WALANG imik nang umuwi sina Zarah at Luke ng hapong iyon. Minsang sinabi ni Luke na doon sila matutulog kahit isang gabi lang ngunit hindi pumayag si Zarah. Hindi sa ayaw niyang manatili sa maliit na lugar kundi ay dahil sa hindi siya komportable sa mga natutuklasan. Feeling niya naroon pa rin ang presensiya ng dating nobya ni Luke na si Angela. Kasi naroon ang mga bagay na nagpapaalala sa binata tungkol dito. Minsan naisip niyang baka iyon ay dati nilang tagpuan o di kaya'y love nest ng dalawa ang lugar na 'yon. Kaya hindi niya kayang magtagal sa lugar na kung saan ay naging alaala nito ang dating kasintahan. Hindi naman siya selfish. Marunong naman siyang bumigay at sundin ang kagustuhan nito siguro sa ibang pagkakataon at wala siyang nalalaman gugustuhin siguro niya kahit pa sa buong linggo pang maninirahan ay siguradong pumayag siya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay tila ayaw niyang magtagal pa doon. Ipinagpasalamat na lamang niyang hindi siya pinilit pa ng binata. Nakarating
NAKAUWI na ng mansion sina Luke at Zarah pagkatapos ng dalawang araw nilang bakasyon sa Batangas. Gusto pa sanang mag-extend ni Luke ngunit tinawagan ito ng sekretarya na marami pa itong dadaluhang conference regarding sa mga foreign investors na kakarating lamang sa bansa. Those are infuential investors na hindi niya pwedeng baliwalain kaya napauwi na rin sila ng maaga.Dagdag pa ang ilang beses na tumawag ang kanyang ama. Nagtatanong kung kailan niya ito bibisitahin. Alam niyang kukukilitin na naman siya nito kung kailan siya mag-aasawa at nang magkakaroon na ito ng apo. Sa loob ng campus, abala si Zarah sa paggawa ng kanyang thesis at mga assignments. Kailangan niyang tapusin agad ang mga yon dahil sa susunod na linggo ay magkakaroon sila ng outreach program sa probinsya. As a pre-med student isa rin ito sa mga pagdaanan nila bilang parte sa kursong may kinalaman sa medisina. Ito ang pangarap niya noon pa, ang makakatulong sa mg taong kapus-palad na walang kakayahang magpapagamo
Sa Barangay Pundaquit San Atonio, Zambales ang venue ng outreach program. Sa isang maaraw na umaga sa naturang baryo. Ang mga residente ay nagtipon sa paligid ng kanilang barangay hall, ang mga bata ay naglalaro habang ang mga matatanda ay nagkukumpulan sa ilalim ng mga puno. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa dumating na puting van na may logo ng outreach program. Bumukas ang pinto ng van, at unang lumabas si Zarah dahil nasa bandang pinto siya nakapuwesto. Ang kanyang excitement ay halata habang hawak ang isang malaking bag na puno ng medical supplies. Kasunod niya si Mitch na may dalang maliit na medical kit sumunod rin ang kanilang mga kasama. Nasa kabilang van naman ang ilang mga nurses at doctors and other health professionals. Pareho silang nakasuot ng mga uniporme na may logo ng outreach program, tanda ng kanilang dedikasyon. Sumalubong sa kanila ang mga lokal na lider at mga tagapagtulong ng barangay. Ang mga matatanda at kabataan ay nagsalita ng mga salitang puno
"Tara na, Zarah, sabay na tayong mag-lunch, tayo na lang ang naiwan dito." yakag ni Mitch sa kanya. Pangatlong araw nila ngayon dito sa Zambales at pansin niyang hindi na masayadong marami ang mga taong nagpapacheck-up ngayon kung ikokompara sa unang araw pa lamang nila dito. Kakagaling niya lang sa rest room. Hinintay siya ni Mitch sa labas. "O, sige, tara na." "Teka... sandali lang, kanino kaya yong bagong sasakyan na paparating?" Tanong ni Mitch na bahagya pang napatigil. Tiningnan niya ang itinuro nito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil kilala niya kung sino ang may-ari ng sasakyan na yon. Kay Luke ang sasakyan na yon. Is he going to visit her?Marahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Nagkakaroon ng excitement ang puso niya na tila hindi niya mahintay na salubungin si Luke. "Teka...teka... sandali dzai, bakit ba tila excited kang lumapit sa sasakyan na yan? Kilala mo ba yan?" napakunot-noong tanong nito. Ngumiti siya. "Yes, kilalang-kilala ko, Mitc
ABALA si Zarah sa pag-oorganisa ng mga bitamina. Pinagbuklod-buklod niya ang mga iyon ayon sa klase, upang sa ganon ay madali lang para sa kanyang ma-i-distribute ito sa mga bata. Pilit niyang inignora sa isip ang dalawang tao na siyang nagpapagulo sa kanyang isipan. Mabuti na lang at medyo naka-distansiya sa kinaroroonan nila ang puwesto ng mga nurses. Minsan nahagip ng kanyang mga mata si Luke na laging nakabuntot kay Angela dala-dala ang malaking payong at pinayungan ang dalaga. Napaismid tuloy siya. Bakit pa ito pumunta dito kung di naman pala makakayanan ang init ng araw? Tsee! ang arte!' bulong niya sa isip. Iniwasan niyang mapagawing muli ang paningin sa puwesto ng mga ito. "Hi, Miss Pretty, Good morning!" Doc Richard greeted her. Hindi niya agad napansin ang pagdating ni Doc Richard. Ito pa rin kasi ang magiging ka-partner niya sa puwesto na kung saan tsene-check nito ang mga bata lalo na sa mga batang kulang sa nourishment. Habang ang kaibigan niyang si Mitch n
HALOS hilahin ni Zarah ang oras upang matapos kaagad ang buong araw nilang trabaho. Lalo na ngayon dahil nariyan pa rin si Angela na kasa-kasama nila. Panghuling araw na nila ngayon sa naturang lugar. Umaga pa lang abala na ang lahat sa kani-kanilang trabaho. Nakatalaga kina Zarah at Mitch ngayon ang pag re-repack ng mga groceries. Sa bawat supot klase-klaseng groceries ang laman at may tiglimang kilo ng bigas sa loob. Tatlo sila ni Mitch at ang isa pang estudyante na si Arci, mabait naman ito at palangiti. Una itong nakilala at naging kaibigan ni Mitch kaya nong sabihin nilang tatlo sila ang mai-talaga doon agad itong hinila ni Mitch. Masayahin rin ito kaya walang duda kung bakit mabilis itong nakasundo ng kaibigan. Meron ding nakatalaga sa pagluluto at pagre-repack ng food packs meals, at ang iba naman ay nag di-distribute ng mga grocery packs. "Hey girl, ok ka lang ba diyan? Ang tahimik mo, ah." Pukaw ni Mitch sa kanya. Masyado kasi siyang nakafucos sa trabaho. "Dahan-dahan
PAGDATING ni Zarah ng Maynila agad niyang binaybay ang daan patungo sa mansiyon ni Luke. Malalim na ang gabi pagdating niya malapit sa main entrance ng naturang subdivision. Sa labas lamang siya nagpapa-drop kay Doc Richard. Pinili niyang mag-papadrop sa tapat ng bahay kahit hindi niya naman kilala kung kaninong bahay iyon para lamang hindi mag-iinsist ang doctor na siya'y ihatid sa bahay niya. May palagay kasi siyang alam nito ang bahay ni Luke. Iniiwasan niyang malaman nito ang totoong estado sa buhay niya kasama ang amo. Pagkaalis ng kotse agad niyang binaybay ang sementadong daan. Nasa tatlong daang metro ang layo non at nilalakad niya lang. Sobrang tahimik pagdating niya sa loob ng mansion. Sa palagay niya ay tulog na siguro sila Manang at ang iba pa nilang mga kasama. Mabuti na lang at hindi nakalock ang nasa likurang bahaging pintuan. Dumeretso siya sa kuwarto ni Luke. Pero naka-lock iyon at tila wala namang bakas na may tao sa loob o baka natutulog na ito. Pero hindi
ARAW ng linggo ngayon ngunit hanggang ngayon hindi pa rin umuwi si Luke sa mansiyon. Dalawang araw na ang nakalilipas sa kanyang pagbalik at tuluyan na ring umalis si Manang Ninfa. Bumalik ito sa mansiyon ng matandang Guevarra ang ama ni Luke. At ang driver nilang si Caloy wala rin doon. Umuwi rin daw ito ng probinsiya sabi ni Manang. Isang linggo na nga raw itong nakaalis pero hanggang ngayon hindi pa bumalik. Tapos na siyang maglinis at nakapagluto na rin siya. Kung uuwi man si Luke ay may pagkain na siyang naihanda. Napakatahimik ng buong bahay siya lang kasi ang mag-isa kaya naisipan niyang mamasyal. Pupunta siya sa mall dahil gusto rin niyang bumili ng bagong sapatos para sa paparating na graduation. Naisip niyang magsimba muna kaya pinadaan niya nag taxing sinakyan sa tapat ng simbahan. Eksaktong katatapos lang din ng first mass. Huminga muna siya ng malalim bilang paghahanda sa sarili para sa ilang sandaling katahimikan. Nararamdaman niya ang kapayapaan habang papal
IS iT POSSIBLE for me to be discharged right away, Doc? Gusto kong sa bahay na lang ipagpapatuloy ang medication o di kaya sa clinic mo na lang, please? Pakiusap ni Luke sa personal niyang doctor na si Doc Zarah. Tatlong araw na itong namamalagi sa hospital at mismong si Zarah ang naging doctor nito. Pagkatapos ng madugong engkuwentro sa loob ng isla. Sa hospital na muling natagpuan ni Zarah ang binata pagkatapos siyang tawagan ni Briggs. Wala siyang ideya sa mga pangyayari. Gulong-gulo ang isip niya noong araw na yon dahil hindi niya inaasahan ang mga kaguluhang kinasasangkutan ng binata. Inooperahan niya sa balikat si Luke. May tama kasi ito ng bala sa parteng yon. Dagdag pa at nabagsakan pa ito ng lumang kisame sa naturang laboratoryo. Mabuti na lang at hindi naman napuruhan ang ulo ng binata, yon nga lang nawalan na kaagad ng malay. Marami ang naging katanungan sa isip niya kaya pinilit niya si Briggs na sabihin sa kanya ang mga nangyayari kay Luke from the past. Ayaw sana
LUKE "Hello, Cardo?" sagot ni Luke sa tawag ni Cardo. Madaling araw na nang magising siya sa sobrang ingay ng kanyang cellphone. Tulog pa si Zarah sa tabi niya. "Boss, may goodnews at badnews po." "What is it?" "Boss natagpuan na namin si Mrs. Buenaflor pero nakakatakas ang pinakapinuno ng grupo." "What?!" gulat siya sa narinig. Noong isang araw lang binalita ni Cardo sa kanya na nahuli na nga sana raw ang itinuring na pinakapinuno ng grupo na si Sergeant Edgardo Abanselo na kilala sa tawag na Boss Ed ngunit agad rin daw itong nakatakas at maging si Aldo na kaalyado nito ay nakatakas rin. Dating kasama ni Cardo sa Militarya si Edgardo Abanselo. At ito ang nagtraydor sa kaibigan upang iligwak si Cardo sa puwesto. Kaya naisipan ng huli na magreretiro ng maaga kesa patulan ang kahambogan ng dating kaibigan. Kasing-edad lamang ito ni Cardo at magkasabay ang dalawa nang pumasok sa PMA. Ngunit dahi sa galing ni Cardo kaya ito ang mas naunang umangat sa puwesto. Pero lingid sa
MASAKIT ang katawan ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Napahimbing ang tulog niya kaya hindi niya namalayan ang oras. Lumabas na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napahinga siya ng malalim. Muling sumasariwa sa kanyang isip ang mainit na tagpong kanilang pinagsasaluhan ni Luke kagabi. Kinapa niya ang katabing lugar na hinigaan ng binata. Wala na ito sa kanyang tabi, tila maaga itong umalis. Bigla siyang nakakaramdam ng lungkot sa naisip. Hindi man lang nito hinintay ang kanyang paggising. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bigla na lang itong nawala na hindi man lang nagpaalam. 'Kainis!' maktol niya. 'Kailan ka lang natutong magsesenti ha?' reklamo ng kanyang kabilang isip. Eh, sino ba kasing hindi magsesenti eh kaytamis ng pinagsaluhan nila kagabi tapos bigla na lang itong aalis kinaumagahana o baka madaling araw pa yon umalis. Napasimangot tuloy siya. Nagmamaktol na bumaba siya sa kama at
TULUYAN nang nawala sa sariling katinuan si Zarah ng sandaling yon. Tila saglit na tumigil sa pag inog ang mundo niya nang tuluyang sakupin ni Luke ang nakaawang niyang mga labi. His lips touching hers with so much love and tender. When Luke was kissing her, she immediately felt a familiar heat that suddenly spread throughout her body. Nagsimulang haplusin nito ng marahan ang bisig niya paakyat sa batok while kissing her passionately. "Ara, I missed you so much. You have no idea how much I long for this to happen between us again." Luke said as they were in the midst of their kisses. Tila unti-unti na ring nalulunod si Zarah sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hinila siya ni Luke sa loob ng bathtub na magkahinang parin ang kanilang mga labi. Ni hindi niya nararamdaman ang lamig na nagmumula sa tubig dahil masyado ng alipin ang kanyang sistema sa kakaibang init na nagsisimulang namumuo sa kanyang katawan. Init na tanging si Luke lamang ang may kakayahang makapagbibigay non
"MAARI bang dito muna ako matutulog kahit ngayong gabi lang, Ara?" Tanong ni Luke sa kanya pagkatapos nilang maghapunan. Kakalabas lang nito mula sa kuwarto ng kanilang anak. Pinatulog muna nito si Leanne bago sila nag pasyang lumabas ng bahay upang makapag-usap. Mas pinili nilang sa labas mag-usap dahil baka magising si Leanne at maririnig nito ang kanilang pag uusapan. "That's what Leanne's asked for so who am I to stop it. I don't want to be the one opposing everything my child wants, Luke. And I also know that my daughter longs for our time, which is why I let it be." marahan ngunit may diin ang mga salitang binitawan niya. "Thank you," Mahinang tugon nito at bakas sa mukha ang kasiyahan sa kanyang sagot. "Ano nga pala ang gusto mong pag usapan natin?" tanong nito. Sinabi niya kasi kanina na may pag usapan sila kapag natulog na ang bata. "Nais ko sanang pag-uusapan ang tungkol kay Leanne. Hinahanap ka ng anak ko lalo na sa tuwing hindi ka makabisita kaya naisip kong ayu
ZARAH"DADDY!!" Masayang sigaw ni Leanne pagkakita nito sa ama sa may hamba ng pintuan. Dalawang linggo nang hindi ito napadalaw. Kaya labis ang pananabik ni Leanne na makita ang ama. Kahit halos araw-araw naman itong ka-usap ang ama sa phone. Pagkatapos ng mga nangyayari sa clinic. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Nakapagdesisyon siyang bumalik sa bahay at dito na matutulog sa gabi. Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya ay napapahiya siya sa sarili sa huling turan ni Luke. Na mas pinili niyang magpakalayo at umiwas dito kesa ang makasama ang anak niya. Ilang beses niyang pinag-isipan yon at aminado siyang tama nga ito. Kung bakit niya nagawa yon gayong wala namang ibang mas mahalaga sa kanya maliban sa kanyang anak. Kaya nga niya piniling umuwi sa bansa dahil nais niyang mabigyan ng sapat na oras ang kanyang anak, pero ano itong ginagawa niya. Nandahil lamang sa kakaiwas sa isang tao ay nagawa niya ring tikisin ang anak. Hindi niya ba kayang isaalang-alang ang sarili
INIHANDA niya ang sarili sa posibleng mangyayari. Hindi maaring wala siyang gagawin, kailangan niyang kumilos. Sabik na siyang makita at makilala ang kanyang anak. Kaya palihim siyang pumunta sa school na pinapasukan nito. Noong una ay napakailap nito sa kanya dahil mahigpit raw itong pinagbabawalan na huwag makipag-usap sa mga taong hindi kakilala. Ngunit pursigido siya, kung anu-ano na lamang ang kanyang naisip na paraan upang sa ganon makakalapit siya sa anak. Kinausap niya si Mr. Smith. Ne-rekomenda niya ang paaralan na pinapasukan ng kanyang anak upang maisali ito sa mga paaralang ini-sponsoran ng kompanya. At dahil doon ipinakilala siya sa faculty staff bilang isang sponsor. And he is no longer a stranger in the eyes of his daughter anymore. Doon nagsisimula ang lahat. Kinuha niya ang loob ng kanyang anak upang magtiwala ito sa kanya. Halos araw-araw niyang ginawa yon. Inaabangan niya palagi si Leanne sa tuwing pumasok ito hanggang sa uwian. Nakuha niya rin ang loob ng bant
"B-BRO, Luke?!" Gulat si Lander pagkabukas niya ng pinto naroon ang kanyang kapatid na si Luke. Ito ang unang beses na napagawi ito sa condo niya. "Boogss!" Sapol ang kanyang panga nang biglang suntukin siya nito. Napaupo siya sa sahig habang sapo ang parteng sinuntok ng kapatid. "How dare you lie to me, Lander!" galit nitong saad. Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Alam niya na si Luke ang sakay ng kotseng bumusina kanina sa parking lot. Alam niya rin na nasa bansa ito dahil tinawagan siya ng mommy niya sa planong pagpunta nito sa Amerika. Hindi naman napigilan ni Luke ang nararamdamang galit sa oras na yon. Pakiramdam niya niloloko siya ng kapatid. "Why? Why didn't you tell me that Zarah was just here?! Why didn't you say anything about it when you came home and I asked you?" sunud-sunod ang kanyang mga tanong at naniningkit ang mga mata dahil sa sobrang galit. Ngumisi lang ang kanyang kapatid. Ni walang bakas sa mukha ang paghingi ng paumanhin. Bagkus nilabanan pa
MR. SMITH and I was currently had a meeting to the one of the director from the hospital. They talked about the capacity to accommodate patients daily and whether the number of doctors and nurses available was sufficient. Actually, this hospital was lack of health proffesionals. Kailangan nitong mag-hire ng mga foriegn doctors and nurses dahil hindi sapat ang mga aplikante sa bansang ito. Lalo na daw ngayon na may iilang doctors na rin ang nagreretiro at mayroon ding nagresign. Marahil ay dahil hindi maakakayanan ang sobrang puyat dahil sa dami ng pasyente. So they discussed the option of recruiting foriegn applicants. Nagbabahagi rin siya ng ilang mga kaibigan at kakilalang mga doctor na puwedeng i-hire. After discussions they signed sponsorship agreements. Although mayaman naman ang bansang Amerika dahil suportado naman ng gobyerno ang mga pampublikong komunidad. Kinulang lang talaga sa manpower ang bawat komunidad sa naturang bansa. Siya na ang kusang nagbigay dito ng envelope