PAPASOK pa lamang si Zarah sa club na iyon ay tila gusto na niyang pumatay ng tao. Tuluy-tuloy siya sa dressing room na nasa likod ng stage. Walang sabi-sabing sinampal niya ang babaeng nakade-kuwatrong nakaupo sa harap ng dresser doon. "Zarah!" awtomatikong nawalan ng kulay ang mukha nito pagkakita sa kanya. "I never thought na magagawa mo to sa akin!" naniningkit ang mga matang sumbat niya rito. "You're my friend, Anne. No, you're my bestfriend! Pero anong ginawa mo?" "Teka muna..." anito na ngumunguya ng chewing gum. Naka-tube top ito at miniskirt na may magkabilang slit, at may naglalakihang drop earrings sa mga tainga nito. "We have talked about this, right? Pumayag kang magpalagay sa loob ng kahon, remember?" Dahil nilagyan mo ng pampatulog ang drinks na ipinainom mo sa akin!" singhal niya nang maisip na wala na siyang ibang maalala matapos ang eksenang nagsasabi siya ng problema kay Anne sa dressing room ding iyon. Tila walang anuman dito ang nangyari. Kaswal itong na
"HUBAD NA," utos ni Luke kay Zarah. Napatda siya sa narinig dito. Naroon sila sa loob ng maganda at malinis nitong kuwarto. Hindi niya alam kung nahalata nito ang pagba-blush niya. "What are you waiting for?" hamon nito. "Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? Ako lang ba ang hindi mo magustuhan sa lahat ng naging customer mo?" Hindi siya nakaimik. What was she doing there? Nagbibiro lang naman siya, hindi niya ibig seryosohin ang pagpapanggap niyang bilang prostitute. Kung ganoon ay bakit siya sumama rito? May pagtingin pa rin ba siya rito hanggang ngayon? "Hindi pa tayo nagkakasundo sa presyo," nakataas-noo niyang sagot. "Hindi ako basta-bastang naghuhubad hangga't hindi malinaw sa akin ang magiging kabayaran ko." Nais na naman niyang kikilabutan sa mga nasabi niya. Hinding-hindi niya gagawin ang pagpapanggap na iyon kung hindi ito ang lalaking kasama niya. At least, kilala niya ito at alam niyang gentleman ito. Kung nahirapan siyang magpapansin dito noon, mas mahihirapan si
SA MANSIYON ng mga Guevarra nagpahanda ng maraming masasarap na pagkain ang hari ng tahanan na si Senior Alejandro Guevarra para sa kanilang hapunan. Itinuring nitong espesyal ang gabing iyon dahil doon maghahapunan ang kanyang dalawang anak. Habang abala naman si Luke sa kanyang opisina. Nagmamadali siyang tapusin ng maaga ang mga gagawin ngayong araw dahil tumawag ang kanyang ama at mayroon daw itong mahalagang sasabihin kaya kailangan niyang puntahan ito. Sa bilis ng panahon mula nang makilala ang ama ay masasabi niyang unti-unti nang napapalagay ang loob niya rito. Maraming nangyari sa buhay niya bago ito nakilala. Kung hindi niya pa nabasa ang diary ng kanyang Nanay Lucia. Tiyak na habang buhay siyang naniniwala na patay na ang kanyang ama dahil iyon ang sabi ng kanyang yumaong ina noon. Initially, he was hesitant to approach and introduce himself because he already had his own family. Nakikita niya iyon at naririnig sa mga balita. Sikat sa mundo ng negosyo ang Guevarra l
"Dad, you know I'm not interested in the company. Why do I still have to follow that tradition?" reklamo ni Luke sa ama. Nasa library sila ngayong dalawa at pinag uusapan ang trasdisyon ng pamilyang Guevarra. "Son, whether you love the company or not, you still have to follow the tradition because you're my son." "Pero Dad--" "Please? Even if not for the company or tradition, could you do it just for me? Son, I'm getting old now, and I still long to see grandchildren from you and Lander," pagsusumano ng ama sa kanya. "Alam mo naman mas malabo kong makamit iyon sa kapatid mo. Sana naman kahit sa'yo na lang. And besides, you're thirty already kailan mo pa ba balak magkaroon ng asawa?" "I don't know if I still believe in love... that kind of love. I can't promise you anything, Dad, but I'll try to give you a grandchild. But a family, I don't know," pahayag ni Luke sa amang si Senior Alejandro. Napabuntung- hininga ito ng iilang beses. "Son, I know you've been through a lot
TAHIMIK na nakaupo si Zarah sa malambot na sofa. Nasa family room siya ngayon sa bahay ni Luke. Sinundo siya nito sa restaurant na pinagtatrabahuan niya. Wala siyang klase sa ngayong gabi kaya libre ang oras niya ngayon. Dahil sa usapan nila kahapon ni Luke, kaya siya sinundo nito pagkatapos ng kanyang shift. Kahit sinabi niya na siya mismo ang pupunta rito pero hindi parin ito nakinig sa kadahilanang baka hindi siya tutupad sa napag-usapan. Dinampot nito ang remote control ng wide-flat screen TV. Nagulat siya nang yayain siya nitong manood ng TV. Iniabot nito sa kanya ang bowl na may lamang popcorn. Parang gusto tuloy niyang magsisi at nag- spray pa siya ng mumurahing pabango. Halos manginig-nginig pa siya sa pinaghalong nerbiyos at kilig, iyon pala ay hindi man lamang nito hahawakan ni dulo ng kanyang kuko. "What do you want to do?" tanong nito na nakaupo sa mahabang couch. Nakasandal ang likod nito sa backrest ng upuan at nakataas ang mga paa sa center table. Nakalantad a
PILIT na iniiwasan ni Zarah ang ginawang paghalik ni Luke sa mga labi niya. Ang marahas nitong mga halik na unti- unting naging mapusok. Ngunit pigil pa rin niya ang sariling hindi magpatangay sa ginawa nito. "Let me go!" nagpupumiglas na tili ni Zarah sa pagitan ng mga halik ni Luke. Naroong bayuhin niya ang dibdib nito, sabunutan ito, at kalmutin ang likod ng binata, ngunit hindi ito nagpaawat. Tumigil na rin siya nang mapagod sa pagpupumiglas at pananakit dito. And besides, she was hooked by his kisses and caresses. Hindi na niya ito magawang tanggihan hinayaan na lamang niya ito habang patuloy niyang nararamdaman ang mga halik nitong sa katagalan ay nagiging masuyo. Ang mga haplos nito ay unti- unti na ring naging maingat. Hindi niya mawari kung gaano kalakas ang boltahe ng kuryenteng nararamdaman na nagsimulang gumapang sa kanyang buong katawan. Namalayan na lamang niyang nakayakap na rin ang mga kamay niya rito. Ang kaninang nanunulak ay naging mapanghila na ngayon. At ang
PAGPASOK pa lamang ni Zarah sa kanilang bahay ay namilog na ang mga mata niya sa matinding gulat. May bago silang sofa, napakalambot non at hindi kahoy lang na tulad ng una nilang upuan doon. "Mom!" Hindi siya patatahimikin ng kuryusidad niya hangga't hindi niya malalaman kung saan iyon nanggaling. Nang walang sumagot sa kanya ay tumuloy na siya sa kusina upang lalo lamang magulat. Punung-puno ang mesa nila ng patung-patong na grocery items na naroon. "Nandiyan ka na pala, hija," anang mommy niya na kasalukuyang kumakain ng family-size pizza sa harap ng mesa. Masayahin ang mukha nito at hindi mukhang biyernes-santo. Nanalo kaya ito sa sugal. "Don't tell me napanalunan mo tong lahat sa sugal mom?" nagtatakang tanong niya. "Naku, hindi naman. Alam mo namang barya-barya lang ang napapanalunan ko sa sugal. Namimili ako kanina pag-alis mo." "Saan ka kumuha ng pera?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. "Eh, di ba't binigyan ako ni Luke bago ka niya pinuntahan sa restaura
INSIDE his office. Walang nagawang matinong trabaho si Luke ng araw na yon. Laging umaalingawngaw sa isip niya ang imahe ni Zarah. Ang mala-inosente nitong hitsura. Ang mga ngiti nitong minsang bumabalot sa kanyang isipan. Inis na inis siya sa isiping iyon. Ilang araw na ang nakalipas ngunit palagi pa rin nitong ginagambala ang isip niya. Hindi mawawaglit sa kanyang isipan ang sandaling muntikan nilang pagkalimot. Ang matatamis nitong mga labi na tila hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin. Kung hindi lang siguro niya alam kung anong klaseng trabaho nito sa loob ng club ay baka maniniwala pa siyang talagang inosente ito. Dahil batid niya ang kakulangan nito sa karanasan sa paghalik. Hindi ito marunong humalik sa paraan na kanyang inaasahan. Bakit? Hindi pa ba ito nasanay sa mga naging costumers nito? "F*ck!" Naiinis niyang usal nang mapagtantong wala pa rin siyang natapos na trabaho. "Where are you going, sir? You have a meeting in an hour, please--" tanong ng sekretarya