Share

Chapter 40

ALAS DOSE na nang lumabas ako. Naabutan ko si Auntie Fatima na nakaupo sa lamesa at kumakain. Isang pinggan ang para sa akin sa tabi niya. Kamuntik na siyang nasamid nang nakita ang bigla kong paglabas sa pintuan

"Cheska, kain ka na..."

Hindi ako kumibo. Dumiretso na ako roon at kumuha ng baso para magsalin ng tubig. Uminom ako bago naupo sa lamesa para makakain. Hindi ko siya tiningnan man lang kahit na alam kong nakatitig siya sa akin sa buong pagkakataon.

"I heard what happened last night. Uh, nag explain na ako kay Ma'am Sonja na wala ka sa sarili dahil may pinagtalunan tayong dalawa. Hindi naman siya nagalit at ibibigay niya parin daw ang sweldo mo sa gabing iyon.

"Hindi na ako babalik doon," agap ko.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtango ni Auntie Francheska. Naintindihan niya ang desisyon ko. I know that it will be harder without work here. Mag-isa siyang magtatrabaho para sa aming dalawa gaya noon. Maghahanap na lang din ako ng ibang trabaho na walang kontrata par
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status