ARAW ng linggo ngayon ngunit hanggang ngayon hindi pa rin umuwi si Luke sa mansiyon. Dalawang araw na ang nakalilipas sa kanyang pagbalik at tuluyan na ring umalis si Manang Ninfa. Bumalik ito sa mansiyon ng matandang Guevarra ang ama ni Luke. At ang driver nilang si Caloy wala rin doon. Umuwi rin daw ito ng probinsiya sabi ni Manang. Isang linggo na nga raw itong nakaalis pero hanggang ngayon hindi pa bumalik. Tapos na siyang maglinis at nakapagluto na rin siya. Kung uuwi man si Luke ay may pagkain na siyang naihanda. Napakatahimik ng buong bahay siya lang kasi ang mag-isa kaya naisipan niyang mamasyal. Pupunta siya sa mall dahil gusto rin niyang bumili ng bagong sapatos para sa paparating na graduation. Naisip niyang magsimba muna kaya pinadaan niya nag taxing sinakyan sa tapat ng simbahan. Eksaktong katatapos lang din ng first mass. Huminga muna siya ng malalim bilang paghahanda sa sarili para sa ilang sandaling katahimikan. Nararamdaman niya ang kapayapaan habang papal
NASA KALAGITNAAN ng paglilinis si Zarah nang makarinig ng pagtikhim sa kanyang likuran. Si Luke ang naroon at nakatayo sa hamba ng pinto. Napahigit ang kanyang hininga. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Nais niya sanang takbuhin ang binata at yakapin ito ng mahigpit pero naalala niyang ikakasal na pala ito kay Angela. Kaya nararapat lang na pipigilan niya ang sarili at dumistansiya dito. "Si Angel?" hinanap nito agad ang nobya. Bahagya siyang nalungkot sa isiping palaging si Angela ang laman ng isip ni Luke. "W-wala po dito, umalis po siya kaninang umaga." tipid niyang sagot bago binawi ang tingin at ipinagpatuloy ang paglilinis. "Kumain ka na ba?" Napatda siya sa tanong ni Luke. Matagal nang huling narinig ang ganoong tanong sa kanya. "H-hindi pa." "Past nine o'clock na hindi ka pa kumain?" pagalit nitong tanong. "A-h kakain ho ako ngayon pagkatapos nito. Ito na lang kasi ang pinakahuli kong lilinisin kaya tinapos ko na lang muna," malumanay niyang wika. "Ka
MAPUTING kisame ang nakita ni Zarah sa kanyang pagmulat. Ramdam niya ang pamimigat ng kanyang katawan. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng kamang kanyang hinigaan. Nakita niya ang tila isang litrong likido na nakabalot sa puting plastic, dextrose yon. So ibig sabihin nasa hospital siya. Sino kaya ang nagdala sa kanya dito? Naalala niya ang mga nangyayari sa mansion lalo na ang pag-iwan ni Luke sa kanya sa kabila ng kanyang pagmamakaawa rito. Naikuyom niya ang kamay nang maalala ang buong eksena. Paano kaya siya napunta dito sa hospital? Bigla siyang napakislot nang may gumalaw sa bandang paanan. "Kumusta na ang iyong pakiramdam?" Isang baritonong tinig ang kanyang narinig. Bago paman niya tanungin kung sino iyon lumapit na ito sa kanyang tabi. "Lander?" Gulat siya. Ngumiti ito na may halong pag-aalala. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Zarah? May gusto ka bang kainin o inumin? Sabihin mo lang para mabibili agad natin," nag-aalalang tanong nito. "T-tubig, please?" tugon niya
To all my beloved readers, "Gusto ko lang humingi ng paumanhin kung minsan ay natatagalan ang pag-update ng bagong chapter sa aking book. Salamat sa inyong walang sawang suporta at pasensya. Habang naghihintay kayo sa mga susunod na updates, inaanyayahan ko kayong basahin ang isa ko pang novel na kompleto na. "Ceo's love redemption". Sana magustuhan niyo rin ito at patuloy kayong sumubaybay sa mga kwento ko. Maraming salamat at ingat lagi!" Funbun
PAGKARAAN ng isang linggo mula sa araw ng graduation ni Zarah, lumipad sila ni Lander papuntang Amerika. Sa tulong ng mga malalaking personalidad na kakilala ni Lander, mas napadali ang pag-approve ng kanyang visa. At sa mismong araw na yon idinidiklara ni Zarah sa sarili na hindi na siya ng dating Zarah na nakikilala ng lahat. Ipinapangako niyang hinding-hindi na siya kailanman magpakahibang at maging tanga. Babaguhin niya ang kanyang pagaktao laban sa mga mapang-aping nilalang na nakapaligid sa kanya. She's no longer weak like they used to know her. Binago ng mga masasamang karanasan ng kanyang pinagdaraanan sa kung ano siya ngayon. Time passes quickly; hours became days, days became months, months became years, and many years went by at heto siya ngayon. Malayong-malayo na sa dating Zarah na madaling mauto, inaabuso at tanga. Ang babaeng akala ng lahat ay wala nang maibatbat. But look how great she was? The super woman who could stand firm. She was brave and strong. "Mo
"ATE ZARAH may nagpapabigay po ng bulaklak, para sainyo daw po yon." Salubong ni Kiray sa kanya pag-uwi niya galing sa hospital. Napapangiti na lamang siya sa pag-aakalang si Lander ang nagpapabigay non. Minsan kasi pinapadalhan siya nito ng bulaklak at nilagyan pa ng note na nagsasabing 'to the greatest woman ive ever known'. Minsan ina-address siya bilang isang matapang, strong, hardworking at kung anu-ano pa kaya minsan napapatawa siya. "Okay, pakilagay na lang sa flower vase, Kiray, para hindi agad malanta. Nagtatampo pa naman ang Sir mo kapag nadatnang tuyo na agad ang kanyang ipinadala." Aniya. "Parang hindi yata si Sir Lander ang nagpadala, Ate, wala kasi akong nakitang card na nakalagay." sabi nito na ipinagtataka niya. Ngayon lang yata nangyari na wala itong kalakip na card. Hindi pa naman nauubusan ng notes yon. Kung ganon, hindi siguro kay Lander nanggaling iyon. "Saan ba yon, pakidala na lang dito." Gusto niyang tingnan kung katulad din ba iyon sa mga bulaklak na la
PAGKATAPOS ng kanilang hapunan giniya ni Kiray si Leanne sa playroom. Habang nasa balcony naman sila ngayon ni Lander nag-uusap. "So, how's, Leanne?" tanong ni Lander. Napakibit-balikat siya habang iniisip ang sitwasyon nila ngayon ng anak. "She's starting to seek my tine and attention, Lander." maikling sagot niya. "Alam mo, Zarah, malaki na ang anak mo. She's no longer a baby na kung padedein mo lang at pakainin ay pwede ng iwan. May sarili na siyang pag-iisip na hindi dumedepende sa mga sinabi mo." "Yon na nga ang problema ko ngayon, Lander. Masyado na akong abala sa trabaho. Nakokonsensiya na ako sa anak ko." "Then, why don't you consider my suggestion? Hindi sa lahat ng panahon maitatago mo pa rin si Leanne sa kanyang ama, Zarah." pagpapaintindi ni Lander sa kanya. May punto naman ito ngunit ang tanong handa na nga ba siyang bumalik sa lugar na kung saan siya minasang nagdusa? O handa na nga ba siyang harapin ang mga posibling mangyari? "Pag-iisipan ko pa yan, Lan
ILANG ARAW na ang lumipas ngunit laman pa rin sa isipan ni Zarah kung sino itong nagpapadala sa kanya ng bulaklak. Akala niya titigilan na siya ng mesteryosong tao ngunit nasundan pa ito ng nasundan ng ilang beses at ganon pa rin walang sender o kahit note man lang. Dahil doon, tila hindi na siya komportable sa mga kanyang mga kilos dahil pakiramdam niya paran mayroong pares ng mata ang nagmamasid sa kanyang bawat galaw. Ipinagpasalamat niya rin na wala ng pasok sa school ang kanyang anak kaya hindi na ito palaging naglalabas ng bahay. Tinawagan niya rin si Lander at sinabi dito ang mga nangyari kaya nagdesisyon na rin itong sa bahay na lang muna niya ito titira pansamantala. Para kasing hindi siya mapapalagay. Nasa labas siya ngayon ng opisina ng kaibigan. Hinintay niya ang paglabas nito dahil usapan nilang dadaanan niya ito ngayon para pag-usapan ang kanilang plano. Nagtext na rin itong palabas na ng opisina, kaya sa kotse na lamang niya ito hinintay. Nasa parking area siya n