Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini
Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog
Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k
- "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia
Ako si Derie May Vegaz, 20 taong gulang, Ulilang Lubos at kasalukuyan na nagtratrabaho bilang isang florista sa isang kilalang flowershop sa lugar namin. Ipinanganak akong bulag mula pa noong pagkabata ko kaya kahit kailan ay hindi ko nasilayan ang mga mukha ng magulang ko. Namatay ang inay ko noong ako ay ipinanganak. Ang tatay ko lang ang nakasama ko at nagpalaki sa akin. Si Angelito Vegaz, isang mangingisda. Sa pamamagitan ng pangingisda ay itinaguyod niya ang pag-aaral ko. Bagamat hindi ko nakikita ang klase ng buhay na mayroon kami, alam ko at ramdam ko na mahirap lang kami. Kahit na dalawang beses lang kami nakakakain ng ama ko sa isang araw at minsan ay natutulog kami ng kumakalam ang sikmura, masaya pa rin kami ng itay. Palagi niyang sinasabi sa akin na balang araw ay papabor din sa amin ang tadhana. Ang importante raw ay magkasama kami. Mahal na mahal ko ang itay ko dahil palagi niyang pinaparamdam sa akin ang kaniyang pag-aalaga. Hindi ko man nakikita pero ramdam
May nadaanan akong isang flower shop kaya naisipan kong huminto para bumili ng bulaklak para kay Daddy. Isang linggo na ang nakalilipas nang lisanin niya ang mundong ibabaw. Namatay siya dahil sa labis na kalungkutan. Ang aking ama na si Don Louise Avendaño ang Gobernador dito sa lalawigan ng Bulacan. Isa siyang magiting at tapat na pinuno sa kaniyang mga nasasakupan. Matulungin siya sa mahihirap at may puso sa mga nangangailangan. Sa kabila ng kabaitan niya ay puro sama ng loob ang inabot niya mula sa mga mamamayan. Namatay siya nang maraming galit sa kaniya. Sa mga bagay na alam kong hindi naman niya gawain o ginawa. As his son, I feel bad because I couldn't do anything to save him from extreme sadness. For me, he didn't deserve to die in that manner. What's sad is that even though he's gone, the people who are angry with him and want to bring down the remaining Avedaños in our area haven't stopped. Ako naman ang gusto nilang isunod. Due to the consecutive death threats I have b
"Hindi mo ba kilala yong bumili na 'yon, Derie? Anak siya ng Gobernador natin. Ang lalaking iyon ay si Stefano Avedaño!" Pagsita ni Elsa sa dalaga matapos makaalis ni Stefano. "Ha? talaga po? Kung ganoon dapat po pala ay nagpakilala ako." wika pa ni Derie na tila hindi nakuha ang tono ng boses ng kaniyang amo. "Naku, at bakit pa? Masamang tao ang mga Avendaño. Hindi mo na kailangang kilalanin ang ganoong mga tao." Wika ulit nito sa dalaga na halos siraan na ang nga Avendaño. "Tita Elsa, mali po kayo. Hindi po masamang tao ang mga avendaño. Ako po mismo ang magpapatunay na mabuti sila. Manang, ang Gobernador po ang nagbayad ng operasyon ko para makakita ako." pagtatanggol ni Derie May sa mga Avedaño. Hindi niya alam kung bakit maraming mamamayan ng Bulacan ang galit na galit sa Gobernador at sa pamilya nito samantalang mabait naman ang pagkakakilala niya sa mga ito. Bilang isang mahirap, malaki ang utang na loob niya sa Gobernador na siyang tumulong sa kaniyang ama. "Siguro s