Share

Chapter 3 "Embarrassment "

INAYOS niyang muli ang sarili at nilapitan si Luke sa dulo ng garden. Walang pasubaling tinanong niya ito.

"Sa tingin mo, Luke, maganda na ba ako?" tanong niya agad nang makalapit dito. Pinupungay- pungay niya pa ang kanyang mga mata habang tumingin sa binata. At taas- noo pa niyang ipinagmalaki ang kanyang ayos para e- surprise ito sa bago niyang look.

Sumulyap lang ito sa kanya bago muling itinuon ang mga mata sa halamang tinatanggalan nito ng mga tuyong dahon. "Hindi po bagay sa inyo ang damit ni Carmelita." matipid nitong sagot.

Napalunok naman siya. Ang tinutukoy nitong Carmelita ay ang isa sa mga katulong nila. Nagtaka siya kung paano nito nahulaan na hiniram niya kay Carmelita ang suot niyang damit. Marahil ay dahil noon lamang siya nito nakitang nakasuot ng mahaba at maluwang na duster. May maliliit pa yong butas sa gilid na tila kinagat ng mga daga.

Nakapusod ng goma ang kanyang shoulder- length na buhok. Wala siyang suot ne simpleng alahas. Hindi rin siya nagwisik man lang ng perfume o cologne. Wala ring bahid ng anumang kulorete ang kanyang mukha. At suot pa niya ang bakya ni Carmelita na sa sobrang bigat ay halos hindi niya maihakbang ng maayos ang kanyang mga paa.

"Hindi ho bagay sa inyo ang ganyang suot at ayos," dugtong pa nito na nanatiling nasa halaman parin nakatuon ang pansin. "Gaano niyo man itago ang pagiging mayaman nyo sa simpleng ayos ay hindi pa rin iyon sapat upang mapagtakpan ang tunay niyong katayuan. Dahil makikita parin 'yon sa malaporselana niyong kutis. Kayo ho ay isang mayaman at hindi na ho mababago pa yon." dere- deretsong pagpapahayag nito sa kanya.

"You're embarrassing me, Luke," she said softly na para bang dismayado parin siya sa naging reaksiyon nito. Ginawa niya ang lahat upang mag mumukhang maging kapantay sa binata ngunit lahat ng yon ay balewala pa rin dito. Ano pa ba ang gagawin niya, upang pansinin naman nito ang pagkatao niya?

"Bakit niyo pinilit na pinapantayan ang katayuan namin sa buhay, Ma'am?" tanong nito. "Siguro ay dahil hindi nyo alam kung gaano kahirap ang buhay na pinagdaraanan namin. Huwag niyo hong subukang baguhin ang katayuan niyo sa buhay. Sa mundong kinabibilangan niyo ay nariyan lahat ang masasarap at magagandang bagay na ni minsan ay hindi namin natikman o nararanasan sa mundong kinabibilangan namin kaya bakit pa kayo gustong kumawala sa mundo niyo, Ma'am? Na kung tutuusin ay maraming mga taong nag- aasam na makakamtan ang ganoong klaseng pamumuhay. Dapat ay magpapasalamat nga ho kayo dahil hindi niyo nararanasan ang magsakrapisyo upang mabuhay." mahabang pahayag nito.

She bit her lower lip habang nakikinig sa mga sinasabi ni Luke. Kung maari lang sana niyang sabihin dito na ginagawa niya iyon upang magmumukhang magkakapantay lamang silang dalawa. Gusto kasi niyang pumantay sa estado nito sa buhay upang walang magsabing hindi sila bagay sa isat-isa. Nakahanda pa nga siyang talikuran ang kaginhawaang kinalakhan niya upang maabot lamang niya si Luke.

But it seemed that the man didn't want to give her a chance. Instead, she felt that this man wanted her to get surrender for all she want to happen. Nahalata kaya nito ang kanyang tinatagong nararamdaman? Pero katulad ng ipinangako niya sa sarili na hinding hindi siya titigil hangga't mapansin siya nito.

"I know how to cook," may pagmamalaki niyang sabi makaraan ng ilang sandali. "Tinuruan ako ni Carmelita. Hindi na ako natitilamsikan ng mantika sa tuwing magpiprito ako ng isda. And I can wash the dishes, you know. I can even do the laundry." turan niya sa binata kahit hindi naman ito nagtatanong. Talagang tinudo niya na ang pagpapapansin dito.

"Hindi niyo kailangang gawin ang mga yon," seryosong sabi nito. "Marami kayong katulong na siyang gumagawa ng mga bagay na ninanais niyo hong gawin. Ipaubaya niyo na lang ho sa kanila." tila manhid parin nitong sabi. Medyo naiinis na siya ngunit pinigilan niya lang.

Nagpormal muli siya. Ang tingin marahil nito sa kanya ay isa siyang trying hard, nagppupumilit na gumawa ng mga bagay na para dito ay hindi naman niya kayang gawin.

"Sige po, ma'am."

"Am.. Luke maari bang tigilan niyo na ang kaka po at ho sa akin? Hindi naman siguro malayo ang edad natin kaya sana wag niyo akong po po-in." reklamo niya dito, pakiramdam niya kasi ang tanda- tanda niya.

Pero wala namang reaksiyon dito at akmang aalis na ngunit maagap niya itong napigilan.

"Sandali!" wika niya. Lumingon naman agad ito.

"Gusto mo bang matikman ang egg sandwich na ginawa ko?" nakangiting tanong niya.

"Nag- meryenda na ho ako kanina, Ma'am," malamig nitong tugon na tila napupuno na sa lahat ng kanyang pinanggagawa.

"Marunong ka bang magdrive? Gusto mong turuan kita? pagmamagandang loob niya parin.

"Nakapagtrabaho na ho ako bilang jeepney driver kaya marunong na akong mag- drive." pormal paring sagot nito. Napahiya tuloy siya.

Akalain ba niyang marunong na rin pala itong mag- drive, hindi na yata uubra ang mga pangungulit niya sa binata dahil halos lahat yatang klaseng trabaho ay nasubukan na nito. Lumapad at lumaki ang katawan nito hindi dahil sa pag ge- gym kundi dahil sa pagtatrabaho ng kahit ano.

Natameme siya at hindi nakaimik. Hinayaan na lamang niyang makalayo na ito sa kanya nang wala na siyang maisip na itatanong at sasabihin. Hindi maikakala na nakakaramdam siya ng pain sa kanyang puso dahil sa ipinakitang asal ni Luke sa kanya. Ramdam niya ang mga malalamig nitong mga tugon na tila walang epekto dito ang mga ginagawa niya. She had everything, she always got what she wanted. But why couldn't she have Luke?

She could feel her tears was slowly down to her cheeks. Hindi niya napigilan ang mga luhang yon. Bahagya siyang kumurap at tumingala sa itaas. She saw the clouds taking on different shapes. She even saw an image of Luke staring at her with his sweetest smile kahit bunga lang iyon ng kanyang imahinasyon ay hindi niya pa rin napipigilan ang mapangiti. At umaasa na sana totoo na lang 'yon nang sa gayon ay maramdaman niya naman ang sumaya sa harap ng lalaking kanyang tinatangi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status