KINABUKASAN Sabay-sabay na nag-aalmusal ang pamilya. Si Stefano at Derie ay nag-uusap tungkol sa ilang mga bagay-bagay habang ang kanilang anak naman ay walang imikan. Nagsimula at natapos kumain ay hindi nag-uusap. Hanggang sa makapasok sila sa eskwelahan. Si Andrei at Alfa ay parehong nasa ika apat na sekondarya. Graduating sila pareho. Tiniis talaga ni Alfa na hindi kausapin ang kaniyang kapatid. Pagdating nila sa school ay mabilis na hakbang ang ginawa niya para agad na malampasan si Andrei. Sa kanilang roon ay naroon ang kaniyang mga kaibigan. Mga kaibigan na ayaw ng kapatid niya na kasamahin niya. "Hi, Alfa! Anong problema ng kapatid mo kahapon? bakit parang galit yata siya? magkaaway ba kayo?" tanong ng isa niyang kaibigan. "Hindi. Ganoon lang talaga yon." Sagot naman ni Alfa sabay baba ng kaniyang bag sa upuan. Andrei is a campus heartrob at kaya siya kinakaibigan ng mga Classmate niya ay dahil gusto ng mga ito na mapalapit sa kapatid niya bagay ba hindi alam ni
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. Inintay ko lang makatulog ang mommy at daddy at bumalik na akong muli sa kwarto ng aking kapatid na si Alfa. May sakit siya at gusto ko siyang Alagaan. Wala akong paki kung mahawa man ako. i am worried. Pagbukas ko ng pinto ay naroon at natutulog pa rin siya. Nakatalukbong ng kumot. Hindi ko siya ginising at hinayaan ko lang siya na mamahinga. Naupo lang ako sa upuan sa tabi ng kaniyang kama at nag-antay kung kailan siya magigising. Nakatingin lamang ako sa Nakatalukbong ng kumot niyang katawan hanggang ilang oras din akong ganoon at parang tinablan ng antok. Dahil pinili kong samahan si Alfa ngayong may sakit siya ay sinabi ko na sa sarili ko na dito na rin ako magpapalipas ng gabi. Sa tabi niya. Normal lang ito sa amin at sa mga magulang namin dahil Super close nga namin. Maya maya pa ay tinabihan ko na siya at niyakap. Nang maramdaman kong "b-bakit parang...." Bakit parang unan kako ang katawan ni Alfa. Sobrang lambot. Para makita ko ang akin
"Mommy, i'm sorry... i lied. Sorry kasi umalis ako nang hindi nagpapaalam.. Alam ko naman po kasing hindi niyo ako papayagan. Sorry po dahil nagsinungaling ako. Uminom po ako ng alak out of curiousity. Dahil dito nagalit tuloy si Andrei sa akin and worst is napaaway pa siya dahil lang sa akin. Sorry po talaga!" Inamin naman ni Alfa kaagad sa harap ng kaniyang mga magulang ang maling nagawa. Ngayon na medyo nahimasmasan siya ay ngayon niya narerealize na mali ang mga nasabi niya rin sa kuya niya. Nagmmagandang loob lang naman ito pero masasakit na salita pa ang isinukli niya. "ANO?!! AT KAILAN KA PA NATUTONG MAGSINUNGALIMG SA AMIN, ALFA? MY GOD NILOKO MO KAMI. ANG SABI NO SA AMIN AY MAY SAKIT KA TAPOS GANITO KA UUWI? AT ANONG SINASABI MONG NAPAAWAY SI ANDREI?" "Sorry po talaga, hindi na po mauulit. Napaaway si Andrei dahil sa akin. Nagalit siya sa mga kaibigan ko dahil sa pag-aya at pagpapainom sa akin. Mommy, im really sorry po talaga. Gusto ko lang naman po maranasan ang gumimik.
KINABUKASAN, Maagang nag-aalmusal ang pamilya ni Stefano. Linggo ngayon at araw ng pamilya. Naging tahimik ang mga anak nila at hindi maingay sa pagkakataong ito dahil sa nangyari kagabi. Masama pa rin ang loob ng nag-asawa sa nagawa ni Alfa pero hindi na nila inulit ang pagsesermon ngayong nasa harap na sila ng hapag-kainan. Bilang ang talagang anak nina Stefano at Derie ay si Andrei, kinamusta nila ito. Si Alfa ang nagsabi sa kanila sa kung ano ang nangyari kagabi at kung ano ang nagawa nito. Alalang-alala si Derie sa anak niya dahil napaaway nga ito. Si Andrei ay magaling sa pagpinta at may potensyal sa larangan ng paguhit. Kaya naman alalang-alala si Derie nang malaman niyang napaaway ito. "Kumusta ang kamay mo, anak?" tanong ni Derie sabay tingin sa kamay ng anak. Dito ay nasagot na ang kaniyang tanong. May nakita siyang paso at kaunting galos gawa nga ng pinagsusuntok nito ang isang lalaki sa party. "Ayos lang po ako, Mom." tipid na sagot ni Andrei sabay tingin sa kani
ALFA POINT OF VIEW I think parang mali ang pagtugon ko kay Chloie kanina. Parang napahiya siya dahil maraming nakarinig sa sinabi ko. Hindi ko naman intensyon na siya ay ipahiya. Sadyang sinagot ko lang ng tapat ang mga tanong niya. It happens na nasaktan siya and worst is napagtawanan pa siya ng mga classmate namin. Gusto ko lang naman na sabihin sa ka kaniya kung bakit ko kailangan nang umiwas sa kanila in a nice way pero ganito pa ang nangyari. Sa nangyari for sure na sila mismo ang lalayo na talaga sa akin. I feel sorry again. Buong maghapon tuloy ako nawala sa mood at hindi nakapag-focus dahil sa nararamdaman kong bigat sa aking kalooban. Hihingi na lang ako ng tawad mamaya kay Chloie. Sana lang ay hindi siya galit. Sila ng mga kaibigan niya. _______________ Pagsapit ng uwian, Everything around me seemed to slow down as she approached I was left speechless. Hindi ko kasi matantya kung paano ako magsisimula na kausapin si Chloie. Paano ba naman nakasimango
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW Bukod sa labis na pag-aalala ay masama ang kutob ko. I know my Sister at alam kong hindi na niya uulitin na gawin ang nga bagay na ayaw ng mga magulang namin at lalo na ang ayaw ko. She promised to me yesterday. I felt the sinserity. Huwag lang talaga na may masamang mangyayari sa kaniya, Forgive me Lord pero hindi ko maipapangako na kaya kong magpigil ng galit ko. Umalis ako ng bahay mag-isa at hinayaan ang mga parents namin na lumakad ng kanila. Ako, una kong pinuntahan ang bahay ni Chloie. Ewan ko pero wala talaga akong katiwa-tiwala sa pagmumukha niya. "Andrei... a-anong ginagawa mo rito? n-napasyal ka ata?" tanong niya sa akin na halis mautal-utal pa. Dito pa lang, noong pagkakita niya pa lang sa akin na tila parang takot ay parang nahalata ko na siya. "Asa'n si Alfa? Nawawala siya at wala akong ibang naiisip na magiging dahilan nang Late niyang pag-uwi kung hindi kayong mga barkada niya. Alam kong alam mo kung nasaan siya kaya magsabi ka s
Walang pagsidlan ang galit na nararamdaman ngayon ni Andrei matapos niyang napatunayan na ang grupo nga nila Chloie ang may gawa noon kay Alfa. Hindi nakuhang magpigil ni Andrei sa kagustuhan na pagbayarin si Chloie at ang grupo nito kahit na ito ay mga babae. Noong gabi din na yon, pinuntahan niya ang tatlo. Una niyang pinuntahang bahay ay ang bahay nila karla. Same reaction like chloie ang nakita ni Andrei dito pagkakita sa kaniya. Gulat na parang takot na parang alam na nito ang pakay ni Andrei. "oh, bakit parang nakakita ka ng multo? may problema ba sa mukha ko at bakit ganiyan ang tingin mo?" sarkastikong tanong ni Andrei. "A-andrei.... a-anong ginagawa mo rito?" parang alam na ni karla ang ipinunta nito Andrei ngayon pero nagtanong pa rin siya at sa kaniyang isipan na lang na nanalangin na sana ay hindi pa sila nabibisto ni Andrei tungkol sa ginawa nila kay Alfa. Ngayong nasa tamang pag-iisip na sila karla ay ngayon nila naiisip na maling mali ang ginawa nila kay Alfa. H
ALFA POV Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Ang mga braso ko, ang mga binti ko, at ang mukha ko ay mga kumikirot. Yung pakiramdam na maiiyak ka sa sobrang sakit. Sobrang laking trauma nang nangyari sa akin kagabi. Bukod sa pinagtulungan akong bugbugin ng mga taong itinuring ko na mga kaibigan ay yung ikinulong nila ako sa isang madilim na lugar at itinali pa. kung saan walang nakakarinig o makarinig kahit ano pang gawin kong pagsigaw. Takot na takot ako at akala ko talaga ay wala nang dapat para ako ay sagipin mula sa nakakatakot na lugar na iyon. Dininig ng Diyos ang dasal ko dahil hindi lang isa kung hindi dalawang anghel ang ipinadala niya para ako ay saklolohan. Si Xander at Andrei. Tandang-tanda ko iyon kahit na mas nangibabaw sa akin ang labis na pagkapagod ay natandaan ko pa noong niyakap ako ni Andrei. Dinig na dinig ko ang labis niyang pag-aalala. Mas lalo ko tuloy napatunayan kung gaano ako kamahal ng kapatid ko. Na kahit magkapatid lang kami sa ama ay higi