Share

Chapter 5 "Panganib"

"I HAD A HARD TIME STARTING MY CAR, Luke,!" muling saad niya. "I think the starter isn't working. Could you help me to fix it, please?" pakiusap niya pa. Napapitik siya sa hangin nang hindi pa rin siya nito binalikan. Mauubusan na yata siya ng dahilan.

"Shit!" napamura na lang siya. Think, think, think" aniya sa isip. I don't wanna go home na walang nangyayaring maganda ngayong gabi. I even skipped my class para lang makita ang binata, pagkatapus ay ganon na lang siyang i- isnubin niya lang ako ng ganito? Himutok niya at halos magpapadyak na siya sa kinatatayuan.

"Luke!" she called again. "Wala na yatang gasolina ang kotse ko, ayaw na talagang mag- start, eh. Ouch! kinagat ako ng mosquito! Ang sakit- sakit!" kunwa'y tinampal niya ng malakas ang braso upang maniwala itong may dumapo ngang lamok doon.

"So many ants here," napapahagulhol na niyang dugtong dahil mukhang wala na itong balak pa na balikan pa siya nito. "Duguan na ang katawan ko sa mga kagat nila," exaggerated pa niyang sabi. "Ouch! Ouch! nabagsakan ako ng tree trunk!"

Eksakto namang may punong-kahoy sa kinatatayuan niya. "Aren't you gonna help me? Kawawa naman ako dito, Luke!"

Halos madismaya siya nang makitang wala na ito. Tuluyan na itong nilamon na ng dilim. Baka nakalabas na ito ng gate ng campus at nakasakay na ng jeep. Ang dilim- dilim pa naman sa parteng iyon dahil pinatay na ang mga ilaw sa mga poste.

"Luke," pumiyok ang tinig niya na pagtawag dito. "You're selfish! Wala kang puso! Kung anu ano lang insektong kumagat sa akin pero ayaw mo pa rin akong tulungan. Luke! Luke! Luk--"

Bigla siyang natigilan nang makita ang isang lalaking nakatayo sa kanyang harapan at mukha pang addict ang hitsura nito.

Good evening, Princess!" nakangising bati ng lalaki sa kanya. Sa tingin niya ay parang sabog pa ang mukha nito na tila kakagaling lang sa isang session. Mayroon pa itong magkakasunod na hikaw sa tenga. Spiky ang buhok nitong hindi man niya malinaw na naaninag ay alam niyang highlighted iyon ng kulay orange.

At ang mga mata nitong halos hindi na makakita dahil sa taglay nitong kasingkitan. Kulay itim lahat ng suot nitong damit; t-shirt at pantalon kaya nagmistulang nakalutang sa hangin ang maputing mukha nito. Tumingin ito sa kanya at ngumisi ng nakakaloko.

"Ako na lang ang maghatid sa'yo, kesa mawalan ka ng boses sa kakasigaw ng pagmamakaawa sa Prince charming mo," nakangising wika nito sa kanya. "By the way my is Leon and you can call me Roar."

Hindi niya mawaring seryoso ba ito sa sinabing pangalan o nagpapatawa lang to. Kakaiba naman kasi ang pangalang iyon. Ngunit kita niya sa mukha nito ang pagiging seryoso at parang nababagay ang pangalang iyon dito dahil mukha nga itong isang leon na anumang oras ay sumusunggab at mangangagat.

Nanginig sa takot ang buong katawan niya at hindi niya magawang kumilos para siyang naestatwa ng mga sandaling iyon. Tila may kapangyarihan itong pananatilihin siya sa kanyang kinatatayuan. Nagulat naman siya nang bigla na lamang siya nitong hinawakan sa kamay.

"Don't touch me!" singhal niya at mabilis na dumistansiya rito. Nangangatal sa takot na tumingin siya sa unahan nagbaka-sakaling makita niyang muli si Luke o kahit sinong pwede niyang mapaghingan ng tulong, ngunit nabigo siya.

"Come with me, princess," muling sabi nito. "I'll bring you to my paradise."

Nang humakbang itong papalapit sa kanya ay saka lamang niya nagawang kumilos at mabilis na tumalikod dito at sumakay sa kotse. Ngunit laking takot niya nang maabutan siya nito at bigla siyang pinigilan sa braso.

"Guard!" halos mapatid ang litid niya sa leeg nang mapasigaw siya ng malakas. Kung hindi dumating si Luke para saklolohan siya, siguro naman ay may guwardiyang nagbabantay roon kahit hindi naman kasingganda ang paaralang ito sa pinapasukan niya. Nabalitaan pa naman niyang marami raw roong drug addicts at kick outs na mga estudyante. At ngayon, napapatunayan niyang totoo nga ang balitang iyon.

"Huwag kang maingay!" agad nitong sabi at tinakpan ang kanyang bibig sa isang kamay nito. Itinulak siya nito papasok sa loob ng kanyang sariling kotse upang ito ang magmamaneho niyon, ngunit agad naman siyang nakalabas sa kabilang pintuan.

"Anak ng--! sigaw nito. "Ang lakas ng loob mong tumakas huh!" Hindi natuloy nito ang balak na pagsakay sa driver's seat. Sa halip ay hinabol siya nito sa kanyang pagtakbo. Mas mabilis itong tumakbo sa kanya kaya't naabutan siya agad nito. Nahablot nito ang buhok niya na halos mabunot na ang anit niya nang kaladkarin siya nito pabalik sa kotse.

"Guard!" Nagawa niya paring sumigaw. Ngunit wala paring nakarinig sa kanya na tila bingi ang mga guwardiya roon kung mayroon man. Nagawa siyang pasakayin nito sa kotse niya. Uupo na rin sana ito sa driver's seat nang biglang may humablot na mga kamay rito.

Nabuhayan siya ng loob nang makita niyang si Luke ang nagmamay-ari ng mga kamay na yon. Bumaba siya ng sasakyan at nakuha niya pang magcheer ng malakas habang nagpapalitan ng suntok ang mga ito.

"Sige, Luke!" malakas niyang sigaw na animo'y member ng cheering squad. "Kick him! Beat him! That's it!" isinusuntok suntok pa niya sa hangin ang mga kamay.

Lalong naglalabasan ang mga muscles ni Luke sa mga braso habang nakikipagsuntukan sa lalaki. Nakakailang suntok na ito subalit hindi man lang makaisa ang huli dahil mabilis itong naiwasan ni Luke. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang dumukot ito ng patalim sa tagiliran.

"Let's go, Luke," takot niyang yakag sa binata upang makaiwas sila sa ano pang posibleng mangyari.

Iwinagayway pa ng lalaki ang hawak nitong patalim sa ere. "Tingnan ko lang kung hindi magkakaroon ng butas ang tagiliran mo, nagtatapang- tapangan na lalaki!" nakangising sabi nito. Napasigaw siya ng malakas nang akmang isasaksak na ng lalaki ang patalim kay Luke.

"Tigil!" sigaw ng isang lalaki mula sa kung saan. Sabay sialng napatingin sa pinagmulan ng boses. Hindi nagtagal ay iniluwa ng dilim ang nakaunipormeng security guard.

Saka lamang napakaripas ng takbo ang lalaking mukhang addict. Hindi na ito naabutan ng guwardiya.

"Mag- ingat kayo sa taong 'yon," sabi ng guwardiya pagbalik sa harapan nila. "Dating estudyante yon dito na-kick out dahil naging dealer iyon ng droga."

"Bakit ho n'yo pinapapasok pa rito kung addict naman pala?" tanong niya.

"Nakatulog kasi ako kanina, eh," sagot nitong napakamot- kamot sa batok. "Nag rounds naman sa campus yong kasamahan ko kaya walang nakapansin sa kanya." sabi nito sabay ng paghingi ng paumanhin.

Nagpapailing na lang siyang sasakay na sana kotse nang mapansin niyang paalis na si Luke. "Hindi ka ba talaga sasama sa akin, Luke?" tanong niya rito. "Okay lang naman na kahit ako ang magmamaneho, basta sumabay ka lang sa akin. Mahirap bang gawin iyon?" tunog-pakiusap niyang sabi rito.

"I'm sorry, pero hindi ako sasama sa'yo," tugon nito at tahimik ng humakbang paalis.

"But why?" nagugulumihang tanong niya. Pero wala siyang narinig na sagot at patuloy parin ito sa paglakad.

Napabuntung- hininga na lang siyang tumingin rito.

"Thanks for saving me," pahabol niyang sabi. Wala parin itong kibo. Laglag ang mga balikat niyang sumakay sa kanyang sasakyan. Mabagal lamang ang pagpapatakbo niya upang manatiling nakasunod kay Luke.

Nilingon siya nito bago ito sumakay sa jeep na pinara nito. Marahil ay upang tiyaking hindi na siya mapapahamak muli.

"Hay! naisaisip na lamang niya nang tumakbo na ang jeep na sinakyan nito. Ikaw pa lang ang lalaking nakapagpahirap sa akin ng ganito, Luke. Or should I say, ikaw pa lang ang lalaking hindi kayang bihagin ng charm ko. "What should I do to get your attention? I'm willing to do it, Luke, pansinin mo lang ako," piping tanong niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status