Lumipas pa ang mga araw at tiniis talaga ni Alfa si Andrei. She totally cuts all their Connection. No texts, no calls, no chats, no all. Nakabalik na si Stefano sa Pilipinas at naiwan nang mag-isa si Andrei sa Amerika. Pilit tinatanong ng mga ito ang anak na si Alfa kung ano ang nangyari at bakit hindi niya sinasagot ang tawag ng kapatid o magawa lamang itong kumustahin. Tipid ang naging sagot ni Alfa at hindi niya sinasagot ng diretso ang mga tanong ng magulang kung ano ba talaga ang naging problema? kataka-taka kasi na biglang naging ganoon na lang. Samantala, Ngayong gabi ay ang gabi kung saan magaganap ang seniors Ball nila Alfa. She prepared for this. Ito ang okasyon kung saan i-cecelebrate nila ang huling araw na pagiging mag-aaral nila sa sekondarya dahil bukas na rin ang araw ng kanilang pagtatapos ng high school. Alfa is very beutiful with her color baby Pink mini dress. Pink sandals at Pink na ribbon sa buhok nilang panali. Gliitered Pink naman ang kaniyang eyesh
Paano kung MAGMAHAL ka sa isang Taong "BAWAL" mahalin? tatanggapin mo ba siyang mawala para 'di magkasala o handa kang "MAGKASALA" huwag lang siyang "MAWALA"???? Forbidden love defies all boundaries, including time, distance, and societal restrictions, proving that love can conquer all. ______________________ Pero paano nga kung sa lahat ng taong mamahalin, bakit sa kapatid ko pa? Bakit sa hindi ko pa pwedeng mahalin? At first, akala ko ay pagmamahal lang ito bilang isang kapatid pero napatunayan ko na higit pa roon ang nararamdaman ko dahil sa kung anong nararamdaman ko noong nangahas akong halikan siya. May kuryente akong naramdaman at labis na kasiyahan sa aking puso matapos kong mapatunayan na iba na nga ang nararamdaman ko Literal na kakaiba dahil magkapatid kami sa ama. Na kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo ay magkapatid kami kahit saan mo banda tignan. Na kung magpapatuloy itong nararamdaman ko ay ako lang itong mahihirapan. Tanggap ko na kung bakit niya a
STEFANO AVEDAÑO POINT OF VIEW Kahit pala ibigay mo sa kaniya ang lahat ng pangangailangan niya bilang anak, kahit ginawa mo pala ang lahat ng Best mo para hindi niya masabing may kulang, at kahit na iparamdam mo sa kaniya ng doble o Tripleng pagmamahal, may kulang at kulang pa rin siyang mararamdaman. hahanapin at Hahanapin niya pa rin ang tao na nagbigay sa kaniya ng buhay. Ito ang kaisa-isang hiling niya sa akin ngayong araw ng kaarawan niya. Sa dami ng maiisip niyang hilingin ay itong pinaka mahirap pa. Saan ko hahanapin ang babaeng hindi na nagpakita kailanman buhat nang iwanan niya ang anak namin. Hindi man lang nag-abala para dalawin o kumustahin man lang. "Kung iyon ang Wish mo anak ngayong birthday mo, sige, tutuparin iyon ng Daddy. Pero hindi ko pa maibibigay ngayon yon dahil hahanapin ko pa si Cassandra. Sa ngayon, mag-celebrate tayo. Saan mo gusto kumain?" Sa mga sinabi ko ay mas nag-focus siya sa pangalang Cassandra. "Nasaan na kaya ngayon si mommy Cassandra?
"Malaki na talaga sila, hindi na namin sila pwedeng turuan o utusan na mahalin o tanggapin na lang ang mga bagay na nariyan. Hindi namin sila pwedeng pilitin dahil may sariling desisyon na sila. Ito pala ang mahirap sa part namin bilang magulang. Ito yung masakit dahil kailangan naming tanggapin na darating ang araw na sila na ang masusunod sa buhay na gusto nila at kaming mga magulang ay walang ibang magagawa kung hindi ang suportahan na lamang sila sa kung anong gusto nilang gawin sa kaniya-kaniyang buhay. And that's life. Walang hangganan ang obligasyon namin bilang magulang pero may hangganan din pala ang pagiging anak nila." wika ni Stefano sa kaniyang isipan habang pilit na itinatatak sa isip ang mga bagay na dapat niyang maunawaan bilang magulang. "Hayop ka! Hayop ka, Paul! Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ng batang iniwan ko roon? Wala akong pakialam kung kamuhian ako ng husto ni Stefano. Ang pakialam ko ay nasa batang tinanggalan mo ng pamilya. You think na anak pa rin an
Nagawang maglasing ni Stefano dahil sa mga naikwento ni Paul. Siya sa sarili niya, ayaw niya iyong paniwalaan dahil naniniwala siya na totoong anak niya si Alfa. Nabigla talaga siya. Never pumasok ss kaniyang isipan na hindi niya iyon anak. Ang kinaiinis niya ay bakit nabanggit ni Paul ang tungkol doon. Kung tutuusin ay bisita siya at hindi naman akma na sirain niya ang imahe ng asawa niya sa harap ng bisita. Oo. bisita ang pakilala niya kay Paul at noong matalino niyang sinuri ang mga inasal ni Paul kagabi, halata dito na sinasadya nitong marinig niya ang tungkol sa nakaraan ni Cassandra. Ibig sabihin, may alam ito sa nakaraan nila ni Cassandra. "Tama! balak niya lang akong saktan dahil takot siya at obvious na nagseselos. Matanda na siya at imbalido pa, marahil iniisip lang ng Paul na iyon na si Cassandra ang habol ko. Nakakatawa! Nakuha niya pang mag-imbento ng mga kuwento para lang saktan ako at mamuhi kay Cassandra. " sa isip-isip ni Stefano. Kinukumbinsi niya ang sarili n
"Hindi ko anak si Alfa. Hindi natin siya anak. Nasa tiyan pa lang ang anak nating na dalawa ay namatay na siya at hindi ko na para balikan pa ang sakit ng nakaraan. Uulitin ko, hindi natin anak si Alfa. Anak siya ng kaibigan ko sa pagkadalaga. Alfa ang pangalan ng kaibigan ko kaya Alfa na lang din ang ipinangalan ko sa sanggol. Tinanggap ko si Alfa dahil isa akong ina na nawalan ng anak. tinuring ko siya na parang tunay kong anak kaya lang ay noong gabing pinipilit mo ako na paaminin kung nasaan ang anak natin... Noong gabing hinalikan kita at aksidente mong nasagot ang tawag ni Paul.... doon na pinag-initan ni Paul ang bata. Nagalit siya sa akin at iniisip na palihim tayong nagkikita. Inamin ko kay Paul ang katotohanan tungkol sa tunay na pinagmulan ni Alfa. Still, hindi niya pa rin natanggap ang bata. Tinakot niya ako na papatayin niya ang bata kaya naisip ko na ibigay siya sa mga taong busilak ang mga puso. Kaya napilitan akong magsinungaling. Gusto ko lang naman na may magmahal ka
Lumipas ang buong magdamag na paghahanap ay hindi pa rin nakita ni Stefano ang lumayas na anak. Ginamit na niya ang koneksyon at lahat-lahat ngunit sadyang mahirap hanapin ang ayaw na magpahanap. Lumayas si Alfa matapos niyang malaman na siya ay ampon. Nasaktan ito pero higit na nasaktan si Stefano. Imagine, pinalaki niya at minahal ang bata na hindi naman pala niya ka-ano ano. Mahirap kay Stefano na tanggapin ang katotohanan pero mas nanaig pa rin sa kaniya ang pagiging ama. Yung tipong kahit nalaman niya ang panloloko ni Cassandra ay nananatiling anak pa rin ang tingin niya kay Alfa. Sa kanila ito lumaki hanggang nagkaisip. Nagagalit si Stefano kay Cassandra ngunit hindi siya nagagalit kay Alfa. Hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Dahil desperado na si Stefano at hindi nalalaman ang gagawin, hindi na siya nakatiis at ipinaalam na sa kaniyang asawa ang nangyari. Nasa America pa rin si Derie kasama ang anak niyang si Andrei at nagulat talaga ito sa biglang pagtawag ni Stef
Pagdating ni Derie May sa Pilipinas ay dumiretso kaagad siya sa bulacan kung nasaan ang mansyon na tinitirhan nila. Pagdating niya doon ay agad niyang binitawan ang maleta at tumakbo para yakapin ang asawang si Stefano. Pareho silang naging emosyonal. Katatapos lang makipag-ugnayan ni Stefano sa mga Pulis dahil nasa 24 oras nang nawawala si Alfa. ""Kumusta? ano ang balita kay Alfa?" tanong ni Derie matapos nilang magbitaw ng yakap. Bilang isang ina na may nawawalang anak, hindi niya makuhang kumalma. "Wala pa rin. Hindi pa rin siya umuuwi. Nag-report na ako sa mga Pulis at doble na ang ginagawa nilang pagkilos." Malungkot na pagkakasabi ni Stefano. Ang amang nanghihina na sa pag-iisip kung saan hahagilapin ang anak. "Diyos ko! bakit ba kasi? Ano ba ang naging problema? bakit lumayas ang anak natin? hindi naman niya ginagawa ang mga bagay na ito dati." ito talaga ang malaking katanungan kay Derie. Kung bakit lumayas ang anak. As far as her knowing, maayos ang mag-ama at never it