NAKAUWI na ng mansion sina Luke at Zarah pagkatapos ng dalawang araw nilang bakasyon sa Batangas. Gusto pa sanang mag-extend ni Luke ngunit tinawagan ito ng sekretarya na marami pa itong dadaluhang conference regarding sa mga foreign investors na kakarating lamang sa bansa. Those are infuential investors na hindi niya pwedeng baliwalain kaya napauwi na rin sila ng maaga.Dagdag pa ang ilang beses na tumawag ang kanyang ama. Nagtatanong kung kailan niya ito bibisitahin. Alam niyang kukukilitin na naman siya nito kung kailan siya mag-aasawa at nang magkakaroon na ito ng apo. Sa loob ng campus, abala si Zarah sa paggawa ng kanyang thesis at mga assignments. Kailangan niyang tapusin agad ang mga yon dahil sa susunod na linggo ay magkakaroon sila ng outreach program sa probinsya. As a pre-med student isa rin ito sa mga pagdaanan nila bilang parte sa kursong may kinalaman sa medisina. Ito ang pangarap niya noon pa, ang makakatulong sa mg taong kapus-palad na walang kakayahang magpapagamo
Sa Barangay Pundaquit San Atonio, Zambales ang venue ng outreach program. Sa isang maaraw na umaga sa naturang baryo. Ang mga residente ay nagtipon sa paligid ng kanilang barangay hall, ang mga bata ay naglalaro habang ang mga matatanda ay nagkukumpulan sa ilalim ng mga puno. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa dumating na puting van na may logo ng outreach program. Bumukas ang pinto ng van, at unang lumabas si Zarah dahil nasa bandang pinto siya nakapuwesto. Ang kanyang excitement ay halata habang hawak ang isang malaking bag na puno ng medical supplies. Kasunod niya si Mitch na may dalang maliit na medical kit sumunod rin ang kanilang mga kasama. Nasa kabilang van naman ang ilang mga nurses at doctors and other health professionals. Pareho silang nakasuot ng mga uniporme na may logo ng outreach program, tanda ng kanilang dedikasyon. Sumalubong sa kanila ang mga lokal na lider at mga tagapagtulong ng barangay. Ang mga matatanda at kabataan ay nagsalita ng mga salitang puno
"Tara na, Zarah, sabay na tayong mag-lunch, tayo na lang ang naiwan dito." yakag ni Mitch sa kanya. Pangatlong araw nila ngayon dito sa Zambales at pansin niyang hindi na masayadong marami ang mga taong nagpapacheck-up ngayon kung ikokompara sa unang araw pa lamang nila dito. Kakagaling niya lang sa rest room. Hinintay siya ni Mitch sa labas. "O, sige, tara na." "Teka... sandali lang, kanino kaya yong bagong sasakyan na paparating?" Tanong ni Mitch na bahagya pang napatigil. Tiningnan niya ang itinuro nito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil kilala niya kung sino ang may-ari ng sasakyan na yon. Kay Luke ang sasakyan na yon. Is he going to visit her?Marahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Nagkakaroon ng excitement ang puso niya na tila hindi niya mahintay na salubungin si Luke. "Teka...teka... sandali dzai, bakit ba tila excited kang lumapit sa sasakyan na yan? Kilala mo ba yan?" napakunot-noong tanong nito. Ngumiti siya. "Yes, kilalang-kilala ko, Mitc
ABALA si Zarah sa pag-oorganisa ng mga bitamina. Pinagbuklod-buklod niya ang mga iyon ayon sa klase, upang sa ganon ay madali lang para sa kanyang ma-i-distribute ito sa mga bata. Pilit niyang inignora sa isip ang dalawang tao na siyang nagpapagulo sa kanyang isipan. Mabuti na lang at medyo naka-distansiya sa kinaroroonan nila ang puwesto ng mga nurses. Minsan nahagip ng kanyang mga mata si Luke na laging nakabuntot kay Angela dala-dala ang malaking payong at pinayungan ang dalaga. Napaismid tuloy siya. Bakit pa ito pumunta dito kung di naman pala makakayanan ang init ng araw? Tsee! ang arte!' bulong niya sa isip. Iniwasan niyang mapagawing muli ang paningin sa puwesto ng mga ito. "Hi, Miss Pretty, Good morning!" Doc Richard greeted her. Hindi niya agad napansin ang pagdating ni Doc Richard. Ito pa rin kasi ang magiging ka-partner niya sa puwesto na kung saan tsene-check nito ang mga bata lalo na sa mga batang kulang sa nourishment. Habang ang kaibigan niyang si Mitch n
HALOS hilahin ni Zarah ang oras upang matapos kaagad ang buong araw nilang trabaho. Lalo na ngayon dahil nariyan pa rin si Angela na kasa-kasama nila. Panghuling araw na nila ngayon sa naturang lugar. Umaga pa lang abala na ang lahat sa kani-kanilang trabaho. Nakatalaga kina Zarah at Mitch ngayon ang pag re-repack ng mga groceries. Sa bawat supot klase-klaseng groceries ang laman at may tiglimang kilo ng bigas sa loob. Tatlo sila ni Mitch at ang isa pang estudyante na si Arci, mabait naman ito at palangiti. Una itong nakilala at naging kaibigan ni Mitch kaya nong sabihin nilang tatlo sila ang mai-talaga doon agad itong hinila ni Mitch. Masayahin rin ito kaya walang duda kung bakit mabilis itong nakasundo ng kaibigan. Meron ding nakatalaga sa pagluluto at pagre-repack ng food packs meals, at ang iba naman ay nag di-distribute ng mga grocery packs. "Hey girl, ok ka lang ba diyan? Ang tahimik mo, ah." Pukaw ni Mitch sa kanya. Masyado kasi siyang nakafucos sa trabaho. "Dahan-dahan
PAGDATING ni Zarah ng Maynila agad niyang binaybay ang daan patungo sa mansiyon ni Luke. Malalim na ang gabi pagdating niya malapit sa main entrance ng naturang subdivision. Sa labas lamang siya nagpapa-drop kay Doc Richard. Pinili niyang mag-papadrop sa tapat ng bahay kahit hindi niya naman kilala kung kaninong bahay iyon para lamang hindi mag-iinsist ang doctor na siya'y ihatid sa bahay niya. May palagay kasi siyang alam nito ang bahay ni Luke. Iniiwasan niyang malaman nito ang totoong estado sa buhay niya kasama ang amo. Pagkaalis ng kotse agad niyang binaybay ang sementadong daan. Nasa tatlong daang metro ang layo non at nilalakad niya lang. Sobrang tahimik pagdating niya sa loob ng mansion. Sa palagay niya ay tulog na siguro sila Manang at ang iba pa nilang mga kasama. Mabuti na lang at hindi nakalock ang nasa likurang bahaging pintuan. Dumeretso siya sa kuwarto ni Luke. Pero naka-lock iyon at tila wala namang bakas na may tao sa loob o baka natutulog na ito. Pero hindi
ARAW ng linggo ngayon ngunit hanggang ngayon hindi pa rin umuwi si Luke sa mansiyon. Dalawang araw na ang nakalilipas sa kanyang pagbalik at tuluyan na ring umalis si Manang Ninfa. Bumalik ito sa mansiyon ng matandang Guevarra ang ama ni Luke. At ang driver nilang si Caloy wala rin doon. Umuwi rin daw ito ng probinsiya sabi ni Manang. Isang linggo na nga raw itong nakaalis pero hanggang ngayon hindi pa bumalik. Tapos na siyang maglinis at nakapagluto na rin siya. Kung uuwi man si Luke ay may pagkain na siyang naihanda. Napakatahimik ng buong bahay siya lang kasi ang mag-isa kaya naisipan niyang mamasyal. Pupunta siya sa mall dahil gusto rin niyang bumili ng bagong sapatos para sa paparating na graduation. Naisip niyang magsimba muna kaya pinadaan niya nag taxing sinakyan sa tapat ng simbahan. Eksaktong katatapos lang din ng first mass. Huminga muna siya ng malalim bilang paghahanda sa sarili para sa ilang sandaling katahimikan. Nararamdaman niya ang kapayapaan habang papal
NASA KALAGITNAAN ng paglilinis si Zarah nang makarinig ng pagtikhim sa kanyang likuran. Si Luke ang naroon at nakatayo sa hamba ng pinto. Napahigit ang kanyang hininga. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Nais niya sanang takbuhin ang binata at yakapin ito ng mahigpit pero naalala niyang ikakasal na pala ito kay Angela. Kaya nararapat lang na pipigilan niya ang sarili at dumistansiya dito. "Si Angel?" hinanap nito agad ang nobya. Bahagya siyang nalungkot sa isiping palaging si Angela ang laman ng isip ni Luke. "W-wala po dito, umalis po siya kaninang umaga." tipid niyang sagot bago binawi ang tingin at ipinagpatuloy ang paglilinis. "Kumain ka na ba?" Napatda siya sa tanong ni Luke. Matagal nang huling narinig ang ganoong tanong sa kanya. "H-hindi pa." "Past nine o'clock na hindi ka pa kumain?" pagalit nitong tanong. "A-h kakain ho ako ngayon pagkatapos nito. Ito na lang kasi ang pinakahuli kong lilinisin kaya tinapos ko na lang muna," malumanay niyang wika. "Ka