MALAKI ang mga ngiting namutawi sa mga labi ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Pagdungaw pa lang kasi niya sa bintana ng kuwarto niya ay isang napakaguwapong lalaking tumambad sa kanyang mga mata.
"Luke," paulit- uli niyang usal habang pinagmamasdan ito. "Kailan mo pa kaya mapapansin ang beauty ko? Bakit ba at ang kayhirap mong abutin? Pero, hindi. Hindi ako susuko hanggang sa ibigin mo rin ako. Hintayin mo ako mahal ko." Humarap siya sa kanyang full-length mirror at ngumiti nang buong kaytamis nang makita ang sariling repleksiyon sa malaking salamin. "Ano ba ang ayaw mo sakin, Luke?" tanong niya na wari'y kinakausap ang sarili sa harap ng salamin. "Maganda naman ako," wika niya pa. Matitingkad ang kaputian ng kanyang balat at balingkinitan ang kanyang katawan. Medyo singkit ang kanyang mga mata dahil may lahing chinese ang kaninunuan nila sa mother side. Bagay sa mukha niya ang tangos ng kanyang ilong. Hindi rin puwedeng hindi mapansin ang lips niyang sexy ang hugis. Lahat ng damit na kanyang susuotin ay nababagay sa kanya kahit pa siguro pasusuotin pa siya ng mukhang basahan ay magmukha pa rin siyang eleganteng tingnan. Mayroon siyang mga ganoong assets na hindi maitatangging maraming mga lalaking mapapalingon sa kanya. She even had a lot of suitors. Ngunit iisang lalaki lang naman ang tila bulag sa kagandahan niya at iyon ay walang iba kundi si Luke Guevara. Matapos ayusin ang sarili ay nagmadali siyang bumaba sa hagdan. Tuluy- tuloy siya sa garden kung saan naroroon ang binata at nagti-trim ng mga halaman. Suot nito ang pantalong mapusyaw ang kulay at may disenyong malalaking butas sa may bandang tuhod. Wala itong pang itaas at tanging maliit lang na towel ang nakasabit sa leeg nito na batid niyang pamunas ito ng pawis. Sàglit siyang natigilan, malayang pinagmamasdan ang kabuuan ng nito. Pilyang pinaglakbay ang tingin ng kanyang mga mata sa mga naglalakihang muscles nito sa braso. Sa malapad nitong dibdib pababa sa anim na pandesal nito. With his sweat running down his body, he appeared more appealing. At patuloy pang bumaba ang kanyang paningin hanggang sa may umbok ng-- Awe!" napatutop na lang siya sa sariling bibig ng biglang pumasok sa utak ang kahalayang nabuo sa kanyang isip. Tumigil ka Zarah, nakakahiya ka!" kastigo niya sa sarili. Napakislot naman siya nang sumulyap ito sa kinaroroonan niya. Gosh, I like his eyes. Para akong matutunaw sa mga tingin pa lamang niya," usal niya sa sarili. Parang isang Mombai ang features nito. He was tan-skinned. Mala- butterfly at medyo wavy na buhok at malamlam ang mga mata. Matangos rin ang ilong nito na nababagay sa maangas nitong mukha at ang mga labi nitong maninipis na mamumula- mula. "May ipag- uutos ho ba kayo, ma'am?" tanong nito na siyang nakapagpagising sa kanyang diwa. Napakurap naman siyang tumingin dito at napapanganga nang lumantad ang mapuputing mga ngipin na tila daig pa ang isang modelo ng toothpaste. Feeling niya ay nalalanghap niya ang mababangong hininga nito gayong napakalayo naman nito sa kinaroroonan niya. And she was even imagining his lips touching hers. "Ma'am?" muling tanong nito nang makita siyang nananatiling tahimik. Saka lamang niya muling ikinurap ang mga mata at tumingin dito. She looked at him with so much admiration. Pinawalan niya agad ang pinakamatamis niyang ngiti. "Zarah, please call me Zarah," sabi niya. "How many times do I have to tell you na Zarah na lang ang itawag mo sa akin? Zarah or Ara, it's up to you." Or if you want, you can simply call me.... 'babe or honey', dugtong nga kanyang pilyang isip. "I'm sorry, Ma'am, pero hindi ko ho kayo puwedeng sundin sa gusto n'yong mangyari," pormal nitong sagot, sabay pahid ng towellete sa pawisan nitong mukha. "Baka ho magalit ang mommy at daddy niyo." "Tatawagin mo lang naman ako sa pangalan ko kapag tayo lang dalawa," giit pa rin niya. "Sige na please? Ara na lang ang itawag mo sa'kin, okay?" pamimilit niya parin. "Hindi ho talaga puwde maam, pasensiya na," mariin nitong tanggi. "Kung wala ho kayong ipag- uutos, ipagpapatuloy ko na ho ang ginagawa ko." "Mayroon pa!" maagap niyang pigil nito nang akmang aalis na ito at magpapatuloy na sa ginagawa. "May ipapagawa ako sa'yo." "Ano ho yon?" magalang nitong tanong. "Puwede bang imasahe mo ang mga paa ko?" walang kagatol- gatol niyang pakiusap sa binata. "Natapilok kasi ako kanina eh, at medyo masakit pa. Para ngang nabalian ako ng buto, eh," pagdadrama niya at agad na nag- aakting na tila napipilayan. "Pasensiya na po, hindi ko po kayo masusunod sa ipinapagawa niyo," magalang pa rin nitong tanggi at mabilis na itong tumalikod at umalis. Napalis ang ngiti sa mga labi niya. Nakangusong inirapan niya ito kahit hindi naman siya nito nakita dahil nakatalikod na ito. Masyado talaga itong mailap. Palibhasa ay nagtatrabaho ito sa kanila bilang part- time gardener dahil waiter naman ito sa isang restaurant sa bayan. Minsan ay sa construction naman ito nagtatrabaho. Lahat na yatang klaseng trabaho ay nasubukan na nito. Sa gabi naman ay pumasok ito sa eskuwela at nasa kolehiyo na rin ito. At napag- alaman pa niyang ga- graduate na ito ngayong taon. Kaya kailangan nitong magtrabaho habang nag- aaral dahil tindera lamang ng isda at gulay ang nanay nito sa palengke. Anak ito sa pagkadalaga kaya walang ama ang umaagapay sa mag- ina. Samantalang siya ay kilalang anak- mayaman ng kanilang lugar. Maganda siya at nag- aaral sa isang mahusay na eskuwelahan doon. Isang pribadong paaralan na tanging mayayamang pamilya lamang ang makapag- afford sa paaralang iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit mailap sa kanya si Luke? Wala siyang pakialam sa estado nito sa buhay. Ang tanging alam lang niya ay gusto niya ito at hindi lang basta gusto kundi parang mahal na niya ang binata. Ngunit paano siya mapalapit dito na ngayon pa lang ramdam niya ang kailapan ng lalaki. Na tila isa siyang taong may sakit na maaaring makahawa dito, ganoon ito kung makakaiwas kapag nilapitan niya. Ngunit, hindi! hindi siya ganoon kadaling sumuko. Ipapakita niya dito na totoo ang nararamdaman niya para dito, di bale ng magmukha siyang tanga basta maipabatid niya lamang na wala itong dapat na ikatakot sa kanya. Kahit sana magsimula lang muna sila bilang magkakaibigan.INAYOS niyang muli ang sarili at nilapitan si Luke sa dulo ng garden. Walang pasubaling tinanong niya ito. "Sa tingin mo, Luke, maganda na ba ako?" tanong niya agad nang makalapit dito. Pinupungay- pungay niya pa ang kanyang mga mata habang tumingin sa binata. At taas- noo pa niyang ipinagmalaki ang kanyang ayos para e- surprise ito sa bago niyang look. Sumulyap lang ito sa kanya bago muling itinuon ang mga mata sa halamang tinatanggalan nito ng mga tuyong dahon. "Hindi po bagay sa inyo ang damit ni Carmelita." matipid nitong sagot. Napalunok naman siya. Ang tinutukoy nitong Carmelita ay ang isa sa mga katulong nila. Nagtaka siya kung paano nito nahulaan na hiniram niya kay Carmelita ang suot niyang damit. Marahil ay dahil noon lamang siya nito nakitang nakasuot ng mahaba at maluwang na duster. May maliliit pa yong butas sa gilid na tila kinagat ng mga daga. Nakapusod ng goma ang kanyang shoulder- length na buhok. Wala siyang suot ne simpleng alahas. Hindi rin siya nagwisik ma
"WE'RE Only twenty" saad ng isa sa mga kaibigan ni Zarah na si Trina nang nasa campus sila. "Second year college pa lang tayo para magkapakaserious sa love. I don't even know what love is." dagdag pa nito. "Love is blind," nakangiting komento niya. "Love can make us do some pretty odd things. Love is full of mystery," sabi niyang tila pinaghugutan ang sariling experience. "Seryoso ka na ba talaga sa hardinerong iyon, Zarah?" nanlalaking mga matang tanong ng isa pa niyang kaibigang si Anne. "Of all men, doon ka nagkakagusto sa isang gardener?" halos hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "How could you fall in love with that poor guy?" "I just felt!" simpleng tugon niya. "I love him. He is my first love. He is my true love." sabi niya na may pinagmamalaking tono. "You're really crazy, girl!" iiling- iling na saad ni Trina na nakikinig sa kanya gayong abala naman ang mga kamay nito sa kakapindot ng phone. Trina was a politician's only daughter, arrogant and a spoiled brat.
"I HAD A HARD TIME STARTING MY CAR, Luke,!" muling saad niya. "I think the starter isn't working. Could you help me to fix it, please?" pakiusap niya pa. Napapitik siya sa hangin nang hindi pa rin siya nito binalikan. Mauubusan na yata siya ng dahilan. "Shit!" napamura na lang siya. Think, think, think" aniya sa isip. I don't wanna go home na walang nangyayaring maganda ngayong gabi. I even skipped my class para lang makita ang binata, pagkatapus ay ganon na lang siyang i- isnubin niya lang ako ng ganito? Himutok niya at halos magpapadyak na siya sa kinatatayuan. "Luke!" she called again. "Wala na yatang gasolina ang kotse ko, ayaw na talagang mag- start, eh. Ouch! kinagat ako ng mosquito! Ang sakit- sakit!" kunwa'y tinampal niya ng malakas ang braso upang maniwala itong may dumapo ngang lamok doon. "So many ants here," napapahagulhol na niyang dugtong dahil mukhang wala na itong balak pa na balikan pa siya nito. "Duguan na ang katawan ko sa mga kagat nila," exaggerated pa niya
"ILANG ARAW ka na raw na hindi pumapasok sa chemistry subject mo, according to Mrs. Dolor," mommy ni Zarah. Napatingin si Zarah sa kanyang mommy. Kasalukuyan silang naghahapunan nang gabing iyon. At kararating lang din nito mula sa pakikipagsosyalan. Makapal pa ang make- up nito sa mukha at kumikinang ang mga suot nitong alahas sa katawan. Mula nang maging successful sa negosyo ang Daddy niya ay hindi na ito nagtrabaho. "Sinabi po niya 'yon?" painosente niyang tanong dito. "Nagkita kami kanina sa bahay ng friend kong si Vangie," wika ng mommy niya. "Kaibigan siya ni Vangie, eh." sabi pa nitong tinukoy ang professor niya sa chemistry. "Dalawang meetings pa lang naman po ang hindi ko napasukan eh, dahil nahilo ako no'ng isang araw at sumakit naman ang ulo ko kanina," palusot niya. Agad namang umarko ang tattooed kilay nito. "Napapadalas naman yata ang pagkakaroon mo ng sakit?" anitong tila hindi kumbinsido. "Baka naman ay may boyfriend ka na at nagde- date kayo?" pagdududa nito
SA PANGALAWANG PAGKAKATAON ay muling umiyak si Zarah nandahil pa rin sa iisang lalaki-- si Luke. Sa dami ng mga pagkakataong iniiwasan at ang pandedeadma nito sa kanya ay iba pa rin iyon sa nangyayari ngayon. Mas higit siyang nasasaktan sa ginawa nito. Tanggap niya ang pagiging mailap nito ngunit ang hindi niya matatanggap ay ang tawagin siyang baliw at sinabi pa mismo sa nanay nito. Hindi niya magawang maghahapunan dahil dito. At hindi siya makakatulog nandahil pa rin dito. "Mahal ko na nga ba talaga siya?" paulit- ulit niyang tanong sa sarili habang nakasalampak sa kama. "Am I not too young to feel that? Pero bakit ako nagkakaganito?" She had promised herself that she won't get serious in that thing called 'love' until she reached the age of twenty plus or something. Yong age na siguradong nakapagtapos na siya sa pag- aaral. Pero bakit ngayon ay parang seryoso na siya kay Luke? Unang kita niya pa lamang nito noon ay may nararamdaman na siyang kakaiba. Magmula noon ay hindi na
NAUPO si Zarah sa kaibayong upuan at tinitigan ito ng matagal habang kumakain. Hindi naman ito nailang sa kanya. Hindi pa siya nakontento. Kinuha niya ang towelette nito sa leeg at pinunasan niya ito ng pawis sa mukha. Napatingin na naman tuloy ito sa kanya. Tila nagulat sa kanyang ginawa. Ngunit, hindi niya pinansin ang pagkagulat nito bagkus ay tuluy- tuloy lang ang kanyang pagpunas rito. "Bakit hindi mo subukang magka- girlfriend para may mag-aasikaso sa'yo?" Hindi na niya napigilang sabihin dito ang kanina'y ng kanyang isip. Subalit ay wala pa ring sagot mula rito. Ngunit nakatitig na ito sa mukha niyang unti- unti na niyang inilalapit sa mukha nito. "Ang magiging girlfriend mo ang mag- aadjust, Luke," marahang sabi niya. "Maiintindihan niya maski na hindi mo siya gaanong mapagtuunan ng pansin. Ang mas mahalaga sa kanya ay ang matawag na girlfriend mo. Tutulungan ka pa niya sa lahat ng gusto mong gawin. Susuportahan ka niya. Gagawin niya lahat para sa'yo. Ganoon ang magigin
DUMAAN sa isang jewelry store si Zarah. May nagustuhan siyang kuwintas na may heart- shaped pendant ngunit hindi kakasya ang naipon niya para mabili iyon. She just bought a men's bracelet. At least, puwedeng i-adjust iyon. Excited siyang makitang muli si Luke kaya halos madismaya siya nang malamang absent ito. Hindi siya makakatulog pagsapit ng gabi kung hindi niya ito makikita, kaya nagpasya siyang tumuloy na lang sa bahay nito na nasabi na rin sa kanya ni Teresita kung saan matatagpuan. Gulat na gulat si Luke nang mapagbuksan siya ng pinto. Tila nakakita ito ng isang multo. "Ano ho'ng ginagawa niyo rito, ma'am Zarah?" gulat nitong tanong na tila wala itong balak na siya'y papasukin. Marahil ay dahil sa hitsura ng bahay nito. Maliit lang iyon at lumang- luma na ang bubong na yero na sa tingin niya ay may mga butas na rin. Kahoy ang dingding niyon at sa tingin niya ay kahit konting bagyo lang at bibigay na yon. "I just want to see you," walang gatol niyang sagot. "Galing kasi
HINDI malaman ni Carmelita kung ano ang gagawin. Natataranta na ito kung paano awatin ang dalagang amo. "Ma'am, naku po, tama na po!" Natatarantang awat ni Carmelita kay Zarah. Kanina pa siya nagwawala sa loob ng kuwarto niya. Halos lahat ng madampot niyang bagay ay inihahagis niya. Nagkalat na ang basag na bote at salamin sa kuwarto niya. "Sabi niya, wala pa siyang girlfriend!" masamang- masama ang loob na sigaw niya, kasabay ng pagtulo ng nga luha niya. "Sabi niya wala siyang panahong maghanap ng girlfriend. He's a liar!" "Baka kasi ayaw ka lang niyang saktan nong una kaya siya nagsinungaling, ma'am Ara," wika ni Carmelita. "Eh, nong ayaw nyo pa ring tumigil sa kakabuntot sa kanya, siguro ay napilitan na siyang magsabi ng totoo para tumigil na kayo. Intindihin nyo na lang siya, ma'am. Hindi naman kayo bagay ni Lucas, eh. Maraming nanliligaw sa inyo na mas guwapo pa kaysa sa kanya at mayayaman pa." sabi nito. Sana ganon lang kadali yon, ang palitan sa puso niya si Luke. "Ay