"ATE ZARAH may nagpapabigay po ng bulaklak, para sainyo daw po yon." Salubong ni Kiray sa kanya pag-uwi niya galing sa hospital. Napapangiti na lamang siya sa pag-aakalang si Lander ang nagpapabigay non. Minsan kasi pinapadalhan siya nito ng bulaklak at nilagyan pa ng note na nagsasabing 'to the greatest woman ive ever known'. Minsan ina-address siya bilang isang matapang, strong, hardworking at kung anu-ano pa kaya minsan napapatawa siya. "Okay, pakilagay na lang sa flower vase, Kiray, para hindi agad malanta. Nagtatampo pa naman ang Sir mo kapag nadatnang tuyo na agad ang kanyang ipinadala." Aniya. "Parang hindi yata si Sir Lander ang nagpadala, Ate, wala kasi akong nakitang card na nakalagay." sabi nito na ipinagtataka niya. Ngayon lang yata nangyari na wala itong kalakip na card. Hindi pa naman nauubusan ng notes yon. Kung ganon, hindi siguro kay Lander nanggaling iyon. "Saan ba yon, pakidala na lang dito." Gusto niyang tingnan kung katulad din ba iyon sa mga bulaklak na la
PAGKATAPOS ng kanilang hapunan giniya ni Kiray si Leanne sa playroom. Habang nasa balcony naman sila ngayon ni Lander nag-uusap. "So, how's, Leanne?" tanong ni Lander. Napakibit-balikat siya habang iniisip ang sitwasyon nila ngayon ng anak. "She's starting to seek my tine and attention, Lander." maikling sagot niya. "Alam mo, Zarah, malaki na ang anak mo. She's no longer a baby na kung padedein mo lang at pakainin ay pwede ng iwan. May sarili na siyang pag-iisip na hindi dumedepende sa mga sinabi mo." "Yon na nga ang problema ko ngayon, Lander. Masyado na akong abala sa trabaho. Nakokonsensiya na ako sa anak ko." "Then, why don't you consider my suggestion? Hindi sa lahat ng panahon maitatago mo pa rin si Leanne sa kanyang ama, Zarah." pagpapaintindi ni Lander sa kanya. May punto naman ito ngunit ang tanong handa na nga ba siyang bumalik sa lugar na kung saan siya minasang nagdusa? O handa na nga ba siyang harapin ang mga posibling mangyari? "Pag-iisipan ko pa yan, Lan
ILANG ARAW na ang lumipas ngunit laman pa rin sa isipan ni Zarah kung sino itong nagpapadala sa kanya ng bulaklak. Akala niya titigilan na siya ng mesteryosong tao ngunit nasundan pa ito ng nasundan ng ilang beses at ganon pa rin walang sender o kahit note man lang. Dahil doon, tila hindi na siya komportable sa mga kanyang mga kilos dahil pakiramdam niya paran mayroong pares ng mata ang nagmamasid sa kanyang bawat galaw. Ipinagpasalamat niya rin na wala ng pasok sa school ang kanyang anak kaya hindi na ito palaging naglalabas ng bahay. Tinawagan niya rin si Lander at sinabi dito ang mga nangyari kaya nagdesisyon na rin itong sa bahay na lang muna niya ito titira pansamantala. Para kasing hindi siya mapapalagay. Nasa labas siya ngayon ng opisina ng kaibigan. Hinintay niya ang paglabas nito dahil usapan nilang dadaanan niya ito ngayon para pag-usapan ang kanilang plano. Nagtext na rin itong palabas na ng opisina, kaya sa kotse na lamang niya ito hinintay. Nasa parking area siya n
PAUBOS na ang stocks nila sa kusina kaya pagkagaling ni Zarah sa hospital dumaan muna siya sa grocery store sa loob ng Mall. Namimili rin siya ng mga personal na mga gamit. Pati na ang mga toiletries at iba pang gamit panglinis. Hindi rin niya pinalagpas na dumaan sa pasta section. Ibat-ibang klaseng pasta ang kaniyang pinamili. Simula noong sa bahay na umuwi si Lander mabilis na siyang nauubusan ng stocks ng pasta kaya bumili siya ng mas marami ngayon. Mula ground floor pumunta muna siya sa second hanggang third floor na kung saan naroon ang section ng mga damit. Pinaiwan niya lang muna sa baggage counter ang mga nabiling grocery goods. Sa elevator na siya sumakay upang mas mapadali. Pasara na sana ang elevator ngunit biglang may humabol. Ginamit ang kamay nito upang matigil ang pagkasara at bumukas ulit. Siya lang mag-isa ang sumakay doon kaya malaya niyang napagmasdan ang lalaking pumasok. Bigla siyang natigilan nang makilala ang lalaking iyon. Huli na kung babawiin niya pa ang
"WHAT! Nakita ka ni Luke?" gulat si Lander pagkatapos isalaysay ni Zarah ang aksidenting pagkikita nila ni Luke sa loob ng Mall. "At saka yong stalker mo parang sinusundan rin ako. Buti na lang nailigaw ko siya ulit." dagdag niya pa. "What stalker?" kunot-noo nitong tanong. "Yong kotseng bumuntot satin kahapon pati ako sinusundan na rin. Sino kayang may-ari ng kotse na yon?" "I don't think na kailangan mo pang problemahin yon, Zarah. Pinaimbistigahan ko na yon hinintay ko na lang ang resulta." "Ganon ba, mabuti naman kung ganon. Kasi hindi talaga ko mapalagay sa isiping tila pinagmamanmanan ang mga kilos natin." "Huwag mo ng masyadong isipin yan. Ako ng bahala niyan. Magfucos ka na lang kay, Leanne. Teka... ano ba talaga ang plano mo?" usisa pa rin ni Lander. Palagi kasi nitong iginiit na bamalik na siya sa pinas. "I've already made my decision, Lander. And you're right siguro kailangan na naming harapin ang katotohanan. Dahil alam kong hindi habang-buhay na maitatago k
"ATE ZARAH, may delivery po sa labas, para daw po yon sa'yo," sabi ni Kiray. "Kanino daw galing, Kiray?" "Hindi ko po alam, Ate, hindi ko pa kasi ni-recieve. Ikaw daw po kasi ang hinanap." Nagtataka naman siya. Ngayon lang yata nangyari na may delivery boy na namimili kung sino ang magre-recieve. Sa huli ay pinuntahan niya na lang ito upang alamin. "Excuse me, ikaw ba ang--" Hindi na niya natapos ang tanong nang bigla itong pumihit paharap sa kanya. "L-luke?" Bulalas niya. Hindi siya makapaniwala na si Luke ang kaharap niya ngayon. "Paano ka nakapunta dito? Anong kailangan mo?" Sunud-sunod niyang tanong. "Pwede ba tayong mag-usap, Zarah?" "Wala naman siguro tayong dapat pang pag-usapan, Luke," wika niya. "Kahit sandali lang, please?" pakiusap nito. "Para saan pa ba ang pag-uusapan natin ha? Sa pagkakaalala ko wala akong naging atraso sa'yo. At nababayaran ko na rin ang na-iscam ni mommy sa'yo. So sa tingin ko hindi na natin kailangan pang mag-usap." "No, hi
"WELCOME TO PHILIPPINES, anak Leanne." Masayang pagbati ni Zarah sa anak na si Leanne. Kakarating lang nila mula sa halos labing pitong oras na pagbibiyahe. Mabuti na lang at naka- business class ang cabin na pina reserve sa kanila ni Lander kaya kahit papaano ay mas mahaba ang pagkakaidlip nila. Dito na sila dumeretso sa bahay na pinapagawa niya kay Lander. It didn't belong to a subdivision dahil mas gusto niyang may sarili at malalawak na bakuran kaya mas pinili niyang bumili ng lupa bago niya pinapatayuan ng bahay. Umabot ng halos dalawang libo metro kuwardrado ang sukat ng lupa kaya naman hindi maitatangging medyo may kalakihan rin ang bahay na naipatayo niya kay Lander. At ang maganda ay mayroon ding building na naipatayo si Lander sa dulong parte ng lupa niya. Tinupad talaga ng binata ang sinabi nitong magpapatayo ng gusali para gawing klinika. Two-storey building ang naipagawa nito at kompleto na rin sa mga pasilidad. Napapangiti siya sa nakikitang bunga sa lahat ng mga
MAAGANG pumasok si Zarah sa kanyang clinic ngayong araw. Tumawag kasi si Neneng kagabi na hindi ito makakapasok ngayon dahil masama raw ang pakiramdam nito. Nagduduwal ito at walang ganang kumain. Actually, napansin niya na yon kahapon na parang pagod ito palagi. Minsan nahuhuli niya itong naghihikab at natutulog sa mesa. Pero hindi niya pinagalitan dahil malinis naman ang buong clinic niya at naka-organized lahat ng mga gamit. Sinisiguro nitong tapos na ang trabaho bago matulog. Gusto niya sanang check-up-in si Neneng dahil may palagay siyang buntis ito. Lahat kasi ng mga ipinapakita nitong sintomas ay napagdaanan niya rin dati, noong ipinagbuntis pa lamang niya si Leanne. Unang trimester niya sa pagbubuntis ay masasabi niyang napakahirap. Ngunit pilit niyang kinaya dahil ayaw niyang maabala pa ng husto si Lander ng mga panahong iyon. Pinayagan niya ang tatlong araw na pagle-leave ni Neneng upang makapagpahinga ito ng maayos. Inayos niya ngayon ang mga upuan ng mga pasyente a