I RUSHED back to the hall after a few moments inside the bathroom. Iniyak ko ang frustration ko kay Auntie Fatima. I heard her cry the moment I went out of her office. Hindi ako makapaniwalang kahit pa galit ako sa kanya ay nakaramdam parin ako ng nangangalabit na awa.Ginawan ko ng paraan at eksplenasyon ang ginawa niya sa aking utak. I still refuse to believe that she is using me. But I know she is!Nagamit niya ang pera. Gaano kalaking halaga kaya ang nagamit niya? I wonder if I can pay it back? But if it's around a million or so, I don't think I can. Mas malakas pa naman ang kutob ko na nasa ganoong mga halaga nga. Is it enough to pay for even half of the apartment since she mentioned it?I convinced myself that this should be okay. Na hindi naman siguro ako ipapahamak ni Auntie Fatima. She cares for me. Sa pitong taon naming magkasama hindi niya ako kailanman binigo. Sa mga project kong mamahalin, hindi siya kailanman nagreklamo. Binibigay niya ang pera, nahihirapan o natatagalan
ALAS DOSE na nang lumabas ako. Naabutan ko si Auntie Fatima na nakaupo sa lamesa at kumakain. Isang pinggan ang para sa akin sa tabi niya. Kamuntik na siyang nasamid nang nakita ang bigla kong paglabas sa pintuan "Cheska, kain ka na..."Hindi ako kumibo. Dumiretso na ako roon at kumuha ng baso para magsalin ng tubig. Uminom ako bago naupo sa lamesa para makakain. Hindi ko siya tiningnan man lang kahit na alam kong nakatitig siya sa akin sa buong pagkakataon."I heard what happened last night. Uh, nag explain na ako kay Ma'am Sonja na wala ka sa sarili dahil may pinagtalunan tayong dalawa. Hindi naman siya nagalit at ibibigay niya parin daw ang sweldo mo sa gabing iyon."Hindi na ako babalik doon," agap ko.Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtango ni Auntie Francheska. Naintindihan niya ang desisyon ko. I know that it will be harder without work here. Mag-isa siyang magtatrabaho para sa aming dalawa gaya noon. Maghahanap na lang din ako ng ibang trabaho na walang kontrata par
SA LABAS ay mistulang kahon ng ginto ang building. Sa loob naman, halos ganoon din ang mga muwebles at sahig. Kumikinang kahit ang dingding at ang matatayog na pundasyon nito. Every corner there is a uniformed chandelier in the color that accented the whole place.Sa bawat sulok din, may nag-aantay na usherettes na gumigiya sa bawat lakad namin. They are wearing fancy uniformed dresses and smiles. They are expecting the guests to smile back but I have no time to stretch my lips as of the moment.Pumasok kami ni Elyes sa ginintuang lift at iginiya ulit kami ng kasama niyang usher sa rooftop na isa sa mga restaurant ng hotel.Sa isang hiwalay na lamesa kami pinaupo. Malapit iyon sa tanawin ng buong syudad at tanaw ang magiting na araw na umaamba ng paglubog. The view is breathtaking. The wind is blowing exquisitely slow. Tuwid akong naupo sa harap ni Elyes habang pinapanood ang pagbuhos ng wine sa wine glass sa harap namin,Hindi ko siya tiningnan though his eyes is all on me like I'd s
PAGKAIWAN ng waiter sa amin ay agad na nagsalita si Elyes."Turn down the offer of that company," he started."Ayaw ko nga. Nakapasok ako roon dahil nakita nila ang talent ko. And why do you want me to work on your company? Hindi ba ayaw mo na akong makita?"He chuckled evilly. Sumimsim siya sa kanyang wine at nakakalokong dinilaan ang kanyang labi. Nagtaas ako ng mga kilay nang napuna ang paglala ng kanyang... intensidad."Why would I want to see a liar and a scam!" mariin niyang sinabi na agad tumatak sa akin."Then why did you see me now? Dapat hinayaan mo na lang ako sa buhay na pinili ko! Hindi ka na nakikialam ng ganito!"Napawi ang ngiti niya. The hurt from the insults he's telling me is now overflowing. Ang resulta ay ang pamamasa ng gilid ng aking mga mata. I want to walk out on him pero mas gusto kong makipagtalo sa kanya. Nasasayangan ako sa oras na pwede ko siyang makausap at mainsulto pabalik."You're my liar and my scam," he said in a darker tone.Mabilis ang hininga ko.
THAT NIGHT, akala ko makakatulog ako ng maayos. Pero dilat na dilat ako habang umilnom si Elyes na tanaw ang kabuuan ng kalakhang Maynila.I heard him answer some phone calls. Some business, and some were personal. A call that caught my attention is when he sighed slightly for it."Diana," he whisperedNilingon niya ako at naagapan ko ang pagkakabuking niya sa tunay kong estado. He thinks I'm asleep. Ganunpaman, wala siyang tiwala kaya pinili niyang lumabas ng suite para sagutin ang tawag.Unti-unti akong dumilat. Sa lahat ng mga insultong natamo ko sa kanya sa gabing iyon, para akong batong hindi natatablan. Nasasaktan man pero nakakabawi rin. Naiiyak pero hindi umiyak.But when I heard his crooning voice answer that call, para akong sinaksak ng paulit-ulit. I've been fine for years without him... forgetting him... forgetting everything. But from that moment, when I heard his voice answer that phone, parang sinampal sa akin ang mga pribado kong pinangarap noon.I once wanted to be Dia
TINALIKURAN ko siya at umambang papasok sa loob ng yate pero bago ko magawa iyon ay nayakap niya na ako ng marahan galing sa likuran. Tumigil ako. His face is buried deep on my shoulders. Ang tubig dagat sa kanyang katawan ay dumikit sa akin at ang init na dulot ng kanyang balat ay humele sa aking katawan. It's like cradle making me very comfortable. Hindi lang ako sigurado kung ganoon din ang nararamdaman niya."I don't care what you've done. I don't care what you'll do," he muttered.Kinagat ko ang labi ko. Sana totoo 'to. Sana pwede 'to. Sana... Sana..."Do you know things about me?" he asked slowly.Ngumuso ako dahil wala talaga akong alam sa kanya. I did not even care to check his whereabouts on social media and lifestyle magazine just to keep in track. Ni hindi ko alam na magku-krus pa ang landas namin. Akala ko, hindi na ulit kami magkikita. Na matatapos ang buhay kong ito na hindi na makakabalita pa sa kanya."No," I said with all honestly.I heard him breathe harshly. Binawi
KUMAIN kami sa lamesang naroon habang mabilis na tumatakbo ang yate sa gitna ng karagatan. We have grilled fish and tinola for early lunch. Nasa loob naman cabin ang tatlong crew na kasama at ang dalawang bodyguard ay nasa harap ng yate, nag-eenjoy din sa tanawin.Marahas na hinihipan ng hangin ang aking buhok habang kumakain kami kaya itinali ko iyong maluwag sa dulo ng aking buhok para hindi na lumipad.I'm wearing a black floral spaghetti-string dress and another bikini inside. Narealize kong hindi ko masyadong gusto ang mga ipinadalang underwear ni Auntie Fatima sa akin. Kung alam ko lang na magkakaganito ay ako na mismo ang nagimpake para sa sarili ko."You're still planning to go for a swim?" tanong ni Elyes sa kalagitnaan ng pagkain namin.Napatingin tuloy ako sa aking damit. The deep v neck of the spaghetti dress revealed a bit of what I'm wearing inside. Well, hindi niya mapupuna iyon kung 'di niya tititigan ng mabuti. Kumunot ang noo ko nang natantong tumititig at pinag-iisi
ILANG sandali ang lumipas na puro paghinga lang namin ang naririnig. Nahihirapan akong mag-adjust sa ginagawa niya sa akin. Nag-aaway pa kami kagabi at ngayon ay ganito na siya."You did not pursue architecture because the school is far, right?" biglaan niyang sinabi.Nanliit ang mga mata ko habang sinasalubong ang Iiwanag ng pababang haring araw."Yup. Mahal din," sagot ko.He sighed heavily. Ngumuso ako at sinulyapan ang hati ng mukha niyang nakikita ko sa posisyong ito."Pero gusto mo ba ang natapos mo?""It's fine. Nagustuhan ko rin. Natutunan ko ring mahalin," sabi ko."No plans of pursuing the course you want?"Natawa ako. "l have no time and money for that..."Nakalimutan kong pwede nga pala dahil may pera na akong bigay niya, hindi ba?"You can still go to school. Bata ka pa..." may kakaibang tono akong narinig sa huling sinabi niya."Pwede rin pero ayos na ako sa kurso ko ngayon.Makakapagtrabaho naman ako at gusto ko rin ang paggawa ng furniture. That's life. You can never r