Share

The first kiss

Author: Nelia
last update Last Updated: 2024-05-21 23:34:49

"Hindi mo ba kilala yong bumili na 'yon, Derie? Anak siya ng Gobernador natin. Ang lalaking iyon ay si Stefano Avedaño!" Pagsita ni Elsa sa dalaga matapos makaalis ni Stefano.

"Ha? talaga po? Kung ganoon dapat po pala ay nagpakilala ako." wika pa ni Derie na tila hindi nakuha ang tono ng boses ng kaniyang amo.

"Naku, at bakit pa? Masamang tao ang mga Avendaño. Hindi mo na kailangang kilalanin ang ganoong mga tao." Wika ulit nito sa dalaga na halos siraan na ang nga Avendaño.

"Tita Elsa, mali po kayo. Hindi po masamang tao ang mga avendaño. Ako po mismo ang magpapatunay na mabuti sila. Manang, ang Gobernador po ang nagbayad ng operasyon ko para makakita ako." pagtatanggol ni Derie May sa mga Avedaño. Hindi niya alam kung bakit maraming mamamayan ng Bulacan ang galit na galit sa Gobernador at sa pamilya nito samantalang mabait naman ang pagkakakilala niya sa mga ito. Bilang isang mahirap, malaki ang utang na loob niya sa Gobernador na siyang tumulong sa kaniyang ama.

"Siguro sa inyo oo pero sa ibang nasasakupan nila hindi. Walang puso ang Gobernador na iyan. Dapat lang na kamuhian siya ng tao kahit patay na siya. Maging ang anak niya. Sa susunod na pupunta rito iyan ay mag-iingat ka."

Hindi maintindihan ni Derie May kung bakit ganoon na lang kung makapagsalita si Elsa sa Gobernador samantalang alam niya sa sarili niya na mabuti ito. utang na loob niya rito ang kaniyang paningin. Kahit na binalaan siya ni Elsa ay hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya sa mga Avedaño lalo na kay Stefano.

Simula noong una niya itong nakita ay hindi ba naalis sa kaniyang isipan ang guwapong mukha nito.

Pagkatapos ni Derie May sa trabaho ay nagpapaalam siya kay Elsa na mamamasyal lang sa bayan. Hindi niya sinasabi rito na si Stefano ang dahilan ng kaniyang araw-araw na pag-alis. Araw-araw siyang nagbabakasakali na makita ito sa bayan.

Hindi naman nabigo sa kaniyang lakad si Derie. Paminsan-minsan ay natetyempuhan niyang makita ang anak ng Gobernador ngunit mabilisan lamang.

Isang araw, pagka galing niya sa simbahan, pauwi na sana si Derie May nang matawag ng kaniyang pansin ang magagandang bulaklak sa daan. naisipan niyang mamitas nito. Dahil limang taon na siyang nagtratrabaho sa flower shop ay napamahal na siya sa mga bulaklak. Tuwing makakakita siya nito ay gumagaan ang pakiramdam niya.

Habang nag-eenjoy ang dalaga sa pamimitas ng bulaklak ay isang pamilyar na mukha ang swertehan na nakita niya. Ang anak ng Gobernador na si Stefano. Agad siyang nabuhayan dahil hindi niya inaasahan na makikita pa niya ito ngayong gabi.

Agad na sinundan ni Derie May ang guwapong binata. Wala siyang balak na makipagkilala, gusto niya lang talaga itong sundan.

Sa kakasunod niya rito ay napadpad na siya sa isang eskinita. Madilim at tanging daang tao lang. Agad na nakaramdam ng kaba so Derie May dahil nakakatakot ang lugar na iyon. Nawala na rin sa paningin niya si Stefano kaya naisip niyang umalis na lang sa lugar na iyon.

Habang naglalakad si Derie May sa gitna ng kadiliman ay hawak-hawak ang dibdib niya. Bigla niyang naisip na baka hindi si Stefano ang lalaking kaniyang nasundan dahil imposible naman itong pumasok sa ganoong klaseng lugar. Punong-puno ng takot ang dibdib niya. Mas binilisan niya pa ang paglalakad hanggang sa...

Bigla na lang may humila sa kaniya mula sa gilid. Dahil doon ay napasigaw ang dalaga. "Tulong!!! tulong!!! Tulungan niyo ako." dinala siya nito sa mas madilim na bahagi.

"Shhhhh! Tumahimik ka!" saad ng isang boses ng lalaki. Tinakpan nito ang bibig ng dalaga para hindi ito makalikha ng ingay.

Sa mga oras na iyon ay wala ng ibang nagawa si Derie May kung hindi ang umiyak at magdasal. Iniisip niya na masamang tao ang may hawak sa kaniya ngayon at may posibilidad na patayin na lang siya nito pagkatapos gamitin.

Buhat nang makakita si Derie May ay doon niya lang nakita kung gaano kalupit ang mundo. Malayo sa kwento ng kaniyang itay. Ang mga tao ngayon ay malulupit at walang puso sa kapwa. Kagaya ngayon, iniisip niya na swerte na lang siya kung binitawan siya nito ng buhay.

Nanatili siyang tahimik lang at nakikiramdam. nakasandal siya sa magaspang na pader habang magkadikit ang katawan nila ng lalaki. Takip-takip pa rin nito ang bibig niya.

"Huwag kang gagawa nang anumang ingay kung hindi malilintikan ka sa akin," banta nito. Tumango na lang siya nilang pagsang ayon. maya maya pa ay hinila na siya nito palabas ng madilim na eskinita. Habang naglalakad sila ay akbay-akbay naman siya ng lalaki. "Umamin ka, sino ka? bakit mo ako sinusundan? May plano ka bang patayin ako?" tanong ng lalaki.

Nagtaka si Derie sa naging tanong ng lalaki. Ang alam niya ay ito ang humablot sa kaniya tapos ngayon ay tinatanong siya nito na parang nabibintang na rin. "A-ano po? h-hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Hindi ko po kayo maintindihan. Si Stefano po ang sinusundan ko. Hindi po ako mamamatay tao. Kayo po ang unang humablot sa akin, hindi ko po kayo kilala." pag-amin ni Derie May. halata pa rin sa boses niya ang matinding takot. Nanginginig ang kaniyang katawan.

Ang hindi alam ni Derie May ay si Stefano ang lalaking kausap niya ngayon na siya ring akbay-akbay siya. "Talaga? kung ganoon, bakit mo sinusundan si Stefano?" para kay Stefano ay isang malaking tanong kung bakit siya sinusundan ng babaeng iyon. Kanina pa kasi niya ito nahalata kaya sinadya niyang magtago sa madilim na eskinita upang hulihin ito.

"Bakit kailangan niyo pa pong alamin?"

"Basta sagutin mo na lang!"

"O-opo. Lihim po akong umiibig kay Stefano. Araw-araw po akong nagbabakasakali na makita siya sa daan. Nang makita ko po siya kanina ay sinundan ko siya para sana ibigay itong mga bulaklak na pinitas ko. Iyon lang po. Ngayong alam niyo nang hindi po ako masamang tao ay maaari niyo na po ba akong pakawalan?"

Gustong matawa ni Stefano sa kaniyang narinig. May ganoong klase ng babae pa pala sa panahon ngayon? Na lihim na umiibig.

Nang makarating na sila sa bahaging may liwanag na ay dito na nakita ni Derie May ang mukha ng lalaking humablot sa kaniya. "I-ikaw? Ikaw si Stefano?" Halos mamula ang mukha niya nang makilala ito sa liwanag. Hiyang-hiya siya sa naging pag-amin niya. Agad siyang napayuko dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.

"Oh, bakit ka nakayuko? Akala ko ba gusto mo akong makita? oh, eto na, sobrang lapit ko na sa 'yo. Hindi mo pa ba ibibigay ang bulaklak na sinasabi mong ibibigay mo sa akin?"

"Kalimutan niyo na po ang mga sinabi ko kanina,"

Nagulat si Derie nang biglang hawakan ni stefano ang kaniyang baba. Nagtama ang mga mata nila at tila nagkaroon ng koneksyon ang kanilang mga tinginan. Napapikit na lamang si Derie May sa pag-aakalang hahalikan siya nang binata.

Ilang sandali pa ay isang humaharurot na sasakyan ang biglang papalapit sa kanila. Mabuti na lang at alisto si Stefano at agad niyang naitulak ang dalaga. Sa damuhan ay doon na tuluyang naglapat ang kanilang mga labi. It was derie May First kiss kaya naman para siyang lumulutang sa alapaap. Ang hindi niya alam ay noong mga oras din na yon ay nalalagay na pala sa panganib ang buhay niya.

"Let's go! Mukhang may balak silang patayin ako." Nakita ni Stefano na pabalik ang nasabing kotse at sa pagkakataong ito ay may nakadungaw ng lalaki na may hawak na baril at nagpapaputok. Mabuti na lamang at agad silang nakasakay sa kotse. Mabilis itong pinaandar ni Stefano. Ngayon ay sinusundan sila ng nasabing mga armadong lalaki.

Tila eksena sa isang aksyon na Pelikula kung saan ay pinoprotektahan ng bidang lalaki ang bidang babae. Nasa peligro na ang buhay ni Derie May pero ang nasa isip niya pa rin ay ang paglalapat ng kanilang labi. Pirmis lang siyang nakahawak sa kaniyang labi habang si Stefano naman ay naka-focus sa kung paano niya matatakasan ang mga armadong lalaking iyon.

Ilang sandali pa ay nagtagumpay na silang makatakas sa mga ito. Ngayon ay nasa isang malayo na bahagi na sila ng Bulacan. Napadpad sila sa DRT o Doña Remedios Trinidad. Ang lugar sa Bulacan na halos bundok na.

Mabuti na lang at may rest house ang mga Avedaño dito. Dito na nagpasiya si Stefano na magpalipas ng gabi kasama ang babaeng umamin na may gusto sa kaniya.

"Okay ka lang ba, Derie? pasensya ka na kung nadamay ka pa sa gulong ito. Anyway, Nagustuhan ko ang binigay mong bulaklak. Alam mo bang sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak mula sa isang babae?" Mabait naman talaga si Stefano sa lahat. Hindi siya yung tipong bastos o mapag-samantala. He is just being nice to Derie knowing na may pagtingin ito sa kaniya. Stefano has a Girlfriend kaya mabuting pakikitungo lang ang kaya niyang isukli sa dalaga.

"Okay na okay. Huwag mo akong intindihin. Masaya ako na magkasama tayo ngayon. Pasensya ka na kung naging pabigat pa ako sa 'yo ngayon. Kung hindi kasi kita sinundan, hindi ka na sana---" Hindi pa natatapos magsalita si Derie May ng biglang takpan ni Stefano ang bibig ng dalaga gamit ang darili para sana patahimikin.

Itong si Stefano ay bigla na lang natulala habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. Bigla niyang naalala ang aksidente na paglalapat ng kanilang mga labi. Ang malambot at mapula nitong labi ay nag-iwan ng isang matamis na ala-ala kay Stefano sa dalaga.

"What's your name again? I kissed you, but I still don't know your name." halata sa mukha ng binatang si Stefano ang paghanga sa kaharap. Hindi siya yung tipo ng lalaki na babaero. Sadyang kapuri-puri lang talaga ang aking ganda ng dalagang si Derie May.

"Derie, Derie ang pangalan ko."

"Okay, Derie. Sorry sa nangyari kanina. Alam naman nating dalawa na aksidente lang ang paglalapat ng ating mga labi. Pasensiya ka na rin kung hindi kita maihahatid ngayon. Hayaan mo, next time babawi ako sa 'yo. Matulog na tayo."

"Sige. good night, Stefano!"

Iniwan na ni Stefano ang dalaga at saka siya nagtungo sa kabilang kwarto. Bigla niyang naisip ang nobya niyang si Cassandra. Kung ito pala ang kasama niya kanina ay malamang na hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may nangyaring masama. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Paano ko siya pakakasalan kung minu-minuto ay may banta sa buhay namin?" Mahal na mahal niya si Cassandra at hindi niya kayang mapahamak ito dahil lang sa pagmamahal nito sa kaniya.

Ilang sandali pa ay may biglang pumasok na ideya sa isip na stefano na maaaring makatulong sa problemang kinakaharap niya ngayon.

"Thank you for Coming in to my life, Derie. Ikaw ang magiging sagot sa lahat ng problema ko. Hindi ba at gusto mo kamu ako? p'wes, ikaw na lang ang babaeng pakakasalan ko." wika ni Stefano sa hangin. Wala na siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang gumamit ng ibang tao para makuha niya ang mana niya.

Alam rin niyang hindi ito madali. Kailangan niya munang paibigin ang dalaga bago niya ito alukin ng kasal. he is running out of time kaya naman agad na kumilos si Stefano kinabukasan.

Kinabukasan, naunang magising si Stefano kaya dali-dali siyang bumangon mula sa higaan at nagtungo sa banyo para maligo. Bagamat ang katiwala lang ang bantay dito sa kanilang rest house ay kumpleto pa rin ang gamit dito.

Naisipan ni Stefano na maligo muna bago puntahan ang dalaga sa kabilang kwarto. Mga nasa kinse minuto din siyang nagtagal doon bago lumabas. Nakatapis lang siya ng tuwalya na lumabas at nagulat siya nang makita si Derie May sa loob ng kaniyang kuwarto.

"Hala, Diyos ko! Patawarin niyo po ako sa aking makasalanang mata." Nanlaki ang mata ni Derie May sa nakitang nakabakat sa binata. Mahaba at mataba. Agad siyang napatalikod dahil sa pagka-ilang. Babae siya at hindi tamang makakita siya ng ganoon dahil sa kapangahasan niya. Pumasok na lang siya basta nang hindi kumakatok.

"Derie? Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" Nilapitaan ni Stefano ang dalaga at hinawakan sa balikat. Dahil sa paglapit niya ay hindi sadyang nadikit ang naka umbok sa gawing likuran ng dalaga. Matigas at matulis.

"kailangan ko? w-wala... yayayain sana kitang----" para makaiwas sa tukso ay dahan-dahan na humarap si Derie May. Sa kaniyang pagharap ay bigla siyang nakaramdam ng panghihina nang makita niya ang hubad na pang itaas na bahagi ng katawan ng binata na may tumutulong tubig galing sa buhok.

Agad na nakaramdam ng init si Derie May na bago sa kaniyang pakiramdam. Inosente man sa mga ganitong bagay ay alam ni Derie May na ang lalo siyang napapahanga ng binata.

"Yay-yayaain ko po s-sana kayong magkape. Nakialam na po ako sa kusina dahil kanina pa po ako gising." muling tumalikod si Derie May at nagmamadali na lumabas ng kwartong iyon.

Napailing na lang si Stefano sa reaksyon ng dalaga. Halata kaagad niya na inosente ang dalaga pagdating sa sex. Namula kasi ang mukha nito at halos hindi makatingin ng diretso. Hindi maitatanggi na malaki nga ang pagkagusto nito sa binata.

Hindi si Stefano ang tipo ng lalaki na mapag-samantala sa babae. He's A one woman man at tanging si Cassandra lamang ang nagmamay-ari ng puso niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan niyang samantalahin ang pagkagusto sa kaniya ni Derie May. Ito na kasi ang napipisil niyang pakasalan.

Related chapters

  • Played by Mafia & Billionaire    Coffee

    "Saan ka ba nanggaling? balit hindi ka umuwi? Alam mo bang magdamag akong nag-aantay sa pag-uwi mo? Hindi ako makatulog sa labis na pag-aalala. Ano ba, Derie? Bakit hindi ka magsalita?" Sermon sa akin ni Tita Elsa. Mataas ang boses niya pero alam kong totoo ngang inintay niya ako. Ito kasi ang unang beses ko na hindi umuwi ng gabi. Si Tita Elsa na ang tumayong parang pangalawa mi nang magulang dahil siya ang kumpkop sa akin noong wala akong ma takbuhan. Limang taon ba rin ako sa kaniya kaya alam kong para na ring anak ang turing niya siya akin. "P-pasensya na po, tita. Hindi na po mauulit. Medyo nasarap lang po ng kuwentuhan kami ng kaibigan ko kaya hindi ko na po nagawang umuwi. pasensya na po talaga." Kinailangan kong magsinungaling para hindi na humaba ang usapan. Kung aaminin ko kasi sa kaniya ang totoong nangyari kagabi at kung sino ang kasama ko ay tiyak na malilintikan ako. Wala naman kasing nangyaring masama. Ang totoo nga niyan ay napaka saya ko kagabi kasama si Stefano.

    Last Updated : 2024-05-24
  • Played by Mafia & Billionaire    Malaking isda

    "Hindi niya sinabing liligawan niya ako pero umamin siya na may gusto siya sa akin. Pero bakit ang bilis? kahapon lang kami nagkasama tapos ngayon sinasabi na niyang interesado siya sa akin? Kahapon ang cold niya pero ngayon nagpapakita na siya ng pagtingin sa akin? Ano ba talaga? Dapat ko bang seryosohin ang mga sinabi niya?" wika ni Derie May sa kaniyang isipan. Balik-balik siya sa paglalakad. Hindi siya mapakali dahil nagwawala ang puso niya. kinikilig siya sa mga galawan ng binata ngunit naroon din ang kaniyang pagtataka. Bakit bigla bigla na lang itong nagpakita ng pagkagusto sa kaniya? Naiisip ni Derie May ba baka naglalaro lang ito ngunit iniisip niya rin na maaaring totoo nga ito sa mga pag-amin. Bagamat masyadong mabilis ang mga nangyayari ay tinignan na lang niya ito bilang... "Love is magic. Love is mysterious? kusa mo itong mararamdaman when the right persons comes. Siguro ako yung right person sa kaniya kaya agad niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niy

    Last Updated : 2024-05-25
  • Played by Mafia & Billionaire    prinsesa

    Derie May POV Naiintindihan ko naman ang reaksyon ni Kim tungkol sa umuusbong naming pagtitinginan ni Stefano. Talaga naman kasing ka-kwestyon kwestyon. Pero ang hirap kasing ipaliwanag sa iba lalo ba at ako itong nakakaramdam. Kami lang ni Stefano ang nagkakaintinhan. Inihatid na ako ng kasamahan ko sa flowershop kasabay ng mga bulaklak sa mansyon ng mga Avedaño. Para kay tita Elsa ay parte lamang ito ng negosyo pero para sa akin ay paraan ito ni Stefano para makasama ako. Malakas ang kutob ko na props niya lang ang mga biniling bulaklak. Gusto niya lamang akong makasama ngayon. Pagdating ko sa mansyon ay iniwan na ako ng kasamahan ko matapos niyang maibaba ang pagkarami-raming bulaklak. Ako naman ay napatingin sa lawak ng hardin na aking aayusan. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung magsisimula na ba akong mag-ayos o pupuntahan ko na si Stefano sa loob dahil alam ko naman na ako ang iniintay niya. Ilang sandali pa ay dumating na nga si Stefano. Nakapamulsa pa siya habang n

    Last Updated : 2024-05-25
  • Played by Mafia & Billionaire    Pink bra

    Derie May POV Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa dalawang dahilan. Una ay dahil sa lamig ng temperatura maysmroon dito sa loob ng kaniyang kuwarto, pangalawa ay dahil kinakabahan ko sa naiisip kong gagawin namin dito sa loob. Matapos niyang i-lock ang pintuan ay muli niya akong nilapitan. Sa pagkakataong ito ay iba na ang klase ng tinginan ang ibinibigay niya sa akin. Mula nang magkakilala kami ay ganito na siya tumingin sa akin. kaso mas iba ngayon. Para akong ikukumpara sa isang laruan na matagal na niyang gustong bilhin. "S-tefano... A-anong gagawin natin dito? H-hindi ba at parang sobrang bilis nito? H-huwag mong sabihin na...." bawat hakbang niyang pasulong ay ako naman ay paurong. Oo. Gusto ko siya kaya lang ay hindi ko naman kayang isuko sa kaniya ang aking bataan nang basta-basta lamang. Dalagang Filipina pa rin ako kaya kahit na sobrang guwapo niya ay hinding-hindi ako bibigay agad-agad. "Bakit? Nahihiya ka ba? Huwag ka nang mahiya dahil nobyo mo na ako ngay

    Last Updated : 2024-05-25
  • Played by Mafia & Billionaire    Warning! Spg

    Nakangiti pa nang umuwi si Derie. Nagpakita muna siya kay Elsa pagdating na pagdating niya. Kinamusta nito ang naging arrangement niya sa mansyon at nagtanong na rin ito tungkol sa naging pakitungo sa kaniya ni Stefano. Bagamat nagtataka si Elsa kung bakit napadpad na ng ilang beses si Stefano sa kanilang lugar ay hindi naman niya ito binigyan ng malaking kahulugan. "Okay naman po tita. Iniwanan lang po ako sa garden hanggang sa matapos. Nasa loob po ng bahay si Stefano kaya hindi na kami nakapag-usap." muling pagsisinungaling ni Derie May sa taong kumupkop sa kaniya. Hindi niya inamin ang totoong ginawa nila ni Stefano sa loob ng mansyon dahil alam niyang malilintikan siya rito. "Mabuti naman kung gano'n. Sige na, magpahinga ka na." Dahil nakasuot ng Jacket si Derie May ay hindi napansin ni Elsa ang mga pulang marka sa leeg nito na si Stefano ang gumawa. Nawala rin sa loob ni Derie May na may mga marka siya sa leeg. Nakita na lang niya ito nang nasa loob na siya ng banyo. Do

    Last Updated : 2024-05-26
  • Played by Mafia & Billionaire    Paghanga

    DERIE MAY POINT OF VIEW Wala akong mukha na maiharap ngayon kay Tita Elsa dahil sa mga nakita niya na ginawa namin ni Stefano dito sa loob ng Flower shop niya. I was half naked at hindi talaga tama ang mga nakita niya. Ngayon ay umaapoy sa galit si Tita Elsa. Ito ang unang pagkakataon na naabot ko ang kaniyang sukdulan kaya niya ako nasampal ng malakas. Kaagad kong pinagtabuyan paalisin si Stefano dahil ayokong marinig niya ang mga masakit na sasabihin ni Tita Elsa. Wala siyang mali dito. Ako yung may mali dahil ako ang nagpapasok sa kaniya rito. "Manloloko ka! kailan mo pa ako niloloko? kailan pa kayo palihim na nagkikita ng lalaking yon? Nakakadismaya ka, Derie. Hindi ko Lubos maisip na ganiyan ka pala kalandi! At dito pa talaga kayo naglandian sa loob ng shop ko?" Nasundan pa ng sabunot ang ginawa niya sa akin. Tinanggap ko na lamang ang galit niya. Anak ang turing niya sa akin at pagdidisiplina lamang itong pananakit niya sa akin. "Tita m-magpapaliwanag po ako. H-hindi

    Last Updated : 2024-05-27
  • Played by Mafia & Billionaire    Darang SPG

    Naramdaman na lang ng dalagang si Derie na unti-unti nang lumalim ang kanilang nagiging paghahalikan. Nakaupo siya sa kandungan ni Stefano at tila kahit nahihirapan sa posisyon ay nagagawa pa rin niyang makipag sabayan ng halik sa nobyo. Hanggang Naramdaman na lang din ni Derie na hinubad na ni Stefano ang suot niyang jacket. Saglit itong tumigil sa paghalik at pinasadahan ng tingin ang buo niyang kabuuan. Napabuga pa ito ng hangin ng matigil ang tingin sa bandang hita ng dalaga. Stefano can't imagine na nakalabas ito ng bahay nila ng ganitong oras ng gabi na naka pantulog lang? Sa hindi niya malaman na dahilan ay agad siyang nakaramdam ng pag-aalala din. "Next time, I don't want you to go out wearing that. What if something happens to you on the road? Damn! I don't know what I'll do to someone who disrespects you." "Ha? K-kasi tumakas lang ako. Hayaan mo sa susunod ay hindi na mauulit." Napakagat ng labi si Derie May sa harap ng kaniyang nobyo. Medyo seryoso kasi ito at pinipigi

    Last Updated : 2024-05-29
  • Played by Mafia & Billionaire    Namamangka sa dalawang ilog

    STEFANO POINT IF VIEW. Bigla akong natauhan matapos kong narinig ang pangalang Cassandra. My Girlfriend. Kaagad kong sinagot ang tawag niya at hindi nagpahalata kay Derie na Nobya ko yung tumatawag. * * "H-hello?" bungad ko kay Cassandra. Tumayo ako mula sa higaan at bahagyang lumayo kay Derie. "Hello, Stefano? where are you? I miss you so much. Hindi ko na kaya na hindi kita makita. Magkita tayo ngayon, please? hinahanap ko ang nga yakap at halik mo. Mamatay na ata ako sa kakaisip na baka may iba ka na. Na baka may ibang babae nang nagpapasaya sa 'yo. Stefano, I need you tonight. Kung hindi mo ako pupuntahan, ako ang pupunta diyan. Stefano, hindi natin kailangang matakot sa mga taong may galit sa pamilya mo. Ako, nobya mo ako, sasamahan kita sa kahit na anong laban. Hindi ako natatakot sa kanila, Mas natatakot ako na tuluyan kang malayo sa akin." Wika ni cassandra na halatang naiiyak na. "I know, babe. Me too. Ako rin, Gustong-gusto ko rin naman na makasama ka ngayong gab

    Last Updated : 2024-05-29

Latest chapter

  • Played by Mafia & Billionaire    The end

    - "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia

  • Played by Mafia & Billionaire    sa likod ng larawan

    ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k

  • Played by Mafia & Billionaire    larawan

    Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka

  • Played by Mafia & Billionaire    Hindi kilala

    Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog

  • Played by Mafia & Billionaire    50

    Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini

  • Played by Mafia & Billionaire    2 lines

    Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga

  • Played by Mafia & Billionaire    Pag-iisip

    MRS. DIANNE AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi pa man din ay parang matutumba na ako. Yung tipong sana, sana panaginip na lang ito. Itong nangyari. Hindi ko kasi lubos na maisip na ngayon pa ito mangyayari. Bakit? bakit? bakit kung kailan maayos na ang lahat sa amin? bakit kung kailan nakamit na namin ang inaasam namin na kaligayahan? bakit? Masaya pa kaming nagtanghalian kanina. Sobrang saya niya at panay pa nga ang sabi niya ng "Mahal kita!" hinatid niya pa ako sa bahay namin at nangakong maaga uuwi para sabay kaming maghapunan. Ang sabi niya ss akin ay babalik siya sa office, bakit? ano ang nangyari? Sobrang nablablanko ang isipan ko ngayon at hindi malaman kung paano ko kakayanin na makita ang asawa ko na nasa kritikal na kalagayan. Panay ang hagod sa aking likod ng kasam bahay na isinama ko para alalayan ako. "Señorita, lakasan niyo po ang loob niyo. May awa po ang Diyos. Huwag po sana kayong panghinaan ng loob. Ang importante po ay buhay si Sir at magkakasama pa kayo." paulit-u

  • Played by Mafia & Billionaire    Aksidente

    Baliw sa pag-ibig na nararamdaman at nilamon na ng matinding pagnanasa si Xander to the point na malaki na ang kaniyang pinagbago. Hindi ganito si Xander pero dahil nga sa labis na pagmamahal niya sa dalagang si Alfa ay tuluyan na siyang nag-iba. Talagang inabangan ni Xander ang opisina ni Andrei dahil malakas ang hinala niya na dito ito pupunta pagkatapos na tumakas mula sa kamay niya. Nang makita niya na nagtungo si Alfa sa opisina nito ay labis siyang nanggalaiti sa galit. Gumawa siya ng paraan para sirain ang pagsasama ng dalawa. Iniisip ni Xander na poprotektahan ito ni Andrei mula sa kaniya kaya inunahan na niya ito. Pinasok niya ang kotse nito nang walang nakakakita. Nagtago sa likod at nag-antay ng tamang pagkakataon bago umatake. Isang oras mahigit din siya nag-antay sa loob ng nasabing kotse. nagtiis sa init at kulang na bentilasyon ss loob. Hindi iyon ininda ni Xander bagkus ang tanging nasa isip niya ay mabawi si Alfa at patayin si Andrei. Oo. umabot na talaga siya

  • Played by Mafia & Billionaire    Baliw

    ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi ko alam na darating pala ang araw na ito, ang kamumuhian ko ang mukhang ito. Ang mukha ni Alfa na buong buhay kong minahal. Wala na itong dating sa akin ngayon dahil hindi naman talaga ang mukha niya ang minahal ko kung hindi ang pagkatao ni Alfa na siyang si Dianne na ngayon. At itong kayakap ko ngayon, isa siyang impostor. Ang akala niya siguro ay mapapaniwala niya ako. Huwag niya ako itulad sa iba. Hindi ako tanga. Alam kong peke siya dahil asawa ko na ngayon ang taong may ari ng mukha na iyan. Gusto ko siyang itulak at sitahin. Gusto ko siyang takutin hanggang sa mapaamin. Alam kong hindi naman mangyayari yon dahil hindi siya aamin. Nagawa niya ngang gumaya ng mukha na siyang nakababahala sa tahimik namin na pagsasama ni Dianne. Alam kong paghihiganti ang motibo ng taong ito at kung totoo ang hinala ko, hindi ko siya mapapayagan. "Andrei... Andrei, I Miss you so much! "I'm sorry, Andrei. I'm sorry kung bakit ngayon lang ako dumating. Ma

DMCA.com Protection Status