan ka lang natutong magsesenti ha?' reklamo ng kanyang kabilang isip. Eh, sino ba kasing hindi magsesenti eh kaytamis ng pinagsaluhan nila kagabi tapos bigla na lang itong aalis kinaumagahana o baka madaling araw pa yon umalis. Napasimangot tuloy siya. Nagmamaktol na bumaba siya sa kama at
TULUYAN nang nawala sa sariling katinuan si Zarah ng sandaling yon. Tila saglit na tumigil sa pag inog ang mundo niya nang tuluyang sakupin ni Luke ang nakaawang niyang mga labi. His lips touching hers with so much love and tender. When Luke was kissing her, she immediately felt a familiar heat that suddenly spread throughout her body. Nagsimulang haplusin nito ng marahan ang bisig niya paakyat sa batok while kissing her passionately. "Ara, I missed you so much. You have no idea how much I long for this to happen between us again." Luke said as they were in the midst of their kisses. Tila unti-unti na ring nalulunod si Zarah sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hinila siya ni Luke sa loob ng bathtub na magkahinang parin ang kanilang mga labi. Ni hindi niya nararamdaman ang lamig na nagmumula sa tubig dahil masyado ng alipin ang kanyang sistema sa kakaibang init na nagsisimulang namumuo sa kanyang katawan. Init na tanging si Luke lamang ang may kakayahang makapagbibigay non
"MAARI bang dito muna ako matutulog kahit ngayong gabi lang, Ara?" Tanong ni Luke sa kanya pagkatapos nilang maghapunan. Kakalabas lang nito mula sa kuwarto ng kanilang anak. Pinatulog muna nito si Leanne bago sila nag pasyang lumabas ng bahay upang makapag-usap. Mas pinili nilang sa labas mag-usap dahil baka magising si Leanne at maririnig nito ang kanilang pag uusapan. "That's what Leanne's asked for so who am I to stop it. I don't want to be the one opposing everything my child wants, Luke. And I also know that my daughter longs for our time, which is why I let it be." marahan ngunit may diin ang mga salitang binitawan niya. "Thank you," Mahinang tugon nito at bakas sa mukha ang kasiyahan sa kanyang sagot. "Ano nga pala ang gusto mong pag usapan natin?" tanong nito. Sinabi niya kasi kanina na may pag usapan sila kapag natulog na ang bata. "Nais ko sanang pag-uusapan ang tungkol kay Leanne. Hinahanap ka ng anak ko lalo na sa tuwing hindi ka makabisita kaya naisip kong ayu
ZARAH"DADDY!!" Masayang sigaw ni Leanne pagkakita nito sa ama sa may hamba ng pintuan. Dalawang linggo nang hindi ito napadalaw. Kaya labis ang pananabik ni Leanne na makita ang ama. Kahit halos araw-araw naman itong ka-usap ang ama sa phone. Pagkatapos ng mga nangyayari sa clinic. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Nakapagdesisyon siyang bumalik sa bahay at dito na matutulog sa gabi. Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya ay napapahiya siya sa sarili sa huling turan ni Luke. Na mas pinili niyang magpakalayo at umiwas dito kesa ang makasama ang anak niya. Ilang beses niyang pinag-isipan yon at aminado siyang tama nga ito. Kung bakit niya nagawa yon gayong wala namang ibang mas mahalaga sa kanya maliban sa kanyang anak. Kaya nga niya piniling umuwi sa bansa dahil nais niyang mabigyan ng sapat na oras ang kanyang anak, pero ano itong ginagawa niya. Nandahil lamang sa kakaiwas sa isang tao ay nagawa niya ring tikisin ang anak. Hindi niya ba kayang isaalang-alang ang sarili
INIHANDA niya ang sarili sa posibleng mangyayari. Hindi maaring wala siyang gagawin, kailangan niyang kumilos. Sabik na siyang makita at makilala ang kanyang anak. Kaya palihim siyang pumunta sa school na pinapasukan nito. Noong una ay napakailap nito sa kanya dahil mahigpit raw itong pinagbabawalan na huwag makipag-usap sa mga taong hindi kakilala. Ngunit pursigido siya, kung anu-ano na lamang ang kanyang naisip na paraan upang sa ganon makakalapit siya sa anak. Kinausap niya si Mr. Smith. Ne-rekomenda niya ang paaralan na pinapasukan ng kanyang anak upang maisali ito sa mga paaralang ini-sponsoran ng kompanya. At dahil doon ipinakilala siya sa faculty staff bilang isang sponsor. And he is no longer a stranger in the eyes of his daughter anymore. Doon nagsisimula ang lahat. Kinuha niya ang loob ng kanyang anak upang magtiwala ito sa kanya. Halos araw-araw niyang ginawa yon. Inaabangan niya palagi si Leanne sa tuwing pumasok ito hanggang sa uwian. Nakuha niya rin ang loob ng bant
"B-BRO, Luke?!" Gulat si Lander pagkabukas niya ng pinto naroon ang kanyang kapatid na si Luke. Ito ang unang beses na napagawi ito sa condo niya. "Boogss!" Sapol ang kanyang panga nang biglang suntukin siya nito. Napaupo siya sa sahig habang sapo ang parteng sinuntok ng kapatid. "How dare you lie to me, Lander!" galit nitong saad. Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Alam niya na si Luke ang sakay ng kotseng bumusina kanina sa parking lot. Alam niya rin na nasa bansa ito dahil tinawagan siya ng mommy niya sa planong pagpunta nito sa Amerika. Hindi naman napigilan ni Luke ang nararamdamang galit sa oras na yon. Pakiramdam niya niloloko siya ng kapatid. "Why? Why didn't you tell me that Zarah was just here?! Why didn't you say anything about it when you came home and I asked you?" sunud-sunod ang kanyang mga tanong at naniningkit ang mga mata dahil sa sobrang galit. Ngumisi lang ang kanyang kapatid. Ni walang bakas sa mukha ang paghingi ng paumanhin. Bagkus nilabanan pa
MR. SMITH and I was currently had a meeting to the one of the director from the hospital. They talked about the capacity to accommodate patients daily and whether the number of doctors and nurses available was sufficient. Actually, this hospital was lack of health proffesionals. Kailangan nitong mag-hire ng mga foriegn doctors and nurses dahil hindi sapat ang mga aplikante sa bansang ito. Lalo na daw ngayon na may iilang doctors na rin ang nagreretiro at mayroon ding nagresign. Marahil ay dahil hindi maakakayanan ang sobrang puyat dahil sa dami ng pasyente. So they discussed the option of recruiting foriegn applicants. Nagbabahagi rin siya ng ilang mga kaibigan at kakilalang mga doctor na puwedeng i-hire. After discussions they signed sponsorship agreements. Although mayaman naman ang bansang Amerika dahil suportado naman ng gobyerno ang mga pampublikong komunidad. Kinulang lang talaga sa manpower ang bawat komunidad sa naturang bansa. Siya na ang kusang nagbigay dito ng envelope