Share

Chapter 4 "Pursuing"

"WE'RE Only twenty" saad ng isa sa mga kaibigan ni Zarah na si Trina nang nasa campus sila. "Second year college pa lang tayo para magkapakaserious sa love. I don't even know what love is." dagdag pa nito.

"Love is blind," nakangiting komento niya. "Love can make us do some pretty odd things. Love is full of mystery," sabi niyang tila pinaghugutan ang sariling experience.

"Seryoso ka na ba talaga sa hardinerong iyon, Zarah?" nanlalaking mga matang tanong ng isa pa niyang kaibigang si Anne. "Of all men, doon ka nagkakagusto sa isang gardener?" halos hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "How could you fall in love with that poor guy?"

"I just felt!" simpleng tugon niya. "I love him. He is my first love. He is my true love." sabi niya na may pinagmamalaking tono.

"You're really crazy, girl!" iiling- iling na saad ni Trina na nakikinig sa kanya gayong abala naman ang mga kamay nito sa kakapindot ng phone.

Trina was a politician's only daughter, arrogant and a spoiled brat. Katulad niya ay mayayaman din ang pamilyang pinanggalingan nito. "Hindi ako mai- inlove sa isang lalaking alam kong walang maibibigay sa akin na magandang future." dagdag na komento nito.

"Kapag ang lalaking yon ang napangasawa mo, I'm sure magiging losyang ka," segunda naman ni Anne na isa pa niyang kaibigan at anak ng isang mayamang negosyante. Hindi ito gaanong maganda dahil nagmana ito sa ama. Ngunit, dahil sa isa itong anak mayaman ay nagmukha pa rin itong maganda dahil sa magaganda naman nitong hiyas sa katawan. "Wala kang ibang gagawin kundi ang pagsilbihan siya at aalagaan siya at ang magiging mga anak ninyo dahil hindi kayo makakapag- afford na kumuha ng yaya." komento nito.

Mataman lang naman siyang nakinig sa mga pagsasalitan nitong mga komento. Ngunit kahit konti ay hindi siya naapektuhan sa mga pan- didiscourage ng mga ito sa kanya.

"I can't imagine my life doing that," taas- kilay pang wika ni Trina. "Magpapakamatay na lang siguro ako, dahil ayokong mamuhay sa kahirapan no, hindi ko ma picture out ang sariling magiging losyang," maarteng sabi pa nito.

"That's exactly the life I want to have, guys," pagmamalaki pa rin niya. "Simple but happy. It doesn't matter to me kung pagsisilbihan ko si Luke o ang magiging mga anak namin as long as I'm happy and I'll go for it." walang pag aalinlangang sagot niya.

"You're really out of your mind, Zarah." napapailing nitong sabi. You could say that as of now dahil wala ka pa sa ganoong sitwasyon, at hindi mo pa naranasan yon pero kapag nandon ka na sa sitwasyong iyon saka mo lang ma- realize na hindi mo pala kaya. Mark my words, girl!" sabi nito na tila siguradung- sigurado.

"That's what you think!" pairap niyang saad. Hindi niya na kasi nagugustuhan ang mga sinabi ng mga ito. Kinuha niya ang bag at isinukbit sa balikat sabay bitbit ng kanyang mga libro.

"And where the h*ll do you think you're going?" saglit na tumigil sa pagcha-chat si Trina at bumaling sa kanya. "Don't tell us na hindi ka na naman a- attend ng last period natin?"

"I hate that terror chemistry professor," matipid niyang sagot. "She could give me a grade as low as five, the h*ell I care. Mas mabuti pang susunduin ko si Luke sa school niya, I know his schedule. Pinagtiyagaan ko talaga ang pag re -search lahat ng tungkol sa kanya." pilyang kumindat pa siya sa mga ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa kanyang pagiging hibang. "We're gonna have dinner after his class, so I'll wait for him. Bye guys!" At tuluyan na niyang iniwan ang mga ito.

Pero ang totoo ay hindi niya alam kung paano niya mapapayag si Luke na makipag dinner- date sa kanya. Alam niyang gaano ito kailap sa kanya ngunit susubukan niya paring gawin ang planong imbitahin ito para sabayan siyang magdinner sa labas. Habang patungo siya sa unibersidad na pinapasukan ni Luke ay nag iisip na siya ng paraan kung ano ang magagandang sasabihin dito upang pumayag ito.

Kay Carmelita niya nalaman kung saan ito nag- aaral. Madalas niya kasing makitang kakwentuhan ito ng katulong nila kaya naisipan niyang utusan ang katulong na alamin ang mga bagay tungkol kay Luke at ang mga bagay na gusto niyang malaman tungkol sa binata. Mabuti na lang at mabilis namang sinunod ni Carmelita ang mga pinag uutos niya kaya niya nalaman ang lahat ng walang kahirap- hirap.

Hanggang alas nuwebe raw ng gabi ang klase ng binata. Palibhasa ay mura lang daw ang mga pagkain sa canteen ay dumadaan muna daw ito doon pagkatapos ng klase upang ibili ng pansit ang nanay nito.

Doon siya naghintay upang maabangan ang pagpasok nito. Nakaupo siya sa isang sulok, painom- inom ng orange juice habang pabasa- basa ng libro. Halata namang hindi siya estudyante roon dahil iba ang kanyang suot na uniporme kompara sa mga suot ng mga estudyanteng naroon.

Napakislot siya sa upuan nang matanaw na pumasok sa pintuan ng canteen si Luke. Tinakpan niya ng libro ang mukha maliban sa kanyang mga matang pasilip- silip sa kinaroroonan ng binata.

Luke was wearing a plain white polo shirt. Medyo fitted yon sa katawan nito at kupas na maong ang suot nitong pantalon. Sa leeg ay may suot itong itim na choker. May bitbit itong isang libro at isang mumurahing notebook. Ang ball pen ay nakalagay naman sa bulsa ng suot nitong polo shirt. His plain look made her heart skip a beat. How could he make that simple outfit look so good?" Hindi niya magawang ikurap ang mga mata na nakatitig sa guwapong mukha nito.

Nagpatake- out ito ng pansit. Bumili rin ito ng soft drink na ipinalagay sa plastic na may kasamang straw. S********p ito gamit ang straw habang naglalakad palabas ng canteen.

Nang masiguradong nakalabas na ito agad naman siyang tumayo at nagmamadaling sumunod dito. Halos madapa na siya sa sobrang bilis ng kanyang mga hakbang upang makarating agad sa parking lot na kung saan nakaparada ang kanyang kotse.

Mabilis niyang pinaharurot ang kotse pagkasakay niya roon. Wala siyang sinayang na oras ng mga sandaling iyon dahil nais niyang maabutan agad si Luke na naglalakad sa may gilid ng pathway.

Umangil pa ang gulong ng kanyang sasakyan nang bigla siyang pumreno sa may tagiliran ni Luke. Napalingon naman ang nabiglang binata sa kotse niya. Nagmamadali siyang bumaba at agad na nagpakawala ng matamis na ngiti sa kanyang labi nang mapadako ang tingin nito sa kanya.

"H-hi, Luke!" nag aalangan niyang bati dito. "I was on my way home nang makita kita," panimula niya. "Sumabay ka na sa akin, tutal, madadaanan din naman ang sa inyo."

"Lucas ho ang pangalan ko ma'am Zarah hindi po, Luke," pagkokorek nito. "At saka parang ang layo naman po nito sa main highway para makita mo ako, Ma'am?" tila hindi kumbinsidong wika nito.

Napamulagat naman siya sa sinabi nito. Pero siya hindi nagpapahalata. "Alangan namang pumasok ako rito para lang abangan ka, di ba?" sabi niya and she hoped that she sounded natural upang hindi ito magdududa. "Talagang natanaw kita kanina." pagpatuloy niya.

"Di ba't sa Saint Paul University kayo pumapasok?" kunot- noong tanong nito. "Sa tingin ko, di nyo na kailangang dumaan pa sa daang ito upang makauwi sa inyo dahil may shortcut namang daanan doon patungo sainyong mansiyon."

"Napadaan nga lang ako rito, eh," paliwanag pa rin niya. "A-ano kasi may dinaanan kasi akong kakilala dito, Oo 'yong friend ko kaya ako napagawi dito. Ano? sasakay ka ba sa kotse ko o kailangan pa kitang buhatin pasakay roon?" wala sa isip na tanong niya basta na lang lumabas yon sa kanyang bibig. Para kasi siyang natataranta ngunit pigil na pigil niya lang.

"Next time na lang ma'am," tanggi nito.

"I told you, Zarah na lang. Masyado naman tayong pormal, at saka wala naman dito sina mom and dad, ah." aniya.

Para naman itong walang narinig.

"Mauna na ako, bye!" humakbang na ito paalis.

Nakapamaywang na nagpalinga- linga siya ng tingin. Mabuti naman at wala namang ganoong tao sa paligid dahil gabi na, kung hindi ay siguradong napahiya na siya sa ginawang pambabalewala nito sa offer niya.

"Luke!" tawag niya rito ngunit hindi pa rin ito lumingon. "Lucas! Sumabay ka na sabi sa akin. Hindi ka ba naawa sa akin? Wala akong kasama, o."

Hindi niya alam kung nasa tama pa ba ang pag- iisip niya sa ginagawa niyang iyon. She was too young to court a man, pero parang ganoon na nga ang ginawa niya. Kahit pa siguro na may edad na ay hindi parin makakagawa ng ganoong bagay lalo na at babae pa. But she couldn't help it. Kusang lumabas ang mga yon sa kanyang bibig.

"Luke, kasi, you know, I can't drive at this moment. I'm a little bit depressed." Kung anu- ano na lang ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig para mapigilan niya ito. Ngunit patuloy pa rin ito sa paglalakad na tila walang naririnig. Gusto na niyang sumurender ngunit naisip niyang nandito na siya kaya paninindigan na lang ang kanyang nasimulan. Kaya kailangan niyang makakaisip na naman ng panibagong alibi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status