PAGPASOK pa lamang ni Zarah sa kanilang bahay ay namilog na ang mga mata niya sa matinding gulat. May bago silang sofa, napakalambot non at hindi kahoy lang na tulad ng una nilang upuan doon. "Mom!" Hindi siya patatahimikin ng kuryusidad niya hangga't hindi niya malalaman kung saan iyon nanggaling. Nang walang sumagot sa kanya ay tumuloy na siya sa kusina upang lalo lamang magulat. Punung-puno ang mesa nila ng patung-patong na grocery items na naroon. "Nandiyan ka na pala, hija," anang mommy niya na kasalukuyang kumakain ng family-size pizza sa harap ng mesa. Masayahin ang mukha nito at hindi mukhang biyernes-santo. Nanalo kaya ito sa sugal. "Don't tell me napanalunan mo tong lahat sa sugal mom?" nagtatakang tanong niya. "Naku, hindi naman. Alam mo namang barya-barya lang ang napapanalunan ko sa sugal. Namimili ako kanina pag-alis mo." "Saan ka kumuha ng pera?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. "Eh, di ba't binigyan ako ni Luke bago ka niya pinuntahan sa restaura
INSIDE his office. Walang nagawang matinong trabaho si Luke ng araw na yon. Laging umaalingawngaw sa isip niya ang imahe ni Zarah. Ang mala-inosente nitong hitsura. Ang mga ngiti nitong minsang bumabalot sa kanyang isipan. Inis na inis siya sa isiping iyon. Ilang araw na ang nakalipas ngunit palagi pa rin nitong ginagambala ang isip niya. Hindi mawawaglit sa kanyang isipan ang sandaling muntikan nilang pagkalimot. Ang matatamis nitong mga labi na tila hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin. Kung hindi lang siguro niya alam kung anong klaseng trabaho nito sa loob ng club ay baka maniniwala pa siyang talagang inosente ito. Dahil batid niya ang kakulangan nito sa karanasan sa paghalik. Hindi ito marunong humalik sa paraan na kanyang inaasahan. Bakit? Hindi pa ba ito nasanay sa mga naging costumers nito? "F*ck!" Naiinis niyang usal nang mapagtantong wala pa rin siyang natapos na trabaho. "Where are you going, sir? You have a meeting in an hour, please--" tanong ng sekretarya
ILANG ARAW na ang nakalilipas buhat ng pagpunta ni Luke sa bahay nila Zarah ay hindi na nasundan pa iyon. Aminado si Zarah namimiss niya ang binata dahil ni minsan rin ay hindi na ito nagawi sa restaurant na pinagtatrabahoan niya. Gustohin man niyang puntahan ito ngunit mas nanaig ang hiya niyang nararamdaman. Dahil hindi maganda ang takbo ng huling pag-uusap nila. Sa kabilang banda, naisip niyang mas mabuti na rin siguro iyon upang mapipigilan niya rin ang sarili na muling mahuhulog dito. Ang iisipin niya na lang ay ang magfucos sa kanyang trabaho at pag-aaral. Araw ng sabado ngayon wala siyang trabaho. Kaya nagkaroon siya ng oras upang buklat- buklatin ang kanyang aklat. Tinapos niya rin ang assignments niya sa Chemistry. Naalala niya pa noon kung paano niya tinatakasan ang subject na ito. Walang halaga sa kanya kung ibagsak man siya ng professor o hindi. Pero ngayon, pinahalagahan niya lahat ng subjects niya. Dahil mahalaga ang bawat sentimo na ginastos niya sa kanyang pag
LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Zarah upang maabutan ang first subject niya. Napa-overtime kasi siya ng isang oras dahil sobrang late dumating ang ka-shift niya sa trabaho. Nahihirapan siyang makakalusot dahil maraming estudyanteng nag umpungan. May program yata ngayon sa campus marami kasing mga estudyante malapit sa stage. "Aayyyy... ang guwapo niya talaga! Crush na crush talaga kita Lander!" Sigawan ng kararamihan na naroon. Ayaw niya sanang pansinin ang mga yon ngunit bigla na lamang siyang napatigil nang may humaharang harang na mga camera men sa daraanan niya. Panay kuha ng litrato at video. 'Don't tell me may shooting na naman dito' sa isip niya. Tuluy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa nalagpasan niya na ang bahaging iyon. Papaliko na sana siyang nang may nabunggong matitigas na bagay. Napasandal siya ng matigas na dibdib na yon nang muntik na siyang ma-out of balance. Mabilis naman ang mga brasong nakahawak sa bewang niya upang maalalayan siya ng muntik na
"MOM, mommmy....!" Napabalikwas ng bangon si Zarah. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib nang mapanaginipan ang ina. Masama ang laman ng kanyang panaginip. Umalis raw ito at iniwan siya. Tinawag niya ito ngunit hindi ito lumingon, patuloy lang ito sa paglakad. Nagpapasalamat siyang panaginip lang pala iyon dahil ramdam niyang tila totoo ang pangyayaring iyon. Malinaw na malinaw sa kanyang isipan ang bawat eksena. Dali-dali siyang bumangon at tinungo ang kuwarto nang ina na malapit lang sa kusina. Ang akala niyang panaginip lang ay tila nagkakatotoo. Gulat na gulat siya nang mabuksan ang kuwarto nito. Wala na roon ang mga gamit ng ina, ang mga damit nito at iba pang mga personal na gamit. 'Iniwanan na ba ako ni mommy?' anas niya. "No! hindi totoo yon, hindi totoo yon! Mom!... mom!" patuloy niyang sambit sa pangalan nito habang kinalkal ang laman ng maliit nitong cabinet. Wala na ang maliit nitong maleta. Nanlumo siyang napaupo sa kama nito.Napahagulhol na lang si Zarah nang m
MAAGANG gumising si Zarah kinabukasan upang makapaghanda ng maaga. Papasok na siya ngayon sa trabaho matapos ang dalawang araw niyang pagliliban. Dumaan sa bahay niya kahapon si Cathy pagkagaling nito sa trabaho. Balita nito'y pumayag daw ang kanilang manager na magduty siya ngayon. Dahil hanggang limang araw pa raw ang binigay nitong tsansa bago siya ma-AWOL sa trabaho. Iyon daw kasi ang rules ng management. Mabilis niyang tinapos ang pagliligo at pagbihis. Nais niyang mas aagahan ang pagpunta roon dahil kailangan niya pang magreport sa opisina ng manager. Kung may sanction bang nakahanda sa kanya. Umaasa siyang mapakiusapan niya pa ang manager kung sakaling meron man. Kung gaano man siya kaaga ngayon ay ganoon din kaagang dumating ang hindi inaasahang bisita. "Ano na naman ang kailangan mo, Luke?" tanong niya agad nang mapagbuksan ito ng pinto. Akala niya si Cathy ang kumatok dahil napag-usapan nila kahapon na sabay na silang papasok ngayon sa trabaho. "Ikaw ang kailangan ko
DALAWANG araw ng dumaan ngunit hanggang ngayon ay wala pang naihandang pambayad si Zarah sa utang ng mommy niya. Tatlong araw lang ang binigay na panahon upang siya'y makakapagbayad. Pero wala pa rin siyang nakikitang pwedeng mauutangan. Lahat ng kakilala ay pinuntahan na niya. Kahit ang mga kasamahan niya sa trabaho ay wala talaga siyang mahihiraman. Siguro ay hirap ng buhay ngayon mahirap talagang kitain ang ganoon kalaking halaga. Sino naman ang magtitiwala sa kanya na kitang-kita naman na wala siyang kakayahan para makapagbayad kaya kahit pa siguro mayamang tao ay hindi siya pagkakatiwalaan. Kaninang hapon lang pag uwi niya nadatnan niya sa labas ng restaurant ang dalawang lalaking iyon. Ngayon niya napatunayan na hindi talaga nagbibiro ang mga yon. Talagang sinusundan ng mga ito ang bawat kilos niya. Wala siyang takas sa nga adik na yon. Lalo pa siyang natataranta nang bumulong ito nang mapadaan ang mga ito sa tapat niya. "Bukas sa alas tres ng hapon sa mismong bahay m
TILA napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ni Zarah. Matapos masulusyonan ang problema na kinasasangkutan ng kanyang ina ay sa isang iglap lang, settled na ang lahat. Ang lahat ng yon ay hindi niya makakamit kundi dahil sa tulong ni Luke. Hindi niya akalain na isa pala ito sa itinuring na maimpluwensiyang tao sa kanilang lugar. Kung kaya't nagawa nito ang lahat na nais nitong gawin sa isang pitik lamang ng daliri. Ang ama pala nito ay kilala sa larangan ng negosyo sa buong bansa. Kinuwento ni Manang Ninfa kung paano nagkakilala ang mag-ama. Si Aling Ninfa ay matagal ng nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilyang Guevarra. Ito ang pinadalang katulong ng ama ni Luke noong bumukod ito ng tirahan sa ama. Hindi man detalyado lahat ngunit sapat na sa kanya ang mga nalalaman tungkol sa binata. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita tungkol sa mommy niya. Nahihiya naman siyang humingi ng tulong kay Luke na hanapin ang kanyang ina dahil marami na itong naitulong sa kanya at ayaw ni