NASA villa ng mga Guevarra sa Batangas tumuloy sina Luke at Zarah. Gabi na nang makarating sila sa naturang villa. Kaya sa halip na mamasyal ay mas pinili na lamang ng dalawa ang magpahinga dahil sa haba ng oras na kanilang binyahe agad silang nakakaramdam ng pagod. Halos inabot nila ang apat na oras sa pagbibiyahe dahil sa sobrang traffic kaya hindi sila umabot sa oras na kanilang inaasahan. Tapos na rin silang kumain sa restaurant na kanilang nadadaanan kanina. Nasa kuwarto na ngayon si Zarah hinanda niya ang susuotin ni Luke sa pagtulog. Si Luke naman ay nasa banyo na ito upang maligo. Nauna na siyang naligo dito kaya sumampa na siya sa kama. May tatlong kuwarto ang villa na kanilang tinutuluyan at ang pinakamalaking kuwarto ang kanilang inuukupa. Gusto niya sanang okupahin ang kabilang kuwarto ngunit ayaw naman siyang payagan ni Luke, bakit niya pa raw gagawin iyon, eh, magkasama naman daw sila sa iisang kuwarto sa mansiyon nito, kaya sa huli ito na rin ang nasusunod. Nais n
MATAMIS ang mga ngiting namumutawi sa mga labi ni Zarah ng umagang iyon. Nasa loob sila ng restaurant ni Luke ngayon upang mag-aalmusal. Nauna pa itong nagising sa kanya kanina at ginising na lamang siya sa binata. Hindi pa niya malilimutan ang tamis ng mga ngiti ni Luke pagmulat niya kanina. Tila napakasaya nito habang pinagmasdan siya. Kinintalan pa siya ng halik nito as a morning kiss na hindi naman nito dating ginawa sa kanya. Nagtataka man siya'y ngunit hindi niya naman magawang magtanong. Gusto niyang ito ang kusang magsasabi kung ano ang dahilan ng pagiging masayahin nito. "Hey? Kanina pa kita nakikitang pangiti-ngiti diyan, ano naman ang ikinutuwa mo, ha?" tila amuse nitong tanong at amuse rin siyang napatitig dito. "Hmm... wala lang I'm just happy to be with you, Luke," hindi napigilang wika niya. Napangiti naman si Luke sa kanyang tinuran. "Same here, honey," sagot nito na mas lalong ikinatuwa niya lalo na ang endearment nitong tawag sa kanya na kadalasan niya lamang na
"HEY, MAUUBOS mo ba yan? Andami ng kinuha mo, Ara." tanong ni Luke. Nasa bakuran sila ngayon ng kubo at sa lilim ng punong mansanitas nilagay ni Zara ang transparent mini table. Meron ding mga upuan. Dahil kanina pa ay naglalaway sa nakitang buko kaya hindi siya nag aksaya pa ng panahon. Kumuha siya ng bunga nito ng hindi lamang isa kundi lima. Pinabuksan niya ito kay Luke. Mabuti na lang at marunong pala itong magbiyak ng buko. "Hmm.. kung hindi natin mauubos e pwede naman natin itong dalhin sa villa, right?" sagot niya na tila siguradong-sigurado sa sariling desisyon. "What?! We can't bring all of these, Ara. Don't you notice how heavy these are?" Hindi makakapaniwala si Luke sa kanyang tinuran. This feeling she had was something strange. Dati-rati ay nako-kontrol naman niya ang pagki-crave ng pagkain lalo na at hindi niya naa-afford. Pero ngayon, pansin niya sa sarili na may nagbago sa kanya. Lalo na pagdating sa pagkain, napakatakaw niya ngayon at lahat ng pagkain na p
WALANG imik nang umuwi sina Zarah at Luke ng hapong iyon. Minsang sinabi ni Luke na doon sila matutulog kahit isang gabi lang ngunit hindi pumayag si Zarah. Hindi sa ayaw niyang manatili sa maliit na lugar kundi ay dahil sa hindi siya komportable sa mga natutuklasan. Feeling niya naroon pa rin ang presensiya ng dating nobya ni Luke na si Angela. Kasi naroon ang mga bagay na nagpapaalala sa binata tungkol dito. Minsan naisip niyang baka iyon ay dati nilang tagpuan o di kaya'y love nest ng dalawa ang lugar na 'yon. Kaya hindi niya kayang magtagal sa lugar na kung saan ay naging alaala nito ang dating kasintahan. Hindi naman siya selfish. Marunong naman siyang bumigay at sundin ang kagustuhan nito siguro sa ibang pagkakataon at wala siyang nalalaman gugustuhin siguro niya kahit pa sa buong linggo pang maninirahan ay siguradong pumayag siya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay tila ayaw niyang magtagal pa doon. Ipinagpasalamat na lamang niyang hindi siya pinilit pa ng binata. Nakarating
NAKAUWI na ng mansion sina Luke at Zarah pagkatapos ng dalawang araw nilang bakasyon sa Batangas. Gusto pa sanang mag-extend ni Luke ngunit tinawagan ito ng sekretarya na marami pa itong dadaluhang conference regarding sa mga foreign investors na kakarating lamang sa bansa. Those are infuential investors na hindi niya pwedeng baliwalain kaya napauwi na rin sila ng maaga.Dagdag pa ang ilang beses na tumawag ang kanyang ama. Nagtatanong kung kailan niya ito bibisitahin. Alam niyang kukukilitin na naman siya nito kung kailan siya mag-aasawa at nang magkakaroon na ito ng apo. Sa loob ng campus, abala si Zarah sa paggawa ng kanyang thesis at mga assignments. Kailangan niyang tapusin agad ang mga yon dahil sa susunod na linggo ay magkakaroon sila ng outreach program sa probinsya. As a pre-med student isa rin ito sa mga pagdaanan nila bilang parte sa kursong may kinalaman sa medisina. Ito ang pangarap niya noon pa, ang makakatulong sa mg taong kapus-palad na walang kakayahang magpapagamo
Sa Barangay Pundaquit San Atonio, Zambales ang venue ng outreach program. Sa isang maaraw na umaga sa naturang baryo. Ang mga residente ay nagtipon sa paligid ng kanilang barangay hall, ang mga bata ay naglalaro habang ang mga matatanda ay nagkukumpulan sa ilalim ng mga puno. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa dumating na puting van na may logo ng outreach program. Bumukas ang pinto ng van, at unang lumabas si Zarah dahil nasa bandang pinto siya nakapuwesto. Ang kanyang excitement ay halata habang hawak ang isang malaking bag na puno ng medical supplies. Kasunod niya si Mitch na may dalang maliit na medical kit sumunod rin ang kanilang mga kasama. Nasa kabilang van naman ang ilang mga nurses at doctors and other health professionals. Pareho silang nakasuot ng mga uniporme na may logo ng outreach program, tanda ng kanilang dedikasyon. Sumalubong sa kanila ang mga lokal na lider at mga tagapagtulong ng barangay. Ang mga matatanda at kabataan ay nagsalita ng mga salitang puno
"Tara na, Zarah, sabay na tayong mag-lunch, tayo na lang ang naiwan dito." yakag ni Mitch sa kanya. Pangatlong araw nila ngayon dito sa Zambales at pansin niyang hindi na masayadong marami ang mga taong nagpapacheck-up ngayon kung ikokompara sa unang araw pa lamang nila dito. Kakagaling niya lang sa rest room. Hinintay siya ni Mitch sa labas. "O, sige, tara na." "Teka... sandali lang, kanino kaya yong bagong sasakyan na paparating?" Tanong ni Mitch na bahagya pang napatigil. Tiningnan niya ang itinuro nito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil kilala niya kung sino ang may-ari ng sasakyan na yon. Kay Luke ang sasakyan na yon. Is he going to visit her?Marahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Nagkakaroon ng excitement ang puso niya na tila hindi niya mahintay na salubungin si Luke. "Teka...teka... sandali dzai, bakit ba tila excited kang lumapit sa sasakyan na yan? Kilala mo ba yan?" napakunot-noong tanong nito. Ngumiti siya. "Yes, kilalang-kilala ko, Mitc
ABALA si Zarah sa pag-oorganisa ng mga bitamina. Pinagbuklod-buklod niya ang mga iyon ayon sa klase, upang sa ganon ay madali lang para sa kanyang ma-i-distribute ito sa mga bata. Pilit niyang inignora sa isip ang dalawang tao na siyang nagpapagulo sa kanyang isipan. Mabuti na lang at medyo naka-distansiya sa kinaroroonan nila ang puwesto ng mga nurses. Minsan nahagip ng kanyang mga mata si Luke na laging nakabuntot kay Angela dala-dala ang malaking payong at pinayungan ang dalaga. Napaismid tuloy siya. Bakit pa ito pumunta dito kung di naman pala makakayanan ang init ng araw? Tsee! ang arte!' bulong niya sa isip. Iniwasan niyang mapagawing muli ang paningin sa puwesto ng mga ito. "Hi, Miss Pretty, Good morning!" Doc Richard greeted her. Hindi niya agad napansin ang pagdating ni Doc Richard. Ito pa rin kasi ang magiging ka-partner niya sa puwesto na kung saan tsene-check nito ang mga bata lalo na sa mga batang kulang sa nourishment. Habang ang kaibigan niyang si Mitch n