Share

Chapter 26 "beach resort"

HUMIHINGAL na bumalik sa kusina si Zarah na sapo ang sariling dibdib. Nagkatinginan naman sina Dina, Narda at si Neneng parehong clueless sa nangyari.

"Anong nagyari sa'yo, Zarah?" tanong ni Narda nang hindi makatiis dahil gulat na gulat ang mga ito sa hitsura niya.

Hindi naman agad nasagot ni Zarah ang tanong ng mga kasama dahil dere-deretso niyang tinungo ang malaking ref at mabilis na kumuha roon ng malamig na tubig.

Nagririgodon pa rin ang dibdib niya hanggang ngayon kaya agad niyang nilagok ang tubig na isinalin niya sa malaking baso.

Tila uhaw na uhaw siya dahil naubos niya agad iyon.

Napatigil naman ang tatlong kasama sa kanilang ginawa at parehong nakamasid sa kanya. Naguguluhan ang mga ito kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Zarah, napaano ka ba talaga? Bakit sobrang basa ng damit mo? Naligo ka rin ba doon sa pool? Sinabayan mo ba si Sir Luke?" tila kinilig na tanong ni Dina.

Hindi pa rin makasagot si Zarah dahil abot-abot parin ang nadaramang kaba.

"O, Zarah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status