Share

Chapter 43 "Doble-kara"

ARAW ng linggo ngayon ngunit hanggang ngayon hindi pa rin umuwi si Luke sa mansiyon. Dalawang araw na ang nakalilipas sa kanyang pagbalik at tuluyan na ring umalis si Manang Ninfa. Bumalik ito sa mansiyon ng matandang Guevarra ang ama ni Luke.

At ang driver nilang si Caloy wala rin doon. Umuwi rin daw ito ng probinsiya sabi ni Manang. Isang linggo na nga raw itong nakaalis pero hanggang ngayon hindi pa bumalik.

Tapos na siyang maglinis at nakapagluto na rin siya. Kung uuwi man si Luke ay may pagkain na siyang naihanda.

Napakatahimik ng buong bahay siya lang kasi ang mag-isa kaya naisipan niyang mamasyal. Pupunta siya sa mall dahil gusto rin niyang bumili ng bagong sapatos para sa paparating na graduation.

Naisip niyang magsimba muna kaya pinadaan niya nag taxing sinakyan sa tapat ng simbahan. Eksaktong katatapos lang din ng first mass.

Huminga muna siya ng malalim bilang paghahanda sa sarili para sa ilang sandaling katahimikan. Nararamdaman niya ang kapayapaan habang papal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status