"MOM, mommmy....!" Napabalikwas ng bangon si Zarah. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib nang mapanaginipan ang ina. Masama ang laman ng kanyang panaginip. Umalis raw ito at iniwan siya. Tinawag niya ito ngunit hindi ito lumingon, patuloy lang ito sa paglakad. Nagpapasalamat siyang panaginip lang pala iyon dahil ramdam niyang tila totoo ang pangyayaring iyon. Malinaw na malinaw sa kanyang isipan ang bawat eksena. Dali-dali siyang bumangon at tinungo ang kuwarto nang ina na malapit lang sa kusina. Ang akala niyang panaginip lang ay tila nagkakatotoo. Gulat na gulat siya nang mabuksan ang kuwarto nito. Wala na roon ang mga gamit ng ina, ang mga damit nito at iba pang mga personal na gamit. 'Iniwanan na ba ako ni mommy?' anas niya. "No! hindi totoo yon, hindi totoo yon! Mom!... mom!" patuloy niyang sambit sa pangalan nito habang kinalkal ang laman ng maliit nitong cabinet. Wala na ang maliit nitong maleta. Nanlumo siyang napaupo sa kama nito.Napahagulhol na lang si Zarah nang m
MAAGANG gumising si Zarah kinabukasan upang makapaghanda ng maaga. Papasok na siya ngayon sa trabaho matapos ang dalawang araw niyang pagliliban. Dumaan sa bahay niya kahapon si Cathy pagkagaling nito sa trabaho. Balita nito'y pumayag daw ang kanilang manager na magduty siya ngayon. Dahil hanggang limang araw pa raw ang binigay nitong tsansa bago siya ma-AWOL sa trabaho. Iyon daw kasi ang rules ng management. Mabilis niyang tinapos ang pagliligo at pagbihis. Nais niyang mas aagahan ang pagpunta roon dahil kailangan niya pang magreport sa opisina ng manager. Kung may sanction bang nakahanda sa kanya. Umaasa siyang mapakiusapan niya pa ang manager kung sakaling meron man. Kung gaano man siya kaaga ngayon ay ganoon din kaagang dumating ang hindi inaasahang bisita. "Ano na naman ang kailangan mo, Luke?" tanong niya agad nang mapagbuksan ito ng pinto. Akala niya si Cathy ang kumatok dahil napag-usapan nila kahapon na sabay na silang papasok ngayon sa trabaho. "Ikaw ang kailangan ko
DALAWANG araw ng dumaan ngunit hanggang ngayon ay wala pang naihandang pambayad si Zarah sa utang ng mommy niya. Tatlong araw lang ang binigay na panahon upang siya'y makakapagbayad. Pero wala pa rin siyang nakikitang pwedeng mauutangan. Lahat ng kakilala ay pinuntahan na niya. Kahit ang mga kasamahan niya sa trabaho ay wala talaga siyang mahihiraman. Siguro ay hirap ng buhay ngayon mahirap talagang kitain ang ganoon kalaking halaga. Sino naman ang magtitiwala sa kanya na kitang-kita naman na wala siyang kakayahan para makapagbayad kaya kahit pa siguro mayamang tao ay hindi siya pagkakatiwalaan. Kaninang hapon lang pag uwi niya nadatnan niya sa labas ng restaurant ang dalawang lalaking iyon. Ngayon niya napatunayan na hindi talaga nagbibiro ang mga yon. Talagang sinusundan ng mga ito ang bawat kilos niya. Wala siyang takas sa nga adik na yon. Lalo pa siyang natataranta nang bumulong ito nang mapadaan ang mga ito sa tapat niya. "Bukas sa alas tres ng hapon sa mismong bahay m
TILA napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ni Zarah. Matapos masulusyonan ang problema na kinasasangkutan ng kanyang ina ay sa isang iglap lang, settled na ang lahat. Ang lahat ng yon ay hindi niya makakamit kundi dahil sa tulong ni Luke. Hindi niya akalain na isa pala ito sa itinuring na maimpluwensiyang tao sa kanilang lugar. Kung kaya't nagawa nito ang lahat na nais nitong gawin sa isang pitik lamang ng daliri. Ang ama pala nito ay kilala sa larangan ng negosyo sa buong bansa. Kinuwento ni Manang Ninfa kung paano nagkakilala ang mag-ama. Si Aling Ninfa ay matagal ng nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilyang Guevarra. Ito ang pinadalang katulong ng ama ni Luke noong bumukod ito ng tirahan sa ama. Hindi man detalyado lahat ngunit sapat na sa kanya ang mga nalalaman tungkol sa binata. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita tungkol sa mommy niya. Nahihiya naman siyang humingi ng tulong kay Luke na hanapin ang kanyang ina dahil marami na itong naitulong sa kanya at ayaw ni
HUMIHINGAL na bumalik sa kusina si Zarah na sapo ang sariling dibdib. Nagkatinginan naman sina Dina, Narda at si Neneng parehong clueless sa nangyari. "Anong nagyari sa'yo, Zarah?" tanong ni Narda nang hindi makatiis dahil gulat na gulat ang mga ito sa hitsura niya. Hindi naman agad nasagot ni Zarah ang tanong ng mga kasama dahil dere-deretso niyang tinungo ang malaking ref at mabilis na kumuha roon ng malamig na tubig. Nagririgodon pa rin ang dibdib niya hanggang ngayon kaya agad niyang nilagok ang tubig na isinalin niya sa malaking baso. Tila uhaw na uhaw siya dahil naubos niya agad iyon. Napatigil naman ang tatlong kasama sa kanilang ginawa at parehong nakamasid sa kanya. Naguguluhan ang mga ito kung ano ba talaga ang nangyayari. "Zarah, napaano ka ba talaga? Bakit sobrang basa ng damit mo? Naligo ka rin ba doon sa pool? Sinabayan mo ba si Sir Luke?" tila kinilig na tanong ni Dina. Hindi pa rin makasagot si Zarah dahil abot-abot parin ang nadaramang kaba. "O, Zarah
TILA napakabilis ng mga sandali sa pagitan nina Luke at Zarah. Ang kanina'y pagpupumiglas ni Zarah ay unti-unti nang kumakapit ngayon sa mga bisig ni Luke. Lalo na nang malalasap ang mapupusok na halik ng binata. Ang kanina'y marahas nitong halik ay unti-unti ng naging masuyo. Luke was kissing her lips again and again. It was very sensual and sweet. Mas matamis kesa dati na mga halik nito. Mas masuyo na ngayon ang mga haplos nito. They were completely naked. He was on top of her, kissing her every inch of her body. Walang pag-aalinlangan si Zarah ng mga sandaling iyon. Alipin na ang kanyang buong sistema sa sarap na pinalasap ni Luke sa kanyang buong katawan. Nag-aalab ang kanilang mga damdamin at ang init nitong hatid. Nanginginig sa sobrang pananabik ang bawat himaymay ng kanyang kaibuturan. "Ohh... Luke," hindi niya napigilang sambitin ang pangalan nito sa bawat daing niya. Mayamaya ay saglit itong huminto. Muntik nang magpoprotesta ang kanyang katawan sa pagtigil ni
HINDI umuwi ng mansion si Luke nitong mga nakaraang mga araw. Sa condo siya umuwi galing opisina. Abala rin siya masyado ngayon sa kompanya dahil maraming investors ang nais mag invest sa lahat ng mga electronic products nila. Maganda at de-kalidad ang mga pinu-produce nilang mga computers and gadgets na siyang patok ngayon sa market. Magmula nang magkasakit ang kanyang ama, ini-atas nito sa kanya lahat ang mga trabaho sa kanilang kompanya. Kaya inaasahan niya talaga ang magkabilaang meetings at business trip ang mangyayari. Dalawang linggo na ang lumipas na hindi siya nakauwi sa mansion. Ngayong tapos na lahat ng mga business meetings niya, naisip niyang sa kanyang mansion muna mamalagi. Hindi niya maiiwasan ang nararamdamang excitement. Tila may parte ng pagkatao niya ang gustong makauwi kaagad. He missed someone in a way he never thought he would. He missed...... Zarah. After what happened between them sa mismong suites sa kanyang beach resort ay parati na itong pumapasok
"HOW long has Lander been here?" biglang tanong ni Luke. Nasa tapat niya ito ng hapag kainan. Ayaw sanang sumabay ni Zarah dito pero mapilit si Luke kaya wala siyang nagawa. Baka kasi isipin pa nitong umiwas siya. "Hmm... I think he's been here for about three hours before you arrived." sagot niya. Napatigil ito sa pagsubo. "So, kanina pa ka'yo nag-usap? Paano ba talaga ka'yo nagkakilala?" usisa ulit ni Luke. Ang akala niyang hindi na nito uungkatin pa tungkol sa kung paano niya nakilala si Lander ay nag-uusisa na naman ngayon. Wala siyang choice kundi sabihin dito kung paano niya ito nakilala at naging kaibigan. Wala naman siyang nakitang anumang reaksiyon sa mukha ni Luke pagkatapos niyang magsasalaysay. Ang totoo ay naroon pa rin ang pagkakailang niya dito. Lalo na kapag maalala ang nangyari sa kanila sa resort. Nagpapasalamat na lang din siya dahil hindi naman ito nagbukas ng usapan ukol sa pangyayaring iyon. Baka kinalimutan na talaga nito ang nangyari. Ano ka ba, Zarah
IS iT POSSIBLE for me to be discharged right away, Doc? Gusto kong sa bahay na lang ipagpapatuloy ang medication o di kaya sa clinic mo na lang, please? Pakiusap ni Luke sa personal niyang doctor na si Doc Zarah. Tatlong araw na itong namamalagi sa hospital at mismong si Zarah ang naging doctor nito. Pagkatapos ng madugong engkuwentro sa loob ng isla. Sa hospital na muling natagpuan ni Zarah ang binata pagkatapos siyang tawagan ni Briggs. Wala siyang ideya sa mga pangyayari. Gulong-gulo ang isip niya noong araw na yon dahil hindi niya inaasahan ang mga kaguluhang kinasasangkutan ng binata. Inooperahan niya sa balikat si Luke. May tama kasi ito ng bala sa parteng yon. Dagdag pa at nabagsakan pa ito ng lumang kisame sa naturang laboratoryo. Mabuti na lang at hindi naman napuruhan ang ulo ng binata, yon nga lang nawalan na kaagad ng malay. Marami ang naging katanungan sa isip niya kaya pinilit niya si Briggs na sabihin sa kanya ang mga nangyayari kay Luke from the past. Ayaw sana
LUKE "Hello, Cardo?" sagot ni Luke sa tawag ni Cardo. Madaling araw na nang magising siya sa sobrang ingay ng kanyang cellphone. Tulog pa si Zarah sa tabi niya. "Boss, may goodnews at badnews po." "What is it?" "Boss natagpuan na namin si Mrs. Buenaflor pero nakakatakas ang pinakapinuno ng grupo." "What?!" gulat siya sa narinig. Noong isang araw lang binalita ni Cardo sa kanya na nahuli na nga sana raw ang itinuring na pinakapinuno ng grupo na si Sergeant Edgardo Abanselo na kilala sa tawag na Boss Ed ngunit agad rin daw itong nakatakas at maging si Aldo na kaalyado nito ay nakatakas rin. Dating kasama ni Cardo sa Militarya si Edgardo Abanselo. At ito ang nagtraydor sa kaibigan upang iligwak si Cardo sa puwesto. Kaya naisipan ng huli na magreretiro ng maaga kesa patulan ang kahambogan ng dating kaibigan. Kasing-edad lamang ito ni Cardo at magkasabay ang dalawa nang pumasok sa PMA. Ngunit dahi sa galing ni Cardo kaya ito ang mas naunang umangat sa puwesto. Pero lingid sa
MASAKIT ang katawan ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Napahimbing ang tulog niya kaya hindi niya namalayan ang oras. Lumabas na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napahinga siya ng malalim. Muling sumasariwa sa kanyang isip ang mainit na tagpong kanilang pinagsasaluhan ni Luke kagabi. Kinapa niya ang katabing lugar na hinigaan ng binata. Wala na ito sa kanyang tabi, tila maaga itong umalis. Bigla siyang nakakaramdam ng lungkot sa naisip. Hindi man lang nito hinintay ang kanyang paggising. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bigla na lang itong nawala na hindi man lang nagpaalam. 'Kainis!' maktol niya. 'Kailan ka lang natutong magsesenti ha?' reklamo ng kanyang kabilang isip. Eh, sino ba kasing hindi magsesenti eh kaytamis ng pinagsaluhan nila kagabi tapos bigla na lang itong aalis kinaumagahana o baka madaling araw pa yon umalis. Napasimangot tuloy siya. Nagmamaktol na bumaba siya sa kama at
TULUYAN nang nawala sa sariling katinuan si Zarah ng sandaling yon. Tila saglit na tumigil sa pag inog ang mundo niya nang tuluyang sakupin ni Luke ang nakaawang niyang mga labi. His lips touching hers with so much love and tender. When Luke was kissing her, she immediately felt a familiar heat that suddenly spread throughout her body. Nagsimulang haplusin nito ng marahan ang bisig niya paakyat sa batok while kissing her passionately. "Ara, I missed you so much. You have no idea how much I long for this to happen between us again." Luke said as they were in the midst of their kisses. Tila unti-unti na ring nalulunod si Zarah sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hinila siya ni Luke sa loob ng bathtub na magkahinang parin ang kanilang mga labi. Ni hindi niya nararamdaman ang lamig na nagmumula sa tubig dahil masyado ng alipin ang kanyang sistema sa kakaibang init na nagsisimulang namumuo sa kanyang katawan. Init na tanging si Luke lamang ang may kakayahang makapagbibigay non
"MAARI bang dito muna ako matutulog kahit ngayong gabi lang, Ara?" Tanong ni Luke sa kanya pagkatapos nilang maghapunan. Kakalabas lang nito mula sa kuwarto ng kanilang anak. Pinatulog muna nito si Leanne bago sila nag pasyang lumabas ng bahay upang makapag-usap. Mas pinili nilang sa labas mag-usap dahil baka magising si Leanne at maririnig nito ang kanilang pag uusapan. "That's what Leanne's asked for so who am I to stop it. I don't want to be the one opposing everything my child wants, Luke. And I also know that my daughter longs for our time, which is why I let it be." marahan ngunit may diin ang mga salitang binitawan niya. "Thank you," Mahinang tugon nito at bakas sa mukha ang kasiyahan sa kanyang sagot. "Ano nga pala ang gusto mong pag usapan natin?" tanong nito. Sinabi niya kasi kanina na may pag usapan sila kapag natulog na ang bata. "Nais ko sanang pag-uusapan ang tungkol kay Leanne. Hinahanap ka ng anak ko lalo na sa tuwing hindi ka makabisita kaya naisip kong ayu
ZARAH"DADDY!!" Masayang sigaw ni Leanne pagkakita nito sa ama sa may hamba ng pintuan. Dalawang linggo nang hindi ito napadalaw. Kaya labis ang pananabik ni Leanne na makita ang ama. Kahit halos araw-araw naman itong ka-usap ang ama sa phone. Pagkatapos ng mga nangyayari sa clinic. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Nakapagdesisyon siyang bumalik sa bahay at dito na matutulog sa gabi. Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya ay napapahiya siya sa sarili sa huling turan ni Luke. Na mas pinili niyang magpakalayo at umiwas dito kesa ang makasama ang anak niya. Ilang beses niyang pinag-isipan yon at aminado siyang tama nga ito. Kung bakit niya nagawa yon gayong wala namang ibang mas mahalaga sa kanya maliban sa kanyang anak. Kaya nga niya piniling umuwi sa bansa dahil nais niyang mabigyan ng sapat na oras ang kanyang anak, pero ano itong ginagawa niya. Nandahil lamang sa kakaiwas sa isang tao ay nagawa niya ring tikisin ang anak. Hindi niya ba kayang isaalang-alang ang sarili
INIHANDA niya ang sarili sa posibleng mangyayari. Hindi maaring wala siyang gagawin, kailangan niyang kumilos. Sabik na siyang makita at makilala ang kanyang anak. Kaya palihim siyang pumunta sa school na pinapasukan nito. Noong una ay napakailap nito sa kanya dahil mahigpit raw itong pinagbabawalan na huwag makipag-usap sa mga taong hindi kakilala. Ngunit pursigido siya, kung anu-ano na lamang ang kanyang naisip na paraan upang sa ganon makakalapit siya sa anak. Kinausap niya si Mr. Smith. Ne-rekomenda niya ang paaralan na pinapasukan ng kanyang anak upang maisali ito sa mga paaralang ini-sponsoran ng kompanya. At dahil doon ipinakilala siya sa faculty staff bilang isang sponsor. And he is no longer a stranger in the eyes of his daughter anymore. Doon nagsisimula ang lahat. Kinuha niya ang loob ng kanyang anak upang magtiwala ito sa kanya. Halos araw-araw niyang ginawa yon. Inaabangan niya palagi si Leanne sa tuwing pumasok ito hanggang sa uwian. Nakuha niya rin ang loob ng bant
"B-BRO, Luke?!" Gulat si Lander pagkabukas niya ng pinto naroon ang kanyang kapatid na si Luke. Ito ang unang beses na napagawi ito sa condo niya. "Boogss!" Sapol ang kanyang panga nang biglang suntukin siya nito. Napaupo siya sa sahig habang sapo ang parteng sinuntok ng kapatid. "How dare you lie to me, Lander!" galit nitong saad. Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Alam niya na si Luke ang sakay ng kotseng bumusina kanina sa parking lot. Alam niya rin na nasa bansa ito dahil tinawagan siya ng mommy niya sa planong pagpunta nito sa Amerika. Hindi naman napigilan ni Luke ang nararamdamang galit sa oras na yon. Pakiramdam niya niloloko siya ng kapatid. "Why? Why didn't you tell me that Zarah was just here?! Why didn't you say anything about it when you came home and I asked you?" sunud-sunod ang kanyang mga tanong at naniningkit ang mga mata dahil sa sobrang galit. Ngumisi lang ang kanyang kapatid. Ni walang bakas sa mukha ang paghingi ng paumanhin. Bagkus nilabanan pa
MR. SMITH and I was currently had a meeting to the one of the director from the hospital. They talked about the capacity to accommodate patients daily and whether the number of doctors and nurses available was sufficient. Actually, this hospital was lack of health proffesionals. Kailangan nitong mag-hire ng mga foriegn doctors and nurses dahil hindi sapat ang mga aplikante sa bansang ito. Lalo na daw ngayon na may iilang doctors na rin ang nagreretiro at mayroon ding nagresign. Marahil ay dahil hindi maakakayanan ang sobrang puyat dahil sa dami ng pasyente. So they discussed the option of recruiting foriegn applicants. Nagbabahagi rin siya ng ilang mga kaibigan at kakilalang mga doctor na puwedeng i-hire. After discussions they signed sponsorship agreements. Although mayaman naman ang bansang Amerika dahil suportado naman ng gobyerno ang mga pampublikong komunidad. Kinulang lang talaga sa manpower ang bawat komunidad sa naturang bansa. Siya na ang kusang nagbigay dito ng envelope