KINABUKASAN, Maagang nag-aalmusal ang pamilya ni Stefano. Linggo ngayon at araw ng pamilya. Naging tahimik ang mga anak nila at hindi maingay sa pagkakataong ito dahil sa nangyari kagabi. Masama pa rin ang loob ng nag-asawa sa nagawa ni Alfa pero hindi na nila inulit ang pagsesermon ngayong nasa harap na sila ng hapag-kainan. Bilang ang talagang anak nina Stefano at Derie ay si Andrei, kinamusta nila ito. Si Alfa ang nagsabi sa kanila sa kung ano ang nangyari kagabi at kung ano ang nagawa nito. Alalang-alala si Derie sa anak niya dahil napaaway nga ito. Si Andrei ay magaling sa pagpinta at may potensyal sa larangan ng paguhit. Kaya naman alalang-alala si Derie nang malaman niyang napaaway ito. "Kumusta ang kamay mo, anak?" tanong ni Derie sabay tingin sa kamay ng anak. Dito ay nasagot na ang kaniyang tanong. May nakita siyang paso at kaunting galos gawa nga ng pinagsusuntok nito ang isang lalaki sa party. "Ayos lang po ako, Mom." tipid na sagot ni Andrei sabay tingin sa kani
ALFA POINT OF VIEW I think parang mali ang pagtugon ko kay Chloie kanina. Parang napahiya siya dahil maraming nakarinig sa sinabi ko. Hindi ko naman intensyon na siya ay ipahiya. Sadyang sinagot ko lang ng tapat ang mga tanong niya. It happens na nasaktan siya and worst is napagtawanan pa siya ng mga classmate namin. Gusto ko lang naman na sabihin sa ka kaniya kung bakit ko kailangan nang umiwas sa kanila in a nice way pero ganito pa ang nangyari. Sa nangyari for sure na sila mismo ang lalayo na talaga sa akin. I feel sorry again. Buong maghapon tuloy ako nawala sa mood at hindi nakapag-focus dahil sa nararamdaman kong bigat sa aking kalooban. Hihingi na lang ako ng tawad mamaya kay Chloie. Sana lang ay hindi siya galit. Sila ng mga kaibigan niya. _______________ Pagsapit ng uwian, Everything around me seemed to slow down as she approached I was left speechless. Hindi ko kasi matantya kung paano ako magsisimula na kausapin si Chloie. Paano ba naman nakasimango
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW Bukod sa labis na pag-aalala ay masama ang kutob ko. I know my Sister at alam kong hindi na niya uulitin na gawin ang nga bagay na ayaw ng mga magulang namin at lalo na ang ayaw ko. She promised to me yesterday. I felt the sinserity. Huwag lang talaga na may masamang mangyayari sa kaniya, Forgive me Lord pero hindi ko maipapangako na kaya kong magpigil ng galit ko. Umalis ako ng bahay mag-isa at hinayaan ang mga parents namin na lumakad ng kanila. Ako, una kong pinuntahan ang bahay ni Chloie. Ewan ko pero wala talaga akong katiwa-tiwala sa pagmumukha niya. "Andrei... a-anong ginagawa mo rito? n-napasyal ka ata?" tanong niya sa akin na halis mautal-utal pa. Dito pa lang, noong pagkakita niya pa lang sa akin na tila parang takot ay parang nahalata ko na siya. "Asa'n si Alfa? Nawawala siya at wala akong ibang naiisip na magiging dahilan nang Late niyang pag-uwi kung hindi kayong mga barkada niya. Alam kong alam mo kung nasaan siya kaya magsabi ka s
Walang pagsidlan ang galit na nararamdaman ngayon ni Andrei matapos niyang napatunayan na ang grupo nga nila Chloie ang may gawa noon kay Alfa. Hindi nakuhang magpigil ni Andrei sa kagustuhan na pagbayarin si Chloie at ang grupo nito kahit na ito ay mga babae. Noong gabi din na yon, pinuntahan niya ang tatlo. Una niyang pinuntahang bahay ay ang bahay nila karla. Same reaction like chloie ang nakita ni Andrei dito pagkakita sa kaniya. Gulat na parang takot na parang alam na nito ang pakay ni Andrei. "oh, bakit parang nakakita ka ng multo? may problema ba sa mukha ko at bakit ganiyan ang tingin mo?" sarkastikong tanong ni Andrei. "A-andrei.... a-anong ginagawa mo rito?" parang alam na ni karla ang ipinunta nito Andrei ngayon pero nagtanong pa rin siya at sa kaniyang isipan na lang na nanalangin na sana ay hindi pa sila nabibisto ni Andrei tungkol sa ginawa nila kay Alfa. Ngayong nasa tamang pag-iisip na sila karla ay ngayon nila naiisip na maling mali ang ginawa nila kay Alfa. H
ALFA POV Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Ang mga braso ko, ang mga binti ko, at ang mukha ko ay mga kumikirot. Yung pakiramdam na maiiyak ka sa sobrang sakit. Sobrang laking trauma nang nangyari sa akin kagabi. Bukod sa pinagtulungan akong bugbugin ng mga taong itinuring ko na mga kaibigan ay yung ikinulong nila ako sa isang madilim na lugar at itinali pa. kung saan walang nakakarinig o makarinig kahit ano pang gawin kong pagsigaw. Takot na takot ako at akala ko talaga ay wala nang dapat para ako ay sagipin mula sa nakakatakot na lugar na iyon. Dininig ng Diyos ang dasal ko dahil hindi lang isa kung hindi dalawang anghel ang ipinadala niya para ako ay saklolohan. Si Xander at Andrei. Tandang-tanda ko iyon kahit na mas nangibabaw sa akin ang labis na pagkapagod ay natandaan ko pa noong niyakap ako ni Andrei. Dinig na dinig ko ang labis niyang pag-aalala. Mas lalo ko tuloy napatunayan kung gaano ako kamahal ng kapatid ko. Na kahit magkapatid lang kami sa ama ay higi
"Sandali po! maghulos dili po kayo. Hindi po natin ito maayos kung ganiyan kayo. Ang mabuti pa po ay umuwi na muna kayo at kami na po ang bahala dito. Kung papatulan niyo po ang anak nila (si Andrei) ay mas kayo pa po ang makakasuhan dahil menor pa po ang batang ito. Aayusin po natin ito. bibigyan natin ng pananagutan ang nagkamali sa tamang paraan. hindi po ganito." wika ng Pulis sa mga magulang ng grupo ni Chloie. Hindi kasi ito mga naawat. Sa loob ng pamamahay ng mga Avedaño pa nito sinugod si Andrei at sinaktan. Bagay na mali sa batas natin. Mabuti na lang at naawat din kaagad ni Stefano at ng Pulis ang pananakit ng mga ito kay Andrei. Bilang ama, masakit na narinig na nakagawa ng ganoon klaseng kawalang hiyaan ang anak lalo pa at kilala nila ito na hindi makagagawa ng ganoong mga bagay. Mas masakit din para sa isang ama na sinasaktan ang kaniyang anak lalo pa sa sarili nilang pamamahay . "Sige. Naiintindihan ko na mali ang anak ko pero sa ginawa niyo ngayon mas mali kayo. Sig
ALFA POV I saw how sad he is, I know how badly he want to stay here, I can felt the tears Coming from his eyes. Nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na kaming magkapatid. Nangyari ito dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Nagawa niyang manakit ng tao dahil ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako ng kahit sino. Ngayon na ang alis nila ni Daddy pa-america. Wala akong magawa. Gustong-gusto kong lumuhod sa harap ni Daddy at magmakaawa na huwag nang paalisin si Andrei dito sa bansa. But as what Daddy said, What he said is Final. Hindi na magbabago. Sa totoo lang, naiintindihan ko naman na kailangang gawin yon para na rin sa ikabubuti ni Andrei. Kailangan niyang maka-graduate at hindi pwedeng mapag-iwanan. Bilang isang kapatid na lumaki ba sobrang close kasama niya, napakahirap sa akin na isipin na gigising ako nang hindi na siya kasabay kakain. Na papasok ako sa school na hindi na siya makikita sa recess at uwian. Nakakalungkot pero ito na, mangyayari na. Bago sila tuluyan
Si Stefano ang kasama ni Andrei na umalis patungong Amerika habang si Derie naman ang naiwan at kasama ni Alfa sa mansyon. Dahil minor pa itong si Andrei, kinailangan pang mamalagi ni Stefano doon ng mahigit isang buwan para ayusin ang pag-aaral nito at para na rin samahan ito at tulungan na makapag-adjust sa buhay na bagong haharapin ni Andrei doon. Mahirap ang kanilang naging sitwasyon pero kailangan nilang harapin. Tuloy lang ang buhay. Para sa mag-asawang Derie at Stefano ay ginagawa nila ito para na rin sa ikabubuti ng dalawa. Samantala, Hindi naka-move on sa ginawa sa kaniya ng kaniyang kaisa-isang kapatid. Andrei kissed her Without her permission and worst is ninakaw nito ang first kiss niya. Never in her entire imagination na hahalikan siya ni Andrei sa ganoong pamamaraan. Mainit, matamis, mapusok, hindi niya maintindihan. Hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam niya during that kiss. Parang na-enoy niya but right after ay para siyang nasusuka dahil magkapatid