Share

Chapter 19 "He's pressured"

INSIDE his office. Walang nagawang matinong trabaho si Luke ng araw na yon. Laging umaalingawngaw sa isip niya ang imahe ni Zarah. Ang mala-inosente nitong hitsura. Ang mga ngiti nitong minsang bumabalot sa kanyang isipan. Inis na inis siya sa isiping iyon.

Ilang araw na ang nakalipas ngunit palagi pa rin nitong ginagambala ang isip niya. Hindi mawawaglit sa kanyang isipan ang sandaling muntikan nilang pagkalimot. Ang matatamis nitong mga labi na tila hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin.

Kung hindi lang siguro niya alam kung anong klaseng trabaho nito sa loob ng club ay baka maniniwala pa siyang talagang inosente ito. Dahil batid niya ang kakulangan nito sa karanasan sa paghalik. Hindi ito marunong humalik sa paraan na kanyang inaasahan. Bakit? Hindi pa ba ito nasanay sa mga naging costumers nito?

"F*ck!" Naiinis niyang usal nang mapagtantong wala pa rin siyang natapos na trabaho.

"Where are you going, sir? You have a meeting in an hour, please--" tanong ng sekretarya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status