Nagawang maglasing ni Stefano dahil sa mga naikwento ni Paul. Siya sa sarili niya, ayaw niya iyong paniwalaan dahil naniniwala siya na totoong anak niya si Alfa. Nabigla talaga siya. Never pumasok ss kaniyang isipan na hindi niya iyon anak. Ang kinaiinis niya ay bakit nabanggit ni Paul ang tungkol doon. Kung tutuusin ay bisita siya at hindi naman akma na sirain niya ang imahe ng asawa niya sa harap ng bisita. Oo. bisita ang pakilala niya kay Paul at noong matalino niyang sinuri ang mga inasal ni Paul kagabi, halata dito na sinasadya nitong marinig niya ang tungkol sa nakaraan ni Cassandra. Ibig sabihin, may alam ito sa nakaraan nila ni Cassandra. "Tama! balak niya lang akong saktan dahil takot siya at obvious na nagseselos. Matanda na siya at imbalido pa, marahil iniisip lang ng Paul na iyon na si Cassandra ang habol ko. Nakakatawa! Nakuha niya pang mag-imbento ng mga kuwento para lang saktan ako at mamuhi kay Cassandra. " sa isip-isip ni Stefano. Kinukumbinsi niya ang sarili n
"Hindi ko anak si Alfa. Hindi natin siya anak. Nasa tiyan pa lang ang anak nating na dalawa ay namatay na siya at hindi ko na para balikan pa ang sakit ng nakaraan. Uulitin ko, hindi natin anak si Alfa. Anak siya ng kaibigan ko sa pagkadalaga. Alfa ang pangalan ng kaibigan ko kaya Alfa na lang din ang ipinangalan ko sa sanggol. Tinanggap ko si Alfa dahil isa akong ina na nawalan ng anak. tinuring ko siya na parang tunay kong anak kaya lang ay noong gabing pinipilit mo ako na paaminin kung nasaan ang anak natin... Noong gabing hinalikan kita at aksidente mong nasagot ang tawag ni Paul.... doon na pinag-initan ni Paul ang bata. Nagalit siya sa akin at iniisip na palihim tayong nagkikita. Inamin ko kay Paul ang katotohanan tungkol sa tunay na pinagmulan ni Alfa. Still, hindi niya pa rin natanggap ang bata. Tinakot niya ako na papatayin niya ang bata kaya naisip ko na ibigay siya sa mga taong busilak ang mga puso. Kaya napilitan akong magsinungaling. Gusto ko lang naman na may magmahal ka
Lumipas ang buong magdamag na paghahanap ay hindi pa rin nakita ni Stefano ang lumayas na anak. Ginamit na niya ang koneksyon at lahat-lahat ngunit sadyang mahirap hanapin ang ayaw na magpahanap. Lumayas si Alfa matapos niyang malaman na siya ay ampon. Nasaktan ito pero higit na nasaktan si Stefano. Imagine, pinalaki niya at minahal ang bata na hindi naman pala niya ka-ano ano. Mahirap kay Stefano na tanggapin ang katotohanan pero mas nanaig pa rin sa kaniya ang pagiging ama. Yung tipong kahit nalaman niya ang panloloko ni Cassandra ay nananatiling anak pa rin ang tingin niya kay Alfa. Sa kanila ito lumaki hanggang nagkaisip. Nagagalit si Stefano kay Cassandra ngunit hindi siya nagagalit kay Alfa. Hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Dahil desperado na si Stefano at hindi nalalaman ang gagawin, hindi na siya nakatiis at ipinaalam na sa kaniyang asawa ang nangyari. Nasa America pa rin si Derie kasama ang anak niyang si Andrei at nagulat talaga ito sa biglang pagtawag ni Stef
Pagdating ni Derie May sa Pilipinas ay dumiretso kaagad siya sa bulacan kung nasaan ang mansyon na tinitirhan nila. Pagdating niya doon ay agad niyang binitawan ang maleta at tumakbo para yakapin ang asawang si Stefano. Pareho silang naging emosyonal. Katatapos lang makipag-ugnayan ni Stefano sa mga Pulis dahil nasa 24 oras nang nawawala si Alfa. ""Kumusta? ano ang balita kay Alfa?" tanong ni Derie matapos nilang magbitaw ng yakap. Bilang isang ina na may nawawalang anak, hindi niya makuhang kumalma. "Wala pa rin. Hindi pa rin siya umuuwi. Nag-report na ako sa mga Pulis at doble na ang ginagawa nilang pagkilos." Malungkot na pagkakasabi ni Stefano. Ang amang nanghihina na sa pag-iisip kung saan hahagilapin ang anak. "Diyos ko! bakit ba kasi? Ano ba ang naging problema? bakit lumayas ang anak natin? hindi naman niya ginagawa ang mga bagay na ito dati." ito talaga ang malaking katanungan kay Derie. Kung bakit lumayas ang anak. As far as her knowing, maayos ang mag-ama at never it
ALFA POV Isang araw pa lamang akong naglalayas pero hindi ko na agad kinakaya ang buhay sa labas. Lumaki ako na pinagsisilbihan at naibibigay ng husto pero ngayong lumayas ako, dito ko na-realize na wala ako kung walang apelyido na Avendaño na nakadikit sa akin. Yung tipong ganito pala kung wala ako nang mga bagay na ibinibigay sa akin nila mommy at daddy. Siguro kailangan ko nang masanay dahil ito talaga ang buhay na dapat para sa akin. kung hindi dahil kay Cassandra ay hindi ko mararanasan ang mabuhay nang marangya. Mahirap ang sitwasyon na mayroon ako ngayon pero pasasaan pa at makakaya ko din ito. Iyon ang akala ko, Dahil hindi pa man din ay sinubok agad ako nang pagkakataon. Akala ko talaga ay katapusan ko na. Akala ko ay mamamatay na ako sa sobrang sakit matapos kong kumain ng pagkain na hindi ko naman kinalakihan na kainin. Sumakit nang sobrang sakit ang tiyan ko at mabuti na lang ay nadala ako sa ospital. Nagamot nga ako pero problema ko naman ang pagbabayad dito. Un
Everything comes back from where it Begins. Mayroon pang dalawang buwan si Alfa para enjoyin ang buhay dito sa Pilipinas especially ang mainit na klima dito kaya naman sinulit nila ng boyfriend niyang si Xander ang paglabas-labas. Nang malaman ni Xander na sa America na mag-aaral si Alfa ay biglang sa America na rin niya gustong mag-aral. At bilang sa katulad niyang may magulang na Afford ang kahit anong eskwelahan na gustuhin niya, hindi iyon naging imposible. Buhat nang sinabi ni Alfa sa kaniya na sa Amerika na mag-aaral, ura-uradang pinaayos ni Xander ang kaniyang mga gagamitin na papeles para makapag aral abroad. "Eka nga sa kanta, if I could, then i would. i'll go whenever you will go. Anong malay ko kung makakita ka ng mas pogi sa akin doon?" "Sira! nandoon si Andrei. Sa tingin mo papayag yon?' "Sabagay. Baka nga kahit ako hindi pumayag yon na lumabas ng ganito kasama mo. Sobrang strict non pagdating sa 'yo. Naku, mabuti na lang talaga kapatid mo siya kung hindi pagsesel
Not just because people had to leave, it doesn't mean they don't even care. Life is full of challenges and trials that test our resilience. In Alfa's story, her strength was tested, but in the end, her weakness prevailed. Although she may have lost the battle of life, the most important thing for her was to see her child in the final moments of her life. The love for her child gave her meaning and happiness despite the challenges she faced. Nagkamali siya at huli na para itama ang lahat. Ang iyak niya kay Cassandra. She begged to see her child. "Please, dalhin mo ako sa anak ko. Hindi ko sigurado kung bukas ay magigising pa ako. Cassandra, gusto ko lang talaga makilala ang anak ko." Napabuntong hininga si Cassandra ng malalim. Naawa siya kay Alfa kaya naman pinag isipan niya talagang maigi kung dadalhin niya ba ito sa mansyon ng mga Avedaño kung nasaan ang anak nito. Inisip niyang mabuti hanggang sa huli, napagdesisyunan niya na ibigay ang huling hiling nito. "Sige. Dadalhin ki
Mga labing-pitong taon na ang lumipas mula nang iwan ng kanyang ina ang anak, isang yugto ng kanyang buhay na puno ng mga tanong na hindi nasagot at isang matinding damdamin ng pag-iwan. Ang sakit ng paghihiwalay ay nag-iwan ng isang puwang sa kanyang puso, isang kawalan na natutunan niyang dalhin nang may tahimik na lakas at matatag na paninindigan. Isang araw, isang mensahe ang dumating sa anak, nagdala ng balita na magbubukas ng mga matagal nang nakatagong pinto sa kanyang puso. Ang kanyang ina, ang taong iniwan siya ng maraming taon na ang nakalilipas, ay may sakit ngayon at nangangailangan ng kanyang presensya. Ang mga damdaming matagal nang nakabaon ay muling sumibol, isang alon ng galit, kalituhan, at isang bahagyang pagmamahal para sa isang koneksyon na nawala sa paglipas ng panahon. Habang nilalabanan ni Alfa ang bigat ng hindi inaasahang balitang ito, natagpuan niya ang kanyang sarili na nakatayo sa isang krusada ng damdamin at desisyon. Ang mga sugat ng nakaraan ay nana