ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. Inintay ko lang makatulog ang mommy at daddy at bumalik na akong muli sa kwarto ng aking kapatid na si Alfa. May sakit siya at gusto ko siyang Alagaan. Wala akong paki kung mahawa man ako. i am worried. Pagbukas ko ng pinto ay naroon at natutulog pa rin siya. Nakatalukbong ng kumot. Hindi ko siya ginising at hinayaan ko lang siya na mamahinga. Naupo lang ako sa upuan sa tabi ng kaniyang kama at nag-antay kung kailan siya magigising. Nakatingin lamang ako sa Nakatalukbong ng kumot niyang katawan hanggang ilang oras din akong ganoon at parang tinablan ng antok. Dahil pinili kong samahan si Alfa ngayong may sakit siya ay sinabi ko na sa sarili ko na dito na rin ako magpapalipas ng gabi. Sa tabi niya. Normal lang ito sa amin at sa mga magulang namin dahil Super close nga namin. Maya maya pa ay tinabihan ko na siya at niyakap. Nang maramdaman kong "b-bakit parang...." Bakit parang unan kako ang katawan ni Alfa. Sobrang lambot. Para makita ko ang akin
"Mommy, i'm sorry... i lied. Sorry kasi umalis ako nang hindi nagpapaalam.. Alam ko naman po kasing hindi niyo ako papayagan. Sorry po dahil nagsinungaling ako. Uminom po ako ng alak out of curiousity. Dahil dito nagalit tuloy si Andrei sa akin and worst is napaaway pa siya dahil lang sa akin. Sorry po talaga!" Inamin naman ni Alfa kaagad sa harap ng kaniyang mga magulang ang maling nagawa. Ngayon na medyo nahimasmasan siya ay ngayon niya narerealize na mali ang mga nasabi niya rin sa kuya niya. Nagmmagandang loob lang naman ito pero masasakit na salita pa ang isinukli niya. "ANO?!! AT KAILAN KA PA NATUTONG MAGSINUNGALIMG SA AMIN, ALFA? MY GOD NILOKO MO KAMI. ANG SABI NO SA AMIN AY MAY SAKIT KA TAPOS GANITO KA UUWI? AT ANONG SINASABI MONG NAPAAWAY SI ANDREI?" "Sorry po talaga, hindi na po mauulit. Napaaway si Andrei dahil sa akin. Nagalit siya sa mga kaibigan ko dahil sa pag-aya at pagpapainom sa akin. Mommy, im really sorry po talaga. Gusto ko lang naman po maranasan ang gumimik.
KINABUKASAN, Maagang nag-aalmusal ang pamilya ni Stefano. Linggo ngayon at araw ng pamilya. Naging tahimik ang mga anak nila at hindi maingay sa pagkakataong ito dahil sa nangyari kagabi. Masama pa rin ang loob ng nag-asawa sa nagawa ni Alfa pero hindi na nila inulit ang pagsesermon ngayong nasa harap na sila ng hapag-kainan. Bilang ang talagang anak nina Stefano at Derie ay si Andrei, kinamusta nila ito. Si Alfa ang nagsabi sa kanila sa kung ano ang nangyari kagabi at kung ano ang nagawa nito. Alalang-alala si Derie sa anak niya dahil napaaway nga ito. Si Andrei ay magaling sa pagpinta at may potensyal sa larangan ng paguhit. Kaya naman alalang-alala si Derie nang malaman niyang napaaway ito. "Kumusta ang kamay mo, anak?" tanong ni Derie sabay tingin sa kamay ng anak. Dito ay nasagot na ang kaniyang tanong. May nakita siyang paso at kaunting galos gawa nga ng pinagsusuntok nito ang isang lalaki sa party. "Ayos lang po ako, Mom." tipid na sagot ni Andrei sabay tingin sa kani
ALFA POINT OF VIEW I think parang mali ang pagtugon ko kay Chloie kanina. Parang napahiya siya dahil maraming nakarinig sa sinabi ko. Hindi ko naman intensyon na siya ay ipahiya. Sadyang sinagot ko lang ng tapat ang mga tanong niya. It happens na nasaktan siya and worst is napagtawanan pa siya ng mga classmate namin. Gusto ko lang naman na sabihin sa ka kaniya kung bakit ko kailangan nang umiwas sa kanila in a nice way pero ganito pa ang nangyari. Sa nangyari for sure na sila mismo ang lalayo na talaga sa akin. I feel sorry again. Buong maghapon tuloy ako nawala sa mood at hindi nakapag-focus dahil sa nararamdaman kong bigat sa aking kalooban. Hihingi na lang ako ng tawad mamaya kay Chloie. Sana lang ay hindi siya galit. Sila ng mga kaibigan niya. _______________ Pagsapit ng uwian, Everything around me seemed to slow down as she approached I was left speechless. Hindi ko kasi matantya kung paano ako magsisimula na kausapin si Chloie. Paano ba naman nakasimango
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW Bukod sa labis na pag-aalala ay masama ang kutob ko. I know my Sister at alam kong hindi na niya uulitin na gawin ang nga bagay na ayaw ng mga magulang namin at lalo na ang ayaw ko. She promised to me yesterday. I felt the sinserity. Huwag lang talaga na may masamang mangyayari sa kaniya, Forgive me Lord pero hindi ko maipapangako na kaya kong magpigil ng galit ko. Umalis ako ng bahay mag-isa at hinayaan ang mga parents namin na lumakad ng kanila. Ako, una kong pinuntahan ang bahay ni Chloie. Ewan ko pero wala talaga akong katiwa-tiwala sa pagmumukha niya. "Andrei... a-anong ginagawa mo rito? n-napasyal ka ata?" tanong niya sa akin na halis mautal-utal pa. Dito pa lang, noong pagkakita niya pa lang sa akin na tila parang takot ay parang nahalata ko na siya. "Asa'n si Alfa? Nawawala siya at wala akong ibang naiisip na magiging dahilan nang Late niyang pag-uwi kung hindi kayong mga barkada niya. Alam kong alam mo kung nasaan siya kaya magsabi ka s
Walang pagsidlan ang galit na nararamdaman ngayon ni Andrei matapos niyang napatunayan na ang grupo nga nila Chloie ang may gawa noon kay Alfa. Hindi nakuhang magpigil ni Andrei sa kagustuhan na pagbayarin si Chloie at ang grupo nito kahit na ito ay mga babae. Noong gabi din na yon, pinuntahan niya ang tatlo. Una niyang pinuntahang bahay ay ang bahay nila karla. Same reaction like chloie ang nakita ni Andrei dito pagkakita sa kaniya. Gulat na parang takot na parang alam na nito ang pakay ni Andrei. "oh, bakit parang nakakita ka ng multo? may problema ba sa mukha ko at bakit ganiyan ang tingin mo?" sarkastikong tanong ni Andrei. "A-andrei.... a-anong ginagawa mo rito?" parang alam na ni karla ang ipinunta nito Andrei ngayon pero nagtanong pa rin siya at sa kaniyang isipan na lang na nanalangin na sana ay hindi pa sila nabibisto ni Andrei tungkol sa ginawa nila kay Alfa. Ngayong nasa tamang pag-iisip na sila karla ay ngayon nila naiisip na maling mali ang ginawa nila kay Alfa. H
ALFA POV Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Ang mga braso ko, ang mga binti ko, at ang mukha ko ay mga kumikirot. Yung pakiramdam na maiiyak ka sa sobrang sakit. Sobrang laking trauma nang nangyari sa akin kagabi. Bukod sa pinagtulungan akong bugbugin ng mga taong itinuring ko na mga kaibigan ay yung ikinulong nila ako sa isang madilim na lugar at itinali pa. kung saan walang nakakarinig o makarinig kahit ano pang gawin kong pagsigaw. Takot na takot ako at akala ko talaga ay wala nang dapat para ako ay sagipin mula sa nakakatakot na lugar na iyon. Dininig ng Diyos ang dasal ko dahil hindi lang isa kung hindi dalawang anghel ang ipinadala niya para ako ay saklolohan. Si Xander at Andrei. Tandang-tanda ko iyon kahit na mas nangibabaw sa akin ang labis na pagkapagod ay natandaan ko pa noong niyakap ako ni Andrei. Dinig na dinig ko ang labis niyang pag-aalala. Mas lalo ko tuloy napatunayan kung gaano ako kamahal ng kapatid ko. Na kahit magkapatid lang kami sa ama ay higi
"Sandali po! maghulos dili po kayo. Hindi po natin ito maayos kung ganiyan kayo. Ang mabuti pa po ay umuwi na muna kayo at kami na po ang bahala dito. Kung papatulan niyo po ang anak nila (si Andrei) ay mas kayo pa po ang makakasuhan dahil menor pa po ang batang ito. Aayusin po natin ito. bibigyan natin ng pananagutan ang nagkamali sa tamang paraan. hindi po ganito." wika ng Pulis sa mga magulang ng grupo ni Chloie. Hindi kasi ito mga naawat. Sa loob ng pamamahay ng mga Avedaño pa nito sinugod si Andrei at sinaktan. Bagay na mali sa batas natin. Mabuti na lang at naawat din kaagad ni Stefano at ng Pulis ang pananakit ng mga ito kay Andrei. Bilang ama, masakit na narinig na nakagawa ng ganoon klaseng kawalang hiyaan ang anak lalo pa at kilala nila ito na hindi makagagawa ng ganoong mga bagay. Mas masakit din para sa isang ama na sinasaktan ang kaniyang anak lalo pa sa sarili nilang pamamahay . "Sige. Naiintindihan ko na mali ang anak ko pero sa ginawa niyo ngayon mas mali kayo. Sig
- "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k
Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka
Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog
Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini
Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga
MRS. DIANNE AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi pa man din ay parang matutumba na ako. Yung tipong sana, sana panaginip na lang ito. Itong nangyari. Hindi ko kasi lubos na maisip na ngayon pa ito mangyayari. Bakit? bakit? bakit kung kailan maayos na ang lahat sa amin? bakit kung kailan nakamit na namin ang inaasam namin na kaligayahan? bakit? Masaya pa kaming nagtanghalian kanina. Sobrang saya niya at panay pa nga ang sabi niya ng "Mahal kita!" hinatid niya pa ako sa bahay namin at nangakong maaga uuwi para sabay kaming maghapunan. Ang sabi niya ss akin ay babalik siya sa office, bakit? ano ang nangyari? Sobrang nablablanko ang isipan ko ngayon at hindi malaman kung paano ko kakayanin na makita ang asawa ko na nasa kritikal na kalagayan. Panay ang hagod sa aking likod ng kasam bahay na isinama ko para alalayan ako. "Señorita, lakasan niyo po ang loob niyo. May awa po ang Diyos. Huwag po sana kayong panghinaan ng loob. Ang importante po ay buhay si Sir at magkakasama pa kayo." paulit-u
Baliw sa pag-ibig na nararamdaman at nilamon na ng matinding pagnanasa si Xander to the point na malaki na ang kaniyang pinagbago. Hindi ganito si Xander pero dahil nga sa labis na pagmamahal niya sa dalagang si Alfa ay tuluyan na siyang nag-iba. Talagang inabangan ni Xander ang opisina ni Andrei dahil malakas ang hinala niya na dito ito pupunta pagkatapos na tumakas mula sa kamay niya. Nang makita niya na nagtungo si Alfa sa opisina nito ay labis siyang nanggalaiti sa galit. Gumawa siya ng paraan para sirain ang pagsasama ng dalawa. Iniisip ni Xander na poprotektahan ito ni Andrei mula sa kaniya kaya inunahan na niya ito. Pinasok niya ang kotse nito nang walang nakakakita. Nagtago sa likod at nag-antay ng tamang pagkakataon bago umatake. Isang oras mahigit din siya nag-antay sa loob ng nasabing kotse. nagtiis sa init at kulang na bentilasyon ss loob. Hindi iyon ininda ni Xander bagkus ang tanging nasa isip niya ay mabawi si Alfa at patayin si Andrei. Oo. umabot na talaga siya
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi ko alam na darating pala ang araw na ito, ang kamumuhian ko ang mukhang ito. Ang mukha ni Alfa na buong buhay kong minahal. Wala na itong dating sa akin ngayon dahil hindi naman talaga ang mukha niya ang minahal ko kung hindi ang pagkatao ni Alfa na siyang si Dianne na ngayon. At itong kayakap ko ngayon, isa siyang impostor. Ang akala niya siguro ay mapapaniwala niya ako. Huwag niya ako itulad sa iba. Hindi ako tanga. Alam kong peke siya dahil asawa ko na ngayon ang taong may ari ng mukha na iyan. Gusto ko siyang itulak at sitahin. Gusto ko siyang takutin hanggang sa mapaamin. Alam kong hindi naman mangyayari yon dahil hindi siya aamin. Nagawa niya ngang gumaya ng mukha na siyang nakababahala sa tahimik namin na pagsasama ni Dianne. Alam kong paghihiganti ang motibo ng taong ito at kung totoo ang hinala ko, hindi ko siya mapapayagan. "Andrei... Andrei, I Miss you so much! "I'm sorry, Andrei. I'm sorry kung bakit ngayon lang ako dumating. Ma